Chapter 19 | Hide and Seek

Tatlong araw na ang lumipas magmula ng pumunta kami sa private resort ng pamilya ni Stephen. Pero hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng naging sagot niya sa tinanong ko sa kanya.

"Kasi mahal kita."

Malalim akong napabuntong hininga habang nakatitig sa kisame. Kanina pa ko gising pero hanggang ngayon ay hindi ko magawang kumilos para bumangon.

Pagkatapos niyang sumagot ng gabing 'yon ay dali-dali siyang tumayo at umalis. Hindi na namin nagawang tapusin pa ang laro at tahimik na bumalik na rin kami sa kanya-kanya naming mga kuwarto. Hanggang sa naging biyahe namin pauwi ay wala ng salita na namagitan sa bawat isa sa 'min. Hindi ko na tuloy nagawang komprontahin sina Damon at Mads nang dahil sa mga nakakalokang tanong na ibinato sa kanila nina Harold at Albert.

Magmula ng araw na 'yon ay tuluyan na kong hindi kinibo ni Stephen. Magkasama nga kami sa iisang bahay at magkatabi sa iisang kama. Pero pakiramdam ko ay wala naman siya.

I should be happy. Dahil bukod sa hindi na niya ko kinakausap ay hinahayaan na rin niya ko sa mga bagay na gusto kong gawin. Basta kasama ko lang palagi si Cole.

Pero hindi ko alam kung bakit unti-unti akong nilalamon ng lungkot.

I know that he's not serious when he said those words. Like, hello? How come that he loved me already when we just met?

Besides, is he capable of loving someone?

Though I admit that my heart beats faster when those words slipped out of his mouth. Because it sounds so real and his eyes looked so sincere.

But I should know better. Hindi ako pwedeng magpadala sa matatamis niyang salita. He is a cunning man.

Nakasimangot na napabangon ako at ginulo-gulo ang buhok ko. Tila mas lalong sumasakit ang ulo ko sa pagdaan ng araw.

"Nakakainis ka talaga!"

Kumuha ko ng isang unan at basta na lang 'yon ibinato malapit sa pintuan. Ngunit napasinghap na lang ako nang saktong bumukas 'yong pinto at tumama 'yong unan sa mukha ng papasok na si Stephen.

"What the hell is your problem?" Marahas niyang itinapon sa sahig 'yong unan bago masamang tumingin sa 'kin.

Napanguso ako. "Hindi ko kasalanan kung bigla-bigla ka na lang sumusulpot diyan."

Napailing siya bago nagsimulang maglakad palapit sa 'kin. "Mag-asikaso ka na. Nasa baba ang mga kaibigan ko. They want to meet you."

Napatingala ko sa kanya. "May iba ka pang mga kaibigan bukod kina Ace at Shantel?" gulat kong tanong sa kanya.

Hindi makapaniwalang tumingin siya sa 'kin. "What do you think of me? Just because I'm a mafia boss, doesn't mean I don't have friends. Real friends to be exact."

I rolled my eyes at him. "Oo na! Mauna ka na sa baba. Susunod na lang ako."

Pero hindi siya natinag sa pagkakatayo at nanatiling nakatitig lang sa 'kin.

Nakaramdam naman ako bigla ng ilang. Kaya naman ay tinaasan ko lang siya ng kilay para hindi niya mahalata 'yon.

"What? May sasabihin ka pa ba?"

Napakurap naman siya bago umiling at walang lingon likod na naglakad paalis.

Napanganga na lang ako nang dahil sa inakto niya. What the hell is that?

Hanggang sa matapos ako sa pag-aasikaso ay pala-isipan pa rin sa 'kin ang mga ikinikilos ni Stephen nitong mga nakaraang araw. He's getting weirder.

Sa pagbukas ko ng pinto ay hindi na ko nagulat nang makita si Cole na naghihintay ro'n.

"Sino pala 'yong mga kaibigan ni Stephen na dumating? Mga kasamahan din ba niya sa mafia 'yon?" curious kong tanong sa kanya nang magsimula kaming maglakad.

"Yes, Madame. They're bosses as well," magalang niyang sagot.

Napaismid ako. Sabagay, sa mundong ginagalawan nila ay mayroon silang makikilala na kanya-kanyang kalaban at kakampi.

Pero kailangan mong mag-ingat sa mga taong traydor. Minsan kasi ay hindi mo namamalayan na nag-aalaga ka na pala ng ahas.

