CHAPTER 12

CALOY

Tahimik na nakaupo ako ng makita kong pumasok na si, Mary. Galing siya sa labas, hinatid niya hanggang sa labas ang dalawa si, Arkin at Lara.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" Takang tanong nito sa akin.

Napaayos naman ako ng upo at sumandal, naupo sa tabi ko si Mary. Nasa isip ko ang pinag-usapan namin ni, Arkin.

"Sabihin mo nga, Caloy. May pinag-usapan ba kayo ni Arkin na hindi ko alam?"

Hindi muna ako sumagot at saglit na nag-isip kung paano ko sisimulan na sabihin sa asawa ko ang napag-usapan namin ni, Arkin.

"Nag-aalala lang ako sa kababata ko dahil sa trabaho niya." Seryosong sabi ko.

"Bakit ano ba ang trabaho ni, Arkin."

"Bodyguard." Maikling sagot ko.

"Bodyguard? Maganda nga ang trabaho na 'yun pero delikado nga lang. Pero bakit bodyguard?" Takang tanong ni Mary sa akin.

"Ayos lang naman ang trabaho niya at masasabi ko na maganda, saka alam ko naman na kaya 'yun ni Arkin. Pero ang iniisip ko ay ang amo niya, hindi ko na lang sinabi kay Arkin dahil desidido siya sa trabaho na 'yun dahil makakaipon na raw siya ng pangpakasal nila ni, Lara." Mahabang paliwanag.

"Anong ibig mong sabihin sa amo niya? Anong mayroon sa amo niya? Saka kilala mo ba ang amo niya?" Seryosong tanong niya sa akin.

"Kilala si Celine na isa sa mga mayamang tao dito sa lugar natin at malakas ang empluwensya, kaya niyang bayaran ang batas pati na ang buhay mo. Kaya hanggang ngayon nakatayo pa rin sa mahabang taon ang club niya dahil na rin sa pera niya at takot sa kanya." Seryosong sabi ko ngunit hindi ko nilahat ang sinabi ko dahil mayroon akong tinatago sa asawa ko.

"Ibig sabihin babae ang boss ni Arkin, kung totoo ang sinabi mo. Delikado nga si Arkin doon, pero bakit hinayaan mo lang? Baka kung ano ang mangyari sa kanya, alam ba ito ni Lara?"

Umiling ako sa asawa ko at napabuntong hininga siya.

"Ano ba naman 'yang napasok ni Arkin, dapat sinabi mo ang tunay na pagkatao ng boss niya." Nag-aalalang sabi ni, Mary.

"Yun nga ang pagkakamali ko, pero sasabihin ko yun sa kanya at nasa kanya na kung ipagpapatuloy pa niya." Sagot ko.

Natahimik kaming dalawa ng magdatingan ang dalawang anak namin galing sa paglalaro. Inasikaso na ito ni Mary habang ako ay patuloy na nag-iisip.

Hanggang sa maggabi na at oras na ng pagtulog ay nasa isip ko pa rin 'yun. Hindi ko pinapansin ang ginagawa ng asawa ko sa ibaba ko dahil sa malalim na pag-iisip.

"Caloy, puwede bang tumigil ka na sa pag-iisip?"

Tiningnan ko ang asawa ko habang pinaglalaruan ang pagkalalaki ko, sa totoo lang nitong mga dumaan na buwan. Parang wala na akong gana kapag nasa ganitong eksena kami, alam ko naman ang dahilan. Pero pinipilit kong maging normal sa asawa ko para wala siyang mahalata, pilit lang ang bawat pagtatalik namin at hindi ko maramdaman ang nararamdaman ko noon kapag nagtatalik kaming dalawa.

--------

"Mag-iingat ka, yung baon mo kainin mo agad para hindi masayang."

"Oo naman luto mo 'yun." Nakangiting sagot ko sa asawa ko at humalik na ako sa kanyang pisngi.

"Mag-message ka sa akin kung may overtime kayo mamaya." Pahabol pa na sabi niya.

Tumango lang ako at lumabas na, ala sais pasado pa lang ng umaga. Ang pasok ko ay alas otso, ngunit maaga talaga akong pumapasok para iwas sa traffic at mainit na panahon. Mas masarap magbiyahe kapag maaga pa dahil malamig pa ang hangin.

Nakasakay na ako ng pampasaherong jeep, dalawang jeep ang sinasakyan ko papunta sa trabaho ko. Construction ang trabaho ko at forman ako dito, balak ko sanang dito sa trabaho ko i-apply si Arkin ngunit hindi ko 'yun ginawa dahil ayokong pati siya ay matulad sa akin. Kaya mas mabuting sa iba na lang, pero nababahala ako sa napasukan niya ngayon.

Natahimik ako ng muli kong maalala si Arkin, napatingin ako sa orasan ko nasa labing limang minuto ang lumipas at malapit na akong bumaba. Hanggang sa makarating na ako sa site, marami na ang mga tao doon dahil alas siete ang pasok ng mga iba dito. Marami ang bumati sa akin at ilan doon ay ang mga malapit sa akin.

"Forman pinatatawag kayo ni boss, nagbilin siya sa amin na kapag dumating ka ay papuntahin ka sa kanya."

"Sige salamat Lito," tapik ko sa tao ng makasalubong ako, nagtungo ako sa opisina ni boss.

Nagpatuloy na ako maglakad, dinala ko lang sa locker ang bag ko at nagtungo na ako sa opisina ni boss.

Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto. Pagpasok ko sa loob ko ay may ginagawa ito sa ibabaw ng lamesa niya, may mga ilang folder ang nakapatong doon at may hawak siyang papel na binabasa nito.

"Nariyan ka na pala, Caloy." Binatawan nito anh papel na hawak, tiningnan ako sabay buntong hininga.

"Kararating ko lang boss." Sagot ko at naupo ako sa bakante na upuan.

"Ang sakit ng ulo ko sa mga problema sa ibang negosyo ko. Dagdagan pa ng asawa mong napakaingay, mamaya samahan mo ako ulit."

"Sige boss." Sagot ko agad at hinilot nito ang sintido niya, tahimik lang ako habang nakaupo. Alam ko kung saan kami pupunta mamaya sa lugar kung saan doon ay magiging masaya at sinasabi niyang nakakalimot siya panandalian sa problema.

Sa club...