CHAPTER 19

LARA

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay, pabagsak na hiniga ko ang katawan ko. Tulala ako habang nakatingala sa kisame, maraming pumapasok sa isipan ko.

Wala ito, hindi ito totoo alam kong wala lang 'yon lalo na sa mga kinikilos ni Arkin.

Mariin na pinikit ko ang mata ko upang makatulog pero bigla na lang naglandas ang luha ko. Hindi ko na napigilan, napatagilid ako at tahimik na umiiyak. Hindi ko alam kung anong oras ako tumigil sa pag-iyak at nakatulog na ng tuluyan.

-----------

Napabalikwas ako ng bangon, gumala ang mata ko sa paligid tahimik.

"Arkin?" Tawag ko at tumayo ako, umaga na dahil sa bintana ay nakita ko ang liwanag.

Nalungkot ako dahil walang Arkin, balak ko sanang bumalik sa paghiga ng narinig ko sa may pinto na may bumukas. Napangiti ako at agad na lumapit ako sa pinto, ako na ang nagbukas. Agad na yumakap ako kay Arkin pagkabukas ko ng makita ko siya.

"Arkin, akala ko hindi ka uuwi." Naiiyak na sabi ko, mahigpit ko siyang niyakap.

"Baka ito na ang huling uwi ko."

Napaalis ako sa pagkakayakap sa kanya dahil sa narinig ko, napailing ako at nangilid muli ang luha ko.

"B-Bakit naman? Hindi ka naman nagbibiro hindi ba?" Nakangiting sabi ko at nilalabanan ko ang sakit na nararamdaman ko.

"Totoo ang sinabi ko, Lara." Seryosong sabi niya at inabot sa akin ang susi.

"Hindi, hindi ako naniniwala Arkin. Alam kong naguguluhan ka lang, sandali pumasok ka muna. Sabihin mo lang sa akin at maiintindihan ko 'yon." Aya ko sa kanya kahit pa ang sakit-sakit na ng nararamdaman ko.

"Wala na akong dapat pang sabihin sa'yo, aalis na ako."

Tumalikod na siya sa akin.

"Arkin, bakit? Bakit ka ba nagkakaganyan? Iiwan mo na ba talaga ako? Paano na 'yung pangarap nating d-dalawa?" Sunod-sunod na nagpatakan na ang luha ko at hindi ko na ito pinigilan pa.

"Kahit ipaliwanag ko sa'yo walang mangyayari." Nakatalikod na sabi niya na hindi ako tinitingnan.

"Ipaliwanag mo sa akin, kung dahil doon sa babae. Tanggap ko naman, alam kong hindi mo 'yun sinasadiya pero huwag naman sana umabot sa ganito, Arkin." Yumugyog na ang balikat ko at pakiramdam ko nagsisikip na ang dibdib ko.

"Hindi rin tayo matatahimik, ito na lang ang masasabi ko sa'yo Lara... Patawarin mo ako."

"Arkin!" Tawag ko sa kanya dahil naglakad na siya at iniwan ako, napahawak ako sa pinto dahil para akong nanlalambot.

Sa loob ng bahay tulala ako at walang ginawa kung hindi ang umiiyak, kahit gutom ako ay wala na akong pakialam.

"Lara?"

Dinig kong tawag sa akin pero hindi ko 'yun pinasin, patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Lara, anong nangyari?"

Napalingon ako sa nagsalita si Mary, nilapitan niya ako at hinawakan sa braso. Kumilos ako at yumakap bigla sa kanya, nag-iiyak ako sa balikat niya at pakiramdam ko mas lalong tumindi ang sakit na nararamdaman ko.

"Bakit ka ba umiiyak? Nasaan ba si Arkin?"

Hindi ako sumasagot panay lang ang iyak ko dahil parang hindi mauubos ang luha ko. Nilayo ako ni Mary at pinasandal, hinawi ang magulo kong buhok.

"Sandali kukuhanan kita ng tubig."

Hindi ako sumagot, muling lumapit si Mary sa akin at binigyan ako ng tubig. Pinainom niya 'yon sa akin.

"Sabihin mo nga ano ba ang nangyari?"

Tiningnan ko si Mary, muling nag-init ang dalawang sulok ng mata ko.

"A-anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Iniwan ako ni, Arkin." Umiiyak na sabi ko.

"Ha? Pero paano? Bakit?" Hindi makapaniwalang sabi ni, Mary.

"H-hindi ko alam." Umiiyak na sagot ko.

"May babae ba siya?" Muling tanong ni Mary.

Tumango ako dahil 'yun ang dahilan, kahit hindi ko pa direktang nalaman o nakitang may relasyon sila.

"Kung ganun, bakit ka umiiyak lang diyan? Gumawa ka ng paraan, ibalik mo siya sa'yo. Sino ba ang demonyong babae na 'yang lumandi kay, Arkin?" Galit na wika ni, Mary.

Hindi ako sumasagot at naisip ang sinabi ni Mary, pero kapag naalala ko ang itsura ng babae na karga ni Arkin. Nanliliit ako dahil ang ganda niya at mukhang mayaman.

"Lara, matagal na kayong mag-nobyo ni Arkin hindi ba?"

Tumango ako sa sinabi ni, Mary.

"Kaya kilala mo siya, ngayon kausapin mo siya ulit. Gawin mo ang lahat para bumalik siya sa'yo."

Tumango ako kay Mary, dahil tama siya kailangan may gawin ako huwag muna ako sumuko o umiyak na lang basta.

"Ito may dala akong ulam, kumain ka huwag mo pabayaan ang sarili mo. Ang ganda mo pa naman, nako baka nha mamaya mas maganda ka pa sa babae na 'yun kapag naayusan ka." Nakangiting sabi ni, Mary.

"Salamat, Mary."

Sabi ko dahil kahit paano gumaan ang dibdib ko.

"Tumigil ka na sa pag-iyak namamaga na 'yang mata mo." Natatawang sabi niya. "Gusto mo ba na tulungan kita?" Seryosong tanong niya.

"Hindi na, Mary. Pero salamat sa mga sinabi mo, mabuti nagpunta ka dito." Naiiyak na sabi ko.

"Huwag mo na isipin 'yun saka hindi ko kayang makita ko ang babaeng tulad ko na umiiyak." Nakangiting sabi nito. "Siya sige na maiwan na kita, iniwan ko lang sandali ang mga anak ko."

Tumango ako at umalis na si Mary, napatingin ako sa susi na binigay ni Arkin na nahulog sa semento kanina. Inabot ko 'yun.

Ibabalik ko ito sa'yo Arkin, kahit na ano pa 'yan ay matatanggap ko. Huwag mo lang ako iwan, mahal na mahal kita Arkin.