"Wow, bago halos lahat ng gamit ah." Halos lahat ng gamit ay bago, sofa set, tv set, dining set, refrigerator at marami pang appliances na bago.
"Balak ko rin magpa repaint ng, anong kulay ang gusto mo?"
"Hmm, mint green" kumuha ako ng plato, kutsara at tinidor. Okay naman siguro na share kami diba?
Dumiretso sya sa kwarto para magbihis, I don't know if he's teasing me or what iniwan nyang bukas ang pinto ng kwarto habang hinuhubad ang damit at pants nya.
"Zero sara mo naman yung pinto" may halong inis kong sabi pero hindi ko rin naman maalis ang titig ko sa kanyang katawan, damn it.
He smirked at me bago umiling "You've seen me naked Penelope"
"Bastos!"
Tumawa lamang sya habang sinusuot ang jersey shorts nya ng nakaharap sa pinto, at oo habang nanunuod ako. Gulp.
Pinanuod nya ako habang kinakain ang lahat ng pinamili namin. Minsan ay sinusubuan ko sya, pero halos ako ang umubos ng carbonara at lasagna. Hindi parin nagbago ang lasa ng luto nila, masarap parin.
"Watch tayo spongebob, alam mo ba ang cute cute ni Patrick the star fish?"
"Psh, cute is for dogs!" Umirap pa sya habang nililipat ang channel sa cartoon channel.
"And so for star fishes!" Sabi ko saka pumalakpak. "Sarap nitong truffles" kumagat ako sa truffles habang pinapanuod si Spongebob na nagluluto ng krabby patty.
"Ano kayang lasa ng krabby patty?" Tanong ko habang kumakagat naman sa donut ko, nilapit ko sa kanya at kumagat naman sya doon.
"Don't tell me you're craving of krabby patties?" He squinted his eyes while shaking his head.
"Nope. Alam ko namang walang nagtitinda nyan dito except sa bikini bottom" kumagat pa ako sa ibang flavor ng donut bago sa truffles. Pero kumulo ang tyan ko habang iniisip ang Krabby Patty!
Hindi ko alam kung bakit ganito ako katakaw these past few days, PMS siguro.
"Babe, nagtext sila Dark. Saan mo daw gusto magcelebrate? Gusto mo ba sa bahay nalang?" Sumandal ako sakanya at nagisip.
"Sa bahay nalang namin, I miss our house" naramdaman ko ang halik nya sa aking ulo "Miss ko na rin ang mga kapatid ko"
"Okay, if that's what you want. I'll inform mom and dad and ate" sumasakit na ang tyan ko kaya inubos ko na ang last truffles na hawak ko.
"Busog na ako, pero gusto ko pa" sumimangot ako habang tinitignan ang mga natira pang pagkain.
"You can leave it here, para may kakainin ka pag balik" aniya
"Dito ako matutulog?" Tanong ko habang pinagmamasdan syang inaayos ang mga pinagkainan ko, ang mga box ng donuts at truffles.
"Do you want to sleep here?" Tumayo ako at sinundan sya sa kusina, sinilip ko ang kwarto at para bang tinatawag ako nitong matulog doon.
"Sige, I will sleep here" ngumiti sya at hinalikan ako sa noo.
"Ashton! Oh my cute little brother" I squeezed him into a tight hug, rinig ko ang reklamo nya pero mga ilang segundo pa bago sya pinakawalan. Napaatras ako ng maamoy ko si Kuya.
"Baho mo naman Trevor, ligo ligo rin" umirap ako at pabagsak na umupo sa tabi ng mapapangasawa ko, hihi.
"Ano? Sinabihan mo ako ng mabaho? Eh nung sa Germany lang singhot ka ng singhot sa pabango kong to" umirap rin ito at humalukipkip.
"Iba ang hangin sa Germany" nagsumiksik ako sa dibdib ni Zero at inamoy sya don. Hmm, bango.
"Buti pa baby boo boo ko mabango" I sticked my tongue out "Ligo ligo rin kasi kaya walang girlfriend eh" I said, teasing my older brother.
I got hyped up when I saw Arden coming our direction, tumayo ako at tinusok ng adaliri ang kanyang pisngi.
"Cutie!" I don't know what's happening to me, maybe because of too much sugar consumption that's why I'm such a hyper today.
"Jairus Arden so cute" I said while pinching his cheeks he chuckled while watching me smiling like a crazy woman.
"Penelope!" Sita ni Zero "oops, saglit lang baby ang cute eh" tumigil ako sa pag pisil ng makitang nasasaktan na si Jairus sa pagkakakurot ko sakanya.
