Chapter 25 | Trap
Stephen's POV
Dumiretso na ko sa kumpanya pagkahatid ko kay Nathalia. Nang makarating sa opisina ko ay agad na tumayo ang nagsisilbi kong assistant na si Jeff upang batiin ako.
"Magandang umaga po, Sir Stephen. Nasa loob na po sina Sir Ashter," magalang niyang imporma sa 'kin.
Tinanguan ko lang siya bago dumiretso na sa loob. Napailing na lang ako nang sa pagpasok ko ay bumungad sa 'kin ang magagaling kong mga kaibigan na animo'y mga nakatambay lang sa kanya-kanya nilang mansyon.
Mayroong nakaupo sa mismong mesa ko, sa silya ko at ang ilan naman ay nagkukulitan sa mahabang sofa na nasa isang tabi.
Naiiritang naglakad ako palapit sa puwesto ko at itinulak paalis sa ibabaw ng mesa si Ace. Sapilitan ko namang itinayo mula sa pagkakaupo sa silya ko si Shantel, bago malakas na ipinukpok ang prenteng nakataas na paa ni Ashter na nakaupo naman sa swivel chair sa tapat ng puwesto ko.
Umupo na ko nang maayos bago sinamaan ng tingin si Ash. "Palilinisan ko na naman tuloy ang mesa ko nang dahil sa 'yo. Alam mo bang ikaw lang ang dahilan kung bakit nadudumihan 'to?"
Inilagay niya ang kanang kamay sa tapat ng kaliwang dibdib at umarte na tila nasasaktan. "Grabe ka naman sa 'kin, best friend! Ako na lang palagi ang nakikita mo. Ikaw na nga 'tong dinadalaw, eh. Samantalang ikaw ay ni hindi man lang makasaglit sa opisina ko."
"Wala naman kasing interesante sa kumpanya mo, Ash," natatawang sabi ni Shan.
Sinamaan siya ng tingin ni Ash.
"Anong walang interesante? Just to remind you, I own one of the largest automobile company here in the Philippines," may pagmamalaki niyang sabi.
Ryza popped the bubble gum in her mouth and rolled her eyes. "Whatever. Mas astig pa rin ang mga motor na ginagawa at ibinebenta ng kumpanya namin."
Riley smirked. "Don't forget that I own an airline—"
Malakas na hinampas ko ang kamay sa ibabaw ng mesa. "Shut the fuck up! Hindi tayo nandito para magpayabangan!"
Lihim akong nagpasalamat nang matahimik sila.
Niluwagan ko ang suot na necktie at pabalyang sumandal sa kinauupuang swivel chair. Kapag may nagsimula talaga sa kanila ay magsusunod-sunod na ang iba, hanggang sa magkaasaran na naman.
Pinindot ko ang intercom para kausapin si Jeff. Napagpasyahan kong lalaki na lang ang kunin na assistant. Nadala na kasi ako sa pagkuha ng sekretaryang babae. Puro panlalandi lang kasi ang alam gawin.
"Wag ka munang magpapapasok ng kahit na sino. May mahalaga kaming pinag-uusapan dito."
"Yes, Sir."
Agad na pinatay ko ang intercom at seryosong tiningnan ang mga kaibigan ko.
"May nakalap na ba kayong impormasyon sa kung saan naglalagi si Dela Cruz?"
Humihikab na lumapit sa 'kin si Oliver at may inilapag na kulay puting folder sa ibabaw ng mesa. Kinuha ko 'to at binasa ang mga impormasyon na nakalagay ro'n.
"How many mafias’ left?"
"Dalawa na lang sila. Pero masyadong mailap. Mabuti na nga lang at kahit papaano ay natiyempuhan ko pa si Dela Cruz. Habang si Fuentebella naman ay hinahanap pa rin namin hanggang ngayon," sagot ni Rhyz.
Kumunot ang noo ko nang may mabasa. Pamilyar sa 'kin ang lugar na tinutukoy rito, pero hindi ko personal na kilala kung sino ang may-ari.
"Ano naman ang ginagawa niya sa lugar na 'to?"
