Chapter 19: | The Dream, Truth and Dare

Tahimik kong sinasagutan ang isang take home activity namin sa school, nang bigla akong mabulabog sa marahas na pagbukas ni Mama ng pinto ng kuwarto ko.

"Ma?" tawag ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin. Dumiretso siya sa cabinet ko at basta na lamang kumuha ng mga damit ko roon, bago hinila ang isang maleta at inihiga ito sa kama.

"Anong ginagawa mo, Ma?" nagtataka kong tanong sa kanya ng makalapit.

"Aalis tayo." Mababakasan ng pagkataranta ang kanyang boses.

Kumunot ang noo ko. Wala kasi akong matandaan na lakad namin ngayong araw. Isa pa ay gabi na.

"Saan po tayo pupunta?" Sinusundan ko lamang ng tingin ang basta na lamang niyang pagsasalansan ng mga gamit ko.

Saglit siyang tumigil sa ginagawa para harapin ako. Nagulat pa ko nang mahigpit niyang hawakan ang magkabila kong balikat.

"Nathalia, listen to what Mama will say, okay?"

Napatango na lang ako. Still clueless of what's happening.

Malalim siyang napabuntong hininga bago nagsalita. "We need to get out of here as soon as possible. May mga kalaban sa negosyo si Papa mo na gusto tayong pabagsakin. Kaya kailangan muna nating magpakalayo-layo."

Matiim niya kong tinitigan. "Naiintindihan mo ba ko?"

Sa edad na labing-isang taong gulang ay agad na naintindihan ko naman ang ibig sabihin ni Mama. Isang kilala at matagumpay na negosyante si Papa. Kaya naman ay magmula pa lang ng magkamuwang ako ay alam ko na ang tungkol sa mga kalaban namin sa negosyo na gusto kaming pabagsakin.

Napatango ako at napangiti. "Okay po. Tulungan na po kita."

Dali-dali naming inilagay ang mga gamit ko sa maleta. Nang matapos ay patakbo kaming lumabas at mabilis ang naging bawat paghakbang namin pababa. Sa pag-angat ko ng tingin ay roon ko lamang napansin na napapalibutan na pala kami ng mga tauhan namin.

Sanay naman na ko sa ganitong eksena. Pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot nang makita na mayroon silang mga hawak na baril.

Alam ko rin naman na palagi silang may dalang ganyan. Pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko silang lahat na hawak ito, habang nakaumang na tila anumang oras ay bigla na lang puputok.

Palabas na kami sa mansyon nang biglang umalingawngaw sa paligid ang sunod-sunod na putok ng baril, dahilan para mapadapa kami ni Mama. Mahigpit niya kong niyakap habang pilit na tinatakpan ang magkabila kong tainga.

Sa kabila ng takot na nararamdaman ay mas nanaig sa 'kin ang kuryosidad. Kaya naman ay bahagya kong sumilip at nagpalinga-linga sa paligid. Muntikan pa kong mapasigaw nang mapansin ang ilan sa mga tauhan namin na nakahandusay na sa sahig at naliligo sa sarili nilang mga dugo. Habang ang ilan naman ay patuloy pa rin sa pakikipagbarilan sa kung sino.

Patuloy ko lamang na pinapanood ang mga nangyayari, nang may biglang humila sa 'kin patayo. Sa pag-angat ko ng tingin ay bumungad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni Papa.

"Let's go."

Napatango naman si Mama na nakatayo na rin ngayon sa tabi ko. Habang binabaybay namin ang daan palabas ay patuloy kaming pinoprotektahan ng mga tauhan namin.

But to my surprise, their faces started to get blurred.

Ligtas naman kaming nakasakay sa kotse. Pero sa paglingon ko sa labas ay naiyak na lang ako nang makita na isa-isang natutumba at nauubos ang mga tauhan namin.

Agad naman akong niyakap ng mahigpit ni Mama. Nagpatuloy lamang ako sa pag-iyak hanggang sa maramdaman ko ang mabilis na pagpapasibad ni Papa sa kotse paalis.

"Shit!" I heard Papa cussed.

I was about to look up when suddenly, gunshots filled the silence of the night. Agad na pinatungo ako ni Mama habang may hinahanap siya na kung ano sa ilalim ng kinauupuan namin.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita na baril ang kinuha niya mula ro'n. Walang anu-ano ay bigla na lamang niyang ibinaba ang bintana at sumilip ro'n, bago sunod-sunod na pinaputukan ang mga kalaban na nakasunod sa 'min.

