Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

40. I love you ?

Lumabas ako at kumuha ng gamit ko para maligo at makapagpalit na rin, sinantabi ko muna ang nangyari, hindi ko naman talaga dapat pang isipin. Nakasandal sa pader sa labas ng banyo si Jairus ng buksan ko ang pintuan, halos atakehin ako sa puso ng makita ko siya don. Pumungay ang mata nya ng magtama ang aming mga paningin saka siya ngumiti at pumasok na rin ng banyo.

Naamoy ko ang panglalaking bango nya ng buksan nya ang pintuan at lumabas, hawak ang isang towel pinapatuyo nya ang kanyang buhok gamit iyon. Sinungaling ako kapag sinabi kong hindi sya gwapo sa ganoong lagay, magulo man ang buhok ay gwapo pa rin ito.

"Anong activities natin bukas?" Tanong ko, halos tampalin ko na ang sarili ko ng marealize kong titig na titig ako sakanya.

"Wala pang napag usapan, pagod sila kaya hindi mo sila makakausap ng maayos" umupo ito sa tabi ko at pinagpatuloy ang pagpapatuyo ng kanyang buhok.

"May blower don" turo ko sa vanity table.

"No need, maingay" maya maya tumayo ito para isabit ang tuwalya sa may banyo, umupo ulit ito sa tabi ko saka ako niyakap.

"Why did you let me kiss you? Am I being too impulsive?"

"Hindi. Siguro na-carried away lang tayo. Siguro dahil sa lamig ng pool" sabaw kong sagot, nakatitig sya sa labi ko kaya napatingin rin ako sa labi niya.

Hinawi nya ang mga takas kong buhok at inipit iyon sa aking tenga, unti unti nyang nilapit ang kanyang mukha sa akin, he tilted his head and kissed me on my lips. Nawala ako sa tamang wisyo, naramdaman ko na lamang na lumapat ang likod ko sa malambot na kama na kasing lambot na labi niya. Wala ng tumatakbo sa isip ko kung hindi ang labi ni Jairus at mga halik nya.

"Damn it, I'm madly inlove with you" he whispered between our kisses

Mas lumalim pa ang mga halik namin, gutom, parang may gustong marating. His arms are supporting his weight and my arms are on his nape. Para akong lasing, hindi sa alak kung hindi sa halik. Napakagat ako sa labi ko ng itigil nya ang pag halik, him smiling from ear to ear.

"Let's sleep. Good night my baby" pinatay nya ang ilaw pag katapos akong kumutan. Hinalikan nya ang noo ko at niyakap akong mahigpit.

"Have a good sleep, Penelope. I love you"

"Good morning guys!" Masayang bati ni Jairus kila Dark, maagang nagising si Jairus kaya nakaligo na kaming dalawa. Halos sipain ko sya palabas ng kwarto dahil ginising nya ako ng maaga.

Dahilan nya kung bakit sya nagising ng maaga? Gusto nya ng kiss.

Napasapak nalang ako sa aking noo ng halikan nya ako sabihing pwede na akong matulog muli, kanina nya pa raw ako pinagmamasdan at ninanakawan ng halik habang natutulog, this guy is so annoying yet so cute.

"Lawak ng ngiti ah, nakaisa?" Kantyaw ni Nathan na agad na siniko ni Jairus.

"Lul, nirerespeto ko si Penelope. Hindi ba pwedeng malawak ang ngiti ko dahil sya ang una kong nakita pag kagising ko ng umaga at hindi yung pangit na mukha nyo?" Humagalpak ito ng tawa, habang kaming lahat poker face.

Natahimik kaming lahat ng dumating si Zero at Star, parehas silang nakabusangot at para bang kagagaling lang sa away. Nakatingin na si Zero sa akin ng tumingin ako sakanya, umigting ang panga nya ng magsalubong ang aming mga mata. Pero matapos ang ilang segundo ay pumungay ang mata nya.

Kung hindi pa naglagay ng pagkain sa harap ko si Jairus ay hindi ako bibitiw sa titig sakanya, he kind of bewitched me, its like I'm under his spell when we stare at each other. Ang lakas ng epekto nya sa akin, at hindi ko alam kung gusto ko ba iyon o hindi.

Pagkatapos kumain ay nagusap usap na sa kung anong gagawing activities. Gusto ko sanang pumunta ng Vigan, bukas na lang daw saka sa Laoag. Gusto ng boys mag jetski, ako naman ay parang tinatawag ng swimming pool.

"Jai, sa private pool lang ako" paalam ko sakanya, ngumiti ito saka hinalikan ako sa sentido.

