Chapter 37 | All Hail to the Queen
NATHALIA WAS busy contemplating her thoughts on how she will be able to escape the room where she's into when suddenly, the door in front of her opened.
Napaangat siya ng tingin at agad na umusbong ang galit sa kanyang puso nang tumambad sa kanyang paningin si Cole.
"Your traitor! How dare you!"
Napakuyom siya ng kamao, bago dali-daling bumaba sa kama at sinugod 'to. Hindi niya ininda ang pananakit ng kanyang katawan. Sunod-sunod na sampal ang kanyang pinakawalan sa mukha nitong hindi man lang makikitaan ni katiting na emosyon.
Hanggang sa mabilis nitong nahuli ang kanyang dalawang kamay at marahas na itinulak siya, dahilan para mapahiga siya sa kama. Masama ang tinging ipinukol niya rito.
"Paano mo nagawa 'to sa 'min? Lalong-lalo na kay Stephen? You grew up staying beside him all the time. You've been with them for how many years. They're your friends and no matter how much—"
"Your husband killed my father, and because of your parents, my mother has been killed in a mission as well." Pagputol nito sa anumang sasabihin pa niya.
Dahan-dahang naglakad si Cole patungo sa isang silya na nasa isang tabi, bago 'to kinuha at umupo paharap kay Nathalia.
"Besides, I never treated them as my friends. All those years that I have been with them is just an act and part of the plan," walang buhay nitong sabi.
Galit ang tanging nararamdaman ngayon ni Nathalia kay Cole. Pero kahit gano'n ay hindi pa rin niya maiwasang paniwalain ang sarili na nagkaroon 'to ng malasakit kay Stephen at sa iba pa kahit papaano.
Pero natigilan siya sa pag-iisip nang may biglang maalala. May kung ano sa sinabi ni Cole na nakakuha ng atensyon niya.
"What do you mean that your mother was killed because of a mission that my parents gave to her?" naguguluhan niyang tanong.
Paanong nadawit ang mga magulang niya sa galit nito?
Sa pagkakataong 'to ay natawa si Cole, bago napailing.
"I forgot that you have a fucking amnesia." He shrugged. "Anyway, even if you don't have one, you still don't know about it. So, there's no point for me to explain it further to you."
Kumunot ang noo ni Nathalia. Sa hindi niya malamang dahilan ay bigla siyang nakaramdam ng kaba.
"What do you mean?"
Cole stared at her blankly as he clenched his jaw.
"My mother is a mafia reaper. What do you think does it mean?"
Napaawang ang bibig ni Nathalia. Napailing naman si Cole, bago tumayo at pabalyang ibinalik sa dating puwesto ang silya.
"You know what, there's no point in knowing and remembering about what happened from the past. After all, you'll leave this country with my brother. Whatever you do, that's the reality you won't escape anymore. Just live in the present and accept your fate."
Tumalikod na 'to at naglakad paalis. Kanina pa nakalabas si Cole pero hanggang ngayon ay nakatulala pa rin si Nathalia sa kawalan. Tila hindi niya magawang tanggapin sa isip niya ang konklusyon na nabuo mula ro'n.
If Cole's mother is a mafia reaper, and her parents is the one who gave her a mission, then it means...
"Truth be told, we should be the one to respect you. Always remember that. You're our future queen."
"You're our queen."
Napatakip na lang sa bibig si Nathalia at dahan-dahang napailing.
Her parents were part of the organization. She came from a family of mafia as well.
But what she didn't understand until now is how did she become their future queen?
Kaya pala magmula no'ng bata pa lang siya ay madalas siyang sanayin ng kanyang mga magulang para makipaglaban. May mga pagkakataon din na mismong sina Stephen ang nag-eensayo sa kanya. Gano'n din si Aries na nakakasabay niya pa minsan.
Ngunit ang tanging paliwanag lamang ng mga 'to sa kanya ay upang magawa niyang protektahan ang sarili balang araw, laban sa mga kakompetensya ng mga 'to sa negosyo na gusto silang pabagsakin. Na kaya siya mayroong mga bodyguards ay dahil sa mga 'to.
It turns out that they actually trained her to become the next one that will lead their family someday, since she's an only child. That her so called bodyguards were actually their mafia guards and reapers.
Napasinghap siya nang mapagtanto na dating mafia reaper ang kanyang kinalakihang mga magulang ngayon.
