CHAPTER 13

ARKIN

Na sa gilid lang ako habang nakatayo at pinagmamasdan ang mga taong narito sa isang napagarang lugar. Magaganda ang kasuotan ng karamihan at masasabi mo na talagang galing sila sa marangyang pamumuhay.

Na sa restroom si Celine kaya naman nandito lang ako sa gilid dahil naiinip ako sa puwesto ko, wala rin naman akong ibang kausap doon. Hindi rin ako nakikinig sa mga pinag-uusapan nila, nagpasiya akong maglakad patungo doon sa bartender. Siguro iinom na lang ako kahit konti lang para naman malibang ako.

"Yes sir, ano po ang gusto niyo?" Nakangiting tanong sa akin ng bartender.

"Kahit ano lang." Nakangiting sagot ko dahil hindi ko alam kung anong mayroong alak doon.

"Sige sir, ito baka magustuhan niyo." Kuha nito sa isang bote at binuksan.

The Balvenie

Basa ko sa nakasulat sa bote, ngayon ko lang nakita ang ganun klaseng alak. Pagkaabot sa akin ay inamoy ko 'yon ang bango sa ilong, tinikman ko at gumuhit agad sa lalamunan ko ang init.

"Masarap ba sir?"

Tumango-tango ako at muling sinalinan niya ang baso ko, ngunit nalala ko naman si Celine dahil wala pa siya.

"Babalik ako sandali lang." Paalam ko at tumayo ako para puntahan si Celine.

May ilang nakasalubong ako sa pasilyo hanggang sa marating ko na ang restroom. Balak kong magtanong sa lalabas na mga babae doon kung sakaling hindi pa siya lumalabas, sumandal ako sa pader. Ngunit naagaw ng atensyon ko ang pinto sa may dulo na medyo nakabukas, humakbang ang paa ko palapit doon.

Akmang bubuksan ko ang pinto ng matigilan ako.

"Iba ako sa mga naging babae mo Seth! Hindi ako basta-basta! Kaya huwag mo akong itulad sa mga babaeng nagdaan sa'yo."

Dinig kong sabi ng babae at bigla kong naalala 'yung pangalan na Seth, narinig ko na 'yun kanina.

"Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo Celine? Wala ng maaaring mangyari pa sa atin, tigilan mo ako sa kabaliwan mo."

Inalis ko ang kamay ko sa seradura dahil si Celine pala ang naroon at tama ako na si Seth yung lalaki na nakita namin sa parking area. Napaangat ang mukha ko ng bumukas ang pinto at natigilan pa si Seth ng makita ako, ngunita agad rin nagbago ang mukha nito.

"Mabuti pa i-uwi mo na siya." Sabi nito sa akin.

Hindi ako nakasagot at nilagpasan na ako nito, sumunod na lumabas si Celine at nagulat siya ng makita ako. Napansin ko na namumula ang mata niya mukhang umiyak siya.

"Come on, umulis na tayo dito." Malamig ang boses na sabi nito sa akin.

Sumunod lang ako sa kanya at tahimik na pinagmamasdan ang mabilis na paglakad niya. Nagtungo kami sa kung saan naroon ang kotse niya, pinagbuksan ko siya at umikot ako sa kabila.

Pagpasok ko sa loob ay agad na pinaandar ko ang makina, tahimik lang ako at nakikiramdam sa kanya.

"Ibalik mo sa club."

Nilingon ko siya at tumango ako, sinundan ko ulit ang daan na dinaanan namin kanina. Habang nasa biyahe kami ay nagbalik sa isip ko ang narinig kanina, palihim na napasulyap ako sa boss ko na tahimik na nakatingin sa bintana. Pero sa huli naisip ko na hindi ko dapat yon problemahin.

-------------

Pagdating sa club marami ng customer dito, hindi ako sanay sa patay sindi na ilaw dahil parang sumasakit ang mata ko. Ngunit wala akong magawa dahil kailangan kong magbantay dito sa boss ko na kasalukuyang nag-iinom mag-isa.

"Halika nga dito!"

Malakas na tawag nito sa akin dahil maingay dito dahil sa sound, lumapit ako sa malambot na sopa. Sumenyas sa akin na maupo sa tabi niya, hindi naman ako kumilos agad.