Bumalik ako kay Zero na kung kanina ay nawewirdohan sa akin ngayon ay galit na. Oh no!
"Baby. I have so much energy today" I said while sitting on his lap, he automatically wrapped his arms around me locking me into a tight hug.
"Penelope, kanina mo pa ako pinapatay sa selos. Please stop pinching someone else's cheeks. Ako nalang please?" Ngumuso muna ako bago marahang tumango. Sumandal ako sakanya habang hinahaplos ang kanyang pisngi, I won't hurt my baby.
"Mommy!" Tumayo ako ng makitang pababa si mommy mula sa taas, para akong bata na may ipapabili sa mommy nya. "I miss you anak! Congrats on your engagement" bati nya bago ako hinalikan sa pisngi.
"Thank you mommy! Sorry po ah? Hindi ko po nasabi na okay na kami hindi ko rin alam na may plano syang yayain akong magpakasal" paghingi ko ng paumanhin, hinaplos nya lang ang buhok ko at hinalikan ako sa pisngi.
Nanlambot ang puso ko, naramdaman ko ulit ang pagmamahal ng isang ina. It's like everything is falling into its place. Ang sarap lang sa pakiramdam.
Bumaba na rin si Daddy galing sa kwarto, humalik sya sa noo ko at kinongratulate ako. Nagpahanda sila ng simpleng salo salo para sa aming lahat, mamaya may pool party rin.
"Trina's coming tonight. I'll talk to her first, what do you think?" Bulong sa akin ni Jairus habang hinihintay namin sila Dark, kausap naman ni Zero ang aking parents.
"Okay, just please don't be to hard on her. Afterall she's one of the persons that can help us solve this"
Naputol ang paguusap namin ng tumawag si Alexis sa skype, she's in her office right now designing some dresses. Nang mahagip ako ng camera ni Jairus ay napangiti ito ng malawak.
"Girl! Congratulations! I heard engaged ka na, I'm so happy for you" one thing that I like about her is that she's genuine, hindi sya nakikipagplastikan. Ngumiti ako at nagpasalamat. I even invited her here to celebrate with us.
"Maybe later, magpapasundo nalang ako kay Jairus. Nagdedesign kasi ako ngayon for a wedding"
"Talaga? Pwede magpadesign?" I've seen her designs, no doubt kung bakit isa sya sa mga sikat na designers ngayon. Lumabas ang dimples nya ng ngumiti sya, she's really pretty.
"Oh my God! Yes! Pagusapan natin yan later." Mukhang may maisasama ako sa listahan ng mga makukurot ko, of course kukurutin ko ang pisngi ni Alexis ang ganda kaya ng dimples nya!
Biglang umingay ng pumasok sa bahay sila Dark na may mga dalang mga alak, napailing nalang ako mukhang maglalasingan sila dito sa bahay.
"Ipagdadasal natin ang kaluluwa ng mga kaibigan natin, I can't believe mag aasawa na ang leader ng grupo" kunwari pang umiyak si Arki sa balikat ni Dark.
"Huwag na maghihiwalay" ani Dark samin bago humalik sa pisngi ko at nag fistbump kay Zero.
"Hindi na, akin to" sambit ni Zero bago ako yakapin ng mahigpit mula sa aking likod.
Maraming ipinalutong pagkain sila mommy ngayon, dumating na rin si Tito Xavier at Tita Zoelle. Medyo nalate ng dating si Ate Zoella.
"My baby brother is getting married" she embraced Zero while uttering those words. She hugged and kissed my cheeks too. "Congrats lil sis, I'm happy for the both of you."
"Thank you ate Zoe, thank you hindi mo ako iniwan nung nawala si Zero sa akin." Pasasalamat ko kay Ate Zoe, hindi nya ako iniwan ng mawala si Zero sa amin. Hindi sya aalis ng condo hanggang hindi ako tumitiil sa pag-iyak. Siya rin ang laging nagsasabi sa akin na babalik rin ang kapatid nya para sa akin.
"Why would I leave my young sis behind?" She ruffled my hair and hugged me again.
"I knew it, I knew that you and my son will end up together" Tita Zoelle wrapped me into a tight hug after wiping away her tears. "Ikaw lang ang bukod tanging nagpatino sa aking unico hijo" she chuckled which made Zero groan.
"Ang apo namin ha? As soon as possible, pwede na ring after the marriage, tutal you're both stable naman na" nagulat ako sa sinabi ni mommy, gusto nya na ng apo sa amin!
"Tita baka mauna pa sa kasal" ngumisi si Zero kaya naman mabilis ko siyang siniko napa "oh" si Dark at Arki.
