Chapter 27 | Just the Two of Us
Nang dahil sa nangyari kay Stephen ay napagpasyahan kong hindi na muna pumasok sa school ngayong araw. Maging sina Mads ay absent din ayon na rin sa ipinadala niyang text message sa 'kin.
May nangyari raw kasing problema sa hotel, kung saan ay nagtatrabaho sila bilang mga part-timer. Pero kahit hindi sila regular na empleyado ro'n ay napag-alaman ko sa kanya kanina na kaya pala sila inilagay ni Stephen do'n ay upang magsilbing tagapamahala nito. Kaya pala sa tuwing nagkakaroon ng anumang aberya sa hotel ay sila ang umaayos nito.
Sa tingin ko ay unti-unti na silang hinahasa ni Stephen para magpatakbo ng negosyo.
Malalim akong napabuntong hininga bago bumaba ang tingin sa suot na relo. Alas-dos na ng hapon pero hanggang ngayon ay tulog pa rin si Stephen.
Sabagay, umaga na rin naman ng matulog siya kanina. Bukod ro'n ay mukhang mapipirmi siya sa bahay maghapon sa kauna-unahang pagkakataon.
"Sigurado ka bang ayos lang talaga siya? Hindi kaya dapat ay sa hospital muna siya nagpapahinga ngayon?" nag-aalalang tanong ko kay Cole.
Nakaupo siya sa pang-isahang sofa sa tabi ko, habang abala sa paglalaro sa kanyang cellphone.
"Wag po kayong mag-alala, Madame. Ayos lang po si Sir Stephen. Marahil ay nagbabawi lang po ng lakas ang katawan niya. Ilang linggo na rin po kasi siyang kulang sa tulog." Ibinaba niya ang hawak na phone bago bahagyang inilapit ang mukha sa 'kin.
"Saka mas mainam na pong nandito siya sa mansyon. Balita ko po kasi kay Sir Ace ay marami siyang nasirang gamit sa hospital na pinagdalhan sa kanila."
Kumunot ang noo ko nang dahil sa ibinulong niya. "What do you mean? Bakit naman maninira ng gamit si Stephen sa hospital?"
Lumayo siya bago umayos ng upo. "Ayon naman po kay Ma'am Shantal ay nakatanggap daw po ng sulat si Sir Stephen sa hospital kaninang umaga. But it's more of a death threat. Lalo pa at sinabi ro'n sa sulat na kayo raw po ang isusunod nila." Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkuyom niya ng kamao.
"Kaya imbis po na manatili pa si Sir Stephen sa hospital ay agad siyang nagpasyang umuwi na kaninang umaga. Wala rin daw po siyang tulog sa magdamag kakaisip kung ayos lang po kayo. Kaya gano'n na lang ang ginawang pagpigil sa kanya nina Sir Ashter para umalis." Napailing siya.
"Pero nagresulta lang daw po 'yon sa pagwawala ni Sir, dahilan para may masira siyang mga gamit at masaktang staff ng hospital. Muntik na nga raw po siyang bugbugin ni Ma'am Amelia dahil may nadamay pa pong staff nila."
Natampal ko na lang ang noo ko. Kahit kailan talaga ay sakit sa ulo ang lalaking 'yon. Siya na nga 'tong nasaktan at naalanganin ang buhay, pagkatapos ay ako pa rin ang inaalala niya? Samantalang napapaligiran ako ng mga mafia guard niya at mahigpit naman ang seguridad rito sa mansyon. Lalo na sa labas.
Kaya bago pa man makapasok ang mga kalaban ay paniguradong bulagta na ang katawan nila sa lupa.
But wait. "Staff nina Amelia? Ibig sabihin ay ang pamilya niya ang may-ari ng hospital?"
Napatango naman siya. "Yes po, Madame. Ang pamilya po ni Ma'am Amelia ang may-ari ng Ramirez Hospital. She's also an ob-gyn doctor."
Napanganga ko nang dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang napagtanto na marami pa pala kong hindi alam tungkol sa mga kaibigan ni Stephen.
Sinong mag-aakala na ang tiga-linis at tiga-tapon nila ng bangkay ng bawat kalaban na napapatay nila ay isang ob-gyn doctor?
Mahigpit na napahawak ako sa armrest ng sofa na kinauupuan ko dahil pakiramdam ko ay mawawalan na lang ako bigla ng ulirat. Binalot tuloy ako ng kuryosidad sa kung ano-anu pa ang hawak na negosyo ng ilan sa mga kaibigan niya. Pati na rin ang iba pang mga pinagkakaabalahan nila sa buhay.
