Chapter Five – I miss you
June 25, 2016
“Mico bakit matagal bago ka nakabalik, tatlong araw ka hindi pumasok... nagkasakit ka ba?”
“Opo teacher naulanan po kasi ako.”
Naririnig ko parin sila na nag-uusap dito sa class room.
“Bakit kasi nagpapaulan ka baby Mico, ang tagal kita hindi nakita.”
Ang arte ng babaeng ito, teka bakit ako magseselos? Wala pa namang kami, ah?!”
Nagsusulat na lang ako at hindi sila pinakikinggan. Nababadtrip lang ako.
Makalabas na nga lang masyadong maingay dito. Dami pang papansin kay Mico.
“Ang epal talaga ng mahirap na babaeng yan!”
Rnig ko na sabi ni Thea pagkalabas ko ng classroom. Siya nga itong epal. Ibaon kaya kita sa lupa ng manahimik ka diyan.
Tatlong araw, tatlong araw ako naghintay sa pagbabalik niya tapos iiwasan niya lang ako?
I can't believe this! Wala naman ako maalala na may atraso ako sa kanya!
Namiss ko siya tapos ganito lang?! Ni hi, ni ho?! Wala??
Nakakapanggigil siya parang gusto ko siya suntukin.
Napaka inconsiderate mo namang tao Mico! Sinisigaw ko yan sa isip ko.
Sa sobrang inis na naramdaman, hindi ko na namalayan na napadpad na pala ako sa labas ng school hindi man lang niya ako sinundan... Gaya ng mga napapanood ko sa tv. Yung susunduin ng leading man ang babaeng mahal niya. Hindi talaga siguro ako mahal ni Mico, baka tama si Thea walang kagusto-gusto sa akin.
Baka napaatras siya ng malaman ang estado ko sa buhay. Napabuntong-hininga na lang ako sa isiping iyon.
Nang maramdaman ko ang pangangalay ng paa agad ako naghanap ng mauupuan.
Naupo ako sa tambayan ng mga estudyante may mahaba kasi na kawayang upuan dito.
“Ang lalim naman nun?”
Narinig ko na may nagsalita sa likuran ko. Lumingon ako para makasigurado dahil baka nag-iilusyon na naman ako.
Tinarayan ko siya at iniiwas na ang tingin ko pagkatapos.
Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Pero wala na ako pake don, wala naman ako sa isang telenovela para maging sweet sa kanya pagkatapos ng tatlong araw... Na hindi siya nagpakita at nagparamdam.
“Bakit hindi ka pumasok?” Nabigla ako ng marealize na naibulalas ko ang dapat ay nasa isip ko lang.
“Sinabi ko na kanina, totoo na naulanan ako kaya nagkasakit ako. Sa nakikita ko sa facial expressions mo, inis ka sa akin kasi di kita pinansin kanina.”
Manghuhula ba siya? Ah basta naiinis parin ako sa kanya.
“Hindi mo sure!”
Ipinikit ko ang mga mata ko para malaman niyang ayoko siya makita tutal mahusay naman siya bumasa ng facial expressions ng isang tao.
“Wala ka kasing cellphone number sa akin kaya hindi kita matatawagan at masabihan na hindi ako makakapasok.” Pagpapatuloy niya.
Oo nga noh? Wala pala ako cp kaya ano ang numero na ibibigay ko sa kanya?
“Hindi ako nagce-cellphone.” Sinabi ko iyon habang nakapikit parin.
“Aminin mo, namimiss mo ba ako?” Makahulugang niyang sabi sa akin.
“Ano? Wala akong sinabi na namimiss kita,” Napabuga ako ng hangin sa bibig habang pinipigilan na magkabuhol-buhol ang pananalita.
“I miss you too!”
Nagsabi ba ako ng i miss you para sabihin niya yan sa akin?!
Iniwan ko na lang siya doon.
“Hintay!” nakabuntot parin siya sa akin habang naglalakad kami papasok ng school.
Bahala siya diyan kung ano-ano ang iniisip, e!
Kinakausap niya ako pero hindi ko siya pinapansin.
Nakakatakot pala magkagusto sa kanya, pakiramdam ko aatakihin ako sa puso tuwing malapit siya sa akin. Ganito ba talaga kapag inlove? Inlove na ba talaga ako? Sa murang edad?!
Naalala ko ang sinabi ni tita walang pinipiling edad ang pag-ibig. Pero paano sila mama at papa sigurado ako magagalit sila kapag nalaman na may manliligaw ako. Tanging si tita lang naman ang lubos na nakakaunawa sa nararamdaman ko.
Sila parati na lang ang kapatid ko na pangalawa ang iniintindi nila, mabait naman ako na anak kng minsan nga lang ay ‘di maiwasan na maging pasaway.
Itanong ko na kaya sa kanya kung mahal niya ako? Para naman may assurance ako di ba?
Huminto ako sa paglakad at hinarap siya na nasa likuran ko rin na naglalakad kanina na ngayon ay nakahinto na rin dahil sa biglaang pagtigil ko sa paglakad.
Buong lakas at tapang ko, “Mahal mo ba talaga ako o gusto mo lang ako?”
Kinakabahan man pero bahala na lalakasan ko na lang ang loob ko sa magiging sagot niya.
“Ano ba sa tingin mo?” aba ang loko ako ang unang nagtanong tas ibabalik din sa akin ay tanong.
Nakapameywang ako ngayon dahil naiistress ang beauty ko sa kanya.“Ako ba ay inaasar mo? Sagutin mo na lang ang tanong ko! Bilis!”
“Mahal kita, liligawan ba kita kung hindi? Unang kita ko palang sayo may kakaiba na akong nararamdaman dito.” turo niya sa bandang dibdib kung saan nakapwesto ang puso niya. “The strength of its pulse! It's corny if you think about it, but that's the truth.”umiwas siya ng tingin sa akin na para bang nahihiya sa mga pinagsasabi niya sa akin.
Ngumiti ako, dahil sobrang saya ko na malaman ang sagot.“Kung ganun, from now on boyfriend na kita.” Masayang sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya, tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
“Woi, wala ka man lang reaksyon diyan?! Pagkatapos kitang sagutin. Bawiin ko yan kapag hindi ka nagsalita.”
Nabalik siya sa wisyo ng sabihin ko iyon.
Nakita ko kung gaanp siya kasaya, nagtatalon-talon siya sa tuwa.
“June 25, 2016, nakasave na ito sa notes ko.” Nakangiti niyang sinabi iyon sa akin.
Natatawa na lang ako sa reaksyon niya para siyang bata na nanalo sa palaro.
Malapit na kami sa classroom,“I miss you, namiss talaga kita.” Umiiwas na tingin nung sabihin ko ang salitang yan.
“I miss you too! I miss you so much!”