Chapter 24 | Doubt
Malawak ang ngiti ko habang nakatingin sa daan. Ibinaba ko ang bintana at hinayaan na tangayin ng malakas na hangin ang buhok ko. Nasulyapan ko pa sa side mirror ang kotseng minamaneho naman ni Cole na kasunod lang namin.
"You look happy," puna ni Stephen sa 'kin.
Napatango naman ako. "Yes, I am."
Tahimik lang akong nakatingin sa labas, nang marinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. Kunot noo ko siyang nilingon.
"Problem?"
Bahagya niyang niluwagan ang suot na necktie. "Ayaw mo ba talagang pasamahan kita kay Cole hanggang sa loob? It's better to be safe. Paano na lang kung mayroon palang tauhan sa loob ng school n'yo ang mga kalaban ko? Hindi ka kaagad masasaklolohan ni Cole kapag nagkataon."
Natawa naman ako nang dahil sa sinabi niya. Summer break is finally over. Kaya naman ay balik estudyante mode na ulit ako ngayong araw.
Ayaw pa nga kong payagan pumasok ni Stephen no'ng una. Mas ligtas daw kasi kung sa bahay na lang ako mag-aaral. Ikukuha na lang daw niya ko ng magaling na Professor. Pero siyempre ay iba pa rin ang feels kapag nasa mismong university ka.
Mabuti na lang at sa bandang huli ay nakumbinse ko rin siya. But he insisted that Cole should be with me all the time.
Wala namang kaso sa 'kin 'yon. Lalo pa at hindi naman na iba si Cole sa 'kin. Pero ibang usapan na kasi kung hanggang sa loob ng school at sa mismong classroom ay nakabuntot siya.
Ano na lang ang iisipin ng mga kaklase at Prof namin? VIP ako?
Kaya naman ay ipinakiusap ko rin sa kanya ang tungkol do'n at nangako na hindi ako tatakas. Takot ko na lang sa maaari niyang gawin sa pamilya ko. Kaya sa huli ay napapayag ko ulit siya.
"Don't worry about me. I can take care of myself. Besides, I have my friends with me all the time. So I won't be alone," I assured him.
Napailing siya. "Fine! But if something happens, call us immediately, okay?"
Napasaludo ako sa kanya. "Yes, Sir!"
Ilang sandali pa ay itinigil na niya ang sasakyan malapit sa gate ng school namin.
Nginitian ko siya. "Thank you. But seriously, you don't have to do this. Narinig kitang may kausap kanina at mayroon kayong meeting ngayong umaga."
Nagkibit balikat siya. "They can start the meeting without me. Isa pa ay may tauhan naman ako ro'n na maglalahad sa 'kin ng mga mapapag-usapan nila kapag nagkataon. Right now, my priority is to accompany my wife on her first day for the new school year."
Itinikom ko maigi ang bibig ko ko para itago ang kilig na nararamdaman.
"Okay. You take care. Bye!" I waved my hand at him before I open the door.
Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay mabilis na hinila ko ni Stephen pabalik. Gulat na nilingon ko siya. "What?"
"You forgot something." Masama ang tingin na ipinupukol niya sa 'kin.
Kumunot ang noo ko at dali-daling binuksan ang dala kong bag para i-check ang laman no'n.
"Kumpleto naman 'yong mga gamit ko," imporma ko sa kanya.
Unti-unti namang sumilay ang malawak na ngisi sa kangang labi. "Hindi ka na natuto. Magmula ngayon ay dapat mo ng matutunan ang tamang paraan ng pagpapaalam kapag aalis ka na."
Bago pa man ako makapagtanong sa kung ano ang ibig niyang sabihin ay naramdaman ko na lang ang labi niyang nakadampi sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko at napatulala na lang sa kawalan.
What the hell? Bukod sa hindi tinted ang kotseng gamit niya ngayon ay bukas pa ang bintana sa pwesto ko!
Pakiramdam ko ay mawawalan na ko ng ulirat nang magsimulang gumalaw ang mga labi niya. Akmang itutulak ko na sana siya ng sabay kaming napahiwalay sa isa't isa nang may biglang kumatok sa pinto.
Nilingon ko ito at agad na bumungad sa 'kin ang gulat na mukha ni Mads, habang may kakaibang ngiti naman 'yong tatlo na nasa likod niya.
"P-Pasok na ko." Dali-dali akong bumaba ng kotse.
"Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na mamaya," bilin niya pa.
Nahihiyang nilingon at tinanguan ko lang siya. Ngumisi at kumaway lang ang loko bago pinasibad 'yong kotse paalis.
Napapikit ako nang mariin nang mapansin ang ilan sa mga estudyante na nakatingin sa 'kin. Habang sina Manong Guard naman ay tila nagpipigil lang ng tawa.
