Chapter 35 | Mafia Queen

Stephen's POV

Damn this piece of shits! Gaano ba karami ang mga galamay ni Aries?

Mabilis na iniiwas ko ang kotse nang mapansin na sa 'kin nakaumang ang baril ng dalawa sa nakasakay sa isang puting van. I can send them all in hell right now if I fucking want to. But I shouldn't waste any single minute of my time just by dealing with them.

I need to see my wife as soon as possible. That's all that matter to me right now.

Kinuha ko ang phone at agad na tinawagan ang head ng mga mafia guards na kasama ko ngayon.

"Clear my way and back me up. Make sure to kill all those motherfuckers!"

"Yes, Sir!"

Pinatay ko na ang tawag at itinapon ang phone ko sa dashboard. Napahigpit ang hawak ko sa manibela nang mapansin na isa-isang pinapatumba ng mga tauhan ko ang kalaban sa unahan. Nang sa wakas ay tuluyan na silang naubos ay agad na pinaharurot ko ang sasakyan.

Napasulyap ako sa side mirror at nakitang mabilis namang nakasunod ang mga kaibigan ko sa 'kin. Habang ang mga tauhan namin ay tuluyan ng nagpaiwan. They're blocking the enemy's way.

"Rhyz, nasabihan mo na ba si Amelia na sumunod agad sa 'tin?" tanong ko kay Rhyz mula sa earpiece na suot.

"No worries. According to her, they're almost done in disposing the bodies."

"Anderson, saan ba tayo didiretso?" sabat naman ni Ash.

I was about to answer him when my phone suddenly rang. I reached for it and answered it immediately when I saw that it's Liam whose calling. I put him on loudspeaker mode.

"Anderson! Nahanap na namin ang kotseng ginamit nina Nathalia. I'm with Tito Edwin and Tita Marcel right now."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong nakaramdam ng kaba. Mabilis na nag-overtake ako sa mga nakasabay na sasakyan. Wala kong pakielam kahit na sunod-sunod pa nila kong businahan.

"What happened? Nakuha n'yo ba si Nathalia?" I was hoping to receive some good news. Kahit na alam kong imposible.

Rinig na rinig ko ang mabilis na paghahabol niya ng hininga mula sa kabilang linya.

"I'm so sorry, man. Nahuli na kami ng dating. Tanging ang kotse na lang ang nandito. We tried to search for the whole area. But there's no sign of Nathalia nor Cole here."

Malakas na hinampas ko ang manibela. "Paniguradong kinuha na sila ni Aries o hindi kaya ay lumipat ng ibang sasakyan. Cole knows that the car has a tracking device."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang traydor sa grupo. I give him all my fucking trust. I entrusted him of Nathalia's safety and tell him almost everything about our plans.

Kaya pala palaging napupurnada ang lahat. Dad will be probably disappointed once he knew the thing about Cole. To think that he's the one who brings Cole on the mansion eight years ago.

Palaboy-laboy lang siya sa kalsada ng nakita siya ni Dad kaya hindi na kami nag-abala pang halungkatin ang tungkol sa nakaraan at pamilya niya. And that's our biggest mistake.

"I contacted the reapers already to inform them. What should we do now? We need to find my cousin as soon as possible. We will never know what will Aries do to her. That bastard is mentally sick!" Liam furiously said.

Sadyang hindi ako nagkamali na ipagkatiwala si Nathalia kay Liam at sa pamilya nito. They really treated her like their own blood.

"Bumalik muna kayo ng mansyon. Malapit na rin kami. We need to form a plan."

"Okay. I'll tell the others too." He hung up.

"I'll order my men to secure the airports. Just in case," Riley said from the earpiece.

"I'll contact my friend from the police as well to secure the exit points," Ace said.

"We won't let him escape this time," determinadong sabi ni Shan.

My jaw clenched. "Hell, yeah."

Kung mayroon man akong pinagsisisihan sa buong buhay ko, 'yon ay ang hinayaan kong makatakas si Aries pitong taon na ang nakararaan. Kaya naman ay sisiguruhin ko na maitama ang pagkakamali kong 'yon ngayon.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa mansyon. Mabuti na lang at mabilis na nakahabol si Amelia sa 'min maging ang mga tauhan niya, kaya agad na nadispatsa ang mga nagkalat na katawan sa loob at labas ng mansyon.