Akmang magtatanong pa sana ko nang mapaangat ang tingin ko sa hagdan. Nagtama ang paningin namin ni Stephen, habang dahan-dahan siyang bumababa ng hagdan.
Magalang na binati siya ni Cole, bago nagpaalam na lalabas muna. Agad naman akong tumayo para lapitan siya.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?"
Nang tuluyang makababa ay kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan 'to. "Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kanina habang nasa hospital ako. Parang mas lalo lang akong matutuluyan do'n, eh." Mahina siyang natawa.
Napailing na lang ako sa kanya. Nalagay na nga ang buhay niya sa kritikal na sitwasyon ay nagagawa pa rin niyang magbiro.
Kung tutuusin ay isang milagro na nagawa pa nilang makaligtas sa naganap na pagsabog. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapaisip sa kung paano talaga sila nakatakas.
"Tara do'n sa kusina. Ipinagluto kasi kita ng tanghalian kanina sa tulong na rin ni Manang Belen. Kaya lang ay mahimbing pa ang tulog mo at ayaw naman kitang istorbohin. Iinitin ko na lang."
Hindi makapaniwalang napatingin siya sa 'kin. "You did that?"
Napatango ako. "Oo naman. Bakit hindi? Eh, asawa mo ako."
Pareho naman kaming natigilan nang dahil sa sinabi ko. Mabilis na nag-iwas ako ng tingin at gano'n din siya.
Wala namang mali sa sinabi ko. Dahil asawa naman na talaga niya ko. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng ilang.
Walang imik na dumiretso na kami sa kusina. Sinabihan ko naman ang mga katulong na nadatnan namin do'n na ako na lang ang mag-aasikaso kaya lumabas na sila.
Agad na ininit ko ang ulam at narinig ko naman ang ginawa niyang paghila ng upuan sa likod ko. Kahit nakatalikod ako sa direksyon niya ay ramdam ko ang mapanuri niyang tingin sa 'kin ngayon.
Mahigpit na napahawak ako sa counter. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang tuhod ko dahil do'n.
Nang matapos ay mabilis na ipinaghain ko na siya. Pilit kong pinipigilan ang panginginig ng kamay ko dahil sa ilang na nararamdaman. Bawat kilos ko kasi ay nakasunod ang mga mata niya sa 'kin.
Tahimik na umupo ako sa tapat niya nang maihain ko na ang pagkain niya.
"Hindi mo ba ko sasabayan? Nakakalungkot kaya kumain mag-isa."
Nagulat pa ko nang bigla siyang magsalita. "Sure."
Tumayo ako at kumuha rin ng sarili kong plato at kubyertos. Hindi nagtagal ay sabay na kaming kumain. Gusto kong matawa nang dahil sa sunod-sunod na ginawa niyang pagsubo pero mas pinili ko na lang ang manahimik. Mukhang gutom na gutom ang loko.
Maraming bagay sana kong gustong tanungin sa kanya ngayon. Dahil sa paglipas ng mga araw ay mas lalo lang dumarami 'yon at pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko sa kakaisip ng posibleng sagot.
Pero saka na lang siguro kapag maayos na talaga siya. Hindi man niya ipahalata ay nasisiguro kong may naging epekto rin sa kanya ang nangyari.
Pagkatapos naming kumain ay nagyaya siyang tumambay sa sala. Binuksan niya ang tv at dumiretso sa netflix.
Tumaas ang kilay ko. Kailan pa siya nanood ng tv?
"Manood tayo ng movie. Ano bang magandang action movie ngayon?" tanong niya habang patuloy lang sa pagba-browse ng mga pelikula.
Hindi ako umimik at inagaw ang remote sa kanya. "I think it's better if you still take some rest."
Bigla siyang sumimangot. "I have rested enough. Mas lalo lang akong magkakasakit kung patuloy pa kong hihilata sa kama." Nilingon niya ko bago inakbayan.
Pakiramdam ko ay nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok nang dahil sa ginawa niya. Bakit ba ganito na lang ang epekto sa 'kin ng lalaking 'to?
"Besides, I want to spend the rest of this day with you. Just the two of us. Minsan lang ako mamalagi ng isang buong araw sa mansyon kaya lulubos-lubusin ko na."
Nahigit ko ang hininga kasabay ng pagwawala ng puso ko. Umiwas ako ng tingin at ako na ang naghanap ng pelikula habang pilit na pinipigilan ko ang pagkawala ng ngiti sa 'king mga labi.
I like it when Stephen becomes so cheesy and such. But it made me nervous at the same time.
Nagpatuloy lang ako sa paghahanap hanggang sa may mahagip ang paningin ko.
"365 days. What the hell? Is that even an action movie?" takang tanong niya.
Napangisi naman ako. "Yeah."
"Are you sure? The cover tells the otherwise," tila hindi kumbinsidong sabi niya.
Bago pa man siya makaangal ay pinindot ko na ang Play button at humilig sa balikat niya. "Mas matindi pa 'yan sa kahit anong action movie. It's a mafia story as well."
"Oh. Okay. That's good then."
Kinagat ko ang ibabang labi upang hindi matawa. Lihim din akong nananalangin na sana ay wala munang mapadpad na katulong o tauhan dito ni Stephen. Mahirap na at baka bigla na lang silang maeskandalo.
Tahimik lang kaming nanonood no'ng umpisa. Pero ng tumagal ay tila hindi na mapakali sa kinauupuan niya si Stephen. Rinig ko rin ang tila pagbigat ng kanyang hininga maging ang kanyang paglunok.
Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na humagalpak ng tawa. Maging ang mag-angat ng tingin para makita sana ang reaksyon niya.
"What the fuck is that movie? I thought it's an action movie?" Bakas ang kaba sa boses niya.
Sa pagkakataong 'yon ay napaangat ako ng tingin at inosente siyang tiningnan. "Yes it is. Mafia boss pa nga ang bida, 'di ba?"
His jaw clenched as he gave me a pointed look. "Then why the hell are they just fucking like there's no fucking tomorrow? Mas marami pa ata 'yong gano'ng eksena kaysa sa barilan at patayan, eh!"
"Bakit? Maraming beses namang nagbarilan sina Massimo at Laura, ah," natatawang aniya ko sa kanya. Namumula na pati ang mukha niya.
It was suppose to be a joke. But it seems that he takes it the other way around.
Natigilan naman ako sa pagtawa nang mapansin na seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin. Bigla kong nakaramdam ng kaba nang dahil sa paraan ng pagtingin niya sa 'kin.
"Ganyang mga klase ba ng pelikula ang gusto mo? Ganyang klase ba ng aksyon ang gusto mong maranasan? Tell me, sinong kasama mo sa tuwing nanonood ka ng ganyan?" Nagbabanta ang tono ng boses niya.
Napakurap ako. "A-Ako lang."
Tila nakahinga naman siya nang maluwag. "Good. Wag na wag kang manonood ng ganyang klase ng palabas kung hindi naman ako ang kasama mo, naiintindihan mo ba?"
Sunod-sunod akong napatango.
"Still, you have no idea on what you got yourself into, my wife." His eyes were now full of lust and desire.
"A-Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan kong tanong sa kanya.
Gusto kong batukan ang sarili ko. Pinili ko lang naman ang movie na 'yon para pagtripan siya at makita kung ano ang magiging reaksyon niya. Pero hindi ko akalain na magiging ganito ang epekto no'n sa kanya.
Hindi siya umimik. Napatili na lang ako nang bigla niya kong binuhat at magsimulang maglakad. Paakyat na kami sa hagdan ng makasalubong namin si Cole na nagtatakang nakatingin sa 'min.
"Ano ba, Stephen! Ibaba mo nga ko!" Hindi ako makapiglas ng husto dahil baka bigla na lang kaming mahulog sa hagdan.
He looked at me intensely. "No! And please stop calling me Stephen. Call me asawa ko."
I look at him in disbelief. What the fudge?
There's no way in hell that I will call him that!
Ilang saglit pa ay tumigil na kami sa tapat ng kuwarto namin. Mabilis na binuksan niya ang pinto at ng makapasok ay pabalyang sinipa niya 'to bago i-lock.
Agad na tinungo niya ang kama at napahiyaw na lang ako nang bigla niya kong inihagis sa ibabaw nito na tila isang magaan na bagay.
Napalunok ako ng dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin.
"A-Ano... S-Stephen—"
"Asawa ko. That's what you're going to call me from now on," maawtoridad niyang sabi.
Bigla kong napangiwi. Pero wala rin naman akong mapapala kung makikipagtalo pa ko.
"A-Asawa ko—" hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko nang bigla na lang niyang sakupin ang mga labi ko.
Everything happened so fast. The next thing I knew is that we're both naked already while he is on top, thrusting in and out of me in a fast pace. Our forehead sweats as he slams himself hard. His hands were all over my body, touching and rubbing my feminity until we both reach our climax.
Minutes later, I found myself with my back leaning against the wall as he digs deeper into my core. Again, he spurts his seed inside me. All of it and made me come all over again. Our moans filled every corner of the room.
I guess, making him watch that movie isn't that bad at all.
"Te amo, mia moglie."
I heard he whispered before my eyes closed the moment he finally lay me on the bed again.
-----
"Asawa ko, gising."
Naalimpungatan ako nang may bahagyang yumugyog ng balikat ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa 'kin ang bihis na bihis na si Stephen.
Mahigpit na napahawak ako sa kumot ng tumama sa balat ko ang malamig na simoy ng aircon, bago mabilis na napabangon. "Where are you going?"
Tumingin ako sa labas ng bintana at napansing madilim na pala. "Wag mo sabihing makikipagpatayan ka na naman ngayon?"
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na tumabing sa mukha ko. "Silly. I already told you that I'll spend the rest of the day with you," nakangiting sabi niya.
Nagsalubong ang kilay ko. "Kung gano'n ay saan ka pupunta? Bakit bihis na bihis ka?"
"Saan tayo pupunta? Dress up. I'm going to show you something. I'll wait for you outside." Masuyong hinalikan niya ko sa noo.
Magtatanong pa sana ko pero mabilis na lumabas na siya ng kuwarto. Naguguluhan man ay agad akong kumilos at nag-ayos. Simpleng t-shirt at maong short lang ang isinuot ko. Tinernuhan ko 'to ng converse shoes.
Nang matapos ay lumabas na ko ng kuwarto at bumaba. Agad naman niya kong sinalubong, habang nasa tabi naman niya si Cole.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"You'll see." He took my hand and intertwined our fingers.
I rolled my eyes. Hindi na ko muling umimik pa dahil wala naman akong mapapala.
Dumiretso kami sa likod na bahagi ng mansyon at do'n lumabas. Pagkatapos ay tumigil kami sa tapat ng isang pinto ro'n na ngayon ko lang napansin. Nasa gilid at tabing bahagi kasi 'to ng mansyon at bahagyang natatabingan ng mga halaman.
Binuksan 'to ni Cole at gano'n na lang ang gulat ko nang bumungad sa 'kin ang isang elevator.
What the hell? Sa ilang buwang pananatili ko rito ay ngayon ko lang nalaman na mayroon palang elevator ang mansyon na 'to.
Tulala pa rin ako hanggang sa igiya ko ni Stephen papasok sa loob. Sa pagkakataong 'yon ay nagpaiwan na si Cole sa labas.
Mayamaya pa ay narating na namin ang tuktok ng mansyon. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga na lang ako nang sa pagbukas ng elevator ay bumungad naman sa 'kin ang isang helipad at helicopter na naro'n.
Hindi ko ininda ang malamig na simoy ng hangin na sumalubong sa 'min pagkalabas. Tila naglalakad ako sa alapaap habang palapit kami ng palapit sa kinalalagyan ng helicopter.
Agad na nilapitan kami ng isa sa mga tauhan do'n ni Stephen. Saglit lang silang nag-usap bago niya ko tuluyang pinapasok sa loob.
"Y-You know how to fly this one?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Masuyo niyang inayos ang pagkakalagay ng buckle belt sa 'kin bago nakangiting nag-angat ng tingin. "Yes. So brace yourselves as I will tour you around the city."
Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko nang magsimula ng umandar ang helicopter.
Sa totoo lang ay matagal ko ng pangarap ang makasakay rito maging sa isang jet. Kaya naman ay hindi talaga ko makapaniwala na natupad na 'yon ngayon.
Hindi nagtagal ay manghang nakatunghay na ko sa city lights. Sadyang ang ganda nito pagmasdan mula sa itaas at sa gabi. Nagmimistula kasing alitaptap sa paningin ang mga 'to.
"Do you like it?" biglang tanong niya.
Nakangiting nilingon ko siya. "I love it."
"That's good to hear."
Muli akong tumunghay sa labas. Hanggang sa mahagip ng paningin ko ang isang mataas na building, kung saan ay si Stephen ang nagmamay-ari.
Napasinghap ako at kusang tumulo ang luha ko nang may kung anong biglang sumabog sa kalangitan. Sa mismong harap ko ay nakaporma ang mga salita na nabuo ng dahil sa fireworks.
I LOVE YOU, MY WIFE
"Pasensya ka na, hah. Hindi talaga ko magaling sa ganito. But I hope you like it as well."
Nilingon ko si Stephen na parang baliw na nakangiti ngayon. Hindi maitatanggi ng kislap ng kanyang mga mata ang kasiyahan at sinseridad na nararamdaman niya ngayon.
Pakiramdam ko naman ay sasabog ang puso ko sa sobrang saya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na mahal niya ko. At nang dahil sa ginagawa niya ay mas lalo kong napapatunayan ang isang bagay.
I'm really in love with this man. I have fallen in love with my kidnapper and a mafia boss.
How I wish we just remain like this. No conflict, no secrets and no enemies to deal with.
Just him and me. Just the two of us.