Napahawak siya sa sentido nang biglang sumakit 'to. Pakiramdam niya ay hindi na kakayanin pa ng utak niya ang biglaang pagbaha ng mga alaala, kasabay pa ng mga panibagong impormasyon na nalaman niya.
Bukod sa ensayong pinagdaanan ay natatandaan na rin niya na bago pa man biglang nawala sina Stephen no'n ay naturuan pa siya ni Shantel kung paano gumamit ng baril.
She didn't find it weird back then. Ang buong akala niya ay normal lang ang lahat ng 'yon, dahil madalas na pinapanood rin niya ang training ng mga kaibigan.
Ngayon niya lubos naisip na likas na sa kanya ang pagiging maalam sa pakikipaglaban. Kaya pala ng muli siyang turuan nina Mads ay tila ba alam na niya ang mga dapat na gawin. Her body moves to its own accord as well.
Kahit ng pumunta sila sa shooting range nina Shantel no'n, pakiramdam niya ay gamay na niya ang paghawak ng baril kahit pa kinakabahan siya.
With all that in mind, Nathalia is more than determined to escape the hell she's been in. 'Yon nga lang ay wala siyang ideya sa kung saan ba siya dinala ni Aries.
Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kuwarto. Wala 'tong bintana o kahit maliit na siwang lamang para sana makita niya ang labas.
Kagat ang ibabang labi na dahan-dahan niyang nilapitan ang pinto. Sinubukan niyang buksan 'to, pero naka-lock 'to mula sa labas.
"Wag ka ng magtangka pa na tumakas. Dahil bukas din ng umaga ay aalis na kayo ni bossing!"
Halos marindi siya sa malademonyong tawanan na narinig niya mula sa mga bantay sa labas.
Malakas na hinampas niya ang pinto, bago nanghihinang napaupo sa kama. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makatakas. Hindi siya maaaring madala ni Aries sa ibang bansa.
Taimtim siyang nagdasal na sana ay mahanap na siya ng asawa. Kahit imposible ay naniniwala siyang makikita siya ng asawa niya.
TAHIMIK NA lumapag sa lupa sina Stephen at ang mga kaibigan niya, magmula sa ginawa nilang pag-akyat sa mataas na bakod. Agad na inayos nila ang mga armas na dala at maingat na naglakad sa madamo at madilim na bahagi ng malawak na solar.
Natigilan naman sila nang mapansin ang mga rumorondang bantay. Tatlong kalalakihan 'to na pawang mga armado.
Nilingon ni Stephen si Oliver. Napatango naman 'to at agad na naglabas ng tatlong shuriken, bago ekspertong binato sa tatlong bantay na walang kamalay-malay.
Their eyes were wide opened the moment they fell on the floor with a blood pouring down from their neck.
Nang mapansin na wala ng iba pang bantay sa puwestong 'yon ay dali-dali silang lumabas mula sa pinagtataguan nila at dumiretso sa gate. Pero gano'n na lang ang gulat nila nang makita ang mas maraming bantay na naroon.
Hangga't maaari ay ayaw sana nilang magpaputok ng baril upang hindi makakuha ng atensyon. But all hell breaks loose the moment they noticed them. Mabilis na pinaulanan sila ng mga 'to ng bala, kasabay ng pagtunog ng alarm system sa buong lugar.
"Kami na ang bahala rito, Anderson! Kailangan mong mabuksan ang gate!" malakas na sigaw ni Ashter kay Stephen, habang walang awa na pinagsusuntok ang bawat malapitan nito na hindi na nagagawa pang iputok ang baril sa kanya.
Napatango naman si Stephen at nakatungong tumakbo papunta sa gate kasama sina Riley at Shantel. Damon was backing them up, while the others are still fighting with Aries' men.
The moment they reached the gate, Stephen immediately pushed the red button on the side. Napaatras sila ng dahan-dahang bumukas ang gate.
Agad na nagkagulo ang paligid nang magsimulang pumasok ang mga tauhan nila na nakaabang sa labas. Kaya naman ay nagkanya-kanya na rin sila ng mga kaibigan niya.
Sabay na tinahak nina Ryza at Riley ang daan papunta sa likurang bahagi ng lighthouse. Habang sina Liam at Ash naman ay pumasok mula sa kanang bahagi nito. Ang mga reapers naman ay napagpasyahang harapin ang mga kalaban mula sa kaliwang bahagi.
