Epilogue

Nathalia's POV

Hindi mawala-wala ang ngiti sa 'king mga labi, habang matamang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng malapad na salamin.

Malalim akong napabuntong hininga. Panibagong yugto na naman ng buhay ko ang magtatapos sa araw na 'to.

Pero kasabay no'n ay ang pagsisimula ng panibagong paglalakbay na kailangan kong tahakin at responsibilidad na kailangan kong pasanin.

"Are you ready?"

Napaangat ang tingin ko kay Mama na kasalukuyang nakatayo sa likod ko at masuyong humawak sa magkabila kong balikat.

Napatango naman ako at pilit na pinipigilan ang pangingilid ng luha ko. "I am, Ma. You know how much I have been waiting for this moment."

Napangiti naman siya bago hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Let's go."

Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa huling pagkakataon, bago tumayo at sabay na kaming lumabas ng kuwarto.

Pagkababa ay naabutan naming naghihintay sina Papa at Stephen sa sala. Hindi ko naiwasan ang mapailing nang mapansin na nandoon din sina Shantel at ang iba pa.

Sabagay, hindi lang naman ako ang sasamahan nila ngayong araw.

"Talaga bang sasama kayo lahat?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.

Nakangiting nilapitan ako ni Ace, bago marahang tinapik ang ulo ko.

Napanguso naman ako sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay parang bata pa rin kung itrato niya ko.

"Of course! We didn't want to miss this special day of yours and the rest of the gang."

"Oo nga naman. Espesyal na araw kaya ng mga bunso sa grupo ngayon," sabi naman ni Kuya Liam.

"Damn! I feel so old!" Madramang napahawak sa dibdib si Ash.

Natawa naman kami nang dahil sa sinabi niya. Pero natigilan ako nang mapansin na wala pala sina Mads.

"Where's Mads and the others?" nagtataka kong tanong sa kanila.

Oliver shrugged. "Nauna na sila. They want to double check the perimeter of the stadium."

I rolled my eyes. Today is our graduation day and yet, they're keeping themselves busy doing the reaper thing. Can't they just give it a break once in a while?

Nilapitan naman ako ni Papa at mahigpit na niyakap. "Ang ganda talaga ng prinsesa namin." Napahugot siya ng malalim na hininga. "You made it, anak. Natupad na ang isa sa mga pangarap mo."

Napangiti ako at muling pinigilan ang sarili na maluha. Walang katumbas ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.

Sa pagkalas ni Papa sa yakap namin ay siyang paglapit naman ni Stephen.

"Shall we, my wife?" He smiled.

Pakiramdam ko ay biglang nanlambot ang tuhod ko nang dahil sa ngiti niyang 'yon. Malayong-malayo na talaga siya sa Stephen na nakilala ko no'n na madalas na seryoso lang ang mukha at walang kahit na anong emosyon.

Nginitian ko rin siya bago ako kumapit sa braso niya at tuluyang naglakad palabas ng mansyon. Sa kabila ng lahat ng nangyari ay rito pa rin namin napagpasyahang tumira. Mas pinahigpitan lang ni Stephen ang seguridad at pinaayos ang kabuuan nito.

Ngunit bago pa man kami tuluyang sumakay sa naghihintay na kotse ay hindi ko naiwasan ang mapatingin kina Shantel at Ace na tila nag-aaway na naman. Gano'n din sina Ryza at Riley.

"Kailan kaya magkakasundo ang mag-asawa at magkasintahan na 'yan?" natatawa kong tanong kay Stephen na napatingin din sa direksyon nila.

"Who knows. That's their way of showing love for each other." Napatingin naman siya sa gawing likod namin. "Ang dalawa namang 'yon, hanggang ngayon in denial pa rin."

Napailing na lang ako nang tumuon ang atensyon ko kina Amelia at Oliver na tila nagkakahiyaan.

"Hay naku. Tara na nga at baka mahuli pa ko." Napangisi siya at inalalayan pa ko papasok ng sasakyan.

Magkakasunod na umalis ang mga sasakyan namin. Kaya naman ay takaw pansin ang mga kotseng sinasakyan namin na nakahilera sa daan, base na rin sa ibinibigay na tingin ng mga taong nadadaanan namin.