I have never really imagined that they can break into the security system of the mansion.

Kasalukuyan kaming nagtitipon-tipon sa sala ngayon kasama ang mga Sarmiento at mga reapers.

"Where should we start finding her? Hindi natin alam ang takbo ng utak ng Aries na 'yon!" Nagpalakad-lakad si Ryza habang nakatungo.

Agad na tumuon ang atensyon ko kay Rhyz.

"Her phone has a tracking device. Find her location." Hindi ko pinansin ang nagtataka nilang tingin sa 'kin.

Napatango naman si Rhyz. Akmang magtitipa na siya sa dalang laptop nang bigla siyang pigilan ni Liam.

"There's no use." Napailing siya bago iniabot sa 'kin ang phone ni Nathalia. "We found this in your room. Together with this one."

Natigilan ako nang iabot niya sa 'kin ang isang pamilyar na photo album. Nanginginig ang kamay na kinuha ko 'yon, bago gulat na napaangat ng tingin sa kanya. "Don't tell me..."

"Yes. She manages to break into that room," pagkumpirma ni Liam sa hinala ko.

"Oh my gosh!" Napatakip sa bibig si Ryza kasunod ng malakas na pagsinghap ng bawat isang nandito.

"How did that happen? Unless..." puno ng pag-aalala ang mukha ni Shantel nang mapalingon sa 'kin.

Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko. "Tingin mo ba ay bumalik na ang alaala niya?" Halos pigil ko ang hininga habang hinihintay ang magiging sagot ni Liam.

Napaupo siya bago napailing. "No. I don't think so. We reviewed the CCTV footage earlier. She happened to pass by on that area and it seems that curiosity got her. When she saw the eye sensor security system, she just give it a try and that's it."

"Hindi naman na nakapagtataka 'yon. Ang tanging naging pagkakamali lang natin ay umasa tayong hindi niya pagdududahan ang kuwartong 'yon at susubukang pasukin."

Napatango ako sa sinabi ni Oliver. Sa totoo lang ay hindi ko rin inalala ang tungkol sa bagay na 'yon dahil masyado akong nakampante na wala siyang maalala. Pero kahit gano'n ay hindi ko naman pinagsisisihan na hindi ko inalis ang access niya sa kuwarto na 'yon.

"Paniguradong naguguluhan siya ngayon. It must be really hard for her to see the pictures of us together. Kaya niya siguro nagawang kunin ang isa sa mga litrato na nariyan." Napahilamos sa mukha si Mads.

Agad na binuksan ko naman ang photo album. Truth be told, one photo is missing. Kung hindi ako nagkakamali ay 'yon ang picture namin na kasama si Cole sa kauna-unahang pagkakataon.

But Aries is not part of that photo. Kahit no'n pa ay mailap na talaga siya sa 'min. Kaya lang naman namin siya nakakasama ay dahil anak siya ng isa sa mga reapers ng pamilya Fuentes.

Malalim akong napabuntong hininga at napasabunot sa buhok ko. Bumalik man o hindi ang alaala niya ay handa naman na kong sabihin sa kanya ang totoo sa oras na mawala lang sa landas namin si Aries.

Pero bakit kailangan niya pang malaman ang tungkol do'n sa gano'ng paraan?

"What now? We can no longer track her down. Iniwan na nila ang kotse at naiwan naman ni Thalia ang phone niya rito. Paano natin malalaman kung nasaan na sila ngayon?" nag-aalalang tanong ni Tita Marcel. Mahigpit na niyakap naman siya ni Tito Edwin.

"This will not happen if you just let us take her to the Canada the moment we adopted her. You should have settled the problem with Aries and the traitor first before you marry her." Matalim ang tingin na ibinato sa 'kin ni Tito.

Napakuyom ako ng kamao. "Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ng lahat, sana ay hindi ko na hinayaan pang makatakas si Aries no'n."

"This is not the time to blame each other. All we have to do right now is to make a plan on how we can save Nathalia." Napatingin si Ash sa 'kin. "I think it would be better if Uncle Isaac will know about Cole as well."

