CHAPTER 11

ARKIN

"Mag-iingat kayo at salamat sa pagbisita dito sa amin kahit hindi naman ganun kalayo ang bahay niyo." Biro ni Caloy.

Tinapik ko sa balikat si Caloy, nauna na si Lara sa labas habang kausap si Mary.

"Arkin, tandaan mo lang ang sinabi ko mag-iingat ka. Naiintindihan ko ang gusto mong mangyari, pero payo lang dapat rin malaman ni Lara kung ano ang totoo mong trabaho, dahil delikado 'yang pinasok mo."

"Oo, Caloy. Salamat, hayaan mo at ipapalaam ko rin agad kay, Lara." Turan ko at tumalikod na ako para puntahan na si, Lara.

"Sige, salamat ulit sa susunod kami naman ang pupunta sa inyo." paalam pa ni Mary kay, Lara.

Nakangiting umakbay ako kay Lara at tinanguan si Mary, umalis na kami at naglakad na pabalik sa inuupuhana namin.

"Mabuti binigay ni Roger ang address ni Caloy sa atin, hindi tayo nahirapan na maghanap pa ng lugar na pupuntahan natin."

Nilingon ko si Lara at inalis ang kamay sa balikat niya at hinawakan ko ang kamay niya.

"Tama ka at talagang nagpapasalamat ako sa kanya dahil napakalaking tulong ito sa atin." nakangiting sagot ko.

Ngumiti lang sa akin si Lara at umakyat na kami sa itaas pero nasa isipan ko ngayon ang pag-uusap namin ni Caloy kanina, sinabi ko sa kanya na huwag muna sabihin kay Lara ang totoong trabaho ko. Alam kong mag-aalala lang lagi si Lara sa akin kapag nalaman niya ang totoong trabaho ko. Ayoko siyang mag-alala, ang gusto ko lang naman kaya ko tinanggap ang trabaho na yun dahil sa malaking sasahudin, madali kaming makakaipon ng pangpakasal namin.

------

"Mag-iingat ka, saka kainin mo 'yang baon mo aa?"

"Oo naman niluto mo 'to, sige na mag-iingat ka rin dito at huwag mo kakalimutan na laging isara ang pinto, mag-isa ka lang dito." Nag-aalalang paalala ko sa kanya.

"Oo, sige na lumakad ka na baka malate ka pa." Nakangiting sabi niya sa akin.

Lumapit ako para hagkan ng mabilis si Lara sa labi, matapos ay nagsimula na akong maglakad. Napalingon ako sa pinto ni Lesly, hindi ko alam kung nakaalis na siya o hindi pa. Hindi ko na pinansin pa 'yun at nagpatuloy lang sa paglakad hanggang sa makababa na ako, dire-diretso ako palabas papunta sa may kanto kung saan maaring sumakay.

Pagdating sa ganitong lakad ay hindi ako nag-aalala dahil malakas naman loob ko at hindi ako natatakot na mapunta sa maling lugar. Dahil ang nasa isip ko kailangan lang laging magtanong. Kaya hindi ganun kahirap na napuntahan ko ang lugar kung saan ako ngayon magsisimulang magtrabaho.

"Arkin!"

Napaangat ang mukha ko sa tumawag sa akin at walang iba kung hindi si Leslya, nasa entrance ito na para bang may hinihintay o ako talaga ang hinihintay niya.

"Kanina pa kita hinihintay dito, wala ka kasing number sa akin kaya hindi kita matawagan." Nakangiting sabi nito pagkalapit ko.

"Bakit Lesly, may problema ba?" Takang tanong ko.

"Wala naman, pero hinihintay ka na ni, Celine. I mean ni boss, may pupuntahan raw kayo."

Saglit na napaisip ako at naalala yung babae na tumanggap sa akin at nagbigay ng trabaho. Ngunit hindi ko alam kung ano ang pangalan niya, Celine nga kaya ang pangalan ng boss ko?

"Nasaan ba siya ngayon?" Maya'y tanong ko.

"Actually, nasa likod muna na."

Napakunot ang noo ko at pumihit sa likuran ko, nakita ko ang isang itim na kotse at mukhang bagong-bago pa 'yun dahil nangingintab ito. Hanggang sa bumukas ang pinto at lumabas ang isang babae doon at nalanghap ko agad ang napakabangong pabango nito.

"Ano pang ginagawa mo?" Masungit na puna nito sa akin.

"P-Pasensya na po." Sagot ko dahil bigla akong nataranta.

"Marunong ka ba mag-drive?" Seryosong tanong nito sa akin.

"Marunong naman po dahil sa probin-"

"Tinatanong ko lang kung marunong ka mag-drive." Sabi nito sa tono na naiinis, matapos ay inabot sa akin ang susi at umikot siya sa kabila at pumasok sa loob.

"Arkin, sige na pumasok ka na. Pasensyahan mo na ang boss natin medyo mainit ang ulo."

Napalingon ako si Lesly, nakangiti siya sa akin at sumenyas ng paalam. Tumango lang ako at dahan-dahan na binuksan ang puwesto sa unahan. Pagpasok ko sa loob ang lamig at ang bango, pinaghalong amoy niya at amoy ng kotse.

Nilingon ko pa ang boss ko na tahimik na nakatingin sa bintana at mukhang may malalim siyang iniisip.

