Humikab pa ako pagkagising ko, the couch was big enough for me kaya siguro hindi ako nahulog. Hindi napansin ni Zero na gising na ako, busy siguro ito sa binabasang kung ano sa kanyang computer. Kinusot ko ang aking mata habang humihikab muli.
Bumangon na ako at inayos ang aking damit, kinuha ko ang coat nya, tumayo at naglakad papunta sakanya. Napalingon sya sa akin at ngumiti, napangiti na rin ako. He looks tired, and his eyes were blood stained. Inaantok na siguro o dahil sa kakababad sa harap ng kanyang computer na sobrang taas ng brightness.
"Masyadong mataas ang brightness ng computer mo" inabot ko sakanya ang kanyang coat at pumindot sa kanyang keyboard, binaba ko ang brightness masyadong nakakasilaw.
Hinapit nya ako sa bewang at pinaupo ako sa kanyang hita habang pumipindot pa rin sa mouse at keyboard nya.
Pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko at suminghot sa aking leeg, nanghina ang tuhod ko pati ang daliri ko na pipindot sana sa kanyang keyboard ay nanginig na rin.
"Kamusta ang meeting mo? Mukha kang pagod ah, anong oras kayo natapos?"
"Kakatapos lang, the meeting was kind of boring. Dad was there and he asked me to call you but I told him you're sleeping here in my office"
Tinapik ko ang kamay nya bago humarap sakanya, hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at dinikit ang labi ko sa kanyang noo, he groaned I know that he wants me to kiss him on his lips. I want too... it's tempting.
"He just want to check on you babe, I won't wake you up for that" he pulled me closer and pressed a kiss on my lips.
"Hatid na kita" tumango ako at tumayo na habang pinapatay nya ang kanyang computer at sinunod ang aircon. Sinuot nya ang kanyang coat at pinatay ang ilaw bago lumabas ng kanyang office.
"Lexie, you can go home now. Bukas mo na lamang ayusin yan" he tapped he shoulders bago tumango sa sekretarya.
"Thank you sir" ngumiti ng malaki si Lexie. Tinungo namin ang elevator Bawat madadaanan namin ay nagpapaalam sa amin. Sa loob ng elevator ay hindi ko maiwasang mapahikab. Dalawa lamang kami sa loob, doon ko naalala ang unang eksena namin na magkasama sa elevator na ito.
He placed his hand on my back. Hindi ko alam kung bakit napatigil ang paghinga ko dahil doon, the memory of what happened when we made love flooded my mind. Naginit ang aking pakiramdam, nang lingunin ko sya ay mas naginit. He is biting his lips while looking at me. I tiptoed and wrapped my arm around him, he bent down a little and kiss me.
He slid his tongue to my mouth as soon he got a taste of my lips, his tongue explored the inside of my mouth as if marking it. Kung hindi pa tumunog ang elevator ay hindi pa kami titigil, nagaalab ang init sa aking dibdib wala akong nagawa kundi ang ibaon ang mukha ko sa kanyang dibdib.
"Good evening sir, ma'am" bati ng mga pumasok sa elevator. I heard him greeting them back but I also heard him curse.
The heat that I'm feeling inside me subsided, but he still pressing my head on his chest. He smells good though might as well enjoy this moment.
"Sir, kayo ba ni maam? Hindi naman nakwekwento ni maam sa amin na may boyfriend pala siya" I heard Chris asked Zero, I know him since we're close. Bakla ito at mapang asar kaya siguro ay hindi nya na naitikom ang bibig nya at nagtanong.
"Yeah, we're together for almost six years now" he aswered while playing with my hair "she's kind of sleepy" aniya, tila bumalik nga ang antok ko sa bawat haplos nya sa aking buhok.
"Kaya pala todo basted sa mga kliyente nyang umaaligid, may gwapo palang jowa hihi" umayos ako at tinapik si Chris.
"Ay! Hi maam hihi. Gwapo ni sir, yummy. Wala pang balak magpatali? Magpakasal na kayo, humayo at magpakarami. Sa akin ang panganay hintayin ko" biro nito habang nakataas ang kamay sa aking ulo na tila ba dinadasalan ako, tinampal ko ang kamay niya at pinandilatan ng mata.
"Aagawin ko yan Maam!" Tinusok nya ang tagiliran ko saka tumawa. I buried my face to Zero's chest.
"Not my baby" ngumuso ako at dumila, Zero chuckled and planted a kiss on my head.
Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayan sa pag upo, nilagay nya rin ang seatbelt ko bago umikot papunta sa pinto ng driver's seat.
"May makakain ka ba sa bahay mo? Do you want to eat first?" Tanong nya habang inaatras ang sasakyan.
"Gusto ko ng isaw"
"Other than that please?" Inisip ko kung ano bang gusto kong kainin maliban sa labi nya... Gusto ko ng Korean Barbecue!
"I want Korean barbecue" ngumuso ako habang nakatingin sakanya tumango sya at mas binilisan ang patakbo. "Ikaw anong gusto mong kainin? I bet gutom ka from meeting" naglalaro ako sa cellphone ko habang nagmamaneho siya.
