Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

48. Truffles

He's doing great, iyon ang sabi ng doktor.  Marami na pala syang naaalala na hindi nya sinasabi sakin, kumpleto na ang ala-ala nya sa Trip namin sa Balesin, pati kung paano kami nagkakilala. Isa pang naaalala nya ay ang pag gising nya sa tabing dagat bago may humampas sa ulo nya ng malakas. Hindi nya nga lang alam kung sino iyon.

Ayon sa doktor posibleng isa iyon sa dahilan kung bakit sya nakalimot.  Marahil dahil daw sa lakas ng pagkakapalo sa kanyang ulo ay naging sanhi ito para pansamantalang mabura ang kanyang ala-ala.

Ayon ppa sa doktor, dahil walang nagtangkang magpaalala sa kanya ng kanyang nakaraan ay nahirapan ang utak nyang maalala lahat ng pangyayari sa buhay nya. Kung meron lang sanang tumulong sakanyang maalala ang lahat ay maaring hindi tumagal ng ganoon ang pagkawala ng kanyang memorya.

Ang tanong na agad pumasok sa isip ko ay Sino iyong humampas sakanya? Bakit sya hinampas? Paanong sinalba sya ni Star? Ang daming pumapasok sa isip ko na tanong. Paanong hindi naibalita na nahanap ang katawan nila? Paano nahanap ng pamilya nya si Star?

"Baka naman kasi siya yung pumukpok sa ulo ni Zero, alam mo naman deads rin yan sa boyfriend mo" si Arki ang una kong sinabihan dahil, ayokong maistorbo si Jairus na nagbakasyon kasama si Alexis. Si Dark rin ay tinawagan ko kaya lang paparating palang ito.

"But she saved him, bakit nya naman gagawin iyon?" Iyon ang pinanghahawakan kong rason kung bakit ayaw kong sisihin si Star.

Umirap si Dark ng marinig ang aking sagot "Ang tanong sino ang kasama nila sa isla kung saan sila nahanap? Kung may kasama silang iba pwedeng may ibang suspect, eh paano pag wala? Everything will lead to her." Sumimsim ito sa baso nyang naglalaman ng tequila.

Nagpaalam si Zero ngayon na may aasikasuhin lang, hindi ko alam kung ano yun dahil ayoko naman magtanong. Isa pa I need answers to my questions na pumapasok sa utak ko.

"We should call Jairus" nilabas ni Arki ang kanyang cellphone at tinawagan si Jairus ilang ring lamang ay sumagot ito.

"Umiinom kayo? Kasama nyo pa talaga si Penelope?" Bungad nya ng makitang nasa bar kami. Hindi na ako nakapag-hi dahil nauna na ang kanyang sermon.

"Bra may problema kasi, nakabalik ka na ba? Nasa Bern's bar kami" tumayo si Jairus at nagbihis, so andito na nga sya.

"Okay, ten minutes lang andyan na ako" habang hinihintay si Jairus ay nnagisip isip ako ng mga posibleng sagot sa tanong ko ngayon, shit kulang nalang ay mag hire ako ng imbestigador para dito.

"Whisky" order ni Jairus sa bartender bago umupo sa tabi ko hinalikan nya ako sa noo at nakipag fist bump kila Arki at Dark "So anong problema?"

Huminga muna ako ng malalim trying to calm my nerves "Nagpacheck up si Zero kahapon sa doktor sabi nya naaalala nya na yung nangyare sa Balesin saka yung kung paano kami nagkakilala. Isa pa naaalala nya na gumising sya sa isang isla naramdaman nya nalang na may humampas sa ulo nya. Sabi ng doktor it might be one of the factors kung bakit sya nawalan ng ala-ala. The question is sino?"

"Si Star" kaswal nyang sagot bago uminom sa kanyang alak.

"Sino bang kasama ni Zero sa isla na yon? Kung may kasama silang iba pwedeng may ibang gumawa sa kanya non pero anong motibo? Ngayon na ang alam natin na si Star lang ang kasama nya wala pa tayong ibang suspek" dagdag niya.

"Bakit nya yun magagawa kay Zero and diba sabi nila nagka amnesia rin sya?" Still trying to convince na hindi si Star iyon. 