What the hell? Kailan pa natutong gumamit ng baril si Mama?

"Thalia! Stay down!"

Agad naman akong tumungo nang dahil sa malakas na sigaw ni Papa. Mahigpit din akong nakahawak sa upuan sa harap, dahil sa pagewang-gewang na pagmamaneho ni Papa.

Ilang minuto pa ang dumaan bago tuluyang natahimik ang paligid. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at agad na sinugod ko ng yakap si Mama nang muli siyang bumalik sa kinauupuan niya.

She looks tired and exhausted.

"It's alright now, honey."

I feel relieved when she gently caressed my hair.

"Saan na po tayo pupunta ngayon?" maang kong tanong sa kanila.

"Sa mga taong tinalikuran natin, pero tunay palang mapapagkatiwalaan, anak. Sa taong dapat talaga ay nakatadhanang—"

Everything happened so fast. Out of nowhere, a van came from our side which causes our car turned upside down.

Sa kabila ng pananakit ng aking ulo at pagdurugo nito ay hindi ko napigilan ang mapahagulgol nang makita ang aking mga magulang na mahigpit na nakayakap sa 'kin at tila parehong wala ng buhay.

"Ma! Pa!" Pilit ko silang ginigising na dalawa pero ni hindi man lang sila gumalaw.

Akmang sisigaw ako upang humingi ng tulong, nang bigla kong marinig ang marahas na pagbukas ng pinto malapit sa puwesto ko. Kahit nanlalabo na ang aking paningin nang dahil sa pinaghalong luha at hilong nararamdaman, idagdag pa ang dilim ng paligid ay hindi ako maaaring magkamali sa 'king nakikita.

"A-Aries?"

Hindi siya umimik. Pero nagulat na lang ako nang marahas niya kong hilahin palabas ng sasakyan.

"A-Aries? Ano ba? Bitiwan mo ako! Nandoon pa sa loob sina Mama! Tulungan natin sila!"

Pilit akong nagpupumiglas pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa 'kin.

"Bakit ko naman sila tutulungan? Eh, hindi sila sumunod sa naging usapan. Isa silang malaking hadlang sa nakatakda nating pagsasama na dalawa."

Mas lalo akong naguluhan nang dahil sa sinabi niya. "What do you mean?"

Noong tumuntong kami ng sampung taong gulang ay alam na namin ang tungkol sa kasunduan ng mga magulang namin. Hindi ko man 'yon lubos na nauunawaan hanggang sa ngayon kung bakit ay naiintindihan ko naman na nakatakda kaming magsama balang araw.

"Paano sila naging hadlang? Hindi ba ay sila ang nagplano ng tungkol—"

Natigilan ako nang huminto kami sa tapat ng isang itim na sasakyan. Sa loob nito ay prenteng nakaupo ang kanyang ama.

"Idispatsa n'yo na sila. Siguraduhin n'yong malinis ang pagkakagawa n'yo," walang anuman niyang utos sa tauhan na kasama niya sa loob.

Hindi ako makapaniwala sa 'king narinig. Paano nila nagawa sa 'min 'to? Pinagkatiwalaan at kinupkop sila ng mga magulang ko. Kung hindi sila tinulungan nina Papa noon ay malamang na sa kung saan na sila pinulot.

Magpupumiglas pa sana ko ng mula sa kung saan ay may narinig na naman akong putok ng baril. Agad na naalerto ang mga tauhan nila at sinamantala ko naman ang pagkataranta nila upang tuluyang makawala mula sa pagkakahawak ni Aries sa 'kin.

Pero sadyang hindi ko kakampi ang tadhana ngayong gabi. Dahil hindi nagtagal ay naramdaman ko na lang ang sarili na nakahandusay sa semento, matapos akong bungguin ng sinasakyang kotse ng tatay ni Aries.

Narinig ko pa ang paghihisterikal ni Aries. Pilit kong iginagalaw ang katawan ko pero tuluyan ko ng nararamdaman ang panghihina.

Sana ay panaginip lang ang lahat ng 'to. Sana sa paggising ko ay ang masayang mukha pa rin nina Mama at Papa ang mabungaran ko.

