Chapter 22: | Fall

Masakit ang ulo at mga mata ko nang magising kinabukasan. Halos hindi kasi ako nakatulog nang dahil sa sinabi ni Stephen kagabi. Mabuti na lang at maaga siyang umalis ngayon. Dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko ba siya haharapin.

Natatakot ako na baka traydurin ako ng sarili kong puso. Dahil sa bawat araw na dumaraan, pakiramdam ko ay unti-unti na 'tong lumalambot at nahuhulog.

That can't be.

Hindi na kami nag-usap pa hanggang sa makauwi kami kagabi. Pero hawak-hawak niya ang kamay ko buong biyahe, habang ang isa naman niyang kamay ay nagmamaneho. Gustuhin ko mang alisin 'yon ay hindi ko naman nagawa. Kahit anong tanggi ko naman kasi ay alam ko sa sarili ko na magaan sa pakiramdam ang gano'ng simpleng gesture niya.

It almost made me forget that the man beside me is my kidnapper. How I wish that we met in a different circumstance.

Humihikab na bumaba ko ng hagdan. Pormal naman akong binati ng ilang tauhan ni Stephen na nakasalubong ko.

Ngiti at tango lang ang naging tugon ko sa kanila. Kahit papaano ay nawala na ang kabang nararamdaman ko sa tuwing nakikita sila.

Dumiretso ako sa kusina. Doon ay naabutan kong patapos na kumain ng agahan si Cole. Agad siyang napangiti nang makita ko.

"Good morning, Madame! Kain na po kayo ng agahan. May kailangan lang po akong i-check sa control room."

Tinanguan ko lang siya bago umupo sa tapat ng puwesto niya kanina. Mabilis naman akong ipinaghain ni Manang Belen.

"Kumain na po ba kayo? Sabayan n'yo na po ako," anyaya ko sa butihing mayordoma ng mansyon na 'to.

Sa totoo lang ay nami-miss ko ng kasabay ang mga magulang ko na kumain ng agahan. Dito kasi ay madalas na mag-isa lang akong kumakain.

Hindi ko tuloy maiwasan na isipin si Stephen. Marami siyang kasama rito kung tutuusin. Pero alam ko na sa pagdaan ng mga taon ay pakiramdam niya na nag-iisa pa rin siya.

Katulad na lang ng nararamdaman ko ngayon.

"Naku. Kumain na po ako. Salamat."

Nginitian niya ko at pinakatitigan. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang tila pangungulila sa kanyang mga mata.

"May problema po ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

Napakurap siya bago sunod-sunod na umiling. "Wala naman po. Mag-aayos lang po ako ng mga pinamili. Tawagin n'yo na lang po ako kapag may kailangan kayo."

Tatalikod na siya nang may bigla kong maalala. Kailangan ko ng simulan ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa asawa ko.

Kahit pa ang totoo ay may pag-aalinlangan na kong gamitin ang mga impormasyon na malalaman ko laban sa kanya. Isa pa ay gusto ko rin naman talaga siyang makilala pa ng lubusan.

"Manang Belen," tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa 'kin.

"Ano po 'yon?"

Itinukod ko ang magkabilang braso sa ibabaw ng mesa, bago ipinagsiklop ang aking mga kamay at ipinatong dito ang aking baba. "Maupo muna po kayo. May mga itatanong lang po sana ko. Kung ayos lang po?"

Bakas ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha bago umupo. "Sige po. Hangga't kaya ko pong sagutin ay wala naman pong problema."

Napatikhim ako at napaayos ng upo. "Gaano katagal na po kayong naninilbihan sa mga Anderson?"

Malawak siyang ngumiti at napayuko na para bang mayroong inaalala. "Ang totoo po niyan ay 30 taon na ang nakalilipas magmula ng mag-umpisa kong magtrabaho sa mga Anderson."

Napatango ako. "Matagal-tagal na rin po pala. Ibig pong sabihin ay nasubaybayan n'yo po ang paglaki ni Stephen."

"Oo naman. Ako na ang nag-alaga sa batang 'yon magmula pa lang ng ipanganak siya hanggang sa lumaki siya. Madalas kasi kung umalis ang kanyang mga magulang, para asikasuhin ang iba pa nilang mga negosyo sa ibang bansa."