"Kayo hah. Ang aga-aga. At sa harap pa talaga ng school."
Mahinang hinampas ako sa braso ni Mads. Gusto ko sana siyang lokohin na nakita ko silang naghahalikan ni Damon no'ng charity ball pero pinigilan ko lang ang sarili.
Napanguso ako. Kasalanan 'to ni Stephen, eh! Napakaeskandaloso talaga ng lalaking 'yon. Mukhang siya pa ang magiging dahilan ng pagkasira ng reputasyon ko rito sa school.
"Madame," tawag sa 'kin ni Cole. Nilingon ko siya.
"Bakit?"
"Namumula po kayo," asar niya pa, dahilan para pagtawanan ako ng magagaling kong mga kaibigan.
"Ewan ko sa 'yo! Papapalitan kita kay Stephen, eh!"
Nanlaki bigla ang mga mata niya. "Wag naman, Madame! Hindi na po kayo mabiro." Napakamot pa siya sa batok niya.
Naiinis na naglakad na ko paalis. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay muli akong tinawag ni Cole.
"What is it this time?"
"Sigurado po ba kayo na ayaw n'yong sumama ko sa loob?" nag-aalangan niyang tanong.
Hindi ko na napigilan ang mapairap. "Sa totoo lang ay rinding-rindi na ko marinig ang tanong na 'yan. Don't worry, okay? Kung may mangyari man na hindi maganda ay sinisiguro ko na tatawagan kaagad kita pati si Stephen."
Tumango naman siya.
"Kung gusto mo ay pwede ka namang gumala muna. Sasabihan na lang kita kapag malapit ng matapos 'yong huling klase ko," mungkahi ko pa sa kanya. Baka kasi mabagot lang siya rito sa labas, eh.
Pero mas gugustuhin ko na 'yon kaysa sa palagi siyang nakabuntot sa 'kin.
Sunod-sunod siyang umiling. "Hindi na po, Madame. Ayos lang po ako rito."
Tinanguan ko lang siya bago magpaalam. Nang magsimula na kaming maglakad nina Mads ay nag-umpisa na naman sila ng pang-aasar sa 'kin.
Ngunit kahit nahihiya pa rin ako nang dahil sa nangyari ay hindi ko naiwasan ang mapangiti. I miss this moment with them.
Napatingala ako sa maaliwalas na kalangitan. Habang tumatagal ay nagiging mas maayos naman ang takbo ng mga pangyayari. Sana lang talaga ay magtuloy-tuloy na.
-----
"Thalia?"
Napakurap at napaangat ako ng tingin mula sa hand-outs na binabasa ko nang may biglang kumalabit sa 'kin. "What?"
Hindi makapaniwalang napatitig sa 'kin si Mads. "Kanina pa kita tinatawag. Break time na. Unang araw palang naman kaya wag ka masyadong magpakasubsob diyan. Hintayin ka namin sa labas."
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Nakalabas na nga ang halos lahat ng mga kaklase namin.
Malalim akong napabuntong hininga, bago itinago sa ilalim ng mesa ang mga hand-outs ko. Natulala na naman pala ko.
Tahimik lang akong nakasunod sa kanila hanggang sa marating namin ang cafeteria. Mabuti na lang at walang gaanong tao kaya mabilis kaming nakabili ng pagkain at nakahanap ng puwesto.
It's the first day of school and I should be happy and enjoying it. Pero hindi ko pa rin maiwasan isipin 'yong tungkol sa nangyari no'ng unang beses kong pumunta sa shooting range nina Shantel.
Pagkatapos ng araw na 'yon ay halos gabi-gabi na kong nanaginip ng tungkol sa isang grupo ng mga kabataan, kung saan ay nando'n din ako. Madalas na naglalaro ang mga ito. Pero ang pinakapaborito nila sa lahat ay ang larong tagu-taguan. At sa lahat ng pagkakataon na 'yon ay iisang bata lang ang madalas na tinatawag ko.
Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring linaw ang kanilang mga mukha.
Tep-tep. Just who the hell is he?
Pati tuloy si Stephen ay madalas akong tanungin kung sino ba 'yon. Kahit anong isip naman ang gawin ko ay wala talaga kong maalala na kalaro no'ng bata pa lang ako na tinatawag kong Tep-tep.
Pero malakas ang kutob ko na parte siya ng nakaraan kong hindi ko na maalala. Kapag nagkaton ay hindi malayong kilala rin niya si Aries David.
Kailangan ko siyang hanapin. Pero paano?
"So, Thalia, anong pakiramdam ng may asawa na habang estudyante ka palang?"
Natigil ang akmang pagsubo ko ng pasta nang dahil sa tanong ni Albert. Puno ng kuryosidad ang mga mata nila nang mapatingin sa 'kin.