Pero kung totoo man ang lahat ng nangyayari ngayon ay hinihiling ko na sana ay makalimutan ko ang lahat ng ito sa 'king paggising. Pati na rin ang mga taong nagkaroon ng kaugnayan sa pamilya ko.

Papikit na ang aking mga mata ng may isang pamilyar na imahe ang pumalit sa madilim na kalangitan.

"Nathalia!"

Akmang iaabot ko sa kanya ang kanang kamay ko nang tuluyang magdilim ang paligid.

"Nathalia!"

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ang malakas niyang pagtawag sa pangalan ko at nang maramdaman ang bahagyang pagyugyog niya sa balikat ko.

Napakurap ako nang mabungaran ang nag-aalalang mukha ni Stephen.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo? You're shouting and crying while sleeping! I was so fucking worried!"

Akmang sasagot ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagkahulog ng kung ano sa sahig. Natuon do'n ang atensyon ko at agad na napansin ang mga kaibigan ko na nakatayo mula sa pinto.

"Thank God, you're already awake! You scared us to death!" Natatarantang nilapitan ako ni Mads.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong naman ni Damon.

Kumunot ang noo ko nang dahil sa mga reaksyon nila. Isa pa ay napansin ko na nasa isang hindi pamilyar na kuwarto ako.

"What happened?"

"You drowned! Inatake ka ng pulikat kanina. Pasensya na hindi ka kaagad namin napansin. If only we—" napailing naman si Harold. Bakas sa mukha niya ang pagsisisi.

Sa isang iglap ay tila agos ng tubig na biglang bumaha sa 'king alaala ang mga nangyari kanina. Halos makalimutan ko na ang tungkol do'n nang dahil sa masamang panaginip.

It's been a long time since I last dream about that tragic scene of my life. Pero hanggang ngayon ay malabo pa rin ang mukha ng taong tumulong sa 'kin. Maging ng ilan sa mga tauhan namin noon.

Bukod roon ay hindi ko rin talaga siya maalala. Saka pakiramdam ko ay hindi lang siya ang nakalimutan ko mula sa nakaraan.

Aside from Stephen's secrets, I must retrieve my lost memories soon. Baka may nakalimutan ako sa nakaraan na maaari palang makatulong sa 'kin para mahanap si Aries.

Ang taong naging dahilan ng pagkasira ng buhay ko.

Malalim akong napabuntong hininga, bago ko sila tiningnan isa-isa. Halata sa mukha nilang lahat ang pagkabala at pagsisisi.

I smiled at them. "Don't worry. Maayos naman na ang lagay ko. Isa pa ay wala kayong kasalanan. Kaya wag n'yo ipakita sa 'kin ang mga pangit n'yong mukha," I joked to at least lessen the tension, but to no avail.

"No! They're all irresponsible! Bukod roon ay ang dami-raming tauhan sa paligid pero wala man lang ni isa sa kanila ang nakapansin agad sa 'yo! Paano na lang pala kung hindi kita naisipan puntahan doon? God knows what will happen next!" Nagpalakad-lakad pa si Stephen at tila hindi mapakali.

Napailing na lang ako nang dahil sa inasta niya. Parang may lalabas kasi na usok sa ilong niya anumang oras.

"Okay na nga ko. Aksidente 'yong nangyari. Walang may gusto no'n. Kaya wag mo silang pagagalitan." Pinaningkitan ko siya ng mata.

Hindi naman siya umimik. Pero nagulat na lang ako nang bigla niya kong lapitan at hawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"I almost lose you before. I just don't want to happen it again."

Kumunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya. What does he mean?

I was about to ask him when suddenly, he stormed out of the room.

Naguguluhan ko namang tiningnan ang mga kaibigan ko. Pero lahat sila ay hindi makatingin sa 'kin.

What the hell is that?

-----

Ilang oras din akong nanatili sa infirmary ng resort bago ako tuluyang pinayagan ng nurse lumabas.

Hindi ko naiwasan ang makaramdam ng panghihinayang dahil madilim na ang kalangitan ng makalabas ako. Nang dahil tuloy sa nangyari ay hindi ko nasulit ang pananatili rito, dahil aalis na rin kami kaagad bukas.

Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan ngayon sa isa sa mga kubo rito na malapit sa tabing dagat.

Chicken with creamed corn, Tortellini, Slow cooker shrimp boil, Creamy pesto chicken at vegetable salad ang nakahain sa mahabang mesa namin ngayon. Mayroon ding ilang bote ng red wine sa tabi.

