Chapter 20 | Charity Ball
Napabuntong hininga ko habang nakatitig sa puting envelope na naglalaman ng imbitasyon galing sa kaibigan ni Stephen na si Oliver Garcia. Katatapos ko lang itong basahin at imbitado kaming dalawa ni Stephen para sa gaganapin na charity ball na inasikaso mismo ng kanilang pamilya sa isang hotel.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. The charity ball's purpose is to help the street children and the oldies from the home of the aged.
But as what Stephen has told me, most of the attendees are members of the underground society.
With that, I can't help but to think if that event is just a front for their illegal activities.
Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Stephen. Kumunot ang noo ko nang mapansin na mayroon siyang dala-dala na dalawang malaking box.
"Wear this for the event later. I'll just wait for you outside. Just be prepared within an hour."
"Kailangan ko ba talagang sumama ro'n?" tanong ko sa kanya bago pa man siya tuluyang makalabas. Nanatili naman siyang nakatalikod sa 'kin.
Sanay naman akong pumunta sa iba't ibang klase ng events at makihalubilo sa maraming tao. Kaya lang ay ibang usapan na kung halos karamihan ng mga taong makakasalamuha ko ro'n ay pawang mga delikado.
I have already experienced enough danger and seen enough live action in my life. Hangga't maaari ay ayoko ng madagdagan pa 'yon.
Kahit pa alam kong imposible. Lalo na at ang asawa ko ay isang pinuno ng grupo ng mafia.
"Oliver wants you to come over as well. Mas mabuti kung mapapalapit ka rin sa mga kaibigan ko. Isa pa ay kailangan mo ring maging pamilyar sa mga taong nakakasalamuha ko."
Magsasalita pa sana ko pero mabilis na siyang naglakad palabas.
Napanguso na lang ako. Bakit gusto niyang mapalapit ako sa mga weirdo niyang kaibigan?
Naiiling na tumayo ako at binuksan ang dalawang box na inilapag niya sa ibabaw ng kama.
A dark pink sleeveless long style dress with lace on top and peach 3-inch block heels came into view.
Nakahinga ko nang maluwag. Mabuti na lang ay hindi turtle neck at long sleeve ang dress na pinili niya.
Iniladlad ko muna ito sa ibabaw ng kama bago mabilis na kinuha ang tuwalya at nagtungo sa banyo upang maligo. Nang matapos ay agad ko itong sinukat at sinuri ang sarili sa salamin. The dress emphasizes my curves just perfectly and it surprisingly fits me.
Naglagay lang ako ng pressed powder at lipstick, bago ko kinulot ang dulo ng tuwid kong buhok. Sa tingin ko ay hindi naman kami magtatagal do'n. Lalo pa at alas-otso na ng gabi magsisimula ang ball.
Nang maayos na ang lahat ay kinuha ko ang kulay pulang purse na nasa ibabaw ng mesa at lumabas na ng kwarto. Natigilan pa ko dahil sa pagbukas ko ng pinto ay walang Cole na nag-aabang sa 'kin.
"Where is he?" takang tanong ko sa sarili bago bumaba.
Naabutan ko namang nakaupo at naghihintay si Stephen sa sala. He looks gorgeously handsome with his black tuxedo.
But of course, I will not let him know that.
Tumayo siya bago lumapit sa 'kin at inabot ang kanang kamay na agad ko namang tinanggap. Pagkalabas namin ng mansyon ay nakita ko si Cole na nakatayo sa harap ng isang kulay itim na kotseng McLaren GT. Pinagbuksan niya kami ng pinto at ng makasakay kami ay dali-dali naman siyang pumunta sa kotseng nakaparada sa likod namin.
"Himala. Isang kotse lang ang mga bodyguard natin ngayon." Napatingin ako sa side mirror nang simulan na niyang paandarin ang kotse.
"Don't worry. They're the group of my best men."
Napatango na lang ako. Hindi naman ako nag-aalala. Siguro ay nasanay lang ako na marami siyang tauhan na madalas na nakabantay sa 'min.
"Anyway, is that party even legit? Is it really for a cause?"
Kunot noong napasulyap siya sa 'kin. "What kind of question is that?"
I shrugged. "Wala naman. Baka lang kasi idinadahilan n'yo lang 'yong charity ball para maitawid ang mga ilegal n'yong transaksyon."
Umigting ang kanyang panga. "Ano naman ang akala mo sa 'min? Walang puso?"
Natawa naman ako nang dahil sa tanong niya. "Bakit? Mayroon ba?"
Napailing siya. "Kung wala kong puso, sana ay matagal ng naaagnas ang bangkay mo ngayon."