I smiled bitterly when I remembered him again.

"Nando'n ba sila no'ng araw ng kasal namin?" Natigilan ako nang may maalala. "Oh, wait. Nando'n ka rin ba no'n?" Nilingon ko siya.

Tumango naman siya at ngumiti. "Opo, Madame. Nando'n po ako no'ng araw na 'yon. Pero wala po 'yong mga kaibigan ni Sir Stephen dahil nasa Amerika pa po sila ng panahon na 'yon."

Napasimangot ako. Kung hindi ako nagkakamali ay may transaksyon silang inasikaso ro'n. Base na rin sa narinig kong usapan nina Stephen at Ashter sa reception no'n.

Papalapit na kami sa hagdan ng halos mapatalon ako sa gulat nang dahil sa malakas na boses ni Stephen na maririnig ata sa bawat sulok ng mansyon. Tila mayroon siyang pinagsasabihan.

Sino naman kaya ang kaaway no'n?

Dali-dali akong bumaba para tingnan kung ano ba ang nangyayari. Pero natulala na lang ako nang bumungad sa 'king paningin ang magulong sala.

Nasa sahig ang halos lahat ng mga unan, nagkalat ang balat ng mga sitsirya sa mesa at may iilang baril na nakalapag naman sa sofa.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Tanging sina Shantel at Ace lang ang kakilala ko sa kanilang lahat. Sila lang din ang bukod tanging nakatayo at nakalayo sa grupo.

Si Ashter naman ay mayroong kakulitan at kabatuhan ng unan na isang lalaki. Napansin kong may pagkakahawig ito sa kanya. Mas mukha lang siyang matured.

Mayroon ding isang lalaki at isang babae na naglalaro naman ng chess sa sahig at hindi alintana ang gulo ng paligid.

Napanganga naman ako nang masilip ang isang lalaki na natutulog sa carpet ng sahig, habang may isang babae naman na isa-isang pinupulot 'yong mga unan.

"Will you please fix yourselves already? My wife is now here. You all look shits!"

Dahan-dahan kong nilingon ang nanggagalaiting si Stephen na nakapameywang habang hinihilot ang sentido niya. Mukhang kanina pa niya pinagsasabihan ang mga kaibigan na wala atang balak na makinig sa kanya.

Pero nang dahil sa sinabi niya ay natigilan ang lahat sa kanya-kanya nilang ginagawa at sabay-sabay na napatingin sa direksyon ko.

Napatikhim ako at alanganin silang nginitian. "Hi?"

Ilang segundo pa silang tumitig sa 'kin bago dali-daling iniligpit at inayos ang mga kalat nila. Kahit 'yong tulog ay bigla na lang napabangon na akala mo ay patay na biglang nabuhay.

Napangiwi ako. Are they really part of a mafia organization?

More specifically, a boss of certain mafia clan?

Napabuntong hininga na lang si Stephen. "Pasensya na. May pagka-isip bata kasi ang mga 'yan kaya ang hirap pagsabihan. Dapat talaga ay hindi na ko pumayag na pumunta sila rito."

Napakurap ako sa kanya. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay humihingi ng pasensya ang isang Stephen Anderson! Pakiramdam ko tuloy ay mayroong mga anghel sa paligid na biglang nag-awitan.

"Ayos lang. Nakakatuwa nga sila, eh."

Totoo naman 'yon. Saka nakikita ko rin sa kanila ang mga kaibigan ko. Para rin kasi silang mga bata sa tuwing nagkakasama-sama kami.

Nang maayos na ang lahat ay isa-isa silang lumapit sa 'kin para magpakilala.

"Hi! I'm Rhyz. Ang tech genius ng grupo at gwapong kapatid ni Ashter. Nice to finally meet you, Nathalia," aniya ng lalaking kakulitan ni Ashter kanina. Kaya pala may pagkakahawig silang dalawa.

"Hey! Call me Kuya! You asshole!" nakasimangot na sigaw ni Ashter.

Pero hindi niya pinansin ang kapatid at nakangiting inilahad niya ang kanang kamay sa 'kin. Akmang aabutin ko 'yon ng mabilis na tabigin naman 'yon ni Stephen.

"No shake hands. It's not necessary." Madilim ang kanyang mukha, habang napapatiim bagang.

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. Ano ba talagang problema ng isang 'to?