"Pre, hinay-hinay naman sa pagkain. Wag mong ipahalata na gutom ka," kantiyaw ni Harold kay Albert na sunod-sunod ang ginagawang pagsubo.

"Kaya nga. Parang hindi ka kumain ng ilang araw, ah. Samantalang halos ikaw ang umubos ng baon nating snacks kanina," pang-aasar pa ni Damon.

Sasagot pa sana si Albert nang bigla siyang masamid. Agad naman siyang inabutan ni Damon ng tubig. Akmang hahagurin naman ni Mads ang likod niya, nang biglang tampalin ni Damon ang kamay niya at ito na ang gumawa. Napapagitnaan kasi nila si Albert.

Nabitin ang akmang pagsubo ko sa ere at maang na napatingin sa kanila. Habang si Albert naman ay diretsong ininom ang isang baso ng tubig at napatungo naman si Harold bago nagpatuloy sa pagkain.

Napataas ako ng kilay nang biglang tumahimik ang kaninang nagkakagulong paligid. There's something fishy going on here.

Napatikhim naman si Cole na kasalo namin ngayon at alanganin akong nginitian.

"Madame, ayos na po ba talaga ang pakiramdam mo? Pasensya na po kanina dahil—"

"Just cut it, Cole. Kung gusto mo pang may gawing trabaho bukas." May halong pagbabanta at pagkainis ang boses ni Stephen.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ilang beses ko bang sasabihin na wala nga silang kasalanan sa nangyari?"

Nang bumaling ako kay Cole ay awtomatiko akong napangiti. "Okay na talaga ko. Wag ka mag-aalala. Hindi ko hahayaang mawalan kayo ng trabaho."

Akmang makikipag-apir ako sa kanya ng mabilis na hinablot ni Stephen ang kamay ko.

Papansin talaga kahit kailan!

Napapikit na lang ako nang dumampi sa 'king balat ang malamig na simoy ng hangin. Napagpasyahan ko namang itali ang aking buhok dahil natatangay ito ng hangin.

Muling natuon ang atensyon ko sa mga nakahaing pagkain. Halos malula ako sa dami nito. 'Yong tipong huling kain mo na dahil hindi ka na sisikatan ng araw.

Natawa ako bigla nang maalala 'yong araw na ipinadakip ako ni Stephen at inihanda ang halos lahat ng paborito kong pagkain. Ang buong akala ko talaga ay huling araw ko na sa mundong ibabaw no'n.

"What's funny?" Nilingon ko si Stephen na nakakunot ang noo.

Umiling naman ako. "Wala. May naalala lang ako."

"Guys, let's have a game," excited na sabi ni Harold pagkatapos naming kumain.

"What game?" curious na tanong ni Mads.

Nakangising inilibot niya ang tingin sa 'min. "Truth or Dare!"

Nasapo naman namin ang ulo nang dahil sa sagot niya.

"What the hell? Wala na bang iba?" naiiling na tanong ni Albert.

"Why? Are you guys afraid?" Harold wiggled his eyebrows.

"Hindi, ah! Bakit naman kami matatakot?" matapang kong sabi sa kanya.

"Well, it's settled, then?"

Hindi na kami nakipagtalo pa sa kanya.

Pinalinisan lang muna namin ang mesa bago itinira ang isang bote ng wine. Nagbunutan kami para sa kung sino ang unang magtatanong. Pagkatapos ang taong tatanungin naman nito ang susunod na magtatanong hanggang sa matapos ang lahat.

Mayamaya pa ay sinimulan ng paikutin ni Harold 'yong bote dahil siya ang nakakuha ng number one.

Una itong tumapat kay Mads na ikinasimangot nito.

"Bakit ako? Sinadya mo, eh!"

Harold smirked. "Truth or dare?"

"Truth," mabilis na sagot ni Mads.

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Harold. "Totoo bang may crush ka kay Damon?"

Biglang natahimik ang paligid na tila ba mayroong dumaang anghel. Muntik naman akong mabulunan dahil kasal Nanlalaki ang mga mata kong pinaglipat-lipat ang tingin kina Mads at Damon.

"Teka. May hindi ba ko nalalaman dito?" nagdududa kong tanong sa kanila.

