Chapter Four – Ang Paghaharap ni Raven at Thea

Nang dahil sa date na iyon ay marami ako nalaman tungkol sa buhay niya.

Isang linggo na pala ang nakaipas simula nung date at hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang mga kinuwento niya tungkol sa mga magulang niya. Pakiramdam ko, di ko siya desrve. He deserves someone na kapantay ng buhay na meron siya. What if matulad ako sa mga napapanood ko sa tv? Yung hindi tanggap ng magulang dahil hindi nababagay sa anak nila?! Di ba?

“Mukhang malalim ang iniisip mo pamangkin, ah! Si Mico ba yan? Kamusta date niyo? Isang linggo na ang nakalipas hindi mo pa ako kinukwentuhan...”

Si tita habang inaayos ang mga test papers ng mga estudyante niya.

“Tita, di ba po masyado pa ako bata para sa pakikipagrelasyon? Bakit si Mico pursigido sa ginagawang panliligaw?”

“Mas matanda ka sa kanya, pero wala naman masama doon pamangkin kung ang puso mo na ang tumitibok ay wala ng magagawa ang mundo, follow your heart ika nga nila.” Mahabang paliwag niya sa akin. “Inlove ka na ba sa kanya?” Si Mico ang tinutukoy niya.

“Nabibilisan lang ako sa mga nangyayari tita, pero pakiramdam ko gusto ko siya pero may kung ano pumipigil sa akin.” Ang dami ko kasing what ifs at natatakot ako na baka masaktan ako sa huli gaya ng mga napapanood ko sa telenovela.

“Kung gusto o mahal mo na, go ipaglaban mo, sige ka baka ipaglaban yan ng iba diyan!”

“Tita, mayaman sila, e tapos ako simpleng buhay lang ang meron ako, wala ako ng mga bagay na meron siya.” Nakayuko ko sinabi sa kanya. Yun naman ang totoo, e! Magkaiba ang buhay na meron kami, pareho man kami ng mundo pero iba ang antas ng buhay nila sa amin.

Hinawakan ni tita ang mga palad ko, “Gaya nga ng sabi ko kanina, kung mahal mo na ipaglaban mo... Huwag ka mabubuhay sa takot! Tingnan mo ako puro takot ang pinairal ko kaya single parin hanggang ngayon, kung saan ka masaya susuportahan kita.”

Parang double meaning ang sinabi niyang iyon, baka may isa sa estudyante niya ang may lihim na pagtingin kay Mico.

Baka si Rhea, siya lang naman ang umaaligid ligid. Parang linta. No way sa akin lang si Mico.

“Puso ang masusunod pero pamangkin, hinay-hinay parin, ah?!”

Si tita talaga minsan matino kausap at minsan naman mapang-asar.

Naalala ko nanaman si Mico, Kamusta na kaya siya hindi siya pumasok kanina siguro ay nagkasakit nanaman. Gusto ko sana siya puntahan pero naisip ko na huwag na lang. Maghihintay na lang sa pagbalik niya hanggang sa gumaling siya. Sabi kasi ni tita ganun raw ang madalas sinasabi ni Mico sa tuwing hindi nakakapasok sa paaralan.

Sasagutin ko na siya matagal tagal na rin siyang nanligaw at pinatunayan niya na sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Kung kailan sasagutin ko na siya saka naman siya wala.

“Hi, Raven do you still remember me?”

Hay naku ayan nanaman si Thea at ang mga alipores niya. English pa nang english halata naman trying hard sa pagpilit na pagandahin ang pagsasalita niya ng englis.

Hindi ko na lamang siya pinansin at agad na nilampasan. Pero pinigilan niya ako hinawakan niya ng sobrang higpit ang kaliwa ko braso.

“Huwag kang bastos! Kinakausap pa kita!” singhal niya sa akin.

Ang sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko. “Pwede ba?! Wala ako maalala na kahit anong atraso sa inyo para ganituhin ako!” Mahinahon pero may diin na sabi ko.

“Bakit ba kasi nandito ka sa paaralan ng mayayaman? Sa suot at kilos mo halata namang Eskwater ka.” Bulong ni Thea sa taenga ko.

“Ano ba ang ipinuputok ng butsi mo?” Napachuckle ako ng may marealize na kaya siya nagkakaganyan kasi ako ang niligawan. “Kung gusto mo magustuhan ka ng lalaki ayusim mo ang ugali mo.” Mahinahon na sabi ko pero alam ko tumagos iyon sa puso niya.

Nakikita ko ang mga tao sa paligid ang dami nila nagkukupulan pero ni isa wala man lang lumapit para awatin ang babaeng ito.

Ngumisi siya sa akin at parang may kung ano na gusto ipamukha sa akin.

“Eh ano ba ang nagustuhan sayo ni Mico?” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Wala namang kagusto-gusto sayo bukod sa maganda ka lang.”

Ngumiti ako, “Ikaw na rin ang nagsabi, maganda ako kaya talagang magugustuhan ako ni Mico!”

Binitiwan niya ang braso ko dahil sa pagdating ni tita at tinatanong kung ano ang meron dito.

Ang sakit ng braso ko pakiramdam ko magkakapasa ito.

“Ah, teacher kinakausap lang po namin si Raven. Aayain po sana namin na sumabay maglunch sa amin kasi nag-iisa lang siya.” Nag-iba ang facial expressions ni Thea ng makaharap ang tita ko. Grabe, ang mga katulad ay nakaktakot.

Bigla na lang nagpapalit ng anyo, kagaling aba!

Halatang kanina pa siya gigil sa akin, kung hindi lang dumating si Tita ay baka hinablot na niya ang buhok ko. Gaya ng napapanood kid sa mga telenovela.

Umalis na ako ng hindi nagsasalita, mas mabuti na ito kaysa patulan ko pa ang baliw na babaeng iyon.

Insecure siguro sa akin dahil ako ang niligawan ni Mico.

Naiiyak ako sa sakit ng braso ko, Mico pumasok ka na kasi!

“Ano ba talaga ang nangyari doon?” naupo si tita sa tabi ko.

Hindi ko ugali ang magsumbong mas sanay ako na sinasarili ang lahat, saka pakiramdam ko kasi lalaki lang ang gulo.

Pero iba kasi si tita, kampante na ako sa kanya dahil matagal din ako namalagi sa bahay niya kasama ko siya araw-araw kaya kilala niya ako.

“Eh,  kasi tita sila naman ang lumapit ang tahimik ng buhay ko sa library nagbabasa lang ako tapos bigla na lang lumapit para insultuhin pagkatao ko.” Naiiyak ako habang kinukwento sa kanya ang lahat. “I'm sorry!”

Inaalo niya ako na huwag ako magsorry dahil wala naman raw ako kasalanan, pero kasi pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat kahit na sila naman ang lumapit sa akin para insultuhin ako.

“Tahan na, okay? Hayaan mo magsasabihan ko sila.”

“Huwag na po, baka pag-initan ka lang po nila alam mo naman iyong mga iyon spoiled brat halatang nasusunod ang gusto.”

Mabuti naman at nagpaawat si tita na pagsabihan sila, hindi ko naman kakayanin na mawalan siya ng trabaho dahil sa akin.