"Bakit hindi nya gagawin yun? Diba nga kinaibigan ka lang nya dahil gusto nya si Zero? Of course she's just faking all the amnesia thing, bakit di nalang natin sya imbestigahan?"

And it dawned on me, she brainwashed Zero and I remember Trina!

"One time nakasalubong namin si Trina, remember her?" Tumango silang lahat of course Trina is our Ms. University way back!

"She's one of Star's best friend right? She told us, me and Zero na ginagamit lang niya si Zero. Hindi ko alam kung para saan o kung sa paanong paraan. I think she knows something"

"Ethan and Trina is dating. Pwede nating pakiusapan si Ethan na isama sya at makausap" Sabi ni Dark habang pinapaikot ang yelo ng kanyang inumin. He's trying to hold it in, alam kong galit na ito.

"And I remember sinabi sa akin ni Zero na sinabi sakanya ni Star na matagal na silang mag ka relasyon. That he got her pregnant and he declined to own their baby. Sinundan sya ni Star sa Amerika at doon sila nagkaayos, doon rin nagplano ng kasal. She brainwashed her"

"What the fuck!?" Mura ni Dark bago ininom ang laman ng kanyang baso.

"These are evidences. Wala na syang amnesia, she remembers everything now alam nya na ang totoo. Unless pineke talaga ang amnesia nya, ngayong nakakaalala na sya dapat tinama nya na kay Zero lahat. But she choosed not to. And what is her reason?" Arki added. It all made sense to me, kung naaalala na nya bakit hindi nya pa tinatama kay Zero?

"Paano sila nahanap?" Kalmadong tanong ni Jairus

"Sabi sakin ni Zero nagising sya na yakap yakap si Star"

"Plain set up" sambit ni Jairus. "Kanina ang problema natin sinong nanghampas kay Zero. Ngayon ang problema, paanong nakayakap si Zero kay Star pagka gising nya? All of these leads to Star."

"We need to talk to Trina" Arki dialled Ethan's number. Mga ilang rings lamang ay sumagot na ito.

"Bra, pwede ba naming makausap si Trina?" Wala ng paligoy ligoy pang sabi ni Arki bago uminom sa kanyang baso.

"Why? May problema ba sakanya?" Rinig namin ang sinabi ni Ethan dahil nakaloudspeaker si Arki

"Kaibigan sya ni Star hindi ba?" Tanong ni Jairus "Oo, may problema?"

"May kelangan lang kaming itanong tungkol sa kaibigan nya. Pwede bang mamaya na o bukas? Kila Penelope. Kelangan na kelangan" dirediretsong sabi ni Dark na tila may iniisip na gagawin. What ever it is, hindi iyon maganda.

Pabalik na ako sa office ngayon, habang nagmamaneho ako ay naglalaro parin sa isip ko ang mga pangyayari. Mas lalong lumabo, mas lalong dumami ang tanong. Maaring may makuha kaming sagot kay Trina pero alam kong hindi sasapat iyon.

Kung plano man ito ni Star alam kong hindi nya ito ipagsasabi kahit kanino, well she would share some details about her plans if she needs some help though. Pero alam kong limitado lamang ang ipagsasabi nya.

"Ma'am kadadating lang po ni Sir Zac sa office nya, pinapatawag po kayo" tumango lang ako kay Lexie saka dumiretsong pumasok sa office ni Zero. Nakatupi ang sleeves ng kanyang polo hanggang sa kanyang siko at nakabukas ang tatlong butones nito sa taas.

"Where have you been? I've been texting you and calling you" he looks pissed, interlacing his fingers together.

"Sorry naiwan ko sa kotse yung cellphone ko" I lied "I'm just with Dark, Arki and Jairus. Just hanging out"

"So you have forgotten about me because you're with Jairus. Great" he said sarcastically, I shot him my infamous death glare bago lumapit sa kinauupuan nya.

"Sinong hindi nagsabi kung saan sya pupunta? Ako ba?" I scoffed him bago umupo sa lap nya. He groaned and whispered several cuss words before wrapping his arms around my waist.

"Alam mo talagang kahinaan ko pag naglalambing ka. Fuck it, pero please lambingin mo pa ako" nanghihina nyang bulong sakin, I can even feel his legs kind of shaking.

