Chapter 29: | Away

Magaan ang pakiramdam ko nang magising kinabukasan, na tila ba nasa alapaap pa rin ako. Kahit hindi ko na naabutan pa si Stephen ay ayos lang. Inasahan ko naman ng maaga ulit siyang aalis.

Nakangiting nag-inat ako, bago tumayo at dumungaw sa bintana. Magiliw kong binati ang mga mafia guards na nakabantay sa labas ng mansyon.

"Good morning!"

Napaangat naman sila ng tingin sa 'kin bago napatungo. "Good morning, Madame."

Napailing na lang ako nang dahil sa kapormalan nila. Umalis na ko mula sa pagkakadungaw sa bintana at mabilis na nag-asikaso. Bago tuluyang umalis ay pinuntahan ko muna si Manang Belen na abala sa pagdidilig ng mga halaman sa hardin.

"Mukhang masaya ka ata ngayon, ah? Sana ay palagi kang ganyan na nakangiti." Kinuha niya ang kamay ko at marahan 'tong tinapik.

Napatango naman ako. "Kaya nga po, eh. Sabay po ulit tayong kumain mamayang gabi, hah?"

"Ikaw talagang bata ka. Sige na at baka mahuli ka pa sa klase."

Bumaba naman ang tingin ko sa suot na relo. Kalahating oras na lang at magsisimula na ang una kong klase.

Kaya naman ay nagpaalam na ko sa kanya bago tumalikod at umalis. Nagmamadaling tinungo ko ang kinapaparadahan ng kotseng sasakyan ko papasok.

Pero gano'n na lang ang gulat ko nang madatnan si Stephen na naghihintay sa labas ng kotse niya, habang nakasandal at abala sa pagtipa sa kanyang cellphone.

Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko. Kung tutuusin ay kagabi ko lang naman siya huling nakita. Pero ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko ay na-miss ko kaagad siya.

"A-Anong ginagawa mo rito? Ang akala ko ay pumasok ka na." Kunot noo ko siyang nilapitan.

Ibinaba niya ang hawak na phone at nakangiting nag-angat ng tingin sa 'kin. "Galing na ko sa opisina dahil mayroon lang akong kinailangan gawin. Pero dahil medyo maaga pa rin naman at mamayang tanghali pa ang susunod kong meeting ay naisipan ko munang bumalik dito saglit para maihatid ka sa school."

My heart fluttered because of what he said. I didn't know that Stephen can be this sweet.

Umayos siya ng tayo bago binuksan ang pinto sa passenger seat. Nakangiting pumasok ako ro'n. Mabilis na umikot naman siya patungong driver's seat, bago pinasibad ang kotse paalis. As usual, Cole is just following us from behind.

Binalot kami ng katahimikan habang nasa biyahe. Marami akong gustong itanong sa kanya, pero mas maigi siguro kung sa pag-uwi na lang niya mamayang gabi. Nang sa gano'n ay magagawa naming makapag-usap ng masinsinan.

"Anong oras ka pala uuwi mamaya?" tanong ko pagkalipas ng ilang minutong katahimikan.

Napansin ko na humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. "Why do you ask?"

Nagkibit balikat ako. "Wala lang. Bukod kasi sa madalas kitang hindi naaabutan sa paggising ko ay hindi ko rin naaabutan ang pag-uwi mo. Gusto lang sana kitang makasabay ulit kumain ng dinner. Malungkot kumain mag-isa, right?"

I looked at him hopefully with a smile plastered on my face. Sa totoo lang ay hindi naman ako madalas kumain ng nag-iisa. May mga pagkakataon kasi na napipilit ko sina Cole at Manang Belen na sabayan ako.

Malalim siyang napabuntong hininga bago itinigil ang sasakyan. Napatingin naman ako sa labas at do'n ko lang napansin na nandito na pala kami sa tapat ng school.

"Ang totoo niyan ay ilang araw akong mawawala. That's why I want you to promise me that you'll be extra careful. Hangga't maaari ay wag kang lalabas ng mansyon kung hindi naman kinakailangan. Kung papasok o may pupuntahan ka man ay wag na wag ka ring lalayo kay Cole. Bukod ro'n ay nakausap ko na rin ang mga magulang mo at si Liam. They promise me to look after you as well while I'm away."

Natigilan ako nang dahil sa sinabi niya. Ang malawak kong ngiti ay unti-unting nawala. Hindi kaagad nagawang iproseso ng utak ko ang mga salitang binitiwan niya.

Sa isang iglap pakiramdam ko ay naiwan ako sa ere.

"G-Gaano katagal ka mawawala? Saan ka pupunta?" kinakababan kong tanong nang makabawi.

Kinuha niya ang kamay ko at masuyong pinisil 'yon.

"I don't know how long will it take. But I just want to promise you one thing. Once I'm done with it, you will no longer eat alone in the morning or in the evening. We will finally sleep and wake up together. That's what you want too, yes?"

Napalunok ako. "May kinalaman ba sa mga kalaban n'yo ang mga nilalakad mo? Kaya ba halos araw-araw kang umaalis ng sobrang aga at umuuwi ng alanganing oras?"

