CHAPTER 21

LARA

Umaga na at pinayagan na akong lumabas ng doctor dahil mabuti na raw ang pakiramdam ko. Yung lalaki na narito kanina, siya ang nagbayad sa gastos dito sa hospital. Inaayos ko ang damit ko ng may pumasok, iniisip ko kung ano ang pangalan niya nakalimutan ko.

"Ihahatid na kita." Wika nito.

"Seth? Tama ba?" Sabi ko at tiningnan niya akong mabuti, nakapamulsang sumandal siya sa gilid.

"Salamat pala dahil dinala mo ako dito at ikaw pa ang nagbayad, ngunit wala akong pambayad sa'yo. Pero sabihin mo lang kung anong kapalit ang gusto mo kahit na ano pa 'yan gagawin ko." Seryosong sabi ko.

"Kung sa pera hindi ko kailangan, kung sa'yo naman." Putol nito sa sasabihin niya.

"Kahit ano, sige lang. Pero isa lang gusto ko, sana tulungan mo akong maiba ang pagkatao ko. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, dahil gusto kong..." Nakayukong sabi ko at muli kong naalala ang nangyari kagabi, agad na pinahiran ko ang luha ko.

"Paano ka magbabago ko kung madali kang umiyak? Kung gusto mong mabago ka. Turuan mo ang puso mo na maging matigas."

Napaangat ang mukha ko dahil sa sinabi ni Seth, nakatingin lang kami sa isa't isa.

"Tama ka, dapat hindi ako maging iyakin. Salamat, pero pumapayag ka ba? Lahat gagawin ko kahit ang sarili ko ibibigay--"

"Marami ng babae ang nagdaan sa akin, hindi ako interesado. Tumayo ka na diyan dahil nauubos ang oras ko dito." Sabi niya.

Tumayo ako at sinundan ko lang siya ng tingin palabas nang pinto, lumabas na rin ako. Desidido na ako, alam ko kabaliwan itong gagawin ko pero gagawin ko ito para sa nanakit sa akin.

Nakita ko si Seth na naghihintay sa akin, hindi ko inaasahan na bigla niya akong hawakan sa kamay at hatakin palabas ng hospital. Nakatingin lang ako sa kamay ni Seth, habang naglalakad kami.

Hindi naman siguro masamang gumanti hindi ba? Masama rin ba gumamit ako ng iba?

Ito ang nasa isip ko hanggang sa sinakay na ako ni Seth sa kotse niya, alam kong mayaman siya kaya desperada na ako. Kahit na ano pa ang mangyari ang gusto ko lang makaganti sa taong nanakit sa akin.

"Hindi ko alam kung ano ang problema mo, ngunit kung gusto mo gumanti. Siguraduhin mo na kakayanin mo hanggang sa huli."

Napatingin ako kay Seth na nasa manibela na at pinaandar na ang makina. Tumango ako sa kanya dahil handa na ako.

"Seth, bakit ka pumayag sa gusto ko?" Tanong ko pero ako nakatingin sa kanya, nagtataka lang ako dahil pumayag agad siya.

"Hindi ko alam." Sagot niya lang.

"Salamat pa rin, hayaan mo susuklian ko ang ginawa mo na 'to." Nakangiting sabi ko.

"Laura,"

Natigilan ako sa sinambit niya at nagtataka ako.

"Laura?" Ulit ko pa.

"Bago mong pangalan, kalimutan mo na ang Lara."

Natigilan ako dahil tanda niya rin ang pangalan ko, bigla akong nailang dahil nakatitig lang siya sa akin.

"Laura, magandang pangalan." Wika ko at lumingon ako sa bintana, seryosong nag-isip ako.

Laura, wala na ang Lara. Sisikapin kong sa paghaharap natin Arkin, hindi na ang dating Lara ang makakaharap mo.

---------

Huminto ang kotse sa isang magarang bahay ang laki at halos puro salamin ang nakikita ko sa labas, napalapit ako sa bintana dahil ang ganda sa labas. Ang daming tanim na mga bulaklak, may fountain pa sa may gitna pero ang disenyo ay buwan na may star tapos gawa ito sa salamin.

"Come on,"

Napaharap ako lumabas na pala si Seth, lumabas na rin ako at namangha ako sa bahay dahil ang ganda at ang linis-linis. Ang hagdan paakyat doon sa malaking pintuan ay ang kintab halatang laging nililinisan.

"Magandang umaga sir." May bumati kay Seth.