Habang nakatingin sa labas ay may bigla kong naalala.

"Well, at least may inaasahan tayo kina Lia. Paano naman 'yong mga single talaga?" I said, referring to Ash, Rhyz and Liam.

"You're not sure."

Mabilis na nilingon ko si Stephen at pinaningkitan ng mata. "What do you mean? May alam ka bang hindi ko alam?"

"It's not my story to tell." He chuckled.

Napanguso ako. "Ang daya mo naman, eh!"

Sinulyapan niya ko bago muling itinuon ang atensyon sa daan. "Don't worry. You'll know about it soon. It's just that the situation is complicated."

Napataas ako ng kilay. Mas lalo tuloy naging palaisipan sa 'kin kung sinu-sinong mga babae ang posibleng nagpapatibok sa puso ng tatlong 'yon ngayon?

Napahalukipkip ako. Hindi bale. Gigisahin ko na lang sila mamaya pag-uwi.

Napatingin ako sa side mirror at napansin ang nakasunod na kotse na minamaneho ni Henry, ang bagong head ng mafia guards.

Hindi ko naiwasan ang makaramdam ng lungkot. Dati sa tuwing si Stephen ang kasama ko ay si Cole ang madalas na nakasunod sa 'min.

But now.

"You okay?"

Naramdaman ko ang masuyo niyang paghawak sa kamay ko bago pinisil 'yon.

"Yeah. May naalala lang ako."

Hindi naman na siya umimik pa at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

Pagkarating namin sa school ay agad na sinalubong kami nina Mads na naabutan naming naghihintay na sa labas.

"Thalia! OMG! This is it! Magtatapos na tayo," excited na sabi ni Mads.

"Yeah. Kaya dapat ay kinalimutan n'yo muna ang pagiging reaper kahit ngayong araw lang." Sinimangutan ko siya.

Napangisi naman si Damon sabay akbay kay Mads. "Well, we can't help it. It's our almighty queen's day as well, that's why."

Mahina ko siyang pinalo sa balikat. "Stop calling me queen!"

"But you really are." Tumungo pa si Harold na ginaya naman ni Albert. Binatukan ko nga pareho.

It's been almost two years since our encountered with Aries. The day we lost Manang Belen and Cole. The day where I learned the whole truth about my biological parents' and our family. The day where I met the members of the mafia organization.

They want me to take over my parent’s position and they give me time to think about it until I graduated.

But I still have yet to decide, because I want to live a normal life. But I guess, just by being around with the group of mafia leaders, my life will never be normal.

Nabawi ko na rin ang kumpanya ng mga yumao kong magulang na nakuha rin ni Aries. Unti-unti ko na ring nasimulan pag-aralan ang pasikot-sikot nito.

"To all graduating students, please proceed at the stadium," the speaker announced.

Nagkatinginan kaming lima at magkakaakbay na naglakad papasok. Maingay namang nakasunod sa 'min ang iba pa.

The ceremony went so fast. Hanggang sa namalayan ko na lang na ako na ang aakyat sa stage.

"Anderson, Nathalia S."

I can't help but to smile. Bukod sa aakyat ako ng entablado para kuhain ang diploma ko ay tila musika rin sa pandinig sa tuwing naririnig ko ang pangalan ko na kakabit ng apelyido ni Stephen.

Napailing na lang ako nang sa pag-abot ko ng diploma ay narinig ko ang malakas na hiyawan ng magkapatid na Ash at Rhyz. Pasaway talaga ang dalawang 'to, lalo na kapag nagsama.

Hindi naman nagtagal ay natapos na ang seremonya.

"Finally, graduate na tayo!" Itinapon ni Harold ang suot na itim na sumbrero at nakigaya na rin kami sa kanya. After that, we did a group hug, then walked towards our family and friends whose all smiling from ear to ear.

They all engulf us in a hug as they congratulated us, before we start a picture taking. Si Henry ang nagsilbing photographer namin.

"Congratulations, my wife." I closed my eyes when Stephen kissed me on my forehead.