Napatango naman siya. "Yes. Aayusin ko lang ang problema ko sa kanila. Pagkatapos no'n ay magkakasama na tayo ng madalas."

Napatungo ako. Tila biglang bumigat ang dibdib ko. "Kaya ka ba sweet kahapon dahil pampalubag loob mo 'yon sa 'kin sa pag-alis mo ngayon?" mahina kong tanong sa kanya.

He lifted my chin up and look directly in my eyes. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pag-igting niya ng panga.

"No. It's not that. What happened yesterday is one of the most precious moments in my life. I did what I did because I love you and not because I feel guilty that I will leave you behind or such. And I'm more than willing to do it every day if that's what will make you happy."

Kinagat ko ang ibabang labi. Hindi ko man gusto na umalis siya ay wala naman akong magagawa.

"Okay. Gawin mo ang dapat mong gawin. Pero ipangako mo rin sa 'kin na hindi pa ko mabibiyuda ng maaga." Pilit akong tumawa kahit pa ang totoo ay tila pinipilipit ang puso ko sa isiping malalayo siya sa 'kin.

Napuno nang malakas niyang tawa ang bawat sulok ng kotse, bago masuyong hinalikan ang likod ng palad ko.

Natulala ko sa kanya. Damn. His laugh sounds like a music in my ears.

Umayos siya ng upo bago nakangising humarap sa 'kin. "I promise to come back as a whole, no injuries, still kicking and alive. Besides, we still have a lot of rounds to do. Bubuntisin pa kita, eh." Kumindat pa ang loko.

Nanlaki ang mga mata ko. Wala talagang filter ang bibig ng lalaking 'to!

Nang dahil sa inis ay malakas na sinuntok ko siya sa braso. Pero tila wala lang naman sa kanya 'yon.

Bumaba naman ang tingin niya sa suot na relo. "I think you need to go already. Malapit na magsimula ang klase mo."

Napasinghap ako. Muntik ko ng makalimutan na may pasok nga pala ko!

Nagpaalam na ko sa kanya. Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay mabilis na nahalikan niya ko sa noo.

"I'll be back soon. Please take care."

Hindi na ko umimik at tuluyan ng bumaba. Kumaway pa siya sa 'kin bago tuluyang pinasibad ang kotse paalis.

Malalim akong napabuntong hininga. Kung pwede lang sana kong sumama kung saan man siya pupunta.

"Madame, ayos ka lang po ba?"

Nilingon ko si Cole na may hawak na panyo. Napakunot noo ako.

"Para saan 'yan?"

"Baka kasi maiyak ka po nang dahil sa pag-alis ni Sir, eh."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Mukha bang iiyakan ko ang lalaking 'yon?"

Napakamot siya sa batok. "Opo."

Napapikit ako nang mariin at nagmamartsang tinungo ang gate. Pero bago pa man ako tuluyang makapasok ay natigilan ako nang maramdaman kong tila may nagmamasid sa 'kin.

Agad na inilibot ko ang tingin sa paligid.

"Madame, may problema po ba?" Bigla namang sumeryoso si Cole at naging alerto.

Nang wala naman akong napansin na kakaiba ay napailing ako. "Wala naman. Sige papasok na ko."

"Sige po. Kapag nagkaroon po kayo ng problema sa loob ay tawagan n'yo lang po ako kaagad."

Napatango na lang ako sa kanya bago tuluyang pumasok. Nanatili akong kalmado kahit pa ang totoo ay bigla na lang akong nakaramdam ng kaba.

-----

Dumaan ang klase namin na lutang ang isip ko. Hindi ko rin kasi maiwasan ang mag-alala. Masuwerte na ngang maituturing na hindi nagtamo ng malalang pinsala si Stephen nitong huling may sinundan silang kalaban.

Pero ngayon ay hindi ko maiwasan ang mag-isip. Paano na lang kung hindi na sila swertihin ngayon?

Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi pa ko pwedeng mabiyuda!

"Thalia? Are you okay?"

Napaangat ang tingin ko kay Mads na nagtatakang nakatingin sa 'kin ngayon.

Napakurap ako. "Yeah."

"I don't think so. Kanina ka pa parang wala sa sarili, eh. Dapat ata ay hindi ka muna pumasok. O baka naman may sakit ka." Inilapat niya ang likod ng palad sa noo ko.

Napailing ako. "Wala. Ayos lang talaga ko. Mayroon lang akong iniisip."

Katatapos lang naming kumain at kasalukuyang nakatambay sa corridor ngayon, habang hinihintay magsimula ang susunod naming subject.

"Baka naman nalulungkot lang sa pag-alis ni Stephen." Nagkatawanan pa sina Harold at Albert.

Gulat na nilingon ko si Harold. "Alam n'yo na aalis siya?"

"Yeah. May business trip siyang kailangang puntahan kaya inihabilin ka muna niya sa 'min," sagot ni Damon.

Napatango na lang ako. Kung gano'n ay business trip pala ang ipinaalam niya sa mga kaibigan ko.