Natigilan naman ako nang dahil sa sinagot niya. Na-guilty ako bigla. May punto naman kasi siya.
Hindi na ko umimik at tumingin na lang sa labas ng bintana. Kahit pa ang totoo ay may gusto pa sana kong itanong sa kanya.
Curious kasi ako sa nabanggit ni Manang Belen no'ng isang araw na pitong taon na ang nakalilipas magmula ng huli silang magkasama-sama na magkakaibigan. Wala naman dapat akong pakielam do'n. Pero hindi ko alam kung bakit gusto kong malaman ang dahilan.
Hindi nagtagal ay huminto ang sinasakyan namin sa harap ng isang hotel. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang isa 'to sa pag-aaring hotel nina Papa.
Mabilis na lumabas si Stephen at umikot sa pwesto ko para pagbuksan ako ng pinto. Agad na inalalayan naman niya ko palabas.
Mahina ko siyang tinampal sa braso. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa 'kin na rito pala gaganapin 'yong ball?"
Hindi ako sigurado kung kakilala nina Papa ang pamilya Garcia. Pero malaki ang posibilidad na nandito rin sila.
That thought alone excites me.
Tiningnan naman niya ko na tila hindi makapaniwala. "Hindi mo ba binasa maigi 'yong invitation? Nakasaad ro'n ang pangalan ng hotel kung saan gaganapin ang charity event."
Napanguso ako. Truth be told, I didn't read the whole invitation. Tanging ang pangalan lang naman namin ni Stephen at kung anong oras magsisimula ang event ang tiningnan ko ro'n.
Nagsimula na kaming maglakad. Napansin kong nakasunod lang sa 'min si Cole at ang iba pa niyang mga tauhan.
Natigilan naman ako nang bigla niyang kunin ang kanang kamay ko at inihawak 'yon sa kaliwang braso niya.
"Stay close. I want everyone to see that you're mine," he whispered behind my ear that made me shiver.
Napalunok ako. Kailan pa siya nagsimulang maging possessive?
Pagkapasok namin sa loob ay agad na namataan ko ang mga kaibigan ni Stephen. Magkakasama silang nakaupo sa isang malapad at bilugang mesa.
Napangiti naman ako nang dumako ang paningin ko sa katabi nilang mesa. Do'n ay magkakasama namang nakaupo ang pamilya at mga kaibigan ko.
Mabilis kaming lumapit sa kanila. Una naming pinuntahan ang mga kaibigan ni Stephen.
"Yow, Nath!" Itinaas ni Rhyz ang hawak na kopita.
"You look great!" Ryza cheerfully said.
"Thanks." Nginitian ko lang sila. The others greeted me as well.
Agad rin naman kaming nagpaalam sa kanila para pumunta naman sa pwesto nina Mama.
Sabay ko silang niyakap ni Papa. Kinurap ko ang nagbabantang luha na nagbabadyang umalpas sa 'king mga mata nang dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon. No'ng kasal pa kasi namin ni Stephen ko sila huling nakita.
"Kamusta ka naman, anak? Tinatrato ka naman ba ng maayos ni Stephen?" nag-aalalang tanong ni Mama.
Napatango naman ako. Oo at bantay sarado ni Stephen ang bawat galaw ko pero hindi naman niya ko sinasaktan.
"Yes, Ma. Wag n'yo na po akong alalahanin. Ayos lang po ako."
"That's good to hear. Sa oras na may gawin ang asawa mo na hindi maganda at labag sa kagustuhan mo ay magsabi ka lang, naiintindihan mo ba?" seryosong sabi ni Papa bago tiningnan ng masama si Stephen na napatikhim lang.
Hindi ko naiwasan ang matawa. "Sige po."
Matapos ang ilang sandali pa na kamustahan ay napagdesisyunan namin ni Stephen na rito na lang umupo. Bihira ko lang naman makasama sina Mama kaya masaya ko dahil pinagbigyan niya ang kahilingan ko.
"Are you surprised?" bulong niya sa 'kin pagkaupo namin.
Nakangiting nilingon ko siya. "I really am. Thank you."
Nagsimula na kaming magkuwentuhan nina Mads, habang sumisimsim ng wine sa hawak naming kopita. Paminsan-minsan ay nakikisali sa 'min si Liam. Pero madalas na si Papa at Stephen ang kausap niya tungkol sa negosyo.
Nagtatawanan kami nang matuon ang atensyon ko sa kabilang mesa. Nakabusangot ang mukha ni Ashter habang tila inaasar ng kapatid niyang si Rhyz. Sina Ryza at Riley naman ay pareho ng abala sa hawak nilang phone. I guess, they're playing a mobile game. While Amelia is busy tapping Ace's back who looks drunk already. Mukhang pinagsasabihan din siya ni Amelia na tumigil na pero dire-diretso pa rin siya sa pagtungga.