Hindi ko napigilan ang mapangiti. "Okay naman. Status ko lang naman ang nagbago. Nakakairita lang 'yong pagiging overprotective niya minsan. Pero naiintindihan ko naman."
"Normal lang naman 'yon. Marami kasing naiinggit kay Stephen, lalo na sa usaping negosyo. Kaya gusto lang niyang siguraduhin na ligtas ka sa mga taong 'yon," pagsang-ayon ni Harold.
Napaismid ako. Mga kalaban niya kamo sa mafia 'yong galit sa kanya.
Kinagat ko ang ibabang labi at biglang napaisip. Wala kaya talaga silang ideya tungkol sa ilegal na gawain ni Stephen?
"May tanong ako." Ibinaba ko ang hawak na tinidor at isa-isa silang tiningnan.
"Shoot," aniya ni Albert habang ngumunguya. Teka, ilang kanin ba ang inorder ng isang 'to?
Napailing ako bago umayos ng upo. "Gaano n'yo kakilala si Stephen? Alam n'yo ba ang lahat ng negosyo na pinapatakbo niya?"
Napatingin ako kay Albert nang bigla siyang napaubo. Dali-dali niyang inabot ang baso ng tubig bago dire-diretsong uminom.
"What do you mean? Stephen owns a chain of hotel. Bukod ro'n ay may mga resorts din silang hawak. 'Yon lang ang alam ko," sagot ni Mads.
"Bakit? May iba pa bang negosyo na hawak si Stephen ngayon? Magmula kasi ng umalis kami sa mansyon ay wala na kaming masyadong balita sa kanya. Kapag nagkikita-kita naman kami kasama ang mga kaibigan niya ay hindi naman namin napapag-usapan ang tungkol do'n," sagot naman ni Damon.
Ilang saglit ko pa silang pinakatitigan bago ako napatango.
"Okay. Naitanong ko lang naman. Magmula kasi ng maging mag-asawa kami ay madalas na ginagabi na siya ng husto sa pag-uwi. Minsan nga ay inaabot pa ng madaling araw. Kaya naisip ko na baka may mga ibang bagay pa siyang inaasikaso na hindi ko alam," pagsisinungaling ko sa kanila.
Tinapik-tapik naman ni Harold 'yong kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Thalia, kung sakali man na mayroon talaga siyang inaasikaso na hindi mo alam ay nasisiguro ko na siya mismo ang magsasabi no'n sa 'yo balang araw. Stephen loves you very much."
Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagsiko sa kanya ni Albert. "You think so?"
Mabilis siyang tumango. "Hell, yeah! Don't you see the way he looks at you? It's as if you're the most precious thing in the world. The way he touches you? As if you're a fragile thing that should be taken care of. The way he protects you? As if—" natigilan siya sa pagsasalita ng biglang sumingit si Damon.
"Why? Don't you feel the same way to him?" Damon suddenly asked.
I was caught off guard by his question.
Hindi ko na ata mabilang ang mga pagkakataon na sinabihan ako ni Stephen na mahal niya ko. At madalas na ngiti lang ang tugon ko sa kanya.
Wala naman siyang sinasabi sa 'kin tungkol do'n. Pero alam kong may pagdududa pa rin siya sa nararamdaman at katapatan ko sa kanya.
Bumaba ang tingin ko sa suot na relo. Nakahinga ko nang maluwag nang mapansin na malapit na magsimula ang susunod naming klase.
Pare-pareho kaming kumukuha ng Business Management na kurso. At ngayong taon nga ay pare-pareho rin naming pinili ang major na Marketing. Mabuti na lang at kahit papaano ay nagkasama-sama pa rin kami sa iisang section.
Tumayo na ko at isinukbit sa balikat ko ang shoulder bag na dala. "Let's go. Time na."
Hindi ko na sila hinintay pang makapagsalita at nauna na kong naglakad palabas.
Napasandal ako sa pader pagkalabas ko ng cafeteria. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko nang dahil sa kaba. Sigurado naman na ko sa nararamdaman ko para kay Stephen. 'Yon nga lang ay hindi ko pa magawang sabihin mismo 'yon sa kanya.
Lumipas ang ilan pa naming mga subject na halos wala kong naintindihan. Sabagay, ang sabi nga ni Mads ay unang araw pa lang naman kaya ayos lang naman 'yon siguro.
Bukod kasi sa Tep-tep na 'yon ay dumagdag pa sa alalahanin ko ang hindi masabing nararamdaman kay Stephen.
Napahikab ako nang sa wakas ay natapos na ang pinakahuli naming klase para sa araw na 'to. Inayos ko na ang mga gamit sa loob ng bag ko nang may bigla kong napansin at naalala.
Natampal ko na lang ang noo. "Shit!"
