Chapter 26 | Troubled
Nathalia's POV
Kasalukuyan akong nakikipaglaro ng chess sa isang batang babae na hindi pa rin malinaw ang mukha hanggang ngayon ng may biglang tumawag sa 'kin.
"Nathalia!"
Natigilan ako sa pag-iisip at lumingon sa pinanggalingan ng boses.
It's him again.
"Bakit, Tep-tep?" Kahit hindi ko maaninag ang kanyang mukha ay tila pamilyar na siya sa 'kin.
Tumakbo siya palapit sa 'kin bago dali-daling hinawakan ang kamay ko at hinila ko patayo. "Come with me."
"Wait! Naglalaro pa kami ni Ry! Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko sa kanya.
"May gusto lang akong ipakita sa 'yo. Hayaan mo na si Ry. Paniguradong hahamunin naman siya ulit ni Ly."
"As if naman kaya niya kong talunin, no!" maarteng sabi ni Ry.
Bago pa man ako makapagsalita ulit ay nahila na niya ko paalis. I look back and saw Ly took over my place in an instant.
Naiiritang binalingan ko si Tep-tep. "Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Basta!"
Hindi na ko muling umimik pa at nagpatangay na lang sa kanya. Ilang sandali pa ay pumasok kami sa isang pamilyar na mansyon, bago dire-diretsong tumungo sa pinakadulong hallway nito. Pagkatapos ay mayroon kaming binabaan na hagdan, bago tumigil sa tapat ng isang pinto.
Kunot ang noong nilingon ko siya. "What's in there?"
Napahigpit ang hawak niya sa kamay ko, bago seryosong tumingin sa 'kin. "This room is going to be our safe haven."
Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong napangiti nang dahil sa sinabi niya.
Napamulat ako ng mata nang biglang tumunog ang cellphone ko. Malalim akong napabuntong hininga.
Panaginip na naman.
Pupungas-pungas na kinapa ko 'to sa ibabaw ng mesa. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang text galing kay Mads. Mabilis na binuksan at binasa ko 'to.
Mads
Baka hindi kami makapasok tomorrow. May emergency kasi.
Bigla kong napabangon nang dahil sa nabasa. Agad ko siyang tinawagan pero ring lang ng ring ang kabilang linya. I tried to contact the others, but I can't reach them as well.
Kinagat ko ang ibabang labi habang nagtitipa ng mensahe sa kanya.
Hope you guys are okay. Let me know if you need any help.
I hit send. Pagkabalik ko ng phone sa ibabaw ng mesa ay napaangat ang tingin ko sa bilog na wall clock.
Alas-onse singko na pala ng gabi. Halos isang oras na lang ay hatinggabi na.
Inilibot ko ng tingin ang paligid. There's still no sign of Stephen.
Saan na naman kaya siya nagpunta? Ang tanging sinabi lang naman niya sa 'kin sa text kanina ay late na siyang makakauwi.
Sa totoo lang ay gustong-gusto ko na siyang tanungin ng tungkol sa impormasyon na nalaman ko sa lalaking nakabangga ko kanina. Pero mas maigi pa rin kung magkakausap kami ng personal.
Tuluyan na kong tumayo nang bigla kong makaramdam ng uhaw. Pagkalabas ng kuwarto ay nagulat pa ko nang hindi ko makita si Cole na nagbabantay. Marahil ay naglilibot siya sa mansyon para magbantay o di ka ay nakatulog na.
Tahimik ang buong paligid pagkababa ko. Halos wala ng gaanong bantay rito sa loob. Mas madalas kasi na rumoronda ang mga tauhan ni Stephen sa labas pagsapit ng gabi.
Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Napasandal ako sa lababo, habang iniisip kung anong oras na naman uuwi ang magaling kong asawa.
Higit sa lahat ay hindi ko maiwasan ang magduda kung may kinalaman din ba siya sa nangyaring pagpatay sa mga magulang ko pitong taon na ang nakararaan, lalo pa't mukhang matagal na talaga niya kong kilala.
Pakiramdam ko ay biglang nanikip ang dibdib ko sa isiping 'yon.
Wag naman sana.
Nag-alangan naman akong magtanong kina Mads kanina kung nabanggit na ba nila ko kay Stephen dati. 'Yon lang naman kasi ang naiisip kong dahilan para makilala niya ko.
Nagpalipas lang muna ko ng ilang minuto, bago ko napagpasyahang bumalik. Maging ang mga nagiging panaginip ko rin kasi ay dumadagdag pa sa isipin ko.
Pero bago pa man ako tuluyang makaakyat ay muli kong naalala 'yong nag-iisang kuwarto na nakahiwalay sa pinakadulong pasilyo. Nagpalinga-linga ko sa paligid at napansing mayroong isang bantay sa pinto sa harap ng mansyon. Nakatalikod naman siya at malayo-layo rin ang kinatatayuan niya mula sa puwesto ko kaya hindi niya kaagad ako makikita.
Nang masigurong wala ng iba pang bantay ay tahimik na naglakad na ko paalis. Naisipan kong dumaan muna ng control room para silipin din ang mga tauhan ni Stephen do'n. Napangisi ako nang makita ang dalawang bantay ro'n na aantok-antok na.
Muli ay tahimik ngunit mabilis ang ginawa kong paghakbang patungo sa destinasyon ko. Halos pigil ko naman ang hininga nang madaanan ang mga nagkalat na CCTV sa paligid. Pero pilit na pinakalma ko pa rin ang sarili.
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko nang sa wakas ay tumigil na ko sa harap ng pinto nito. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa ko rito. Samantalang wala naman akong mapapala rito.
Napalunok ako nang tumuon ang atensyon ko sa eye sensor security system sa tabi nito. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko?
Dahan-dahan at nanginginig na lumapit ako, bago itinapat ang kanang mata rito. Ngunit tila natulos ako sa kinatatayuan ko nang biglang lumabas ang mga salitang "Access Granted" sa screen nito.
What the hell? Paano ako nagkaroon ng access dito?
Malinaw ang sinabi sa 'kin ni Cole na tanging si Stephen lang ang may access sa lugar na 'to. Isa pa ay kailan ko lang naman napuntahan ang kuwartong 'to at hindi pa naman ako nadala rito ni Stephen para bigyan mismo ng access.
Kaya paanong...
Napahugot ako nang malalim na hininga. I really need to talk to Stephen as soon as possible! Hindi pwede 'yong ganito na nagugulat na lang ako bigla sa mga nalalaman ko.
Akmang bubuksan ko na ang pinto nang biglang sumakit ang ulo ko. Napapikit ako kasabay ng samot saring mga eksena ang sunod-sunod na lumitaw sa isip ko ngunit malabo pa rin ang lahat ng 'yon.
Mahigpit na napahawak ako sa doorknob habang pilit na pinapakalma ang sarili. Pero natigilan ako nang marinig ang kung anong komosyon sa labas. Kaya naman ng mahimasmasan ay isinantabi ko muna ang planong pagpasok sa kuwarto na 'to at muling ni-lock 'yon.
Maingat ang ginawa kong paghakbang habang patungo ng hardin sa likurang bahagi ng mansyon. Doon ay natagpuan ko si Cole na tila natataranta habang kinakausap ang karamihan sa mga mafia guards.
"Magbantay kayong maigi, maliwanag? Kung kinakailangang hindi kayo matulog ngayong gabi ay gawin n'yo. Pagkatapos ng nangyari kina Sir Stephen ay hindi malayong puntiryahin din ng kalaban ang mansyon," maawtoridad niyang utos sa mga 'to.
Sabay-sabay namang tumango ang mga mafia guards kay Cole bago sila nagkanya-kanya ng pwesto at bantay. Napatigil pa ang ilan sa kanila nang makita ko at magalang na bumati.
Ngunit hindi ko na nagawa pang umimik. Tila dumoble ang nararamdaman kong kaba nang dahil sa sinabi ni Cole.
What did he mean by that?
Nanginginig na nilapitan ko siya. "C-Cole?"
Gulat naman siyang napalingon sa 'kin. "Madame! Akala ko po ay tulog na kayo! Ano pong ginagawa n'yo rito?"
"I just woke up." Tumigil ako sa tapat niya. "Tell me, what happened to Stephen?"
He cleared his throat. "Madame, mas maigi po siguro kung matulog na ulit kayo. Maaga pa po ang pasok n'yo—"
"Anong nangyari kay Stephen?" ulit kong tanong sa kanya.
Napalunok siya at nagbaba ng tingin. "Mayroon po kasi silang minamanmanan na kalaban. Pero naisahan po sila nito at na-trap sa isang yate na mayroong bomba."
Tila nabingi naman ako nang dahil sa sinabi niya. Muntik pa kong matumba dala ng pagkabigla. Mabuti na lang at maagap niya kong naalalayan.
"Madame! Ayos lang po ba kayo? Ihahatid ko na po kayo sa kuwarto n'yo."
Nagsimula na siyang maglakad pero nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko. "B-Bomba? Kamusta naman siya? Nasaan siya ngayon?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Halos manginig maging ang kalamnan ko nang dahil sa pinaghalong kaba at lamig. Pero wala na kong pakielam. My husband is in danger right now!
"Madame, matulog na po kayo ulit. Nasisiguro ko po na sa paggising n'yo bukas ay nakauwi na si Sir Stephen."
Sunod-sunod akong napailing. "No! I want to see him right now. Puntahan natin siya kung nasaan man siya ngayon!"
Napakamot naman siya sa batok. "Pero Madame, halos hatinggabi na po at paniguradong malilintikan ako kay Sir Stephen kapag inilabas ko pa po kayo ng alanganing oras. Lalo na ngayon at baka kayo naman po ang balikan ng mga kalaban niya. Mas magiging ligtas po kayo kung nandito lang kayo sa loob ng mansyon."
Nanlulumong bumagsak ang mga balikat ko. Ayoko mang aminin pero may punto siya. Ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala.
May mga pagkakataon na sa tuwing umuuwi si Stephen ay mayroon siyang sugat sa gilid ng labi niya o sa kamao niya. Nakasanayan ko na lang din ang gano'n kahit nando'n pa rin ang pagkabahala.
Pero ang mapunta siya sa isang lugar na mayroong bomba? Ibang usapan na 'yon. Kung anu-anong hindi magandang senaryo na ang agad na pumapasok sa isip ko.
Oh good God. My husband may be a bad guy. But please keep him safe.
Hindi na ko tumutol pa nang samahan ako ni Cole pabalik sa kuwarto. Ngunit ilang oras na ang lumipas ay hindi ko pa rin magawang makatulog. Ang daming katanungan kasi ang tumatakbo sa isip ko ngayon.
Matagal na ba kong kilala ni Stephen? Bakit niya pinagbantaan ang mga lalaking nagtangka na ligawan ako no'n? Bakit niya sinabi sa mga 'to na mapapangasawa ko siya?
Bukod ro'n ay paanong nagkaroon ako ng access sa restriktong kuwartong 'yon? Paano niya ko nabigyan no'n ng hindi ko nalalaman? At ano nga ba ang nasa loob ng kuwartong 'yon?
Saka ano na ba ang lagay niya ngayon? Ayos lang ba siya? May sugat ba siya o kritikal ba ang lagay niya?
I tried to contact him, even all of his friends. But none of them were answering their damn phone.
Naiinis na inihagis ko ang phone sa ibabaw ng kama at napatitig sa kisame. Pakiramdam ko ay mababaliw na ko nang dahil sa mga nalaman ko ngayong araw.
Hindi ko tuloy maiwasan ang mapaisip. Ito na ba ang lahat ng dapat kong malaman? O baka naman mayroon pa? Sana naman ay sabihin na lang niya sa 'kin ang lahat ng isang bagsakan para isang biglaan na lang.
Lumipas pa ang ilang minuto bago ako tuluyang dinalaw ng antok.
-----
Naalimpungatan ako nang maramdaman na tila may humahaplos sa buhok ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Pero napabalikwas ako ng bangon nang bumungad sa 'king paningin ang pagod na mukha ni Stephen.
Natulala ko sa kanya. May kaunti siyang galos sa mukha. Pero bukod ro'n ay mukhang wala naman siyang tinamong malala.
Doon lang ako nakahinga nang maluwag at walang pagdadalawang isip na sinunggaban ko siya ng yakap. Ramdam ko naman na natigilan siya. Hindi siguro niya inaasahan ang ginawa ko.
"Thank God you're okay! Ano ba kasing nangyari? Halos hindi ako makatulog at mapakali kagabi kakaisip kung ayos ka lang ba. Ayaw naman akong payagan ni Cole na puntahan ka kaya wala kong ibang magawa. Sinubukan kitang tawagan kahit ang iba mo pang mga kaibigan para sana makibalita pero wala."
Halos maiyak ako nang dahil sa samot saring emosyon. Pero pinigilan ko ang sarili.
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa 'kin. "Wag kang mag-alala. Matagal mamatay ang masamang damo." Natawa siya. Mahina ko naman siyang hinampas sa likod.
"Ouch!"
Nataranta naman ako nang bigla siyang mamilipit na tila nasaktan. Agad na kumalas ako sa yakap at nag-aalala siyang tiningnan. "Sorry! Saan ang masakit? May sugat ka ba sa likod?"
Akmang sisilipin ko 'yon ng maagap niyang hinawakan ang kamay ko. "I'm fine. Tumama lang ako sa kung saan. But it's nothing serious."
Nagdududa ko siyang tiningnan. Alam kong may iniinda siya pero ayaw lang niyang ipaalam sa 'kin.
Napahinga ko nang malalim. "Fine. Pero kumain ka na ba? Ipagluluto muna kita." Tatayo na sana ko nang bigla niya kong pigilan.
"No need. I'm just tired. Gusto ko lang matulog. Can you please stay until I fell asleep?" tila batang pakiusap niya sa 'kin at pinalamlam pa ang mga mata.
Napatango naman ako at napaayos ng upo. Dali-dali naman siyang humiga sa hita ko. Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa bago ipinatong 'yon sa ibabaw ng kanyang dibdib.
"Kahit ilang bomba pa ang ihagis nila sa 'kin ay ayos lang. Basta ba may uuwian pa rin akong asawa." Napangisi siya at itinaas baba pa ang kanyang kilay.
Napasimangot ako bago ko siya pinitik sa noo. "Loko-loko! May uuwian ka ngang asawa. Pero paano kung lasog-lasog ka ng umuwi? Eh di wala rin!" Pinigilan ko ang maiyak nang dahil sa isipin na 'yon.
He closed his eyes and smiled. "Malamang iiwasan at tatakasan ko ang mga bombang 'yon para makauwi pa ko sa 'yo. Magsasama pa tayo ng matagal, asawa ko. Kaya wag ka ng mag-isip pa ng kung anu-ano riyan."
Nahigit ko ang hininga nang dahil sa sinabi niya. Tila nakikipagkarera naman ang puso ko sa bilis ng tibok nito.
Bago pa man ako makapagsalita ay narinig ko na ang mahina niyang paghilik.
Kinagat ko ang ibabang labi bago masuyong hinaplos ang kanyang buhok. How I wish I can already tell him what I feel.
But not until I find out who he really is.