"Calm down. Saan ka ba galing?" Tanong ko sakanya habang binabaon ang aking ulo sa kanyang leeg.

"Tattoo shop"

"Hmm?"

Agad kong tinakpan ang mukha ko ng isa isa nyang tinatanggal ang pagkabutones ng kanyang polo. He snickers at my reaction. Bahagya akong umayos ng upo saka nya tinanggal ang pagkakatakip ko sa aking mukha.

(Play the song here... Forever and Always by Parachute)

There I saw my name on his chest. He got a tattoo on his chest!

Bumaba ang kamay ko sa dibdib nya tracing every letter of my name tattooed on it.

"Tattooed heart" he whispered. He lifted my face with his index finger, I stared at his lovely brown eyes.

Nabasa ang pisngi ko ng aking luha. He frowned and he kissed all my tears away. I saw how a tear formed to his lovely eyes while plastering a wide smile on his lips. Hindi ko inaasahan ang kanyang sumunod na sinabi.

"Will you marry me?"

"Holy?!" I lost all my senses I almost lost my balance thanks to his fast reflexes that I didn't.

May kinuha sya sa bulsa nya habang ang isang kamay ay nakayakap sa bewang ko ng mahigpit "Stay still" aniya habang nilalabas ang isang pulang kahon mula sa kanyang bulsa. Napatutop ako sa aking labi, anong nangyayare?

"Hindi ko na hahayaang mawala ka sakin, kasi hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita kang masaya sa piling ng iba, kasi gusto ko ako lang ang magpapasaya sayo. I will treat you better this time, I will court you every day of our married life. I want you to be my wife, my lifetime partner, the mother of my kids. You're the only girl whom I wish to share my life with. Please marry me" marahas nyang pinunasan ang kanyang luha habang hinihintay nya ang aking sagot.

Hinawakan ko ang kanyang pisngi habang pinipigilan ko ang sarili ko sa aking pagluha "Just as long as I'm the name on your tattooed heart" Kanta ko habang tumatango.

"Yes. I want to be your wife" he triumphantly smile before inserting the ring on my fingers, maging sya ay nanginginig habang sinusuot sa aking ang napakandang wedding band na nakita ko sa aking tanang buhay.

Suddenly all of the butterflies in my chest break loose, tickling my whole system.

Pinunasan ko ang kanyang luha at mahigpit syang niyakap. Both of us cried in silence because of this fathomless happiness that we're feeling.

"Thank you, I love You my wife" he whispered beforee cupping my face and pulling me into a soft, wet and sweetest kiss.

Pinacancel lahat ni Zero ang mga susunod na meeting, andito parin kami sa kanyang opisina magkakandong parin at nagngingitian habang paminsan minsang humahalik sa isa't isa. napapitlag ako ng galit na pumasok ang daddy nya sa kanyang office at nadatnan pang nakakandong ako sakanya. Tatayo sana ako pero hinigpitan ni Zero ang yakap nya sa akin.

"Why did you cancel all of the meetings? Alam mo bang may date sana kami ng mommy mo ngayon and I have to cancel it for this meeting tapos i-kakansela mo lang pala?" humalukipkip ang kanyang ama habang pinagmamasdan kaming dalawa.

Sakanya nakuha ni Zero halos lahat ng features nito. Malakas ang dating, gwapo kahit simple lang. 

"Why would you cancel your date with mom to just meet with the investors dad?" Masungit na tanong ni Zero, ngumisi pa ito sa ama "I cancelled all my meetings today because I asked Penelope's hand for marriage and she said yes so I'm throwing a party"

Umaliwalas ang mukha ni Tito Xavier at umupo sa upuan na nasa kabilang dulo ng table ni Zero, nakaramdam ako ng pagkaawkward dahil nakatitig ito sa amin. Nakakandong ako sa anak nya na ang higpit higpit ng pagkakayakap sa akin.

"Talaga? You two are getting married? Did my son proposed to you iha?" Tumango lamang ako, hindi parin makapaniwala na may suot na akong singsing galing kay Zero.

It is a Ballerine ring from Cartier, it is a diamond studded ring na may malaking dyamante sa gitna and it fits my finger perfectly. Hindi ko inaasahan na ganito kaganda ang magiging engagement ring ko, pangarap ko lang noon na sana mahalin ako habang buhay ng mapapangasawa ko. I guess this ring is just a bonus.