"Boss, maaari po bang magtanong?" Nag-aalangan pa na sabi ko dahil baka masira ko ang panahihimik o pag-iisip niya.

Nilingon niya ako at salubong ang kilay na tiningnan ako na may pagtatanong.

"Hindi ko alam kung saan tayo pupunta, hindi ko rin pa alam ang mga pasikot-sikot dito sa Maynila." Seryosong sabi ko, dahil marunong akong magmaneho ngunit hindi ko pa alam ang mga lugar dito.

Akala ko magagalit siya sa akin dahil hindi siya nagsasalita, pero nakita ko na may dinukot siya sa suot but ng maliit na bag. Cellphone at may kung anong ginagawa ito doon. Matapos ay nilagay nito sa harapan ang cellphone at nakatapat sa akin.

"Sundan mo 'yan diyan tayo pupunta, lahat ng lugar na pupuntahan natin dapat mong malaman agad."

Tumango lang ako sa sinabi niya pero sa cellphone ako nakatingin dahil hindi ako makapaniwala na malinaw kong nakikita ang daan na dadaanan ko, para bang may camera.

Honteros Hote & Restaurant

Basa ko sa lugar na pupuntahan namin ngayon, pasimpleng tumitingin ako sa boss ko na muling natahimik lang. Hindi ko na 'yun inaalala pa at pinagpatuloy ang pagmamaneho at tinandaan ko ang bawat dinaraanan namin. Naging masaya ang pagda-drive ko at nalibang sa mga nakikita ko.

"Ipasok mo diyan,"

Maya'y turo nito sa akin sa may pababa na daan na mukhang underground.

"Diyan na dinadala ang mga kotse na tinatawag ay parking area."

"Ok po tatandaan ko." Sagot ko at marami ngang kotse dito at karamihan ay mukhang mamahalin.

Matapos kong maitabi ang kotse ay pinatay ko na ang makina.

"Magpalit ka ng damit mo."

Natigilan akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya at hindi ko maunawaan ang ibig niyang sabihin.

"May damit akong binili at 'yan ang isusuot mo ngayon. Hindi ka puwedeng magpunta sa okasyon na 'yun na ganyan ang suot mo." Tukoy nito sa plain t-shirt ko na puti at maong na pantalon.

Nagtataka man ay sinunod ko na lang siya at binuksan ko ang pinto sa likuran. Nakita ko doon na may dalawang paper bag at isang kahon at kung hindi ako nagkakamali ay sapatos 'yun.

"Diyan ka na magbihis at pakibilisan mo lang." Muling sabi nito sa akin.

Kumilos naman ako, may pagkailang man dahil may ibang babae na makakakita na nagbibihis ako. Dahil si Lara lang ang nakakakita pa lang ng katawan ko. Mabilis na kumilos ako at nagbihis, binalewala ko na lang ang matang nakatingin sa akin. Pati ang pang-ibaba ko ay mabilis kong hinubad, mabuti at pinatay niya ang ilaw.

Matapos kong magbihis ay lumabas na ako at pawisan ang pakiramdam ko, inaayos ko pa ang suot ko hinahatak ko ito paibaba. Ngayon lang ako nakapagsuot ng ganito ka ka-pormal na damit na sinusuot ng mga lalaking nakikita ko sa mga malalaking kompanya.

Pag-angat ng mukha ko nakita kong nakatitig sa akin si boss at napansin ko ang paghanga sa kanyang mga mata.

"Nagmukha kang tunay na lalaki, hindi na masamang ikaw ang kasama ko ngayon." Sabi nito at dahan-dahan na lumapit sa akin.

Kinapitan niya ang necktie ko at inaayos 'yun, pinaling ko ang ulo ko sa ibang direksyon dahil napakalapit ng mukha niya sa akin at mas lalo kong naamoy ang pabango niya.

"Gusto kong magtagal ka sa akin, hindi 'yun utos kung hindi pakiusap."

Napaharap ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin, damang-dama ko ang hininga niya at nalalanghap ng ilong ko ang mabangong hininga niya. Halos gahibla na ang lapit ng labi namin ng may marinig akong sasakyan na dumatin, lumayo ako ng kaunti sa kanya.

Hindi maaari ito

"It's nice to see you again, Seth Honteros."

Napatingin ako sa boss ko dahil kumapit siya sa akin at nakita ko ang isang lalaki na sa tingin ko ay kasing tangkad ko lang rin, maganda ang pangangatawan at magandang lalaki. Nakita ko ang paraan ng pagkilatis niya sa akin. Ngunit napansin ko na hindi man lang pinansin nito ang boss ko.

"By the way, meet Arkin." Pakilala nito sa akin doon kay, Seth Honteros. Naalala ko ang pangalan ng hotel kanina, ibig sabihin sa kanya 'yun.

Gumalaw ang kamay ko at lumahad sa kanya, tiningnan niya ang kamay ko at akala ko hindi niya 'yun aabutin. Pero inabot niya naman.

"Your new man, Celine?" Nakangiting sabi nito na sa boss ko nakatingin.

"None of your business," sagot agad ni Celine at tama nga na 'yun ang pangalan niya. "Let's go, Arkin." Aya nito sa akin.

Tinanguan ko pa si Seth para magpaalam na, tahimik lang ako habang naglalakad kami