"Shut up O'brien" I whispered bago ko siya sinikong muli, what the hell! He chuckled while wrapping his arms around my waist "malay lang naman natin babe" he whispered to my ear, it sent a chilling sensation down to my spine. Damn this guy!
Dumating si Ethan kasama si Trina at Nathan, habang si Jairus naman ay bumalik kasama si Alexis. Bumeso ako kay Trina na nag congratulate sa akin.
"Alam kong gusto mo akong kausapin dahil may mga gusto kayong malaman, don't worry I will help" nagpasalamat ako sakanya tila ba nabuutan ng tinik sa dibdib, alam kong makakatulong ang mga alam nya sa imbestigasyon namin nila Dark.
"Finally! Congratulations girl!" Bumeso ako kay Alexis at nagpasalamat
"Ang ganda ng dimples mo!" Sambit ko habang kinukurot ang kanyang pisngi "sana nagkadimples rin ako"
"No need Penelope, maganda ka na even without dimples. Ako na magdedesign ng gown mo ha? Gagandahan natin!" She giggled and she looked up to Jairus who is silently watching her.
"Ikaw, kelan mo ako aayain? Just kidding, sweet" she burried her face to his chest while he's shaking his head.
"Naunahan ako ni Zero eh, next time kapag hindi ka nag nageexpect" he kissed her forehead. What a lovely couple.
Tinawag na kami sa loob ni Daddy para makakain na, halos silang lahat ay walang bukangbibig kung hindi ang mga piangdaanan namin ni Zero as a couple.
"Memorable rin yung noong nagtatrabaaho pa si Penelope dito, inakyat ni Zero yung kwarto nya dahil lasing"kumunot ang noo ko, wala akong natandaang ganong pangyayare, zero chuckled beside me.
"Hindi ko parin alam paano kayo nakakuha ng hagdanan noon" naguguluhan ko syang tinignan sinandal nya lang ang ulo nya sa aking balikat.
"Lasing ako noon, dinalaw lang kita. Nagaway tayo noon eh. Tulog na tulog ka buti nalang" he confessed, hindi ko alam na may ganong pangyayari pala.
"Muntik ng tumalon ng bangin yan, bago kami pumunta sa bahay nyo ng gabing iyonh" pagbubuko ni Arki, napakamot nalang ng ulo itong katabi ko.
"Buti nalang hindi ko itinuloy, hindi ko sana magiging misis tong katabi ko"
"Mabuti nalang kamo at kapatid pala ni Penelope si Trey, sa five years kang nawala who knows baka naging sila pala" sumangayon naman si Zero saa sinaabi ni Ethan.
"Mabuti nalang talaga babe" he ruffled my hair.
"Well I know you two will end up together, bago ka nawala napagisip isip ko na rin na mas okay nga na kayong dalawa ang magsama. You can make Penelope happy kahit siguro nakaupo ka lang sa tabi nya."
"She can make me happy just by saying I do" he planted a kiss on the side of my head.
After ng early dinner with the whole family nagsipagpalit na kami ng damit para sa pool party. Nilapitan ko ni Alexis na nakamaikling shorts at tshirt ni Jairus. May dala dala syang sketchpad at lapis.
"Girl, design na natin wedding gown mo excited na ako eh!" Umupo sya sa tabi ko habang kumakain ako ng graham cake. Marami syang terms about the designs na sinabi, simple lang ang kinalabasan ng gown pero elegante.
She embraced me pakatapos nyang magdrawing, pinakita nya rin ang mga previous designs nya lahat ay napakamaganda. They scream elegance, alam mong drinawing ng buong puso at buong ingat lalo na yung mga detalye ng damit.
"Penelope, thank you ha?" bigla nyang sabi "thank you kasi you made Jairus feel loved noong wala ako." she reached for my hand and squeezed it.
"He made me feel loved too noong mga panahong hindi pa kami ayos ni Zero. Sorry ha? Sorry kung medyo pumagitna ako, hindi ko sinasadya"
"Ano ka ba Penelope, wala kayong kasalanang dalawa. Nakahanap lang kayo ng comfort sa isa't isa. I am the one to blame, ako ang nangiwan sa amin. I just hope that I'll end up with him too parang kayo ni Zero"
"Gusto mo pakasal na tayo ngayon?" Napalingon kami sa kakaahon na si Jairus, umupo sya sa tabi ni Alexis at humalik sa pisngi.
"Basa na yung sketch pad ko, sweet!" She shrieked. Natanaw ko ring umahon si Zero mula sa pool.
"Hindi ka pa tinatawag ng tubig?" Umupo rin sya sa tabi ko bago kinuha ang face towel na nasa maliit na round table.