Napakunot noo naman ako nang mapansin na wala na ro'n sina Oliver at Shantel. Agad na inilibot ko ang tingin at nakitang may kausap silang dalawa sa hindi kalayuan. Mukhang silang dalawa ang magka-date ngayong gabi.
But what about Ace? I mean, kahit aso't pusa ang turingan ng dalawang 'yon ay nasisiguro ko na mayroon silang nararamdaman para sa isa't isa. They just have to figure it out.
Maybe that's the reason why Ace is drinking his heart out right now.
"Anong tinitingnan mo?"
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang magsalita si Stephen sa tabi ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon at itinuro ang pwesto ng mga kaibigan niya.
"Do you think Ace will be fine? Hindi pa lumalalim ang gabi pero baka malasing agad siya," I asked worriedly.
Teka, kailan pa ko nag-alala sa mga kaibigan niya?
Napakurap siya sa 'kin bago nilingon ang kaibigan.
"Don't worry. He can handle himself. Besides, Amelia is there for him."
It should be Shantel. Bulong ng isang bahagi ng isip ko.
I have nothing against Amelia. It's just that, I think Shantel and Ace is perfect for each other despite their differences.
Hindi na lang ako umimik. Nang muli akong mapatingin kay Mads ay nagulat na lang ako na wala na pala siya sa pwesto niya. Gano'n din si Damon.
"Hey, where did the two of them go?" tanong ko kay Albert na abala pa rin sa pagkain.
"Nandiyan lang 'yon sa tabi-tabi. Nag-aaway." Nag-apir pa silang dalawa ni Harold.
Dahil do'n ay muli ko na namang naalala ang tungkol sa nilaro naming truth or dare. "Is there something going on between the two of them?"
Nagkatinginan silang dalawa. Habang si Liam naman ay napansin kong nagpipigil lang ng tawa.
Napataas ako ng kilay. Bakit parang ako na lang ata ang walang alam dito?
"Mas mabuti pa siguro kung sila na lang ang tanungin mo," seryosong sagot naman ni Harold.
Tama. Wala naman akong mapapala sa dalawang 'to, eh.
Napatayo ako. Akmang hahanapin ko sila nang may biglang humawak sa braso ko.
Gulat na nilingon ko si Stephen. Magkasalubong ang kanyang kilay habang seryosong nakatingin sa 'kin.
"Where are you going?"
"I'll just look for Mads and Damon."
"I'll go with you." Tumayo siya at napasinghap ako nang mas lalo pa siyang lumapit sa 'kin. "Hindi ka pwedeng magpagala-gala rito mag-isa. Alam mo namang hindi basta-basta ang mga taong nandito."
Napatango na lang ako at hinayaan siyang samahan ako. Nagpaalam muna kami kina Mama bago umalis.
Pero habang naglalakad kami ay maya't maya kaming napapatigil nang dahil sa mga taong nakakasalubong namin na binabati si Stephen. Habang siya naman ay walang sawa na ipinapakilala ko sa kanila bilang asawa niya.
Gustong-gusto ko na ngang bumuka ang lupa para lamunin na ko.
Hanggang sa makarating kami ng lobby. Do'n lang ako nakahinga nang maluwag dahil walang katao-tao rito.
Pero 'yon lang ang akala ko. Dahil sa patuloy naming paglalakad ay napanganga na lang ako nang makita sina Mads at Damon na naghahalikan sa likod ng isang pillar!
What the hell?
Agad na hinila ko si Stephen sa isang tabi para magtago. "Hindi naman sa tutol ako sa kung anumang relasyon mayroon sila. But don't you think people will find it weird? Hindi man sila tunay na magkadugo, pero sa mata ng iba ay magkapatid sila."
Sa totoo lang ay isa ang bagay na 'yon sa mga bumabagabag sa 'kin magmula ng laruin namin ang truth or dare. Sa sobrang lapit siguro namin bilang magkakaibigan ay nakalimutan na nilang lumaki sila bilang magkakapatid.
"It's alright. Fuck the opinion of others. Oo at inampon sila ni Dad. Pero hindi naman niya pinalitan ang mga apelyido nila. Si Dad lang naman ang nagsilbing guardian nila no'n at wala namang problema sa kanya kung anuman ang maging relasyon nila sa bawat isa. Hindi naman namin kontrolado ang emosyon nila," walang pangambang sagot ni Stephen.
That made me sigh in relief. Kung wala naman palang problema sa pamilya nila ay mas maigi.
