Chapter Three – Getting to know each other
Weeks passed, tuwing recess inaaya ako ni Mico sa canteen para sabay kami kumain at masaya ako kasi mabilis ang pangyayari parang magic ang lahat at hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.
Sa sobrang bilis ay may sinabi siya sa akin na liligawan raw niya ako at patutunayan ang sarili para sa akin.
Nasa getting to know him palang ako, e. Tapos siya nasa getting to know each other na.
“Magpaalam ka sa tita ko, naku yari ka doon.” Pananakot ko, ramdam ko ang kaba niya ng sabihin ko iyon.
Pero sabi niya kakayanin raw niya na makaharap si tita at sabihin na liligawan niya ako.
“Ikaw bahala, goodluck!”Sabi ko bago ko siya iwan sa corridor dahil baka hinahanap na ako ni tita.
Uwian na rin kasi ng mga estudyante, at baka hinahanap na ako ni tita kahit alam niya na kasama ko Mico. Aasarin nanaman ako nun.
Pagkarating ko sa tapat ng conference room sakto kalalabas lang ni tita.
“Tita! Tulungan ko na po kayo.” Kinuha ko ang dala niyang mga gamit.
“Salamat, nga pala kayo ba ni Mico kamusta?” Tanong niya bigla habang naglalakad kami papuntang parking lot. May nabili si tita na motor kahapon lang saka para madali lang raw kami makapasok sa work at makauwi din sa apartment na tinutuluyan.
Parang naumid ang dila ko sa tanong niyang iyon.
“Pamangkin okay lang sa akin na magkaboyfriend ka pero hinay-hinay lang, ah!”
Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niya iyon.
“Thank you tita!” Niyakap ko siya, alam ko din kasi na ganun sila mama at papa. Supportive nilang lahat sa akin. Kasi alam nila na hindi ko sila bibiguin at sigurado ako sa mga desisyon ko sa buhay.
Alam ko mas bata sa akin si Mico pero sabi nga nila wala yan sa edad, kung mahal mo handa kang isakripisyo ang lahat at kaya niyong harapin ang problema ng sabay.
Habang nakaharap ako sa salamin ay pinagmamasdan ko ang repleka ng aking kabuuan sa salamin. Masaya ito at walang halo na kasinungalingan. Masaya ang emosyong ipinapakita nito. Walang halong pagkukunwari. Masaya ako sobra.
“Ang ganda naman ng pamangkin ko, mana sa akin.”
“Sang-ayon ako sa sinabi mo tita.” Nakangiti ako habang sinasabi iyon.
“Nagpaalam sa akin si Mico
na liligawan ka raw niya, biruan mo nga naman dati ay crush mo lang siya ngayon... Liligawan ka na niya.” Pagkukwento niya sa akin.
“Tita hindi ko po siya crush, attractive ako sa kanya.” Pagdedepensa ko.
“Doon naman nagsisimula iyon, o siya gumayak ka na at naghihintay na ang Prince Charming mo sa labas kasama ang driver niya.”
Si tita talaga parang bata kung kumilos minsan napagkakamalan na kaming mag-ina dahil malaki nga talaga ang pagkakahawig namin sa isat-isa.
Pagkatapos ko mag gayak ay dali dali ako dumiretso sa kinaroroonan ni Mico, excited ako sa unang date namin. May 11, 2016 ang una naming date. Date na ngayon ko lang mararanasan. Malapit na rin siya magtapos sa high school at sinabi ko sa sarili na sabay kami mag-aaral ng kolehiyo.
“Paamoy nga sa pamangkin ko,” Pagkatapos niya ako amuyim. “Amoy dalaga, ah! Mag-iingat sa biyahe ha?!”
Paalala niya sa akin. Sinamahan niya ako palabas ng bahay at inihatid sa tapat ni Mico. “Mico, alagaan mo ang pamangkin ko, ah! Pag yan nagkaroon ng kaunting galos yari ka sa akin.” Si tita talaga tinakot pa si Mico.