"Just go, Anderson! Make sure you find our daughter or I'll kill you!" Utos ni Ed kay Stephen, habang nakikipagbarilan sa mga kalaban.
Sa likod niya ay ang kanyang asawang si Marcel na maliksing ginigilitan ng leeg, o 'di kaya ay sinasaksak sa puso ang mga kalaban na palapit.
"Let's go, Stephen! We shouldn't let Aries escape this time!" Tinapik siya sa balikat ni Shantel.
Napatango siya at agad na sumunod rito at kay Oliver. Their men were clearing their way to the front side.
"Don't worry. I'll take care of the others from the balcony and upper part of the tower." Rinig niyang sabi ni Ace mula sa suot na earpiece.
Ace and his men were tasked to guard and protect from the outside. Nagmamatyag sila mula sa itaas ng nagtataasang mga puno at pinupuntirya ang mga kalaban na bumabaril mula sa itaas na bahagi ng lighthouse at sa mga balkonahe nito. Their rifle was armed with night vision scope.
The tall tower is not a typical lighthouse, since Aries renovated the place into a real house.
Sina Rhyz at Amelia naman ay nakaantabay lang sa kani-kanilang sasakyan. Rhyz was busy monitoring his friends who all have a mini-camera pinned in the collar of their shirt. Habang si Amelia naman ay naghihintay na matapos ang labanan. Ngayong araw kasi sila may pinakamaraming bilang ng mga katawan na kailangan dispatsahin.
Pagkapasok naman nina Stephen sa loob ay sinalubong sila ng limang kalalakihan.
"Mauna ka na sa itaas, Stephen! Hanapin mo na si Nathalia!" Shantel said as she fired her gun while running. Agad namang nakapagtago sa likod ng isang pillar si Oliver at naghagis ng tatlong shuriken.
"Thanks."
Malalaki ang hakbang na tinungo ni Stephen ang hagdan. Diretsong pinatatamaan niya sa ulo ang bawat makasalubong niya.
Wait for me, my queen. I'll come and save you.
WALA SA sariling binabaybay ni Cole ang daan patungong balkonahe. He hates to admit it. But what Nathalia told him is somehow true.
Sa ilang taon na nakasama niya sina Stephen at ang iba pa ay aminado siyang may mga pagkakataong nawawaglit sa isip niyang kalaban ang mga 'to. Ni hindi na nga rin niya masyadong napagtuunan ang planong paghihiganti, kung wala lang iniuutos sa kanya ang kapatid.
Maraming beses na rin siyang nagkaroon ng tiyansa para patayin si Stephen. Pero sa tuwing gagawin na niya ay hindi naman niya magawang ituloy.
Nagtatalo ang kalooban niya. Kitang-kita niya kung paanong pinatay ni Stephen ang kanyang ama.
Pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya magawang mamuhi ng husto rito. Siguro ay dahil aminado siyang mayroon ding nagawang pagkakamali ang ama.
'Yon nga lang ay hindi niya rin kayang ilaglag ang bunsong kapatid. Silang dalawa na lamang ang natitirang magkapamilya at hindi niya pwedeng biguin 'to. Isa pa, bago pa man tuluyang mawala ang kanilang ama ay inihabilin na nito sa kanya ang kapatid kung sakali mang dumating ang oras na mawala na 'to.
Cole is in deep thoughts when suddenly, he heard two familiar voices talking. Kumunot ang kanyang noo at sinundan ang pinanggagalingan ng mga boses.
Hanggang sa mapadpad siya sa balkonahe. Doon ay nakita niya ang kapatid kasama ang isa sa mga tauhan nito. If Cole is not mistaken, it's John. Kanang kamay 'to ng kapatid niya at isa sa mga anak ng napatay ni Stephen na miyembro ng organisasyon.
"Tuloy na tuloy na po ba ang alis n'yo bukas?" tanong ni John kay Aries.
Agad na nagtago naman si Cole sa pader.
Humithit muna ng sigarilyo si Aries, bago ibinuga ang usok no'n at sumagot.
"Yeah. We need to leave this place as soon as possible. I just need to secure a place where my private plane can land. It seems that Rylie has alerted the airports already."
"Sige po. Hindi na po ba talaga kayo babalik dito? Paano po ang kapatid n'yo? Nabanggit n'yo po na hindi n'yo siya isasama."
Natigilan si Cole nang dahil sa narinig. Sa totoo lang ay alam naman niyang wala talaga 'tong balak na isama siya, dahil sa kagustuhan nitong masarili si Nathalia. But still, he's curious to know his brother's answer.
Aminado naman siyang hindi siya tanggap ng kapatid no'ng umpisa. Kung tutuusin, tanging ang plano nilang pabagsakin ang Anderson at mga kaalyansa nito lang naman ang nagsilbing tulay para kahit papaano ay maging magkasundo at magtulungan silang dalawa.
But they're not really that close. Lalo pa at hindi naman sila lumaking magkasama. They don't even have some good memories with each other.
"Dispatsahin n'yo na. I don't need him anymore. Kahit kailan ay hindi ko matatanggap na nagkaroon ng anak si Papa sa ibang babae."
Tila nanigas sa kinatatayuan niya si Cole nang dahil sa narinig. Kumuyom ang kanyang kamao kasabay ng sunod-sunod niyang paghinga.
Alam naman niyang hindi siya tanggap nito bilang kapatid. Pero kahit kailan ay hindi niya naisip na maging siya ay ipapapatay nito.
Ngayon mas naging malinaw sa kanya na pinagtiyagaan lang siya ng kapatid dahil mayroon siyang naging pakinabang dito.
Dahan-dahan siyang naglakad paalis at mabigat ang loob na nilisan ang lugar na 'yon. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad na walang tiyak na paroroonan.
Kapag nagkataon ay hindi niya masisiguro kung magagawa niya bang makalabas dito ng buhay. Lahat ng tauhan na nandito ay tapat lamang kay Aries. Ni hindi siya kinatatakutan ng mga 'to.
He was contemplating his thoughts when suddenly, an alarm buzzed through the whole tower. Indicating than an intruder has entered their facility.
Right at that moment, Cole knew that it was Anderson and the others. Torn between his brother and former colleagues, he closed his eyes and turn his heel to go back to Nathalia.
HALOS MAPATALON sa gulat si Nathalia nang marinig ang malakas na alarm sa buong building. Kasabay no'n ay ang pagkalabog ng kung ano mula sa labas.
Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at pilit na isiniksik ang sarili sa isang tabi. Nakatitig lang siya sa pinto hanggang sa mawala ang ingay na tila nagkakagulo at marahas na bumukas 'to.
Muling tumambad sa kanyang paningin si Cole. Pinagpapawisan 'to at may bahid ng dugo ang suot nitong damit.
"W-What are you—"
Natigilan siya sa pagsasalita nang bigla na lang siyang hinatak nito. Gano'n na lang ang gulat niya nang makita ang tatlong bantay sa labas na nakahiga sa sahig at wala ng buhay.
Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Cole. "What did you—"
"Stephen and the others are here to get you," hinihingal na sabi nito.
Napakurap si Nathalia kasabay ng pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Ang pag-asang unti-unting nauupos kanina ay muling bumalik
Pero bigla siyang napabitiw kay Cole nang mapagtanto na ilalayo siya nito sa asawa. Ngunit naguluhan siya nang muling masulyapan ang mga bangkay sa isang tabi.
"Then why are you—"
Napatakip siya sa tainga nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Mabilis na nahila naman siya ni Cole patungo sa likod ng isang pader. Bahagya 'tong sumisilip upang makipagpalitan ng putok.
Hindi niya maiwasan ang mapatulala rito. Samot saring tanong ang naglalaro sa isip niya ngayon.
Bakit siya tinutulungan nito pagkatapos siyang traydurin?
Natauhan lang siya nang biglang tumahimik ang paligid at muli siyang hinila ni Cole. Pero tumigil siya saglit sa isa sa mga nadaanan nilang bangkay upang kuhain ang baril nito.
Hindi niya alam kung ano ang totoong intensyon ni Cole. Pero mas maigi na ang sigurado.
Kung sakali mang mabuti naman ang intensyon nito ay paniguradong hindi nito kakayanin lumaban ng nag-iisa.
Nagpatuloy sila sa pagtakbo. Ngunit gano'n na lang ang gulat nila nang sa pagliko ay may nakasalubong silang limang kalaban.