Nakangising tinapik ni Rhyz 'yong balikat niya. "Man, you're totally dead!"

Aambahan sana siya ng suntok ni Stephen, pero mabilis na nakatakbo na siya palayo.

Sunod na lumapit naman 'yong lalaking natutulog kanina. "I'm Oliver. The shuriken magnet." Humikab siya bago bumalik sa puwesto.

Huh? Shuriken what?

Tatalon-talon namang lumapit sa 'kin 'yong babaeng isa sa naglalaro ng chess kanina. "Hello! I'm Ryza! The chain queen." She winked at me.

Nginitian ko siya. She looks so cheerful and bubbly. "Hello!"

Nakangiting nilapitan din ako no'ng kalaban naman niya kanina. In fairness, they both look a cheerful person. But when they were playing chess a while ago, no one seems to disturb their seriousness.

"Rylie here! The whip master." Inilagay pa niya ang kamay sa ibabaw ng tiyan bago yumuko.

Pinakahuling nagpakilala sa 'kin ay 'yong babaeng naabutan ko na nagpupulot ng unan kanina.

"Amelia. The cleaner," seryosong saad niya.

Kumunot ang noo ko. "Cleaner?"

She rolled her eyes. "You wouldn't want to know."

Inilibot ko ang tingin at napansing nagpipigil ng tawa ang lahat, pwera na lang kay Stephen na nakapikit na nang mariin ngayon.

But Amelia just raised her middle finger to them.

Hindi na lang ako umimik. Akala ko ay weird na si Stephen. Pero mukhang mas weirdo pa ang mga kaibigan niya kaysa sa kanya.

I wonder kung ano naman kaya ang tawag sa kanya?

Pagkatapos magpakilala ng lahat ay dumiretso na kami sa hardin para ro'n mag-agahan. Bigla namang kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang mabangong aroma ng kape. Idagdag pa ang nakahaing omelet, hotdog, ham at fried rice. Typical breakfast meal.

Hanggang sa pagkain ay nagkukulitan ang mga kaibigan ni Stephen. Wala naman siyang ibang magawa kung hindi ang umiling.

Patapos na kaming kumain nang may bigla na lang nagsalita mula sa likod ko. Nakatalikod kasi ako sa direksyon kung nasaan ang pinto.

"Yo, what's up?"

Halos mabitiwan ko ang hawak na tasa nang marinig ang pamilyar na boses ni Harold. Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa pinanggalingan nito.

"Nathalia!"

Agad akong tumayo nang salubungin ako ng yakap ni Mads.

"Hey! Ano'ng ginagawa n'yo rito?" nagtataka kong tanong sa kanila. Ang hilig talaga nilang sorpresahin ako sa pagdalaw nila.

"We heard that the gang is here so we decided to come over." Inginuso ni Damon 'yong mga tropa ni Stephen.

Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanila. Ibig sabihin ay kaibigan din nila ang mga weird na 'to?

"Hoy! Ang bilis n'yo namang maglakad!"

Napakurap naman ako nang biglang dumating si Liam.

"Liam! Ano namang ginagawa mo rito?" Agad ko siyang nilapitan.

Malawak naman siyang ngumiti. "Bakit? Hindi ko na ba pwedeng dalawin ang pinsan ko?"

Nakagat ko ang ibabang labi. "Hindi naman sa gano'n. Pero..."

Inilibot ko ang tingin sa paligid. They're all looking at me.

Hindi kaya may dumanak na dugo? Gusto ko sanang sabihin 'yon sa kanya. Pero pinigilan ko ang sarili.

Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat. "Don't worry. I'll be fine. Everything will be fine," he assured.

Alanganin ko na lang siyang tinanguan.

Hindi ko alam kung magandang ideya ba na magsama-sama kaming lahat dito. Pero sana nga ay wala namang mangyari na kung ano.

Isa-isa na silang lumapit sa bawat isa. Nag-man hug 'yong mga lalaki at nagbeso-beso naman 'yong mga babae.

Gulat na pinapanood ko lang sila. Sanay na ko sa napakaraming bantay na nagkalat sa paligid. Ngunit ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon magmula ng dumating ako rito na mayroong dumalaw na ganito karaming tao. Isa pa ay nasanay rin ako na tanging sina Ace, Shantel at Ashter lang ang tumatambay rito.

Saka hindi ko rin inaasahan na malapit din pala sina Mads sa mga kaibigan ni Stephen. Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi naman sila malapit kay Stephen at kahit inampon sila ng pamilya nito ay lumaki naman silang independent.