Napakurap ako. Kung gano'n ay lumaki pala si Stephen na hindi gaanong nakakasama ang kanyang mga magulang. 'Yon ang isang bagay na kahit kailan ay hindi matutumbasan ng kahit anong yaman.

Nagpalinga-linga ko sa paligid bago muling itinuon ang atensyon sa kanya. "Gaano katagal na po ba magmula ng mapabilang ang pamilya nila sa underground society?" diretsahang tanong ko sa kanya.

Napaawang ang kanyang labi. Tila hindi niya inaasahan ang ibinato kong tanong sa kanya. Ngunit mabilis naman siyang nakabawi at malalim na napabuntong hininga.

"Pasensya na po. Pero hindi ko na po masasagot ang tanong na 'yan. Mas mabuti po siguro kung mismong si Sir Stephen na lang ang tanungin n'yo."

Kinagat ko ang ibabang labi. Alam ko namang malabo na makakuha ko ng mahalagang impormasyon sa kanya. Pero kailangan ko lang talagang subukan.

"Ayos lang po. Naiintindihan ko. May mga huling katanungan na lang po ako," pangungulit ko pa.

Tinanguan niya lang ako.

"Wag n'yo po sanang mamasamain. Pero bakit hindi na lang po kayo umalis sa mansyon na 'to? Mas ligtas po para sa inyo kung makakalayo kayo sa lugar na 'to. Bakit hindi na lang po kayo bumalik sa pamilya n'yo?"

Truth be told, Manang Belen is one of the reasons why I feel comfortable in this mansion. But she's too good to be here. Spending her life to serve a mafia family.

Napailing at natawa siya na ikinakunot ng noo ko.

"Ang mga Anderson na po ang kinilala kong pamilya. Bata pa lang ako ng kupkupin nila ko. Namatay sa sunog ang mga magulang ko no'n at tanging ako lamang ang nakaligtas. Nagpagala-gala ko pagkatapos no'n dahil nasa probinsya ang iba pa naming mga kamag-anak at wala namang may gusto sa kanila na kupkupin ako. Hanggang sa mahintuan po ako ng kotse ni Don Isaac."

Punong-puno ng kislap ang kanyang mga mata habang nagkukuwento. Na tila ba isang napakagandang pangyayari na napadpad siya sa mansyon na 'to.

"Kung hindi po dahil sa kanila ay malamang na wala na po ako ngayon. Utang ko po sa kanila ang buhay ko. At handa ko pong protektahan ang pamilyang 'to hanggang sa huli kong hininga."

Hindi ko agad nagawang umimik. Halos may pagkakapareho sila ng istorya ni Cole na naging palaboy at kinupkop ng pamilya Anderson.

Maybe the Anderson's were not really bad at all. Pero hindi pa rin magagawang burahin ng magandang gawain nila ang mga masasama.

Napakurap naman ako nang bigla niyang kuhain at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko.

"Alam ko na maraming tanong ang naglalaro sa isip mo at mayroon kang nararamdamang takot sa puso mo ngayon. Pero isa lang ang sinisiguro ko. Hindi sila masamang tao. At balang araw, sa oras na bumalik na ang mga nawala ay ikaw mismo ang makakatuklas no'n sa sarili mo."

Tumayo na siya. "Gusto n'yo po bang palitan ko ang pagkain n'yo? Paniguradong lumamig na po 'yan."

Bigla namang kumalam ang sikmura ko. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na natawa. Halos mawala na sa isip ko na hindi pa nga pala ko kumakain.

"Wag na po. Ayos na po sa 'kin 'to. Marami pong salamat."

Tinanguan niya ko. "Kung gano'n po ay aalis muna ko."

Tipid ko lamang siyang nginitian. Nang tuluyan na siyang makaalis ay saka lang ako nagsimulang kumain.

Pero hindi maalis sa isip ko ang mga huling salita na sinabi niya.

What did she mean by that?

-----

Mahigit isang buwan na rin ako rito sa mansyon. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito masyadong nalilibot.

Kaya naman ay napagpasyahan kong libutin 'to ngayong hapon. Wala rin naman kasi akong magawa. Abala ang mga kaibigan ko at gano'n din si Liam. Sina Mama naman ay paniguradong nasa opisina.

Halos lahat ng madaanan ko ay mayroong mga paintings na nakasabit sa dingding. It seems that the Anderson's were a fan of paintings.

Hindi ko naiwasan ang makaramdan ng lungkot. I suddenly remembered my biological mother and how she loves to paint.

Mayroong tatlong palapag ang mansyon na 'to. At lahat ng palapag ay mayroong higit sa tatlo na mga kuwarto. Minsan ng nabanggit sa 'kin ni Stephen na may mga pagkakataon na rito natutulog ang mga kaibigan niya. Marahil ay sila ang gumagamit ng karamihan sa mga kuwarto rito.

Natigilan ako nang marating ang dulong bahagi ng mansyon. Something caught my attention.

Dahan-dahan ko itong nilapitan at hindi nga ko nagkamali sa naisip. Mayroong hagdan dito na tila papunta sa isang basement.

Inilibot ko ang tingin sa paligid at napansin na wala namang bantay sa parte na 'to. Dala ng kuryosidad ay maingat kong tinahak ang daan pababa.

Bumungad sa 'king harapan ang isang pinto. Kumunot ang noo ko. Isa rin kaya 'to sa mga guest room dito? Bakit masyado naman atang tago?

Pero agad na isinantabi ko ang konklusyon nang mapansin ang eye sensor security sa tabi ng pinto.

Napataas ako ng kilay. It seems that something important is in here. Dahil hindi naman sila maghihigpit ng seguridad rito kung hindi.

I was about to reach for the door, when Cole's panic voice suddenly echoed from behind.

"Madame!"

Halos mapatalon ako nang dahil sa sobrang gulat. Inis na nilingon ko siya.

"What the hell? Bakit ba bigla-bigla ka na lang sumisigaw riyan?"

Dahan-dahan siyang tumayo habang habol-habol ang hininga. Mukhang tumakbo siya para makarating dito.

"Restricted po kasi ang lugar na 'to, Madame," paliwanag niya.

That made me curious. "Gano'n? Ibig sabihin kahit asawa ko ni Stephen ay hindi pa rin ako pwedeng magkaroon ng access dito?"

Napakamot siya sa ulo. "Pasensya na po. Pero wala pong kahit na sinong makakapasok diyan maliban po kay Sir Stephen. Nandiyan po kasi sa kuwarto na 'yan ang mga mamahaling antigo na pagmamay-ari ng pamilya nila. Kaya gano'n na lang po ang pag-iingat niya sa mga 'to."

Napatango na lang ako sa kanya. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang magduda. Malakas ang kutob ko na nagsisinungaling lang siya.

Antigong gamit? Cole must be kidding me. He can fool the others, but not me.

"Okay. Ikaw na rin ang nagsabi na tanging si Stephen lang ang may access sa kuwartong 'yon. Kaya hindi mo kailangang mag-panic. Dahil kahit gustuhin ko mang pumasok do'n ay hindi ko naman magagawa, 'di ba?"

Alanganin siyang ngumiti sa 'kin. "Opo. Saka kaya ko rin po pala kayo pinuntahan dito ay dahil hinahanap po kayo ni Sir Stephen."

Kumunot ang noo ko at bumaba ang tingin sa suot na relo. Alas-dos pa lang ng hapon. Ang aga naman ata niya umuwi?

Walang imik na sumunod ako sa kanya. Napatingala naman ako habang naglalakad at agad na nahagip ng paningin ko ang nagkalat na CCTV cameras.

Marahil ay pumunta ulit sa control room si Cole kanina kaya mabilis niya kong nahanap. Isa pa ay hindi naman siguro siya magmamadaling puntahan ako at matataranta kung basta antigong bagay lang ang nasa loob ng kuwartong 'yon.

Paniguradong doon nakatago ang mga bagay at impormasyon na may kinalaman sa mga transaksyon nina Stephen na maaaring may koneksyon din sa undergound society.