"Dalhin niyo siya sa katabing silid ko, bago 'yun pakainin niyo muna siya. Pumunta ka mamaya sa akin Ms. Annie." Wika ni, Seth.

"Masusunod po." Sagot ng babae na nasa kuwarenta na siguro, may dalawang babae rin ang nasa gilid nito.

"Sumunod po kayo sa akin." Nakangiting aya sa akin nitong babae na maayos ang suot, habang yung dalawa ay pareho ang kasuotan mukhang sila ang kasambahay dito.

"Salamat po." Sagot ko.

"Ma'am ano pong pangalan niyo?" Tanong sa akin ng na maikli ang buhok na medyo payat.

"Oo nga po, pero sandali kayo ba ang mapapangasawa ni sir, Seth?"

"Puwede ba manahimik kayong dalawa? Bakit hindi niyo mapigilan ang bibig niyo sa kadaldalan." Sermon sa kanila nitong ginang.

"Patawad mo, Ms. Annie." Sambit ng dalawa, napangiti ako.

"Lara- Laura ang pangalan ko." Pagtatama ko at ngumiti ang dalawa sa akin habang nakasundo kami dito kay, Ms. Annie.

"Ipaghanda niyo siya para makakain siya, Laura tama ba? Babalikan kita dito mamaya." Paalam ni Ms. Annie.

Tumango lang ako at naupo ako, ang laki ng sala nila at babasagin ang lamesa.

"Saglit lang ma'am, ipaghahanda ka namin ng makakain." Paalam ng dalawa.

Naiwan akong mag-isa dito sa magandang lamesa, naisip ko na bukod sa tatlong babae dito kanina may iba pa kaya siyang kasama?

"Ito po masarap ito kare-kare si Ms. Annie, mismo ang nagluto nito. Wala kasi yung chef namin dito naka-day off ." Sabi ng medyo maliit na babae.

"May chef dito?" Hindi makapaniwalang sabi ko at tumango silang dalawa.

"Ma'am Laura, ako nga pala si Betty." Pakilala nitong payat na babae.

"Ako naman po si, Mara." Pakilala naman nitong maliit na babae, kinamayan ko sila pareho.

"Salamat," ngiting sagot ko.

"Alam niyo po, maganda kayo mas lalo na siguro kung maayusan at mabihisan kayo. Kaya siguro nagustuhan kayo ni sir, Seth." Si Betty na kinikilig.

"Ngayon lang nag-uwi si sir ng kagaya niyo kaya nagtataka kami, pero masaya kami kasi may love life na sir, ang gwapo pa naman niya." Hagik-gik ng dalawa.

Napangiti na lang at kahit paano gumaan ang dibdib ko at nakalimutan ko ang sakit. Marami akong nakain dahil ang sarap ng pagkain na hinanda sa akin.

"Sumunod ka sa akin, Laura ba?"

Napatango ako kay Ms. Annie na dumating dito, saktong tapos na akong kumain.

"Betty, dalhan ng mga bagong unan at sapin ang kama sa pangatlong palapag." Utos nito kay Betty, agad na kumilos naman ito.

Sumunod naman ako kay Ms. Annie, hanggang sa huminto kami sa parang pinto pero bigla itong bumukas. Bahagyang natigilan pa ako at hindi agad nakakilos.

"Pumasok ka na." Aya nito sa akin, tumango ako pumasok sa loob. Nagsara ulit 'yun at mayamaya'y biglang gumalaw napahawak pa ako kay, Ms. Annie.

"Ngayon ka lang ba nakasakay sa elevator?" Takang tanong niya.

"Opo," nahihiyang sagot ko.

Simpleng ngiti lang ang binigay ni Ms. Annie sa akin, hindi naman nagtagal ay huminto na ang elevator. Lumabas kami at nagpalinga-linga ako sa paligid dahil ang linis din dito at ang mga naka-design sa mga bawat kanto ay mukhang babasagin at mamahalin.

Talaga pa lang mayaman siya.

"Ito ang magiging silid mo, may hinanda akong damit riyan. Babalik ako dito mamaya, may pupuntahan tayo." Seryoso lang ang mukha ni Ms. Annie.

Tumango ako at pinapasok niya na ak sa loob, natigilan ako ng mag-isa na lang ako dahil ang laki ng silid. Parang mas malaki pa ito sa inupahan namin na bahay. Natigilan ako ng maalala ang bahay na inupuhan namin ni Arkin, 'yung bahay na 'yon na nagkaroon kaming dalawa ng pangarap. Ngunit sa isang iglap lang ay biglang naglaho.