Uminom ito sa baso ko na may lamang melon juice bago ako binalot sa kanyang bisig.
"Basa ka naman Zero!" Reklamo ko but he didn't budge, mas hinigpitan nya pa ang yakap. "May truffles dyan, nagpabili ako." Nawala lahat ng inis ko sa narinig.
"Truffles!" Tumayo ako at humakbang, muntik na akong mawalan ng balanse dahil basa ang sahig mula sa tubig na galing sa katawan ni Zero.
"Damn it!" Mura nya habang mahigpit ang pagkakayakap sa aking bewang. Sobrang bilis talaga ng reflexes niya, hindi ko akalaing masasalo niya ako.
"Clumsy" ngumuso ako at hinayaan lang syang sermonan ako.
"Paano pag wala ako sa tabi mo? Paano pag nadulas at nabagok ka? Pwede mo namang ipaserve nalang iyong truffles dito!" para akong bata na nakabasag ng mamahaling muwebles sa bahay.
"Huwag mo akong tinatakot ng ganon, I might lose my sanity. Binabaliw mo ako pero literal na mababaliw ako kapag napahamak ka" he whispered, I can almost hear his fear from his voice.
I wrapped my arms around his waist and he did the same to my neck.
"Alright, I'm sorry" he calmly said, sya pa itong nag so-sorry ngayon sa kagaslawan ko.
"No. I'm sorry baby" naramdaman ko nalang ang halik nya sa ulo ko.
"We'll get your truffles, okay? Wear your slippers"
"Yes 'tay" biro ko, sinamaan nya lang ako ng tingin bago hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok.
He watched me as I chew my favorite truffles, it kind of made me feel awkward though.
"Balak mo ba akong tunawin?" I asked, he nodded his head still staring at me.
"Melt with you" I can't help but grin from ear to ear he's, being so mushy and corny.
"What made you propose to me this early? I mean... Bakit agad agad?" I asked again.
"Kung ikaw ba naman ang papakasalan bakit hindi pa agad agad? Bakit ko pa papatagalin? Bakit ko pa hihintayin yung posibilidad na baka mafall-out of love ka sakin? Penelope, ikaw yung papakasalan ko, dapat magmadali maraming pwedeng umagaw" he says flashing his sweet smile melting my heart from the inside.
Gone are his playboy days.
"Nabibilisan ka ba? Do you think we should slow down? Pwede namang next year na ang kasal?" Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi "Bakit? Kelan mo ba balak ang kasal?"
He breathed heavily filling his lungs with ample amount of oxygen "Next month" he answered.
Halos maibuga ko sakanya ang tubig na kakainom ko lamang, pinanlakihan ko sya ng mata habang ngumingisi sya.
"Masyado bang mabilis?" With a hint of awkwardness, he asked.
"Masyadong maaga, kahit after three months para makapahanda ang lahat. Pwede ba iyon?" Tumaas ang isa nyang kilay bago ngumuso.
"Matagal ng ready ang lahat, ikaw nalang ang hindi. Even before the trip to ilocos, I had it all planned. Ang gusto ko lang ikaw ang mamimli ng wedding gown, cake, rings and even the smallest details of the wedding." Nawindang ako sa kanyang sinabi, pinagplanuhan niya ito kahit wala syang kasiguraduhan sa pagpayag ko sa kasal.
"Ginalit ako ng pagpunta mo sa Korea kasama si Jairus, galit na galit ako kapag nakikita kong masaya ka sa kanya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko habang pinagmamasdan ko kayo sa Myeongdong. Tumawag ako sa Pilipinas para ipaayos ang kasal na wala akong kasiguraduhan kung mngyayari ba o hindi."
"Ganon kita kamahal Penelope, kahit maaring hindi ka pumayag, kahit walang kasiguraduhan pinaayos ko lahat para sa kasal. And all of my assuming and praying days paid off. I got you!" He went near me, ginulo ko ang kanyang buhok at napangiti na lamang.
"I thought you're giving us up?" He wrapped his arms around me placing his head on the crook off my neck. "I will never do that. Sasabihin ko lang pero hindi ko kayang gawin. Umupo ka lang sa tabi ng ibang lalaki gusto ko ng manuntok. Kaya pwede, next month na tayo pakasal?" He pouted, nagpapacute.
"After two months, okay ba yun?" Siguro ay sapat na ang two months para maisaayos ang lahat even the issue with Star. I hope.
"Okay. Wala ng bawian." He kissed my cheek before my neck.
"I love you.. So much" he whispered, I faced him and kissed him as my answer.