Napaiwas naman ng tingin si Mads. "W-Wala! Bakit naman ako magkakagusto sa kanya?"

Hindi nakaligtas sa 'king paningin ang pagtiim bagang ni Damon.

It seems that something is really going on here.

"Wala? Bakit ka nauutal?" pangungulit pa ni Harold.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Mads. "Wala kasi sa hulog 'yong tanong mo. Saka isang tanong lang kaya 'yong susunod na."

Itinaas na lang ni Harold ang dalawang kamay sa ere tanda ng pagsuko.

Pinaikot naman ni Mads 'yong bote. Sa pagkakataong 'to ay kay Albert naman 'yon tumuro.

"Truth or dare?"

"Dare," matapang na sagot ni Albert.

Napangisi naman si Mads. "Kantahin mo 'yong OST ng paborito mong kdrama."

Natigilan ang lahat. Napakurap naman ako nang dahil sa narinig.

Seriously? Kailan pa nahilig sa kdrama si Albert?

Napapikit nang mariin si Albert bago tinuro si Mads.

"Makakabawi rin ako sa 'yo." Namumula ang tainga nito. Dala siguro ng kahihiyan.

"Bakit? Sino ba ang sumagot ng dare?" Inirapan siya ni Mads.

Malalim namang napabuntong hininga si Albert bago umubo-ubo at umayos ng upo. Mayamaya pa ay pumailanlang na ang malamig niyang boses.

Pilit na pinipigilan ng bawat isa sa 'min ang matawa nang matapos siya sa pagkanta. Ngunit sa bandang huli ay napuno ng malakas na tawanan namin ang tahimik na paligid.

Maging si Stephen ay nakikitawa rin. Sa pagkakaalala ko ay ito ang unang beses na narinig ko siyang tumawa.

At masaya palang pakinggan.

Tinitigan ko siya. Sa isang iglap ay mabilis na naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. Napailing na lang ako.

"It's my turn!"

Napunta ulit ang atensyon namin kay Albert nang mabilis niyang paikutin 'yong bote.

Sunod itong tumuro kay Damon. Hindi pa man siya tinatanong ni Albert ay agad na siyang sumagot.

"Truth."

Napatango-tango si Albert bago hinimas-himas ang kanyang baba.

"May gusto ka ba kay Mads?"

Kasalukuyan akong umiinom at hindi ko naiwasan ang masamid nang dahil sa tanong niya.

What the hell? Ano bang mayroon kina Mads at Damon na hindi man lang ako na-informed?

Blangko lang ang ekspresyon ng mukha ni Damon. Mukhang inaasahan na niya ang tanong na 'yon.

"Wala. Bakit din naman ako magkakagusto sa kanya? Hindi naman gaya niya ang tipo ko," walang gana ang boses na sagot niya bago tumungga ng wine.

Natawa naman si Mads. "Bakit? Ano bang tipo ako ng babae? Akala mo kung sino!" Pinag-krus niya ang mga braso sa harap ng dibdib.

"Eh, kung umaamin na lang kasi—"

"Wala kaming aaminin!" sabay nilang sabi. Masama nilang tiningnan ang isa't isa bago nagtalikuran.

Napataas ang kilay ko. Sisiguraduhin kong hindi kami uuwi ng wala kong nakukuhang impormasyon mula sa kanila.

Nagkibit balikat naman si Albert. "Okay."

Akmang mag-aapir silang dalawa ni Harold nang biglang sumingit si Damon upang paikutin 'yong bote sa gitna. Kay Cole naman ito huminto.

"Dare," mabilis na sagot nito.

Napaisip nang malalim si Damon. Mayamaya pa ay lumitaw ang mala-demonyo niyang ngisi.

"Sayawin mo 'yong hitsong ng Blackpink na Kill This Love."

Muling napuno ng tawanan ang paligid, lalo na nang biglang sumimangot ang mukha ni Cole.

Narinig ko na siyang kumanta. Pero mas masaya kung mapapanood ko rin siyang sumayaw.

Wala naman siyang nagawa at tila batang nagpapadyak siya ng paa na tumayo sa harapan. Mayamaya pa ay nagsimula ng tumugtog ang pamilyar na kanta ng Blackpink mula sa phone ni Mads.

Halos sumakit ang tiyan ko sa katatawa nang dahil sa pinaggagagawa ni Cole. I'm not a fan of any kpop group. Pero nasisiguro ko na malayong-malayo ang mga galawan niya sa talagang steps ng sayaw nito.