"Maupo ka dito!" Namumungay ang matang muling utos niya sa akin.

Napatango ako at naupo ngunit nagbigay ako ng distansya sa pagitan naming dalawa.

"Samahan mo akong uminom, kapag sinabi ko. Iinom ka naiintindihan mo? Yan! Inumin mo na." Abot nito sa akin ng maliit na baso at halos matapon yon dahil sa pabagsak na paglagay niya sa harapan ko.

Hindi ako sumagot at ininom ko 'yun, matapos ay binalik ko 'yon sa kanya. Napalinga ako sa paligid at natigilan ako ng magtama ang mata namin ng taong kilalang-kilala ko. Walang iba kung hindi si Caloy, nakita ko ang pagkagulat sa mata niya pero agad rin 'yon nawala at balewalang umiwas ng tingin sa akin.

May katabing siyang babae at kumandong pa ito sa kanya, ayoko man mag-isip ng kung ano pero ito ang nakikita ko ngayon.

"Labas lang muna ako boss saglit." Paalam ko dahil parang kailangan kong sumagap ng hangin.

"Okey, lahat naman kayo iniiwan ako."

"Babalik ako." Sagot ko lang at tumayo na ako para lumabas sandali.

Paglabas ko agad na dinukot ko ang kaha ng sigarilyo ko na natupi, ilang piraso lang ang laman no'n. Naala ko na wala akong dala na lighter

"Gamitin mo."

Napalingon ako sa likuran ko dahil sa nagsalita si Caloy, may sindi na ang sigarilyo niya. Inabot ko 'yun at sinindihan ang sa akin.

"Nagulat ka ba kanina?"

Wika ni Caloy, nilingon ko lang siya at binuga ang usok.

"Oo," totoong sagot ko.

"Alam kong nakakagulat, pero wala na nalubog na ako dito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito matatakasan, kung hindi ko ito gagawin hindi ko maibibigay ang pangangailan ng mga anak ko." Seryosong sabi niya.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

"Kung iniisip mo na niloloko si Mary, oo dahil sa may babae ako. Pero hanggang doon lang 'yun dahil wala akong magawa kung hindi ang tanggapin ang babaeng ibibigay sa akin. Pero hindi ko iiwan ang pamilya ko ipagpapalit ang asawa ko. Ang amo ko ang nagdala sa akin dito at dinadagdagan niya ang sweldo ko kapag sumasama ako sa kanya dito."

"Wala akong dapat na sabihin sa'yo at hindi rin kita maaaring sabihan ng kung ano. Dahil buhay mo 'yan at ikaw ang nakakaalam sa ginagawa mo." Sagot ko dahil wala akong karapatan na magsalita ng kahit na anong bagay na maaaring hindi niya magustuhan.

"Salamat, Arkin. Sana'y tayo lang ang nakakaalam nito at gusto ko lang rin sabihin sa'yo na huwag mo akong tuluran." Tapik niya sa balikat ko.

"Arkin!" .

Napalingon ako bigla dahil sa tumawag sa akin, si Lesly.

"Tawag ka na ni boss." Sabi nito pagkalapit sa akin.

Inubos ko na ang sigarilyo ko at tinapon 'yon, tinapik ko si Caloy sa balikat at naglakad na ako pabalik sa loob.

"Ang sabi mo ba-balik ka? Shit ka!" Lasing na si Celine.

"Arkin, mabuti pa ihatid mo na siya sa condo niya. Lasing na lasing na siya."

Tiningnan ko si Celine at lasing na lasing na nga ito, nakatingala ito na nakasandal sa sopa.

"Kailangan mo ng magpahinga." Aya ko dito at kumapit ito sa braso ko at hinatak ako palapit sa kanya at halos magdikit ang mukha namin dahil nawalan ako ng balanse.

"Hindi mo ba ako iiwan?" Mapungay ang matang tanong nito sa akin. "Sumagot!" Malakas na sabi pa niyang muli at nalanghap ko ang mabangong hininga na may halo na alak.

Tumango lang ako at nagulat na lang ako ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Hindi ako nakagalaw dahil sa biglaan ang nangyari.