"Okay. Let's go. Maybe I'll just talk to them some other time," anyaya ko sa kanya.
Naglalakad na kami pabalik nang makasalubong naman namin si Ace na galing banyo. He seems drunk already.
Mabilis siyang nilapitan at inalalayan ni Stephen nang akmang mabubuwal siya.
"Fuck! What happened to you? You look like a shit!" Napailing si Stephen.
"That woman is really getting into my nerves! I already told her that I'm going to be her date tonight. And yet, she still chose to come with Oliver!" Kahit pipikit-pikit na ang kanyang mga mata ay nagawa pa rin niyang makapagsalita ng diretso.
Napamaang ako sa kanya. Did he get himself drunk because he's broken hearted of Shantel?
Lumapit ako sa kanila para tumulong sana sa pag-alalay, nang biglang dumating si Shantel.
"Oh my! What happened?" gulat niyang tanong, habang may pag-aalala sa kanyang mga mata na nakatingin kay Ace.
"He's drunk. Kailangan na siyang maiuwi bago pa may gawing hindi maganda rito," aniya ni Stephen.
Shantel nodded. She was about to grab Ace's left arm, when someone did it first.
Natigilan ako nang makita si Amelia. Kasunod niya ang magkapatid na siyang pumalit kay Stephen sa pag-alalay kay Ace.
"Ako ng bahala sa kanya. I'll drive him home. Hindi na rin naman natuloy 'yong mga magulang niya pumunta rito," paalam sa 'min ni Amelia.
Ibinuka ni Shantel ang bibig at tila mayroong sasabihin. Pero mas pinili na lang niya na itikom ulit 'to at sundan na lang ng tingin ang mga kaibigan habang naglalakad palayo. Halata ang lungkot sa kanyang mga mata.
Ngunit ng lumingon siya sa 'min ay nakangiti na siya. "Let's go?"
Nauna na siya at sumunod na lang kami ni Stephen.
Papalapit na kami sa pwesto namin ng biglang pumailanlang ang isang malamyos na musika. Hindi nagtagal ay unti-unting napuno ng tao ang gitnang bahagi ng hall.
Gano'n na lang ang gulat ko nang biglang inilahad ni Stephen ang kanang kamay sa harap ko.
"May I have this dance?"
Napalunok ako. This is not happening. No freaking way.
Never did I imagine that Stephen will ask me to dance with him!
Nang hindi pa rin ako sumagot ay siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at iginiya ako sa gitna.
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay naging sunod-sunuran lang ako sa bawat gawin niya. Ipinatong niya ang kaliwang kamay ko sa kanyang balikat, habang nakahawak naman ang kanan niya sa beywang ko. Magkasiklop ang magkabila naming kamay habang mabagal ang galaw na sinasabayan namin ang pumapailanlang na musika.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ni hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil nagsisimula na kong makaramdam ng ilang.
What the hell are you doing, Stephen?
"Nathalia, look at me," he whispered.
Napalunok naman ako bago dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kanya.
"Have I already told you how beautiful you are tonight?" Diretso lang siyang nakatingin sa mga mata ko.
Napailing naman ako. Tila bigla kong napipi dahil ni hindi ko magawang magsalita.
"I'm sorry about that. But the truth is, no words can explain how stunning you are right now. And I have been holding back ever since we arrived not to punch the face of those fucking scumbags who can't stop ogling on you. I think, your dress should not be like that next time."
That made me chuckle and feel at ease. He's not Stephen if he didn't cuss.
"Nathalia," he called out once again.
"Hmm?"
Dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa 'kin. Natigilan naman ako at nahigit ko na lang ang hininga nang idikit niya ang kanyang noo sa 'kin.
Napansin ko pa mula sa gilid ng mata ko na napatayo si Papa upang sugurin si Stephen. Pero mabilis naman siyang napigilan nina Mama at Liam.
"S-Stephen... what are you doing?"
Mahigpit akong napahawak sa balikat niya. Nanlalambot kasi ang aking mga tuhod nang dahil sa sobrang pagkakalapit ng aming mukha at katawan. Kaya naman pakiramdam ko ay bigla na lang akong mabubuwal anumang oras.
"Nathalia, did you trust me?"
Nagulat naman ako nang dahil sa tanong niya. "W-What?"
Malalim siyang napabuntong hininga. "I know that you still don't trust me. But I just want you to know that among all the lies that surrounds you, there's this one thing that is true for sure."
"W-What is it?" kinakabahan kong tanong sa kanya.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Naghihintay sa kung ano pa ang isasagot niya.
"Those words that I said that night, it's true."
For a moment, it seems my heart just stop beating.