But the weird thing is, this scene is quite familiar. Para bang hindi ito ang unang beses na nagkasama kami ng ganito.

"Alright! Now that we're all here. Why don't we play a game?" Ashter suggested.

Ang magkahalong gulat at saya na nararamdaman ko ay biglang naglaho nang dahil sa sinabi ni Ashter. Nakasimangot na bumalik ako sa inupuan ko.

"I'll pass. Kayo na lang. 'Yong huling beses kasi na naglaro kami ay hindi maganda ang kinalabasan." Inubos ko na ang iniinom na kape.

Sinulyapan ko si Stephen. Pero agad naman siyang nag-iwas ng tingin.

Napanguso ako. Naalala ko na naman tuloy 'yong kasinungalingan niya.

"Oh, come on, Nath! This game means no harm." Rylie wiggled his eyebrows.

Pagkalapag ko ng tasa ay natigilan ako nang mapansin na nakatingin silang lahat sa 'kin. Napangiwi ako nang makitang kahit si Liam ay tila nagmamakaawa ang mga mata na pumayag ako.

"Pati ba naman ikaw?"

Tumango naman siya. "Pumayag ka na! It will be fun!"

Tinaasan ko siya ng kilay. Wala pa namang binabanggit na laro sina Ashter pero parang may ideya na kaagad siya kung ano 'to. Maloloka na talaga ko sa oras na malaman kong close rin siya sa mga weirdo na 'to.

"Anong laro ba?"

Nagkatinginan silang lahat at napasuntok sa ere, bago sabay-sabay na sumigaw.

"Hide and seek!"

My jaw dropped. Seriously, what's up with them and their weird games?

Malalim akong napabuntong hininga bago itinaas ang dalawa kong kamay at tumayo. "Pasensya na. Hindi n'yo ako mapapasali sa mga ganyang klase ng laro. Tutulong na lang ako kina Manang sa kusina. Enjoy."

Naiiling na tinalikuran ko na sila at nagsimulang maglakad paalis. There's no way that I'll join that freaking game.

-----

Kanina pa ko pinagpapawisan habang nagtatago sa likod ng isang malaking puno. Sa hardin kasi nila napiling gawin 'yong laro.

Malawak naman ang hardin kung tutuusin. Kaya lang ay wala ka namang ibang mapagtataguan dito kung hindi ang mga nagtataasan na puno, halamanan at malalaking bato.

Napabuga ko ng hangin. Kung bakit naman kasi ako nagpadala sa pangungulit nina Shantel at Mads kanina.

"Boom!"

Muntikan na kong mapasigaw nang marinig ang boses ni Ashter. Siya kasi ang taya.

Muli ko na naman tuloy naalala ang nakabusangot niyang mukha ng siya ang matira sa bato bato pik kanina at naging taya. Inakusahan niya pa ang kapatid na may balat sa puwet. Dahil magmula pa lang daw noon ay siya na palagi ang unang natataya.

Dahan-dahan akong sumilip. Nahuli na niya si Oliver na nagtatago sa likod ng isang malaking bato. Malapit lang 'to sa kinapupuwestuhan ko kaya hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaba.

Hindi ako sigurado kung ilan na ba ang nahuhuli niya at ang mga nakabalik sa base ng ligtas. Sa isang puno malapit sa pinagkainan namin kanina ang ginawa nilang base.

Hindi naman 'yon kalayuan sa puwesto ko. Kaya lang ay hindi ako maaaring basta na lang tumakbo dahil paniguradong makikita niya agad ako.

Pinigilan ko naman ang mapasinghap nang mapansin na papunta na siya sa direksyon ko. Dahan-dahan akong napaatras. Dahil doon ay napansin ko naman si Rylie na nagtatago sa likod ng mayayabong na bulaklak. Nasa bandang unahan ko lang siya.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Kung tatakbo naman ako para maghanap ng ibang mapagtataguan ay paniguradong makikita naman niya ko.

Natigilan naman ako nang dahil sa naisip. Why do I care anyway? Bakit ba masyado kong sineseryoso ang larong 'to?

Akmang lilingon na si Ashter sa direksyon ko nang may biglang nagtakip ng bibig ko at mabilis na naiikot ako sa kabilang bahagi ng puno.