"Let's celebrate then!" Kinuha ng daddy nya sa bulsa nito ang kanyang cellphone saka tinawagan si Tita.

"Mommy! Ikakasal na ang anak mo! Ikakasal na ang unico hijo natin!" Masaya nitong sabi sakanyang asawa, ako naman ay napayakap nalang kay Zero.

"Hey" he whispered.

"Are you sure you want to marry me?" I asked still can't believe that he asked me for marriage!

"Wala na akong ibang nakikitang mapapangasawa kung hindi ikaw. Please don't ask again, you'll get tired of me telling you how much I want to marry you" he winked and kissed my temple.

"Congratulations son! I am so proud of you and Penelope! Alam na ba ito nila Phoebe at Brenan?" Tanong ni Tito sa kanyang anak na busy sa pag lalaro sa daliri kong sinuotan nya ng singsing.

"Kinausap ko sila kanina dad, even her brothers. Namanhikan ako magisa kanina" I saw a triumphant smile formed on his lips. Kinausap nya ang pamilya ko? Kanina? And he did it all by himself? I can't help but smile, Im so proud of my baby.

"And they agreed, of course" pumalakpak pa si Tito.

"Dad, kahit hindi pa sila pumayag ipaglalaban ko tong mapapangasawa ko. Mabuti na lamang ay pumayag, legal ang proposal na ito" ngumiti ito habang nilalaro ang kamay ko bago pinagsaklop ang mga daliri namin.

I still can't believe of what happened, akala ko ay magaaway pa kami kanina dahil hindi ako nagtetext sakanya o sumasagot man lang ng tawag. I was caught off-guard pero sure na ako sa desisyon ko, papakasalan ko si Zero kasi iyon ang ikakasaya ng puso ko.

Hindi ko na hahayaang mawala pa si Zero sa akin, why would I? Hindi ba ay hinintay ko sya ng limang taon bago nakabalik muli sa akin? Naging puro poot man ang limang taon na iyon masasabi ko na worth it lahat ng sakit, ng hirap at ng paghihintay.

"I'm hungry" sambit ko, ngalay na rin ako dahil kanina pa ako nakakandong sakanya. Alam kong ngawit na sya. Tumayo ako at nagpunta sa kanyang likod para doon sya yakapin.

"Akala ko magaaway tayo kanina"

"Yeah I thought we'll have a row, buti nalang sinumpong pagiging malambing mo" pinanuod ko kung paano magtaas baba ang kanyang adams apple habang humahalakhak. Oh how I love this man and all the little things about him.

"We should inform the boys that we are getting married" kumukulo na ang tyan ko dahil sa gutom kaya sinabi ko sakanya na gutom na ako hehe.

Lately I've been craving a lot, malapit na siguro akong dalawin ng tawag ng kalikasan. Kung pwede lang ay kain ako ng kain lalo na ng oreo truffles or donuts.

Paglabas namin ng office nya ay bigla nalang may nagputukan na party poppers at sumalubong sa amin ang malakas na "congratulations" nila. Maybe Tito Xavier told them, about the engagement. May buffet sa gilid kaya mas lalong nagwala ang alaga ko sa tyan. Gutom na nga ako.

"Thank you so much. We appreciate your warm greetings for us. You can resume all your works tomorrow for now we should celebrate" nagpalakpakan ang lahat saka luminya sa buffet. Ngumuso ako, I want donuts.

"Zero, gusto ko kasi ng donuts, gusto ko ng oreo truffles tapos mcdo fries!" Ngumuso ako at hinarap ang mukha nya sa akin. "Bili tayo!" Kumunot ang noo nya bago ako akbayan.

"May truffles yata dyan. Gusto mo ba yon?" Turo nya sa isang plate na may lamang truffles.

"Gusto ko oreo truffles" sumimangot ako at siniksik ang sarili ko sa dibdib nya.

"Okay. Do you still want donuts?"

"Yes and fries please? And oh oh I want lasagna from Nene. You remember her?" Tumango sya at hinigit ako paalis.

Tinahak namin ang pamilyar na daan papunta sa kainan nila Nene, cross fingers sana ay bukas pa sila. Napangiti ako ng makitang bukas iyon at nagseserve si Nene ng costumer.