"Your neck..." Aniya saka sumulyap sa akin, nakapatagilid ang aking ulo at ang aking buhok kaya naman kitang kita nya ang aking leeg. Umayos ako ng upo saka sya inirapan. Pervert! Pero hindi ba ay gusto ko ring kainin ang kanyang labi?
"Korean barbecue nalang rin. Take out nalang tayo?" Tumango ako bago bumaba sa kotse.
Maliban sa barbecue ay bumili na rin kami ng tempura at sushi. Madali lang kaming nakarating sa bahay dahil malapit na rin ang pinagbilan namin doon.
Bumati si Patrick pagkabukas sa amin ng pinto, hindi ko na ito tinatawag na kuya dahil nakakatanda daw ng itsura.
"Kumain na kayo?"
"Yes ma'am, nagluto po kami ng Kare kare baka gusto nyo? Nakapag grocery na rin po kami" biglang kumalam ang sikmura ko pagkarinig ng kare kare. I've been craving for it and thank God, Jeska knows how to cook a decent Kare Kare.
"Im hungry" aniya habang pinaghihila ako ng upuan. "Your place is nice, but it's not in a private subdivision though"
"Okay lang basta malapit sa office, I can walk pag tinamad ako mag drive o pag ayaw kong magpahatid"
"No. I will fetch you everyday o kung gusto mo mag drive then convoy" sumubo sya ng kare kare, even the way he opens his mouth is sexy!
"Masarap yung luto" aniya, hindi ko alam pero nag init ang dugo ko, I suddenly felt jealous. Marunong rin naman ako magluto! Pero it's been a long time since I cooked for him.
"Do you want me to cook for you?" Ngumiti sya at tumango, hinila nya ang ulo ko papalapit and he rubbed his nose to my forehead.
I heard someone giggling from our back and I saw Jeska smiling.
"Eh, andyan ho sila Sir Dark" he shyly smiled at us, suppressing her giggles.
"Andito na pala sila eh!" Pumasok si Dark sa kusina at dumiretso sa ref para kumuha ng tubig. Sunod sunod na ring pumasok sila Ethan.
"Hindi namin kasama si Jairus ngayon, may date eh. Grabe yung iginanda ni Alexis, yung dimples sarap tusukin" umupo si Nathan sa tabi ko habang dinedescribe si Alexis. Nanliit ako ng unti at medyo kumirot ang aking dibdib. I brushed it all off, I shouldn't feel jealous. I should be happy that finally Jairus is reunited with his love.
"Kain kayo, masarap yung luto ni Jeska" tinanggal ko ang takip ng tupperware na naglalaman ng Kare-kare. Bigla nalang silang nagtayuan para kumuha ng mga plato at kubyertos.
"Basta talaga pagkain" tumawa ako habang sumasandok sila ng pagkain.
"Hirap talaga ng walang girlfriend" sambit ni Ethan habang kumakain "wala kang madadatnan sa bahay o kaya naman ka-cuddle pag uwi mo ng bahay. Tapos walang magluluto para sayo"
"Okay lang yan, panget mo kasi" asar naman ni Nathan "Ulol, mas matinik pa ako sa chicks kesa sayo!" Ethan fired back.
"Matinik, kaya pala walang naging girlfriend" Tumawa pa ng malakas si Dark, sumimangot si Ethan saka sumubo nalang.
Nilingon ko si Zero na batid kong kanina pa ako pinapanuod, nagsalubong ang tingin namin at ngumiti sya.
"Naistorbo ba namin kayo love birds?" Tanong ni Arki umiling ako pero tumango si Zero mahina kong tinampal ang mukha nya saka sya tumawa.
"May dala kaming mga damit, dito kami matutulog!" Sabi ni Dark saka humalakhak, oh no. May alaga na naman akong mga damulag dito sa bahay!
"Then I'll sleep here too. May damit naman akong dala sa kotse" Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Hoy Penelope, huwag ka ng sasali sa game ah. Maglalaro kami ng uno, lagi ka nalang nananalo eh" sabi ni Arki tumawa lang ako at sinet up ang speaker para may music sila habang naglalaro.
Napagpasyahan ko nalang na manuod at tulungan si Zero manalo sa laro.
"Yung isa dito kahit di na maglaro panalong panalo na. Higpit ng pagkakayakap oh" nagbaba si Nathan ng baraha kulay green na may number four.
"Ito ibaba mo" bulong ko kay Zero habang tinuturo ang green card na may plus two sa susunod na magbababa ng baraha which is si Arki.
"Ba yan!" Reklamo ni Arki habang kumukuha ng dalawang baraha. May dalawang baraha na lamang si Zero isang change color na may plus four card at blue card sana lang ay may mag change color.
"Uno!" Binaba na ni Zero ang blue card si Dark ang unang nagbaba ng card na kulay blue kaya napalitan ng color. Mukhang si Arki ang matatalo o hindi kaya ay si Ethan.