Without thinking twice, Nathalia shoots the other one straight to his heart. Napatungo naman siya ng akmang aatakihin siya ng isa pa mula sa kanyang likod. Mabilis na hinarap niya 'to at malakas na sinuntok sa tiyan, bago binalian ng leeg.
Ngunit sa pagkakabagsak nito ay bumungad naman sa kanyang harap ang isa pa na nakatutok sa kanya ang baril. Pero bago pa man nito maiputok 'yon ay bumulagta na 'to sa sahig.
Then there she saw Cole.
"We need to get going." He was about to go near her when suddenly, gunshots filled her ears.
Pakiramdam ni Nathalia ay bumagal ang takbo ng paligid nang dahan-dahang bumagsak si Cole. Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkabigla nang muli siyang makarinig ng sunod-sunod na putok.
"Nathalia!"
Dahan-dahan niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses. Bumungad sa kanya ang nalilisik na mga mata ni Aries.
Her body is shaking. Not because of fear, but because of anger that suddenly rises within her.
This is too much.
Dahan-dahan 'tong naglakad palapit sa kanila. Akmang babarili na niya 'to, nang may bigla na lang kumuha no'n mula sa pagkakahawak niya.
Everything happened so fast. Ni hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito sa kanya!
Just who the hell is this guy?
"I knew it. No'ng simula palang ay duda na talaga ko sa katapatan mo sa grupo. Paniguradong nakaapekto sa takbo ng isip mo ang ilang taong pamamalagi mo sa mga Anderson."
Aries stop right in front of his older brother. Gustuhin man ni Cole na tumayo ay hindi na niya magawa. May tama siya sa tuhod, balikat at bandang dibdib na napasuka na lang siya ng dugo.
Nathalia's eyes widened in horror. Akmang lalapitan niya si Cole ng mabilis siyang nahawakan ng tauhan ni Aries na si John sa magkabilang kamay, bago inilagay 'yon sa likod niya at mahigpit na tinalian.
Masama ang tinging ipinukol niya rito. "Let go of me, your asshole!"
John smirked at her. "Woah. Fierce," pang-aasar pa nito sa kanya.
She was about to retaliate when Aries spoke again. Muling bumalik ang atensyon niya sa mga 'to.
"Ano? Lumambot na ang puso mo, Kuya?" nanunuya nitong tanong kay Cole.
"Baka nakakalimutan mo na kung hindi dahil sa mga Fuentes at Anderson ay buhay pa sana ang mga magulang mo. Ang tatay ko."
Kahit nanghihina ay hindi napigilan ni Cole ang matawa, dahilan para muling may lumabas na dugo sa kanyang bibig.
"H-Hindi ko nakakalimutan 'yon. Pero m-masyado akong nabulag sa galit at hindi ko man lang n-napansin na ginagamit lang pala ko ng sarili kong k-kapatid."
Nagsalubong ang kilay ni Nathalia at hindi makapaniwalang napatingin kay Aries na bigla na lang tumawa nang malakas. Pagkatapos ay nanlaki ang mga mata nito, habang dinuduro ng baril si Cole.
"Bakit? Tingin mo ba ay tanggap kita bilang kapatid? Kahit kailan at kahit anong gawin mo ay hinding-hindi kita matatanggap. Ikaw ang buhay na patunay na nagtaksil si Papa kay Mama!"
Napailing si Cole. "I s-shouldn't trust you from the b-beginning." He's about to get up when Aries fired his gun twice.
Ang luhang pilit na pinipigilan ni Nathalia magmula pa kanina ay magkakasunod na biglang pumatak. Hinawi niya si John at mabilis na tumakbo palapit kay Cole.
"C-Cole..." she called him out in between her sobs.
Pilit naman 'tong ngumiti sa kanya. "I'm sorry if I failed to p-protect you, M-Madame. Please live a h-happy life."
Sunod-sunod siyang napailing. Halos manlabo naman ang kanyang paningin nang dahil sa luhang patuloy na namumuo sa kanyang mga mata.
"No! Cole! Get up! Marami ka pang kantang kakantahin sa 'kin. Pasasayahin mo pa ko sa mga corny mong jokes!"
Muli 'tong ngumiti sa kanya. "D-Don't worry about me. I'll be at p-peace. Dahil alam kong s-sinubukan kong gawin ang tama sa kahuli-hulihang p-pagkakataon."
Tuluyan na siyang napahagulgol nang unti-unti nitong ipikit ang mga mata.
"Tara na, Nathalia! Bakit mo ba iniiyakan ang traydor na 'yan? Hindi natin siya kailangan. Tayong dalawa lang ang kailangang magsama at walang kahit na sino man ang pwedeng humadlang sa 'tin."
Marahas siyang itinayo ni Aries bago kinaladkad. Kasunod naman nila si John. Gusto niyang lumaban pero pakiramdam niya ay nanghihina na siya.
She's about to lose hope when suddenly, she heard his familiar voice.
"Nathalia!"
Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya sa direksyon na pinagmulan ng boses nito. Halos manlambot ang kanyang tuhod nang magtama ang kanilang paningin.
He came. He really did find me.
STEPHEN IS fuming mad when he saw his wife. May mga galos at sugat 'to sa katawan, bago may benda pa sa ulo.
Ang buong akala pa naman niya ay hindi magagawang saktan ni Aries ang asawa. Pero mukhang hindi na talaga matino ang takbo ng utak nito.
Napahigpit ang hawak ni Stephen sa dalawang baril at nanlilisik ang mga matang tumuon kay Aries.
"Let go of her! Sa 'kin ka may galit! Ako ang harapin mo!"
Napuno ng malakas na tawa ni Aries ang buong lugar, bago napailing.
"I'm sorry to disappoint you. But I don't have much time to deal with you. Isa pa ay sama-sama naman na kayong mamamatay ng mga ulol mong kaibigan sa lugar na 'to!"
Nalipat naman ang atensyon niya kay Nathalia. Nakatali ang mga kamay nito at halos manginig siya nang dahil sa galit na nararamdaman.
"Goodbye, Anderson!" tatawa-tawa nitong sabi bago kinaladkad si Nathalia.
He's about to go after them when John blocked his way.
"Where are you going, shithead? Come on! Fight me!" Mabilis na nagkatutukan sila ng baril.
"I don't fucking care about you, so you better get out of my way!" nanggagalaiti niyang sabi rito.
Pero nagulat na lang siya nang marinig ang sigaw si Nathalia.
"Don't worry about me, Tep-tep! I'll go back to you. I promise!"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Stephen. Hindi siya makapaniwala sa itinawag nito sa kanya.
Damn! She remembers!
Dahil do'n ay tila nawala na parang bula ang nararamdamang pagod ni Stephen magmula pa kanina. They've been fighting all this day and he's been feeling exhausted.
Not until he heard her voice.
"Anong nginingisi-ngisi mo riyan? Nabaliw ka na ba?"
Mas lalo siyang napangisi nang dahil sa sinabi ni John.
"Well, I think I really am. Pero ang baliw na 'to ang tatapos sa buhay mo."
Bago pa man nito maiputok ang baril ay mabilis na umiwas siya at nasipa 'yon, dahilan para mabitiwan nito ang baril at tumilapon sa sahig. Hindi na niya 'to binigyan ng pagkakataon para makabawi pa at sunod-sunod 'tong pinaputukan.
"Serves you right, motherfucker!"
Wala na siyang inaksayang oras at agad na sinundan sina Nathalia.
Hindi na hahayaang mailayo pa ulit 'to sa kanya.
NATHALIA IS doing her best to untie her hands, while Aries is gripping her right arm tightly. Mabuti na lang at naturuan siya ni Albert dati kung paanong makawala mula sa pagkakatali sa loob lang ng isang minuto. Hindi niya nagawa 'yon kanina dahil mas maiging gawin 'yon kapag nakatalikod ang kalaban.
"Kung gano'n ay nakakaalala ka na pala? Too bad because you will not see each other again!" Mas lalong dumiin ang pagkakahawak nito sa kanya, pero hindi na niya ininda pa.
A smirked formed on Nathalia's lips when she finally succeeds. Kaya naman ay mabilis na hinawakan niya si Aries sa kamay at pinilipit 'to, dahilan para mabitiwan nito ang hawak na baril, bago buong lakas na ibinalibag niya 'to. Kasalukuyan silang nasa tapat ng balkonahe ngayon.
"Damn! Damn you!" Napangiwi 'to habang napapadaing sa sakit.
Nathalia is about to reach for his gun. Pero mabilis na nakatayo si Aries at mahigpit na niyakap siya mula sa likod.