Napailing ako. "No. Saka ko na lang sasabihin sa kanya sa oras na maging maayos na ang lahat. Mas makabubuti sa ngayon kung nakatuon lang ang buong atensyon niya sa pamamalakad ng mga transakyon sa ibang bansa."

"Eh, kung humingi na lang kaya tayo ng tulong sa organisasyon? Paniguradong sa oras na malaman nila ang tungkol kay Nathalia ay walang pagdadalawang isip nila tayong tutulungan. After all, she's the rightful head of the organization and the only heiress of the Fuentes Mafia, whose has been leading the underground society since then."

Natigilan kaming lahat nang dahil sa sinabi ni Amelia. I hate to admit it, but she has a point. Matagal ko na rin namang pinag-iisipan ang tungkol sa bagay na 'yon.

Pero hangga't maaari ay mas gugustuhin kong hindi na nila malaman pa ang tungkol kay Nathalia. Ang katotohanan na kahit si Nathalia mismo ay walang alam kahit no'ng mga bata palang kami.

She's the youngest one among the group, aside from our family's reapers. But she's more than powerful compare to us.

It's because she's the one and only daughter of Gray and Nathasha Fuentes. The most influential mafia family from the underground society.

She's the mafia world's queen. My queen. And yet, she's not aware of that.

Kaya gano'n na lang ang pagprotekta na ginawa namin sa kanya no'n, dahil alam namin na malaki ang posibilidad na pag-initan siya ng mga kalaban. Lalo pa at siya ang nakatakdang pumalit sa puwesto ng mga magulang niya balang araw. At kahit nawalan siya ng alaala ay hindi kami tumigil na protektahan siya.

Ipinagkatiwala ko siya sa pamilya Sarmiento na isa sa mga reapers ng pamilya nila no'n. They turned out to be a family of mafia as well in able to protect her. Magiging mas makapangyarihan din kasi sila kung papasukin nila mismo ang pagiging mafiosos, kaysa ang manatiling reapers nito.

Ngunit kahit labag sa kagustuhan ko ay alam kong hindi ko pa rin dapat itago sa kanya ang tungkol sa bagay na 'yon. Hindi ko na dapat pang ipagkait ang katotohanan tungkol sa tunay niyang pagkatao at pangunahan siya sa magiging desisyon niya kung gugustuhin niya bang tanggapin ang nakaatang na responsibilidad sa kanya o hindi.

Napahugot ako ng malalim na hininga. "I doubt that. Kahit sabihin natin sa kanila ang totoo ngayon ay paniguradong hindi rin sila maniniwala. Alam n'yo naman na hanggang ngayon ay traydor pa rin ang turing nila sa 'tin."

"Pero may hawak naman na tayong ebidensya na maglilinis sa mga pangalan—"

"Wag kayong mag-alala. Dahil kahit saan pa sila pumunta ay paniguradong masusundan natin sila. Basta panatilihin n'yo lang na alerto ang mga tauhan n'yo para hindi na tayo matakasan pa." Pagputol ko sa sinasabi ni Riley.

Kunot noong napatingin sila sa 'kin.

"What do you mean?" Tito Edwin asked.

Muli kong tiningnan si Rhyz. "Her wedding ring has a tracking device as well. Track her down."

Napangisi siya sa 'kin bago mabilis na nagtipa sa laptop niya.

Halos malaglag ang panga nila nang dahil sa narinig

"What the hell? Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ni Ace.

"Don't tell me that even her body has a fucking tracking device too?" Halos maghisterikal naman si Tito Ed. Pakiramdam ko anumang oras ay bigla na lang niya kong susugurin.

I shrugged. "I have no other choice. I know that this day will come that's why I need to be prepared."

"Pero paano na lang kung tinanggal niya na 'yon? O kaya ay tinanggal ni Aries?" Shantel panicked.

Seryoso ko siyang tiningnan. "Believe me, they won't be able to took the ring out that easily. It's not an ordinary one."

Bakas pa rin ang kalituhan sa mukha nila, pero wala naman ng umimik pa.

"I got it! I know where is already!" Napatayo ang lahat nang dahil sa sinabi ni Rhyz.

Agad na inihanda ko ang dadalhing baril at isinukbit 'to sa beywang.

"Let's go! We need to bring back our queen now."