“Huwag po kayo mag-alala teacher, aalagaan at iingatan ko po si Raven gaya ng pag-aalaga niyo po sa kanya.”
“Para kayong ewan diyan, magdidinner date lang tayo, hindi pa tayo magpapakasal saka di pa nga kita nobyo.” Sunod sunod na sabi ko minsan talaga wala akong preno sa pagsasalita.
“Gagawin ko ang lahat para maging girlfriend ka.” Aba ang tapang ng isang ito. Pursigido talaga siya.
Nagpaalam na ako kay tita bago pa mapunta sa ibang bagay ang usapan na ito.
Napakagalang niya makipag-usap kay tita, kung titingnan mo talaga siya halatang inosente kulang na nga lang isipin ko ay magpapari siya, napakaamo at perpekto kasi ng mukha niya na para bang hindi pa nagkakasala kahit kailan. Kung maihahalintulad ko siya sa artista kamukha niya si Rico yan at pati sa kilos ay hawig na hawig sila hindi lang sa mukha maging sa pag-kilos.
“Nandito na tayo!” Mahinahon niyang sinabi sa akin.
Hindi ko napansin na narito na kami sa restaurant, marahil sa lalim ng iniisip ko kaya hindi ko namalayan. Siya lang naman ang iniisip ko inlove ka na ba self?
Pinapaypayan ko ang sarili gamit ang kamay dahil sa iniisip ko ito. Tapos ang lakas pa ng tibok ng puso ko.
Hinawakan niya kamay ko para igaya palabas ng van. May pag-iingat ang pag-aalalay niyang iyon sa akin.
“Are you okay? Nanlalamig kasi ang kamay mo.” Nag-aalala niyang tanong sa akin.
“Ah hindi malamig kasi sa loob ng van, kaya siguro nilamig mga kamay ko.”Pero sa totoo kinakabahan na talaga ako.
Jusko lord! Ang lakas ng tibok ni baby heart, siguro nasobrahan ako sa kape. Tama! Kaya dapat itigil ko na muna ang pagkakape.
“Coffee for you!”
Kasasabi ko lang, e! Nginitian ko lang si Mico at ininom ang ibinigay niyang kape.
“Sabi kasi ni Teacher mahilig ka raw sa kape, kaya habang naghihintay tayo sa mga inorder ko naisipan ko magpabili ng kape diyan sa may Starbucks.” Magiliw niyang sabi, naku kung alam mo lang ititigil ko na sana ang pag-inom.
Next time ko nalang ito ititigil!
Sobrang sweet ni Mico, kaya maswerte ako kung magiging nobyo ko siya.
Nakasulat sa list ko dito sa cp ang unang date namin. May 11, 2016.
Ang date na hindi ko malilimutan. Habang hinihintay namin ang pagkain na inorder ay nagpapakwento ako sa kanya patungkol sa buhay niya.
Nalaman ko sa kanya na dalawa sila magkapatid at babae ang bunso. Siya ang panganay. At ang trabaho ng kanyang ina ay isang vet, ang kanyang ama naman ay isang business man.
Parang nakakapangbaba nung nalaman ko ang buhay na meron sila. Sa amin kasi napakasimple pero nagmamahalan kami magkakapatid at ganun din si inay at itay.
Maiisip ko palang magugustuhan kaya ako ng mga magulang niya?
Gugustuhin ba nila na maging parte ako sa buhay ng kanilang anak?
Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko, wala pa man din kami relasyon pero heto ako at nag-iisip na kung ano ang mga mangyayari.
Tinitigan ko siya habang nasa counter dahil ipinapaalala ang order namin na pagkain. Napakaamo ng mukha niya at bagay na bagay sa suot niyang white t-sirt. May dimple pa siya at talaga namang nakakainlove.
Parang magic ang nangyayari at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
Inlove na nga ba talaga ako sa kanya?
“Gusto ko makilala natin ang isat-isa.”