"Hi Nene!" Bati ko, halos mapatalon sya ng makita ako.

"Oh my God! Penelope ikaw ba yan? Zac?" Ngumiti ako at bumeso sakanya.

"Ano ka ba, parang ang tagal ko namang hindi nagpunta dito. Lasagna ha saka carbonara. Take out"

"Coming right up!" Masigla nitong sabi bago pumasok sa kusina.

"First date?" Tanong nya tumango ako, dito ko nga siya dinala nung first date namin. Maraming improvements ang lugar, mas lumawak at mas gumanda. Masasabi mong umasenso ang business hindi naman kasi nakakapagtaka sa sarap ng pagkain.

Hinalikan ni Zero ang kamay ko kaya napangiti ako. Hindi ko na naisip pa si Trina at ang paguusap na magaganap kapag pumayag sya. Naalala ko lang ulit ng magtext si Dark na nagsasabing pumayag raw si Trina pero bukas nalang dahil nalaman na nila ang tungkol sa engagement namin.

We need to celebrate.

"Kasal na ba kayong dalawa? Ang tagal nyo na ha!" Sabay abot ni Nene sa orders namin.

"Hindi pa. Ikakasal palang" sambit ko bago nagpaalam, ang amoy ng bagong lutong pagkain ay nagpakalam sa aking tyan.

"Ano ba yan. Gusto ko na kumain" I pouted habang binubuksan ang tub na naglalaman ng bagong lutong lasagna at carbonara.

"Bakit mo kasi tinake out baby?"

"Kasi gusto ko sa condo mo kumain" nilingon nya ako habang nagmamaneho "Uy eyes on the road"

"Gusto ko yung donut dun oh. Yun!" Turo ko sa branch ng isang sikat na donut store.

"Gusto ko to, saka to. Tapos uhm... Hirap naman magdecide dito sa dalawang to. Sige yang dalawa nalang na yan ang cute eh may smiley. Saka ito, itong may kitkat." Ngumiti ako sa cute na kuya na nagtitinda ng donuts. "Ikaw anong gusto mo?" Tanong ko kay Zero.

Tinignan nya ako na para bang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko, ngumuso ako at pinitik ang ilong nya.

"Ayaw mo ba nyan? Gusto mo akong pipili?" Tumango lamang sya, sa huli nakapili ako ng twelve na flavors hindi ko nga lang alam kung saan ang ibibigay ko kay Zero kasi parang gusto ko silang tikman lahat.

"Kuya. Kuya! Pwedeng papisil ng pisngi mo? Cute eh"

"Penelope!"

"Zero!" Pag gaya ko sakanya saka humalakhak.

"Sige na kuya!" Pilit ko kay kuya na agad namang pumayag kahit mukhang naiilang ito kay Zero, kinurot ko ang magkabilang pisngi nya saka kinuha ang box na may mga donuts. "So cute!"

Hindi parin maalis ang titig ni Zero sa kuya na kinurot ko ang pisngi, his fist and jaw were clenched. Hihi, nagselos yata ang pogi. I tiptoed and kiss him on the lips. his jaw literally dropped upon realizing what I did.

"Lika na babe" hinawakan ko ang kamay nya at hinila sya papalabas ng store, ang kaninang nakasarang kamay ay unti unting bumukas para pag saklupin ang aming mga daliri.

"I'm jealous Penelope. Pwede namang ako yung panggigilan mo bakit sya pa?" Aniya ng makasakay sa kotse, hinarap ko sya at pinisil ang magkabilang pisngi. "Ito naman. Cute nga kasi sya, pero gwapo ka. Sorry na po" I kissed his cheeks, I saw him lick his lips and I can't help but bite my lip.

"Babe... Gusto ko ng kiss" walang sabi sabi ay sinunggaban nya ng halik ang aking labi, napasabunot nalang ako sa kanyang buhok at mas dinikit ang mukha sa kanya. I want him closer to me, ang distansya ng upuan ko sa kanya ay isang kasalanan, it is offensive. Gusto ko nalang kumandong sakanya at paliguan sya ng halik.

"Yung truffles ko" I said between our kisses, umayos sya ng upo at ngumuso.

"Damn truffles"

Chương trướcChương sau