Now I can't help but wonder. Sino-sinu pa kaya ang kinausap niya para lang bantayan ako?

"Gusto mo punta tayo ng mall pagkatapos ng klase? Tutal ay wala naman kaming schedule sa hotel ngayon at hanggang alas-dos lang naman ng hapon ang klase natin. Para na rin malibang-libang ka muna kahit papaano," suhestiyon ni Albert.

Napangiti ako sa kanya, bago sunod-sunod na napatango. "That sounds a good idea."

"Great! It's settled then."

Ilang saglit pa ay natanaw na namin ang isang professor na tila papalapit sa classroom namin. Ngunit natigilan siya nang may makasalubong din na isa pang professor.

Bago kami bumalik sa loob ay nagtipa muna ko ng mabilis na mensahe para kay Stephen at Cole.

Will go at the mall later with the gang.

Akmang ise-send ko muna 'yon kay Stephen nang matigilan ako.

What the hell? Kailan niya pinalitan ang pangalan niya sa contacts ko?

Napailing na lang ako bago tuluyang sinend sa kanya ang mensahe ko at sumunod kay Cole.

Hindi naman nagtagal ay nakatanggap kaagad ako ng reply galing sa kanilang dalawa. Una kong binuksan 'yong kay Stephen.

Asawa ko

Okay. Wag mong kalilimutan 'yong paalala ko at wag na wag kang lalayo sa kanila. Just be home before 7pm as well.

Sunod ko namang binuksan 'yong kay Cole.

Cole

Noted, Madame.

Napanguso ako. Parang dati lang ay pwede akong umuwi kahit anong oras ko gustuhin. Samantalang ngayon ay mayroon na kong curfew.

Sabagay. It's for my own safety as well.

Mabilis na lumipas ang oras at papunta na kami sa mall ngayon. Kasa-kasama ko si Cole saan man kami magpunta at hangga't maaari ay iniiwasan ko na magmukha siyang bodyguard. Kaya naman ay kasabay lang namin siyang naglalakad habang nagkukuwentuhan kami.

"This mall's security is tight, Madame. Hindi man po halata, pero maraming nagkalat na CCTV sa paligid na talaga namang tinututukan ng mga tauhan nito. Kaya mayroon pong reresponde sa 'tin kaagad kung sakali mang may mangyari na hindi maganda."

Nagulat ako nang bigla na lang nagsalita si Cole sa tabi ko. "What do you mean?"

"Pansin ko po kasi na kanina pa kayo palinga-linga sa paligid. Wag po kayo mag-alala. Hindi ko po hahayaan na may mangyari sa 'yo, Madame."

Napatango naman ako. "Paano mo naman nalaman ang lahat ng 'yon?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Nakapunta na po kasi ako sa control room nitong mall. At ang mga tauhan po na itinalaga ni Sir Ace ro'n ay mga bihasa rin sa pagiging sniper na katulad niya. Kaya kahit camera po ang tinututukan nila ngayon ay masusi pa rin po nilang napapag-aralan ang mga galaw ng tao sa paligid."

Napatigil ako sa paglalakad kaya napahinto rin sila. "W-What? Si Ace ang may-ari nitong mall?"

"Yes, Madame."

"Hindi ba nabanggit ni Ace sa 'yo o kahit ni Stephen?" tanong ni Mads.

Napailing ako. "Hindi, eh."

Nakakaloka! Kung si Shantel ay nagmamay-ari ng isang shooting range at rancho, base na rin sa nabanggit niya sa 'kin, si Amelia naman ay isang ob-gyn at namamahala ng isang hospital. Habang si Ace naman ay mayroong pinapatakbo na mall.

Mukhang kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa mga matutuklasan ko pa tungkol sa mga kaibigan ni Stephen

Ilang saglit pa ay nasa loob na kami ng department store. Kanya-kanya kaming pili at sukat ng bawat damit at sapatos na magustuhan namin. Pero hindi ko naiwasan ang mapangiwi ng hintayin ako mismo ni Cole sa labas ng fitting room.

Halos dito nga naubos ang oras namin. Di hamak na mas matagal pa kasing pumili ang mga lalaki kaysa sa 'min ni Mads.

Nang mapagod ay napagdesisyunan na naming kumain. Pagkatapos nito ay uuwi na rin ako dahil hindi naman ako pwedeng magtagal.

Nagkasundo kaming kumain sa isang fast food chain. Masaya kaming nagkukuwentuhan nang mapaangat ako ng tingin sa labas ng glass window.

Nawala ang ngiti ko at biglang tumibok nang mabilis ang puso ko. Pakiramdam ko ay nanginig ang kalamnan ko nang dahil sa nakita. Nabitiwan ko ang hawak na kutsara at napaawang ang bibig.

It's been seven years already. Pero hindi ako maaaring magkamali. Marami man akong hindi maalala mula sa nakaraan ko ay hindi naman siya napasama ro'n. Kaya kahit nakasuot pa siya ng sumbrero ay alam kong siya 'yon.

Aries Baltazar.