But do I still want to use it against him?

Dumiretso ako sa kuwarto namin. Doon ay naabutan ko si Stephen na nakaupo sa kama. He looks bothered.

Nang umangat ang tingin niya sa 'kin ay nagulat na lang ako nang bigla siyang tumayo at dali-dali akong hinila para yakapin.

Pakiramdam ko ay kakawala ang puso ko sa kinalalagyan nito nang dahil sa biglaang pagtibok nito ng mabilis.

Stay still, my heart.

"S-Stephen? A-Ano ba—"

"Stay still. Please. I just want to hug you for at least 5 minutes." Mahihimigan ang pagod sa kanyang boses.

Hindi ako nakaimik. Halos pigil ko ang hininga nang mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin.

Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili na nakayakap pabalik sa kanya. There must be something bad that had happened for him to act this way.

"May problema ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. "You won't leave me, right? Kahit na ano pa ang marinig at malaman mo na may kinalaman sa 'kin ay hindi mo naman ako iiwan, 'di ba?"

Natigilan ako nang dahil sa tanong niya. Ano ba ang sinasabi niya?

Dahan-dahan akong lumayo sa kanya at pinakatitigan ang kanyang mga mata. Mababakasan ito ng pinaghalong lungkot at pag-aalala.

"Alam naman natin pareho na wala kong choice, 'di ba? Gustuhin ko mang umalis ay hindi pwede. Dahil baka hindi pa ko nakakalabas ng mansyon ay puno na ng bala ang katawan ko," natatawa kong sabi sa kanya. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko sa itinatakbo ng usapan namin ngayon.

Mapakla siyang tumawa bago napailing. "Ibig sabihin, kapag hinayaan kitang umalis ay aalis ka talaga? Itutuloy mo pa rin ang una mong plano na isuplong ako? Hindi mo ba talaga gustong manatili sa tabi ko?"

Napaawang ang bibig at napatulala ko sa kanya. Sa totoo lang ay desidido ako na makakalap ng impormasyon na maaari kong magamit laban sa kanya no'ng umpisa. Para makawala ko sa hawla na pinagkulungan niya sa 'kin at sa isang klase ng relasyon na pinilit niya sa 'kin.

Pero nitong mga nakaraang araw ay halos makaligtaan ko na ang tungkol do'n. Nasanay na rin ako sa buhay na mayroon ako ngayon kasama siya. Maging ang nararamdaman at pagtingin ko para sa kanya ay unti-unti ng nagbabago.

Nag-aalala ko sa tuwing umaalis siya, lalo na kapag umuuwi siya ng gabi. Masaya ko sa tuwing kasama ko siya at pakiramdam ko ay ligtas ako sa tabi niya. Bumibilis din ang tibok ng puso ko na tila nakikipagkarera sa tuwing malapit lang siya sa 'kin, lalo na sa tuwing nagkakatabi kami sa kama.

Napahugot ako ng malalim na hininga. Gusto ko pa nga ba talagang umalis sa tabi niya kapag nagkaroon ako ng pagkakataon?

"Don't you love me too?"

Napamaang ako nang dahil sa sunod niyang tinanong. Ibig sabihin ay totoong mahal niya ko?

"Y-You really love me?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Dahan-dahan siyang tumango bago muling lumapit sa 'kin. Pakiramdam ko ay mayroong bolta-boltahe ng kuryente ang gumapang sa 'king katawan nang humaplos ang kanyang kamay sa 'king pisngi.

"Yes, baby. I fucking do. You don't have any single idea how much I do."

Napalunok ako at seryoso siyang tiningnan sa mga mata. Pilit kong itinatago ang kasiyahang nararamdaman ng malamang mahal niya talaga ko.

"What if I tell you that I don't love you?"

Natigilan siya sa ginagawa. Pero mayamaya lang ay unti-unting sumilay ang malademonyong ngisi sa kanyang mga labi.

"Then I will make you do."

Bago pa man ako makapagsalita ay naramdaman ko na lang ang paglapat ng kanyang mga labi sa 'kin.

Oh, God. This is bad. I already fall for this guy.