"Thank you."

Nilapitan din ako nina Mama, Papa at Liam.

"We are so proud of you, anak," Mama said in a teary eyed.

"We always will," tinapik naman ako ni Papa sa balikat.

"Well, you're supposed to inherit the Sarmiento Hotel and Restaurant Group of Companies. Pero mukhang sa 'kin na talaga mapapasa ang responsibilidad," biro naman ni Liam.

Kinagat ko ang ibabang labi at masuyong pinisil ang pisngi niya. "Don't worry. I know you can manage."

Pagkatapos naming magpaalam sa iba pang mga kaklase namin at sa mga naging Professors namin ay umalis na rin kami. Pero nagulat na lang ako nang sa paglabas namin ay may biglang tumawag kay Stephen at agad na nagpaalam siya sa 'kin.

"Where are you going? I thought we're going to celebrate?"

Napag-usapan na kasi namin no'ng isang gabi pa na kakain kami sa isa sa mga restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ko para i-celebrate ang graduation namin.

He gave me an apologetic look as he held both of my hands. "I'm really sorry. May mga kailangan lang akong asikasuhin sa Headquarters. I'll be with the boys."

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. "Bakit? May problema ba? May kinalaman ba ang organisasyon?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

Napailing naman siya. "No. Its nothing to do with them. I'll see you later, okay?" He gave me a peck on the lips.

Ayoko sanang bitiwan ang kamay niya, pero hinila na ko ni Mama. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang mapansin na pati si Papa ay sasama sa kanila.

"Pati ikaw, Pa? Ano bang nangyayari?"

Nararamdaman ko na may problema. Pero ayaw lang nilang sabihin sa 'kin.

"Don't worry, sweetie. We'll see you later to give you a kind of celebration you will never forget." He smiled.

Magtatanong pa sana ko, pero tuluyan na kong nahila ni Mama papasok sa kotse nina Shantel.

"Girl bonding muna tayo ngayon, okay? Let's take this opportunity to get ready for the celebration later," nakangising sabi ni Shantel. She's on the driver seat.

Napamaang ako sa kanya. "What? Where are we going?"

Sinilip naman ako ni Mads mula sa passenger seat. "We'll pamper ourselves today, Thalia."

Nagsalubong ang kilay ko. I didn't know if its just me or they're all really acting weird today.

Mahigpit na hinawakan naman ni Mama ang kamay ko. Nilingon ko siya at nginitian niya lang ako.

"Don't worry. Just enjoy the day, sweetie."

Kahit naguguluhan ay napatango na lang ako at nagsimula na kaming magkuwentuhan ng kung anu-ano, habang nasa biyahe.

Pero napataas ako ng kilay nang huminto ang sinasakyan naming kotse sa tapat ng isang boutique.

"Anong gagawin natin dito?" Sinilip ko ang boutique mula sa bintana. It's actually a shop with lots of dress and gowns.

Bumaba naman ang tingin ko sa suot na damit. It's a color pink off shoulder dress above the knee. Pormal naman 'tong tingnan kaya sa tingin ko ay maayos naman 'to para sa selebrasyon mamaya.

"Well, of course we need a new dress for the celebration later!" Napapalakpak pa si Shantel.

Napanganga ko. Akmang tututol pa sana ko nang dali-dali akong hinila ni Mama palabas.

Napapailing na napasunod na lang ako sa kanila. Kahit sina Ryza at Lia ay mukhang excited.

Agad naman kaming sinalubong ng sales lady pagkapasok.

"Magandang araw po. Ano po ang hanap n'yo, Ma'am?" nakangiti at magalang niyang tanong.

"We need a white dress for a big celebration. Gusto namin 'yong pinakamahal at pinakamaganda sa shop na 'to. Most especially for her." Turo sa 'kin ni Mama.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. "What? White?"

Hinawakan naman niya ko sa magkabila kong balikat at mariin akong tinitigan.

"Wag ka ng marami pang tanong, anak. Just choose the best one. Okay?" Inayos niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko.

Napabuntong hininga na lang ako bago tumango.

"This way, Ma'am."

