Chapter 20
LARA
Gabi na at inabangan ko si Lesly na lumabas, sasabay ako sa kanya sa pagpasok niya. Bahagya pa siyang nagulat ng makita ako.
"Nandiyan ka pala, Lara." Nakangiting bati niya sa akin.
"Puwede ba akong sumabay sa'yo? Pupunta lang ako kay, Arkin." Sabi ko sa kanya.
"Ha? O-oo sige." Sagot niya.
Sumunod ako sa kanya ng maglakad na siya, gusto kong magtanong kay Lesly pero hindi ko alam kung ano ang gusto kong itanong sa kanya.
Nasa loob na kami ng kotse kung saan ang service niya ay tahimik lang ako habang nag-iisip.
"Lara,"
Napalingon ako kay Lesly.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam kung anong nangyari, pero wala akong alam." Sabi niya.
Hindi ako sumagot at tumingala ako para pigilan ang luha ko.
"Ayos lang, pero kilala mo ba 'yung babae?" Tanong ko na sa bintana nakatingin.
"Siya ang may-ari ng club at boss namin."
Hindi ako nakasagot dahil siya pala ang may-ari at boss nila, ibig sabihin boss rin siya ni, Arkin.
Nakarating na kami ulit sa club na hindi ako nagsasalita, humugot ako ng malalim na paghinga paglabas ko ng sasakyan.
"Dito ka na lang Lara, tatawagin ko siya."
Tumango lang ako kay Lesly, naiwan ako dito sa tapat ng entrance. Malamig at napahimas ako sa braso ko. Palingon-lingon ako sa paligid, wala namang ibang tao dito dahil puro kotse lang ang nandito. Hanggang sa bumukas ang entrance, lumabas ang lalaking minahal ko simula pa lang bata ako.
Si Arkin, siya lang ang nag-iisang lalaking minahal ko. Lalapit na sana ako agad sa kanya pero hindi ko ginawa dahil may lumabas rin na babae at humawak sa braso niya. Nilakasan ko ang loob ko at pilit na nilalabanan ang kirot. Paglapit nila sa akin ay kay Arkin lang ako nakatingin, gusto kong isipin na siya lang nandito.
"Bakit nandito ka?" Wika ni, Arkin.
"Arkin, nandito ako para ibalik sa'yo tong susi ng bahay natin." Abot ko sa kanya ngunit tiningnan niya lang ang kamay ko.
"Mabuti pa umalis ka na." Malamig ang boses na sabi niya.
Umiling ako at nag-iinit na ang gilid ng mata ko, gumalaw ako at inabot ko ang kamay niya para ilagay ang susi pero binitawan niya 'yon. Kasabay ng pagbagsak ng luha ko.
"Come, Arkin. Pumasok na tayo sa loob, masiyadong madrama na dito." Dinig kong sabi ng babae.
"Arkin, halika na umuwi na tayo." Hawak ko sa kamay niya pero tinabig ako ng babae.
"Hindi ba sinabi niya na sa'yo umalis ka na? Tagalog na 'yon hindi mo pa nauunawaa?"
"Arkin, sige na halika na umuwi na tayo." Muling aya ko sa kanya at hindi ko pinansin ang sinabi ng babae. "Lumuwas tayo Maynila, para magsama tayo hindi ba? Saka sabi mo magpapakasal-"
"Tumigil ka na, lahat ng pinangarap natin wala na 'yon. Hindi ko na 'yun magagawa, dahil hindi ko kayang gawin. Kaya umalis ka na at huwag ka na ulit babalik dito."
Tuluyan ng bumagsak ang luha ko ng talikuran na ako ni Arkin, nagsisikip ang dibdib ko. Hindi ko matanggap na sa ganito lang mauuwi ang lahat.
"Arkin!" Muling tawag ko at balak kong habulin ito pero may ilang lalaki ang humarang sa akin. "Padaanin niyo ako, kakausapin ko siya. Kapag kaming dalawa lang alam kong makikinig siya sa akin." Pagpipilit ko.
"Puwede ba? Umalis ka na? Gumagawa ka lang ng walang kuwentang eksena dito."
Natigilan ako sa nagsalita at naalala na nandito pa pala ang babae.
"Anong ginawa mo kay, Arkin? Bakit inagaw mo siya sa akin?"
Parang batang sabi ko at pakiramdam ko wala ng lakas ang tuhod ko para tumayo ng tuwid.
"Hindi ko siya inagaw sa'yo, dahil kusa itong nangyari. Siguro hindi talaga kayo ang para sa isa't isa." Nakangiting sabi nitong babae.
"Hindi yan totoo, mahal ako ni Arkin." Mahinang sabi ko.
"Kung mahal ka niya bakit hindi siya sumama sa'yo?"
Hindi ako nakasagot sa mapang-asar na sabi nitong babae.
"Huwag niyong hayaan na makapasok ang babae na 'yan."
Utos pa ng babae dito sa mga lalaki na nakaharang sa akin. Gumalaw ako at tumalikod, dahan-dahan na naglakad ako.
Arkin, wala na ba talaga? Iniwan mo na ba talaga ako? Bakit ba nagkaganito? Panaginip lang ba 'to? Dahil kung oo gusto ko ng magising.
Muli na namang nagbagsakan ang luha ko sa mata at wala akong pakialam kung may makakita man sa akin na umiiyak ako. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at walang pakialam sa nadaraanan ko.
Ano pa at uuwi ako? Wala naman ang lalaking mahal ko?
Nagpatuloy ako sa paglakad at hanggang sa kalsada ay wala akong pakialam. Ngunit paglingon ko may paparating na sasakyan, hindi ako kumilos at hinintay ko na makalapit 'yun sa akin hanggang sa masilaw ako at akala ko bubungo na sa akin ang kotse dahil kusa 'yun huminto. Pero bigla na lang naramdaman ko na bumagsak ako sa semento at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
"Nahilo lang siya, wala naman kaming nakitang sugat o galos sa katawan niya. Maiwan ko muna kayo."
Dinig kong sabi ng lalaki at unti-unting dumilat ang mata ko.
"Nasaan ako?" Tanong ko at makita ang lalaking nakatayo sa harapan ko, parang nakita ko na siya at hindi ko lang matandaan kung saan.
"Hospital, bigla ka na lang hinimatay kanina."
Sagot ng lalaki hindi ako sumagot at malalim na nag-isip at naalala ang nangyari kagabi.
"Sino ka?" Tanong ko dito.
"What?" Salubong ang kilay na sabi nito.
"Hindi kita kilala." Sabi ko at sa ibang direksyon ako tumingin, nadinig ko pa ang mahinang pagtawa niya.
"Look, nawalan ka lang ng malay kaya paanong nakalimot ka?"
"M-maaari bang h-hayaan mo na lang ako makalimot?" Mahinang sabi ko at namuo ang luha sa gilid ng mata ko. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya, naalala ko na kung saan ko siya nakita sa parke.
"Hayaan mo akong isipin ko na nakalimot ako, gusto kong kalimutan ang sakit na narito sa puso ko." Sabi ko at gumaralgal na ang boses ko, tumagilid ako para itago ang sakit na nararamdaman ko.
Sana nagkaroon na lang ako ng amnesia para sa ganun makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon.