CHAPTER 17
LARA
Pag-uwi ko galing kila Mary, tahimik na nakaupo ako sa sopa at naalala ang napag-usapan namin ni, Mary. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng takot sa isipin na magkakaroon ng ibang babae si, Arkin. Ngunit ganun pa man alam kong hindi iyon magagawa sa akin ni Arkin, dahil kahit noon pa man ay wala kaming naging problemang dalawa.
Tumayo ako at kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may messsage si Arkin, wala akong nakitang message niya. Naisip ko na i-message siya para kamustahin at tanungin kung kumain na ba siya. Matapos kong isent ang message ko naghintay ako ng ilang saglit dahil baka mag-reply siya, pero wala kaya napabuntong hininga ako. Tumayo na ako para bumili sana sa labas ng biglang mag-ring ang cellphone ko.
Agad na dinampot ko at napangiti ako sa sobrang saya dahil si Arkin, sinagot ko agad yun na may hatid na excitement.
"Hello, Arkin?" masayang bati ko.
"Kumain ka na?" tanong niya at nangilid ang luha ko sa sobrang sa'ya ko dahil narinig ko ang boses niya.
"Bibili pa lang ako ng uulamin ko, ikaw kumain ka na? Kamusta naman trabaho mo diyan hindi ka ba nahihirapan?" sunod-sunod na tanong ko pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya, nadinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.
"Patawarin mo ako, Lara."
Natigilan ako bigla dahil sa sinabi nya, nagtataka man ay hindi ko yun pinahalata sa kanya, ngumiti ako pero naroon ang kabang nararamdaman ko.
"Ano bang sinasabi mo, Arkin? huwag kang humingi ng tawad, ayos lang naman na hindi ka nakauwi ngayon naiintindihan ko." masayang sabi ko.
"Hindi yon ang ibig kong--"
"Arkin?" tawag ko dahil naputol ang tawag niya sa akin at hiindi na natapos ni Arkin ang sasabihin niya sa akin dahil nawala ito bigla sa kabilang linya.
Nakatingin lang ako sa cellphone kahit tapos na ang tawag ni Arkin, hindi ko alam kung paano ano ang iisipin ko ngayon naghalo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makakilos ng maayos dahil nasa isipan ko ang sinabi ni, Arkin.
Wala akong ginawa sa maghapon, nakahiga lang ako at malalim na nag-iisip. Nakaramdam na ako ng gutom at naisipan kong lumabas para bumili ng meryenda dahil alas kuwatro na nang hapon, hindi ko nagawang mang-tanghalian kanina.
Paglabas ko sarado ang pinto ng bahay ni Lesly, marahil ay tulog pa ito. Dire-diretso akong naglakad papunta sa hagdan. Hindi ganon kainit dahil hapon na, maraming bata ang naglalaro at naghahabulan sa labas. Nagtungo ako sa tindihan at nakita ko na nagkukuwentuhan na naman 'yung tindera at yung dalawang babae na nakausap ko nakraan, wala lang doon yung nagtitinda ng pandesal.
"Ineng ikaw pala," nakangiting bati sa akin ng tindera.
Ngumit at tumango lang ako ganun rin sa dalawang babae.
"Pabili po ako ng skayflakes at kape na double po yung original." Sabi ko at dumukot ako ng pera sa bulsa sa gilid nang bistida ko.
"Alam mo, dapat talaga sa club ni Mr. Guillermo maalis na 'yan. Mas matindi pa nga yata ang anak niyang babae ang namamalakad sa club na 'yon."
Dinig kong sabi ng isang babae na medyo kulot ang buhok.
"Nako, sinabi mo pa. Ewan ko ba hindi matanggal ang club na 'yan dahil palibhasa, ultimo pulis ay nakikinabang sa mga bayarang babae doob. Kita mo ang konsehal at mayor halos naroon rin." Malakas ang boses na sagot ng tindera.
"Tama ka diyan Miring, nako marami na ang naloko diyan sa club na yan at nasirang pamilya." Sabi naman ng isang babae na katabi nitong kulot na babae.
Naghihintay naman ako na i-abot na sa akin ang binibili ko dahil hindi ko alam kung ano ang ginagawa pa ng tindera. Hindi ko pinansin ang pinag-uusapan nila dahil hindi ko naman alam kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Pasensya ka na hinahanap ko ang gunting ko, lagi na lang nawawala dito sa pinaglalagyan ko." Sabi ng tindera.
"Ayos lang po." Nakangiting sagot ko.
"Tapos 'yang si Lesly, alam mo tingin ko kaya yan nandito at hindi umaalis nagmamatyag 'yan dito sa paligid." Muling sabi ng kulot ang buhok, pero doon natigilan ako dahil sa pangalan na nabanggit pero hindi ako nagsalita dahil hindi ko naman alam kung si Lesly na kilala ko ang tinutukoy nila.
"Mayang, yang si Lesly isa rin sa tukso dito sa ating lugar. Kaya hindi na tayo magtataka dahil sa club siya nagtatrabaho, isa rin sa mga bayarang babae. Wala naman ibang gagawin ang mga nasa club kung hindi magpaligaya ng mga lalaki."
Naibigay na sa akin ang binibili ko at nagtawanan sila dahil sa sinabi ng katabi nitong kulot na babae. Umalis na ako dahil ayoko ng marinig ang pinag-uusapan nila.
Nagmamadali ang bawat hakbang ko sa hagdan hanggang sa makarating na ako sa taas. Nakayuko ako habang naglalakad.
"Baka madapa ka."
Natigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses at napaangat ang mukha ko si, Lesly. Mukhang bagong gising pa lang ito.
"Ikaw pala." Nginitian ko siya. "Sige, pasok na ako sa loob." Sabi ko at tumango lang si Lesly, ngunit napahinto ako sa pagbukas ko ng pintuan.
"Lesly." Wika ko at napalingon siya sa akin.
"Bakit?" Nakangiting tanong niya.
"Maaari ba akong pumunta sa trabaho ni Arkin? Gusto ko lang siya makita kahit saglit lang." Sabi ko at hindi agad sumagot si, Lesly.
"Oo naman, sige sumabay ka sa akin mamaya pagpasok ko."
"Talaga? Salamat." Masayang sagot ko dahil pakiramdam ko miss na miss ko na si, Arkin.
Pumasok na ako sa loob at tiningnan ko pa cellphone ko kung may message si Arkin, wala kahit isa. Nagtimpla na ako ng kape at kinain ang biscuit dahil gutom na gutom na ako. Maghahanda rin ako ng pagkain ni Arkin para may kainin siya mamaya sa trabaho niya.