Sumunod na ko sa sales lady. Habang sila Mama naman ay nagsimula na ring maglibot para pumili ng susuotin nila.

Nagtitingin-tingin ako sa mga racks ng biglang mapaangat ang tingin ko. Agad na nakuha ang pansin ko ng isang white dress na nakasuot sa isa sa mga mannequin na nandito.

"I want that one." Itinuro ko 'to sa sales lady na agad namang tumalima.

It's an elegant A-line white dress with a mix of pearl and crystal beads. The v-shape back makes it more stunning.

"Such a nice choice, sweetie," natutuwang sabi ni Mama ng makalapit sa 'kin. Napansin ko na may kanya-kanya na rin silang hawak na damit.

Pero napakunot noo ako nang mapansin na pare-parehong kulay blue ang mga dress na hawak nila. It's actually my favorite color.

"Wait. Ako lang po ang naiiba. I think I should buy a blue one as—"

"Oh no, sweetie. It's alright. Now choose your shoes already. Para maisuot mo na," pagputol ni Mama sa sasabihin ko.

Napakurap ako. "Susuotin ko na po diretso?"

"Just choose, Thalia. May mga pupuntahan pa tayo pagkatapos," tila nagmamadaling sabi ni Ryza.

Hindi na lang ako umimik pa at agad na kumuha ng isang pares ng puting stilettos ng bigla naman a¹kong pinigilan ni Shantel.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Why?"

"Masyado ka ng matangkad. I think it's better if you wear flats." She looks around and her eyes twinkled when it settled for a white classic ballet flat. It has a crystal anklet and a more fashion-forward shape.

Agad na kinuha niya 'to at inabot sa 'kin. "I think this one is better. What do you think?"

Kinuha ko 'yon sa kanya at napatango naman ako. Bagay rin kasi 'to sa napili kong dress. Isa pa ay mas kumportable nga naman 'tong suotin.

Si Mama na ang nagbayad sa lahat ng mga binili namin, bago kami nagpalit. Habang nasa fitting room ay hindi ko pa rin maiwasan ang mapaisip.

Something's really going on here.

To my surprise, our next stop was a salon. Hindi naman kasi kami ang tipo na madalas kung dumayo ng salon para magpalagay ng make-up at magpaayos ng buhok.

Light lang naman ang pinalagay kong make-up. Parang ang bigat kasi sa mukha kapag maraming nakalagay na kung anu-ano, pagkatapos ay makapal pa ang pagkakalagay.

While my hair was fixed in a braided updo. It's actually the first time that I got my hair braided.

Nang matapos ay si Mama ulit ang nagbayad. Hinayaan ko na lang at baka humaba na naman ang usapan.

Ngunit napatili na lang ako nang sa pagpasok namin sa kotse ay bigla na lang nila kong nilagyan ng piring.

"Hey! What's this all about? What's going on?" natataranta kong tanong sa kanila.

Seriously, what are they up to?

"Be still, Nathalia. Don't remove your folds, okay? We have a surprise party for you," Shantel said excitedly.

"What the hell? Bakit hindi ko alam na may gano'n pala?"

I can't believe it. May usapan na kami ni Stephen sa kung paano kami magdiriwang ng selebrasyon para sa graduation namin ngayong araw, pagkatapos ay may iba pa palang plano.

"Duh, Thalia. Surprise nga, eh," sagot naman ni Mads.

Napasimangot na lang ako at hindi na nagtanong pa. Wala rin naman silang balak na sumagot, eh.

Minsan talaga ay hindi ko rin maintindihan ang tumatakbo sa isip ng mga kaibigan kong 'to, eh. Pagkatapos ay dumagdag pa si Mama.

"Nathalia, matulog ka muna kaya. Malayo-layo pa naman ang magiging biyahe natin," sabi ni Shantel.

Kumunot ang noo ko. "What? Why? Saan ba talaga tayo pupunta?"

Mababaliw na talaga ko nang dahil sa mga kasama ko ngayon.

"You'll see later."