Nagkibit balikat si Ash. "Ang tungkol sa bagay na 'yan ang kailangan nating alamin."
Isinara ko ang hawak na folder at pinaglaruan ang ballpen na nasa isang tabi.
"How about the other mafia's? Paniguradong sa 'tin na naman isisisi ng buong organisasyon ang nangyari sa mga 'yon."
Ace chuckled. "Wag mo ng alalahanin pa 'yon, Anderson. Inayos na ni Amelia ang lahat ng tungkol do'n. Saka hindi naman na tayo parte ng organisasyon. Isa pa ay magaling din ang naging trabaho ni Sarmiento. Kung pwede nga raw na siya na umubos sa lahat, eh."
"Feel na feel kasi ni loko ang pagiging pinsan kay Nath," natatawang sabi ni Riley. Nag-apir pa silang dalawa ni Rhyz.
"We can't blame him, though. Sa 'ting lahat, siya ang lumaking kasama ni Nathalia."
Natahimik na naman sila nang dahil sa sinabi ko.
Ilang sandali lang ay napatikhim at napaayos naman ng upo si Ash. "Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano niya napapasunod at nagagawang tuta ang ilan sa mga miyembro ng organisasyon. Kung tutuusin ay di hamak na mas nauna naman ang mga pamilya natin na maging parte nito at naging kasa-kasama na nila sa mahabang panahon."
Nakuyom ko ang kamao nang may biglang maalala. "Dahil mayroon siyang hawak na bagay na pagmamay-ari ni Nathalia."
Napatingin naman sila lahat sa 'kin, kasabay ng pagkunot ng kanilang noo. "What do you mean?"
Malalim akong napabuntong hininga. Ako lang ang nakakaalam na nasa kanya ang bagay na 'yon dahil tanging ako lang naman ang nakakita na kinuha niya 'yon.
Pero nitong nakaraang mga buwan ay nabanggit ko na rin ang tungkol do'n kay Liam para matulungan din niya ko sa paghahanap.
"Malalaman n'yo kapag nakita n'yo na."
They all grunted.
"Ang daya mo talaga, Anderson!" naiinis na sigaw ni Ash.
Inikot ko ang kinauupuan ko at hindi na pinansin pa ang sentimyento nila. Malaya kong pinagmasdan ang naglalakihang mga gusali mula sa glass window ng aking opisina.
Bukod kasi sa baliw na 'yon ay may isa pang bumabagabag sa isip ko.
"Sa tingin n'yo, bakit kaya palaging nabubulilyaso ang mga transakyon natin? Halos ilang gabi na ring madalas na napupurnada ang mga lakad natin," wala sa loob na tanong ko sa kanila.
"Isa lang ang ibig sabihin no'n," mabilis na sagot ni Ace.
"Ano naman?" rinig kong tanong ni Rhyz.
"Mayroong nakapasok na ahas sa bakod natin."
Napatango ako. "Bingo."
"Seriously? Ang lakas naman ng loob niyang kalabanin tayo," hindi makapaniwalang aniya ni Ryza.
Tumayo ako at inayos ang suot na coat at tie.
"Mahuhuli rin natin kung sino man ang ahas na 'yon. Sa ngayon ay kailangan muna nating maayos ang problema natin sa dalawa pang natitira na mafia."
"So, what's the plan?" tanong ni Ace.
Hinarap ko sila. "Magkita-kita tayo sa hideout ni Dela Cruz mamayang gabi. May mga kailangan lang muna kong asikasuhin dito sa kumpanya."
-----
Inihinto ko ang sinasakyang kotse sa likod ng isang bakanteng bodega. Kasunod ko ang ilan sa mga tauhan ko. Pagkababa ay agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko na kanina pa naghihintay.
"Any sign of Dela Cruz?" tanong ko kay Ash nang makalapit siya.
Napailing naman siya. "Wala pa. Pero nasisiguro ko na parating na rin 'yon."
Napatango ako bago isinukbit sa beywang ang dalang baril. Maging ang mga kaibigan ko ay inihanda na ang kani-kanilang mga sandatang dala.
Nasa tagong parte ng lugar na 'to ang bodega at wala ring ilaw banda rito. Kaya naman ay rito namin naisipang magmatyag.