"Man! Who would have thought that a bodyguard like you can actually dance like that?" pang-aasar pa ni Harold sa kanya.

To my surprise, Cole raised his middle finger and mouthed 'fuck you' to Harold.

That's quite a scene. Hindi ko akalain na malapit din pala si Cole sa mga kaibigan ko.

Hindi ininda ni Cole ang namumuong pawis sa kanyang noo, kahit malamig naman dito sa labas, at dali-daling pinaikot ang bote. Sa pagkakataong 'to ay sa 'kin naman 'to natapat.

Malalim akong napabuntong hininga. Sa totoo lang ay kanina ko pa iniisip kung ano ba ang pipiliin ko.

Kinagat ko ang ibabang labi. Bahala na nga. Mas gugustuhin ko pa ang magisa ng tanong kaysa ang mapahiya.

"Truth."

Pinagdaop ni Cole ang dalawang palad at seryosong tumingin sa 'kin.

"Madame, kung sakali man na mawalan ka ng alaala na may kinalaman sa nakaraan mo, gugustuhin mo pa bang bumalik 'yon?"

Kumunot ang noo ko nang dahil sa tanong niya. That's a tricky question. Isa pa ay nasisiguro ko na walang kahit na sino sa kanila ang nakakaalam na mayroon akong hindi maalala sa nakaraan ko.

Nabalot ng katahimikan ang paligid. Nakita ko pa ang bahagyang pagsiko ni Mads kay Cole at tila mahinang pinagsasabihan ito.

Hanggang sa mabasag ito nang malakas na paghampas ni Stephen sa mesa. Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko nang dahil sa gulat.

"What the hell is that question? Gusto mo ba talagang mawalan ng trabaho?" Nagtatagis ang bagang ni Stephen, habang matalim ang tingin na ibinibigay kay Cole.

Agad namang napatungo si Cole. "Pasensya na po. Babaguhin ko na lang po—"

"No," putol ko sa anumang sasabihin pa niya.

This is a game and I intend to play it fair and square.

Nanlalaki ang mga matang napatingin sila sa 'king lahat.

Mapait naman akong ngumiti. "No. I mean, hindi ko na siguro gugustuhin pa. Kasi baka kaya ko nakalimutan ang tungkol sa bahaging 'yon ng buhay ko ay dahil puro masasakit na karanasan lang ang mga nangyari ng panahon na 'yon."

Hindi ko na lang pinansin ang malungkot na ekspresyon ng kanilang mga mukha at agad na pinaikot ang bote. I just want this game to end.

Ngunit nahigit ko ang hininga ng kay Stephen naman ito tumapat.

Dahan-dahan ko siyang nilingon. Ang walang emosyon niyang mga mata ang agad na bumungad sa 'kin.

"Truth," walang gana niyang sabi.

Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na pipili pa siya. Ang buong akala ko ay tatayo na siya para umalis dahil hindi niya gusto ang ganitong klase ng laro.

Napatikhim ako. Alam ko na isang kabaliwan na tanungin ko sa kanya ito sa harap ng mga kaibigan namin. Pero gusto ko lang talagang malaman ang totoo at hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataon.

"Bakit mo ako pinakasalan?"

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sabay-sabay na pagsinghap ng mga kaibigan namin.

"Nathalia Sarmiento! Ano ba namang klaseng tanong 'yan?" Tatawa-tawang hinampas ni Mads ang braso ko.

"Oo nga naman! Hay naku. Baka epekto lang 'yan ng nangyari sa 'yo kanina. Sino ba kasi ang nakaisip ng larong 'to? Tara na nga at malalim na ang gabi," anyaya pa ni Damon.

Hindi ko pinansin ang mga hinaing nila. Nanatili lang akong nakatingin kay Stephen na malayo namang nakatanaw mula sa karagatan.

Alam ko na hindi niya ko pinakasalan ng dahil lang sa nalalaman naming sikreto ng bawat isa. There's more to it. I'm sure of that.

"Kaya nga. Nagiging masyado ng seryoso. This is just a—"

Nabitin ang anumang sasabihin ni Albert nang biglang magsalita si Stephen.

Pero halos takasan ulit ako ng ulirat nang dahil sa mga salitang kumawala sa bibig niya.

"Kasi mahal kita."