Makikipagtalo pa sana ko nang bigla kong makaramdam ng hilo. Sa totoo lang ay kaninang umaga pa hindi maganda ang pakiramdam ko pagkagising. Pero hindi ko 'to masyadong inintindi nang dahil sa espesyal na araw ngayon.

Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata, hanggang sa tuluyan na kong nakatulog.

-----

Nagising ako nang maramdamang may marahang tumatapik sa pisngi ko.

"Anak, wake up. We're here already."

Idinilat ko ang mga mata ko, pero tanging kadiliman lang ang sumalubong sa 'kin. Bigla kong naalala na may piring nga pala ko. Akmang tatanggalin ko na sana 'to ng bigla kong pinigilan ako ni Mama.

"Not yet, sweetie. Let's go."

Napahalukipkip ako. Narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa puwesto ko, bago nila ko inalalayan palabas.

Agad na sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin pagkalabas ko, dahilan para mapayakap ako sa sarili ko. Pero natigilan ako nang marinig ang mahinang paghampas ng alon sa di kalayuan.

Wait. Are we on a beach? Then why are formally dressed?

Kasabay ng pagsisimula naming maglakad ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nahigit ko naman ang hininga nang marinig ang mahinang hikbi ni Mama sa tabi ko, na tila pilit niyang pinipigilan.

Ayokong mag-isip ng kung ano. Ayokong mag-assume. Pero malaki ang posibilidad na tama ang hinalang unti-unting nabubuo sa isip ko ngayon.

Nagpatuloy lang kami sa mabagal na paglalakad, hanggang sa maramdaman kong buhanginan na ang nilalakaran namin.

Nang huminto na sila sa paglalakad ay napatigil na rin ako. Naramdaman ko pa ang paghalik ni Mama sa pisngi ko, bago unti-unting naalis ang piring ko.

Tears started to fall from my eyes the moment I saw a red carpet, with Stephen standing by the end of it. He looks dashing as ever with his black tuxedo.

I roamed my eyes all over the place and noticed that all of our friends, families and other member of the organizations are here. Even Don Isaac is present.

Ngayon ko lang din napagtanto na nandito pala kami sa private resort nila sa Zambales. So, after a garden wedding, it's a beach wedding this time.

Sa nanginginig na mga tuhod ay pinilit kong ihakbang ang aking mga paa, kasabay ng pagtugtog ng isang malamyos na kanta. Mabuti na lang ay nakaalalay na sa 'kin si Mama at agad na nilapitan naman ako ni Papa.

"You look beautiful, sweetheart," buong paghangang bulong ni Papa.

"This time I can't be happier because you're finally getting married to the man you love." Halos maiyak naman si Mama.

Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang sarili na mapahagulgol. This moment is different from the first time we get married.

Dati habang naglalakad ako palapit sa kanya ay nanginginig ako nang dahil sa takot. Maging ang mga mata ng pamilya ko no'n ay puno rin ng pangamba.

Pero ngayon ay nanginginig ako nang dahil sa nag-uumapaw na sayang nararamdaman ko. And my parents were both happy just like me.

Because I'm finally getting married out of love. Not out of fear.

Hindi ko rin napigilan ang paghangang nararamdaman dahil mismong si Rhyz ang kumakanta ngayon. He really loves music. Sana balang araw ay malaya na niyang magawa kung ano talaga ang gusto niya.

Malawak akong napangiti nang sa wakas ay tuluyan na kaming tumigil sa harap ng altar. Agad na inabot naman ni Stephen ang kamay ko.

"Please take care of our daughter or else, we'll take her away from you," seryosong sabi ni Papa kay Stephen.

"I will, Dad."

Halatang nagulat si Papa sa itinawag ni Stephen sa kanya. Kaya naman ay dali-dali na siyang inilayo ni Mama bago pa man siya may masabi na kung ano.

"Hey, my wife." He grinned.

"Hey, my mafia boss. You didn't tell me that this is your kind of celebration." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Well, that's because your worth it," he said sweetly. His eyes look so sincere.

Kinagat ko ang ibabang labi, bago kami sabay na humarap sa pari. Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang seremonya.

"Stephen Anderson, do you take Nathalia Anderson to be your lawfully wedded wife?"