Nagtatakang nilingon naman ako ni Harold. "What is it?"
"Nakalimutan ko 'yong hand-outs ko sa mga nauna nating subject kanina. Nailagay ko sa ilalim ng mesa sa naging classroom natin bago mag-break."
Kung bakit naman kasi lutang ako ngayon!
"Oh. It's okay. Pahihiramin na lang kita."
Tumayo ako at napailing sa kanya. "Wag na. Babalikan ko na lang. Doon lang naman 'yon sa kabilang building."
"Pero—"
Hindi ko na pinakinggan pa si Harold at dire-diretsong lumabas.
"Thalia, saan ka pupunta?" tanong ni Mads ng maabutan ko sa labas.
"May nakalimutan ako. Babalikan ko lang saglit. Hintayin n'yo na lang ako sa lobby!"
Mabilis na tumakbo na ko paalis bago pa sila makaimik.
Mabuti na lang at bukas pa 'yong classroom kaya agad akong nakapasok. Napailing naman ako nang makita ang mga hand-outs ko na nasa ilalim ng mesa. Mabilis na inilagay ko 'yon sa loob ng bag at umalis.
Habang tumatakbo ay inayos ko ang loob ng bag ko. Dahil nakatungo ay hindi ko napansin na may makakasalubong pala ko. Nagulat na lang ako nang may maglaglagang hand-outs sa sahig.
"Sorry!" Tumungo ako at tinulungan siya sa pagsamsam no'n.
Nang maayos na ang lahat ay nag-angat ako ng tingin, bago iniabot ang mga 'yon sa kanya. "Pasensya na ulit." Nginitian ko siya.
Pero napakunot noo ako nang mapansin na nakatulala lang siya sa 'kin.
"Nathalia?" gulat niyang tawag sa 'kin.
Mas lalong kumunot ang noo ko. "How did you know my name?"
Napalunok siya bago kuhanin 'yong mga hawak ko. Sabay kaming napatayo.
"Sino ba naman ang hindi makakakilala sa 'yo, eh, isa ka sa mga campus crush?" He chuckled.
Tumaas ang kilay ko. Hindi ko ata alam 'yon. "Really?"
Tumikhim siya at napaayos ng tayo. "Yeah. Actually, I was about to court you last year."
"Was? Bakit hindi mo itinuloy?"
Hindi naman sa nanghihinayang ako. Curious lang ako sa dahilan niya.
Nagsalubong ang kilay niya. "Hindi mo ba alam?"
Now, I'm lost. "Ang alin?"
"May lalaki kasing kumausap sa 'kin at sinabihan akong layuan ka at wag ko ng ituloy kung anuman ang binabalak ko, dahil mapapangasawa ka na raw niya. Akala ko nga no'ng una ay nagbibiro lang siya dahil wala naman kaming nabalitaan na naging karelasyon mo?" Napailing siya.
Bigla kong nakaramdam ng kaba. Hindi kaya...
"Dahil sa isipin na 'yon ay binalewala ko lang 'yong banta niya. Pero no'ng araw na magpapakilala na dapat ako sa 'yo ay matinding bugbog ang naranasan ko. Napag-alaman ko rin na lahat pala ng mga nagtangkang manligaw at mga nanliligaw na sa 'yo noon ay binalaan din niya. Kaya mula no'n ay natakot na kaming lumapit pa sa 'yo."
Bumaba ang tingin niya sa daliri ko. "And I guess he's right. Mukhang nagpakasal ka na nga no'ng bakasyon. Anyway, congratulations."
Akmang lalagpasan na niya ko nang mabilis ko siyang nahawakan sa braso para pigilan. Nanginginig na kinuha ko ang phone mula sa bulsa at mabilis na pumunta sa gallery.
Nang makita ko ang picture na hinahanap ay agad na ipinakita ko 'yon sa kanya. "Ito ba 'yong lalaking nakausap mo?"
Pinaningkit niya ang mga mata bago dahan-dahang tumango. "Oo! Siya nga 'yon. Medyo matured lang siya tingnan diyan. Pero siya 'yon." Muli niya kong tiningnan at nginitian.
"Sige. Alis na ko."
Kanina pa siya nakaalis pero nananatili pa rin akong nakatulala sa kawalan. Sumasakit ang sentido ko nang dahil sa nalaman.
Paanong kinausap sila ni Stephen last year at sinabihan na mapapangasawa niya ko? How did that happen? Samantalang ilang buwan pa lang naman kaming magkakilala!
Natigilan ako nang may maisip. Natutop ko na lang ang bibig ko at mariing pumikit.
Hindi kaya matagal na talaga niya kong kilala at sinusubaybayan? Is he one of Aries' men?
Tila binibiyak naman ang puso ko nang dahil sa isang tanong sa isip ko.
Does he really love me?