Nilapag ni Zero ang huli nyang baraha at ngumisi kay Arki, pero nagbaba rin si Arki ng kaparehang baraha kaya naman si Ethan ang sasalo ng walong card. Naramdaman ko ang pagdikit ni Zero ng kanyang labi sa aking tenga na nagpanginig sa aking kalamnan.
Natalo si Ethan sa laro kaya naman nag aya pa ito ng isa, una kaming nananalo ni Zero kaya sinasabi ni Arki na wag ko ng turuan si Zero pero nananalo parin ito. Sa huli si Arki ang naging kulelat sa laro.
"Mag ple-playstation nalang ako" sabi Arki, nagunahan sila sa controllers. Ganyan na ganyan sila simula noon at ngayon. Napailing nalang ako, hindi sila nagbago tumanda lang sila pero mga isip bata parin.
Naramdaman ko ang pagyakap ni Zero sa bewang ko mula sa aking likuran, pinatong nya ang kanyang baba sa aking balikat.
"Okay lang ba kung dito ako matutulog?" Tanong nya bago sininghot ang balikat ko.
"Yeah, doon ka na sa kwarto ko. Just please behave" banta ko tumango sya at hinalikan ang leeg ko.
"I'm always behave. I'll have my check up tomorrow, I want you to be there babe"
"Okay. Then we should sleep early tonight"
"Guys, mauna na kami may check up si Zero bukas eh we need to be there early"
Yumakap ako sakanila isa isa habang si Zero naman ay naki fist bump.
"Kasal bago anak ha?" Pahabol ni Arki habang sinasara ko ang pinto. Napailing nalang ako habang si Zero naman ay seryoso ang tingin sa akin. "Paano pag nauna ang anak bago kasal?" Umirap ako at tinampal ng mahina ang kanyang pisngi.
"Shower lang ako ah, you can open the tv or read some books" kumuha ako ng boxer shorts at sando ganon lang kasi ang suot ko kapag natutulog.
Hindi ako mapakali sa loob ng shower hindi ko alam kung bakit, kaya mabilisan lang ang pagligo na ginawa ko. Nag tooth brush at doon na rin ako nag blower ng buhok. Nagbukas ako ng panibagong brush na para kay Zero mabuti nalang ay hindi nya pa naibaba ang ilang damit nya mula sa bakasyon namin sa Ilocos sa kanyang sasakyan.
"Hmm, shower ka na. May brush na doon, shampoo, sabon. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako" maging panunuod ay hindi ako mapakali, bakit ganito ang mga panuod puro romantic at puro may halikan? Naginit ang aking pakiramdam kaya napagpasyahan ko nalang na patayin ang tv at maglaro na lamang sa aking cellphone.
"Penelope. Baby" tawag sa akin ni Zero sa banyo agad naman akong lumapit para tanungin ang kailangan nya. "Uhm baby, you forgot to give me a towel"
"Oh!" Agad akong dumiretso sa cabinet ko at naghagilap ng tuwalya. Halos himatayin ako ng makita si Zero sa labas ng banyo.
Dripping wet.
Fresh from the shower.
Agad kong tinakpan ang mata ko ng mapadako ang tingin ko sa... baba. Shit!
"Ano ba? Bakit ka lumabas?" Inabot ko ang twalya sakanya habang takip takip parin ang aking mata.
"Nakita mo na to babe, ano ba" natatawa nyang sabi bago inabot ang twalya.
"Che, magbihis ka na nga doon. Don't walk around my room naked. Please?" I heard him chuckle and I heard his footsteps, I guess going back to the bathroom.
Alam kong pulang pula ang mukha ko ngayon dahil sobrang init ng aking mukha, I saw his ugh... Basta yun!
Bumukas ulit ang pinto at lumabas na syang nakabihis, thank heavens dahil pag hindi baka masakal ko sya tapos hahalayin... Erase erase! Oh my God!
Agad agad nya akong niyakap pagkalapit sakin, galit ako sakanya, inis ako sakanya. Dear self, galit ka dyan sa mahal mong nagpakita ng... toot.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nya bago humalik sa aking leeg, papunta sa aking balikat. My knees began to tremble again, nakaramdam narin ako ng init.
"I can't behave when you're wearing just like that. Your skin is tempting me." Hinarap nya ako sakanya at hinawakan ang magkabilang pisngi. Sinandal nya ako sa pader bago ginawaran ng halik ang aking labi. Marahan lamang sa umpisa hanggang sa naging mas mapusok na parang may gustong marating.
Dinikit nya ang katawan nya sakin and I felt his bump down there, he bit my lip before he stopped kissing me.
"See? May nagagalit pag ganyan ang suot mo. So change now baka mauna talaga ang anak natin bago ang kasal. Hintayin kita"
Para sa ikatatahimik ng aming kaluluwa nagpalit na ako ng white shirt pero nakaboxers parin. Ang pinuna nya lang naman ay ang aking damit. Tumabi na ako sa kanya at humalik sa kanyang labi.
"I love you" he whispered and I whisper to my self "I love you more".