"Yes, I do," nakangiting sagot niya bago lumingon sa 'kin.

"Nathalia Anderson, do you take Stephen Anderson to be your lawfully wedded husband?"

"Yes, I do." Nilingon ko rin siya at nginitian.

Iniabot naman sa 'min ng pari ang mga singsing. "You may now say your vows to each other."

Kinuha naman ni Stephen ang isa sa mga singsing at isinuot 'yon sa 'kin. This is a new one.

"I believe you don't have an idea about this, but the very first time I saw you, it feels like a lightning strike me. I suddenly got so nervous and couldn't bring myself to let out even a single word when you greeted me. To think that you're just five years old back then." Diretso lang siyang nakatingin sa 'kin.

Nagtawanan naman ang mga kaibigan at bisita namin.

"Right at that moment, I never thought that you'll become a special person in my life. I kept on bugging you so that you can notice me and gave me your attention. Never did I imagine that I will act like an asshole just to get a kid's attention."

Nanlaki ang mga mata ko at mahina siyang tinapik sa balikat. Wala talagang preno ang bibig ng isang 'to.

"And now that I finally got my chance to be with the first and only girl who caught not just my eyes, but also my mind, heart, body and soul, I promise to hold your hand tightly and never let go. To be with you through your darkest hour and happy moments in life. I promise to protect you with all my heart, even if it means giving my life for you. I promise to be patient and love you until beyond forever."

Hindi ko na napigilan ang muling pagtulo ng luha ko. I never thought that he can be this sweet and sincere.

Kinuha ko ang singsing at isinuot din 'yon sa kanya, bago direktang tiningnan ko rin siya sa mga mata.

"Truth be told, I don't really know what to say. Because, you know, it feels like a shotgun wedding."

They all laughed.

"Kidding aside, I bet you didn't know this as well, but among the group that my mother introduced to me, you're the only one who caught my attention. I was like, hey, I'm cute and you just ignored me when I greeted you."

Muling napuno ng mahinang tawanan ang paligid. Napailing naman ako bago nagpatuloy.

"Then time passed by and you did nothing but to annoy me. I was really pissed and sad at the same time, because I thought you didn't like me at all. So, I promise to myself not to like you as well." I chuckled when he pouted.

"Though it seems that destiny has a different plan. Our paths crossed again and by that time, I didn't remember you. Still, I was pissed off with you because of your dirty games and annoying deal that made me left with no choice but to be stuck with you. But you know what, that's a great deal that I closed so far." Malalim akong napabuntong hininga.

"And now that I have the greatest deal of my life, I promise not to let go as well. That even if I lose my memory all over again, my heart will always get back to you. I promise to be by your side and I intend to stay until beyond forever. To protect you at all cost, to cheer you up when you're feeling down and to make you happy when you're feeling sad. I promise to be your number one supporter, to give you everything that I can offer. I promise to love you with all my heart, soul, mind and body. I love you."

Masuyo niyang hinaplos ang tumulong luha sa pisngi ko.

"And now I pronounced you man and wife. You may now kiss the bride," the priest announced.

Dahan-dahan namang inilapit ni Stephen ang mukha niya sa 'kin at masuyo akong hinalikan. It's a slow, gentle kiss. The most passionate kiss that I ever felt.

Pero agad na napalayo ako sa kanya at napahawak sa tiyan ko nang maramdamang tila bumabaliktad ang sikmura ko. Maging ang mga taong nakapaligid sa 'min ay biglang natigilan.

"Anong problema? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalala niyang tanong at dali-dali akong inalalayan.

Akmang sasagutin ko siya nang bigla naman akong masuka. Malakas na napasinghap ang lahat.

"Oh, My God. Hindi kaya..." napatakip pa sa kanyang bibig si Mads.

Nanlalaki ang mga matang napalingon ako kay Stephen nang dahil sa isang realisasyon. Ilang buwan na rin akong hindi dinaratnan at kaninang umaga pa ko tila masusuka.

Gulat na gulat naman ang ekspresyon ng kanyang mukha. Pero mayamaya lang ay napalitan 'to ng tuwa at napasuntok pa sa ere.

"Finally!"