Pilit akong nagpupumiglas. Pero natigilan ako nang sa pag-angat ko ng tingin ay bumungad sa 'kin ang mukha ni Stephen. Inilagay niya ang daliri sa tapat ng kanyang mga labi.

Kumunot ang noo ko. Seriously?

"Boom!"

Napapikit ako nang muling marinig ang boses ni Ashter. Sa pagkakataong 'to ay nahuli niya si Rylie dahil narinig ko pa ang malakas na pagtawa nito.

Tumigil na ko sa pagpupumiglas at hinayaan na lang si Stephen. Nang mapadaan sa puwesto namin si Rylie ay kinindatan niya lang ako.

In fairness naman sa kanila at hindi uso ang laglagan.

Napansin ko naman ang dahan-dahang pagsilip ni Stephen sa likod. Kaya naman ay nakisilip na rin ako. Medyo nakalayo na si Ashter. Kung bibilisan lang namin ang pagtakbo at hindi agad ito lilingon ay siguradong mararating namin ang base.

Nagkatinginan kami ni Stephen. Nagbilang siya sa pamamagitan ng daliri at pagdating ng ikatlong bilang ay tahimik at magkahawak kamay na tumakbo kami.

Ligtas na nakabalik kami sa base. Pero natigilan ako nang mapansin na nando'n na pala ang halos lahat. Kaming dalawa na lang pala ni Stephen ang hinihintay.

"Nasaan na kaya si Kuya?" tatawa-tawang tanong ni Rhyz.

"Wag kang magsaya riyan. Ikaw ang taya sa susunod na game," nakangising sabi ni Albert.

Napamaang naman ako. "May susunod pa? Ayoko na!"

Nagtawanan naman silang lahat. "Don't worry, Nath. Hindi naman kaagad ngayong araw 'yon. Sa susunod ulit na makumpleto ang barkada."

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"Tradisyon na kasi namin 'yon. Mula noon hanggang ngayon ay naglalaro kami ng hide and seek sa tuwing nakukumpleto kami," paliwanag naman ni Ace.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsiko sa kanya ni Shantel.

Natigilan ako. Ibig sabihin noon pa lang ay nakakalaro na sila ng mga kaibigan ko?

Magtatanong pa sana ko nang may bigla kaming narinig na sumigaw.

"Fuck! Saan ba kayo nagtago na dalawa? Pinahirapan n'yo ko," hinihingal na aniya ni Ashter.

Kinantiyawan lang siya ng grupo. Pero natigilan ako nang maramdaman ang tawag ni inang kalikasan.

"I'll just go to the bathroom," paalam ko kay Stephen. Tinanguan niya lang ako.

Mabilis na tinungo ko ang banyo. Ngayon ko lang naalala na kanina pa pala ko naiihi. Nang makatapos ay palabas na ulit sana ko nang mapansin ko si Manang Belen na nakangiti habang nakatingin sa hardin.

Tinabihan ko siya at nakimasid na rin. No one will ever think that these bunch of gals were actually deadly mafiosos. Well, except for my friends and Liam.

"Matagal na panahon na rin magmula nang makita ko silang ganyan kasaya. Alam mo ba na paborito nilang laro ang hide and seek?"

I crossed my arms. "Kanina ko lang po nalaman. Hindi pa nga rin po ako makapaniwala hanggang ngayon,"biro ko pa.

Sa gilid ng aking mata ay nakita kong napatango siya. "Oo nga. Kaya lang ay nilalaro lamang nila 'yon sa tuwing nakukumpleto sila."

"Nabanggit nga po ni Ace kanina. Siguro ay kailan lang no'ng huli silang naglaro."

Paniguradong madalas naman kasi silang kumpleto.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Sa totoo lang pagkalipas ng maraming taon ay ngayon na lang ulit sila naglaro niyan."

Kunot noo akong napalingon sa kanya. Ibig sabihin sa paglipas ng mga taon ay ngayon na lang ulit sila nagsama-sama?

But that's impossible. Isa pa ay nabanggit din ni Oliver kanina habang kumakain kami na madalas silang magkakasama dahil magkakaalyansa nga sila.

"Ilang taon na po ba ang lumipas magmula no'ng huli silang naglaro no'n at nakumpleto?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Sa pagkakataong 'to ay nilingon niya rin ako. May kung anong emosyon ang dumaan sa kanyang mga mata na hindi ko mapangalanan.

"Pitong taon na ang nakararaan."