"Sigurado ka bang dito ang bago nilang hideout?" paniniguro ko kay Rhyz.
"Yeah. Ilang gabi ko rin siyang sinundan at gabi-gabi siyang pumupunta rito."
Tahimik at matiyaga lang kaming naghintay. Mayamaya pa ay mayroong dumating na tatlong magkakasunod na sasakyan sa di kalayuan.
Napangisi na lang ako nang makitang bumaba mula sa unang kotse si Jonathan Dela Cruz. Kasunod niya ang tila asong ulol niyang mga tauhan.
Sinundan ko sila ng tingin at namataan na pumasok sa isa sa mga yate na nakadaong sa pantalan. Sa pagkakaalam ko ay pribado ang pantalan na 'to. At nang alamin namin kung sino ang nagmamay-ari ng lugar na 'to ay hindi siya pamilyar sa 'min. Nasisiguro ko rin na hindi siya miyembro ng mafia organization.
Nang tuluyan na silang makapasok lahat ay sabay-sabay kaming lumabas mula sa pinagtataguan namin. Sinenyasan ko naman ang ilan sa mga tauhan ko na palibutan ang yate mula sa labas. Ang iba naman ay nagsilbi naming cover habang mabilis ngunit tahimik naming tinahak ang daan papunta at paakyat sa yate. Nagkakaintindihan lang kami sa pamamagitan ng pagsesenyasan.
Unang pumasok si Ash upang tingnan kung mayroong kalaban sa bungad na parte ng yate. Hindi naman nagtagal ay muli siyang lumabas at sinenyasan kami na sumunod na.
Nagtanguan kami bago sunod-sunod na pumasok sa loob. Alerto naming ipinalibot ang aming tingin habang mahigpit na nakahawak sa kanya-kanya naming sandata. Isa-isa naming tiningnan ang mga kuwarto na nandito. Maging ang bawat sulok ay hinalughog na rin namin.
Bawat palapag na mayroon ang yate na 'to ay inisa-isa namin hanggang sa makarating kami sa ibabang parte. Ngunit katulad ng sa itaas ay walang katao-tao rito.
Ayoko mang aminin pero bigla kong nakaramdam ng kaba, nang hindi namin makita si Jonathan o ang kahit na sino sa mga tauhan na kasama niya kanina.
"Where the hell did that motherfucker go?" naiirita kong sigaw.
Hindi ako maaaring magkamali. Kitang-kita ng dalawa kong mata na pumasok sila rito!
Dali-dali kong tinungo ang bintana at sumilip sa labas. Pero wala rin akong nakita na kahit anong senyales na nandito sila.
"Shit! Naisahan nila tayo! It's a trap!" nanggagalaiting sigaw ni Ryza.
"What?" Riley asked.
"Sa tingin ko ay rito sila dumaan palabas."
Napasilip naman kami sa sahig na itinuro ni Ryza. Napamura na lang din ako nang mapansin ang tila pinto na naroon. Kung hindi pa niya inurong 'yong isang mesa ay hindi talaga ito makikita. Bukod ro'n ay may hawak din siya na tila isang maliit na carpet na malamang ay ginawa ring pantakip do'n.
Sa oras na buksan namin 'yon ay paniguradong sa ilalim na ng dagat ang bagsak namin.
"Let's try to open it." Oliver suggested.
"Why? There's no use. Paniguradong nakaalis na rin naman sila. Mabuti pa ay lumabas na lang tayo para ro'n sila abatan," sabi naman ni Shan.
"Wait. I think it will be better if we open this one," aniya ni Rhyz bago may inilabas na kung ano mula sa bulsa niya.
"Fuck! We need to get out of here now!"
Sabay-sabay naman kaming napalingon sa direksyon ni Ash nang bigla siyang sumigaw. I was about to ask him what's the problem when suddenly, I glimpse a sight of a running time.
Rinig ko ang malakas na pagsinghap ng bawat isa sa 'min. Pero bago pa man may tuluyang makapagsalita sa 'min ay napuno na ng malakas na pagsabog ang buong yate.