"Let go of me!" Pilit siyang kumakawala mula rito nang biglang matuon ang atensyon niya sa pader.
Mabilis na tumakbo siya papunta rito at naglakad sa dingding, bago buong lakas na tumalon papunta sa likod ni Aries, dahilan para mabitiwan siya nito.
"Nathalia!"
Bahagyang nalingat si Nathalia nang marinig ang boses ni Stephen. Kaya naman ay ginamit ni Aries ang pagkakataong 'yon upang kuhain ang baril at itutok 'yon sa sentido ni Nathalia.
Napako naman sa kinatatayuan niya si Stephen. Habang si Nathalia naman ay halos pangapusin na ng hininga nang dahil sa bilis ng tibok ng puso niya.
"One wrong move, Anderson. One wrong move." Mas idiniin pa nito ang bunganga ng baril.
Dahan-dahan namang ibinaba ni Stephen ang hawak na baril, bago itinaas ang dalawang kamay.
"Don't hurt her."
Napailing si Aries. "Of course, I won't." Mabilis na itinutok naman nito ang baril kay Stephen.
Halos mapatalon sa gulat si Nathalia nang dahil sa sunod-sunod na putok ng baril. Napamaang siya nang dahan-dahang bumagsak mula sa likod niya si Stephen.
Gulat na napaangat siya ng tingin kay Stephen na agad siyang sinugod ng yakap.
"Thank God, you're okay! I'm so sorry if I came late. I'm so sorry if I—"
Napailing siya at mahigpit na niyakap ang asawa pabalik. Ang akala niya ay hindi na niya 'to muling makikita pa. Ang akala niya ay hindi na siya mabibigyan pa ng pagkakataon para sabihin dito ang tatlong salita na 'yon.
"No. Don't be sorry. It's not your fault. You're right now. That's all that matters." Kumalas siya sa yakap masuyo 'tong hinawakan sa magkabilang pisngi.
"I love you. I love you so much that it scares me if I won't see you again," she sincerely said as she looked at his eyes directly.
Sa kauna-unahang pagkakataon mula sa araw na 'yon ay malawak na napangiti si Stephen. "Y-You really do?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Napatango si Nathalia, habang pilit na pinipigilan ang muling pagbagsak ng kanyang mga luha. "Yes, I do. I really do."
Natigilan naman si Nathalia nang may biglang maalala. Napalayonsiya kay Stephen at nilingon ang walang buhay na si Aries. "How did that happened?"
Nakangiting nilingon ni Stephen ang balkonahe. "Ace happened."
Napatingin din do'n si Nathalia kahit pa hindi naman niya makikita si Ace. He do really came from a family of sniper.
Pero napakunot noo siya nang biglang lapitan ni Stephen si Aries at may kinapa na kung ano sa damit at bulsa nito.
"It should be here," bulong nito.
"What are you doing?" naguguluhan niyang tanong.
"There! Gotcha!" Tumayo na 'to at pagkaharap sa kanya ay agad na inabot nito sa kanya ang hawak.
Napasinghap si Nathalia nang dahil sa nakita. It's their family brooch! It's a gun and sword in a 'X' form.
"Nakita kong kinuha niya 'to no'n."
Nanginginig ang kamay na kinuha niya 'yon. Before, she finds that brooch strange. Pero ngayong malinaw na sa kanya na galing din siya sa pamilya ng mafia ay naiintindihan na niya kung bakit gano'n ang hitsura nito.
Inilagay niya 'yon sa kaliwang dibdib ng suot na damit, bago nila napagpasyahang bumaba.
Agad naman silang sinalubong ng mga kaibigan na tila pagod na pagod na. Pero natigilan siya nang mapansin na nakakunot ang noo ng kanyang asawa.
"What is it? May problema ba?" kinakabangan niyang tanong.
Napatiim bagang 'to. "The other members of the organization are here."
Napakurap si Nathalia, bago ipinalibot ang tingin sa paligid. Doon lang niya napansin ang mga bagong mukha na ngayon lang niya nakita sa buong buhay niya.
But she didn't expect what they did next. They all kneel in front of her!
"Welcome back, Mistress," magalang at sabay-sabay na sabi ng mga 'to, habang nakatungo.
Halos malaglag naman ang panga niya nang gawin din 'yon ng mga kaibigan at asawa niya.
What the hell is happening?