"Ingat baby" aniya bago ako tumalikod para pumanhik sa kwarto upang mag palit.

Nag rash guard at cycling shorts lamang ako. Hindi na ako nagshower dahil kaliligo ko lamang. Parang gusto kong umatras ng makita ko si Zero na nasa pool at nakatingin sa tanawin. Nakatalikod ito sa akin kaya dahan dahan akong humakbang pabalik.

"Aalis ka?"

Natigil ako sa pagatras ng marinig ko ang boses niya, alam nyang andito ako?

"Uhm. K-kuha lang ako ng tuwalya" pagdadahilan ko, nilingon nya ako habang nakakunot ang noo.

"May twalya akong dala, you can use it" bumalik ang tingin nya sa tinitignan.

"Uhm.. "Penelope wag mo akong iwasan" lahat ng pagbabalak kong umiwas ay nawala, ayokong isipin nyang iniiwasan ko sya kahit iyon ang gusto kong gawin.

Nilagay ko nalang lahat ng dala kong damit sa table kung saan may dalawang tuwalyang nakalapag. Alam niyang pupunta ako dito? O para kay Star yung isa?

"Si Star?" Tanong ko habang naglalagay ng sunblock sa paa ko.

"Hindi ko alam" matabang nyang sagot, siguro ay nag away ang dalawa dahil kaninang umaga ay nakalukot lamang ang kanilang mga mukha.

Hindi na ako nagtanong pa, nagstretching na lang ako saka nag dive sa pool. Refreshing, indeed.

Nasa gitna ako ng pool ng maramdaman kong may nakatayo sa likod ko, hindi na ako lumingon dahil alam kong sya iyon.

"Are you happy with him?" Biglaan nyang tanong

"Kay Jairus? Oo" simple kong sagot. Nilakad ko nalang papuntang gilid ng pool kung saan pwedeng sumilong, malamig ang tubig at gusto ko iyon. Sa init ng panahon, ito ang kailangan kong lamig.

"That is why you let him kiss you last night" he said coldly, napatingin ako sakanya at nagiwas naman sya ng tingin.

"Is it your first kiss together? It's like I'm watching a romantic scene in a movie" there is a hint of bitterness in his voice, I looked away to avoid his gaze.

"If it is your first kiss then it is indeed magical, did it erased our kisses in your memory? Because I can always taste your lips whenever I kiss her. Do you taste mine as well?"

"How could you let him kiss you where I use to kiss you? How could you let him call you names that I used to call you?"

He pinned me against the wall, I suddenly became irresponsive I don't  have the guts to react, I want tell all my sentiments and slap it to his face but I can't find the right words to say. Dinala nya ang kamay ko sa leeg nya, at ang kamay nya sa bewang ko. He traced my lips with his thumb and kissed my forehead.

Dahan dahan nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko, closing the distance of our lips, I closed my eyes the moment I tasted his mouth. I gasped for air and as if it is his cue, he slid his tongue to my mouth. His free hand is on my cheeks. I can't hear my heartbeat anymore, but It is beating peacefully.

"Iloveyou Penelope, Im inlove with you so bad that I want to marry you right here right now, I am so inlove with you that it hurts me seeing you so happy with him. I am so inlove with you that I want to punish you for falling inlove with my friend but I just want to kiss you. I am so mad at you but I am to be blamed. " his forehead is on my forehead, his hands are resting on my waist, para akong batang pinapagalitan para akong tuod na naestatwa sa aking kinatatayuan. Damn it, galit ako sakanya diba? Pero bakit nawala? Bakit gusto ko syang yakapin? Bakit gusto kong sabihing magiging okay rin ang lahat? Gusto ko syang sumbatan, murahin... mahalin.

"Just let me fix my shits together, lumalaban din ako Penelope. Kahit ikaw pa ang kalaban, kahit kayong dalawa pa ni Jairus" he then again pressed his lips to my lips.

Kapwa kami tahimik lang habang nakaupo sa hagdan ng pool, tila nasanay na ang balat ko sa lamig. Ang dami kong gustong sabihin, tanungin, linawin. Pero may mga bagay na mas lumalabo pag linilinaw. Gusto kong magreklamo, gusto kong sabihin na ang kapal ng mukha nyang ipamukha sa akin na ang hina hina ko pag dating sa kanya.

Gustong gusto kong sabihin na ang kapal kapal nyang sabihing susuko sya, saka nya sasabihing lumalaban sya. Ang gulo gulo nya, I can't really predict him and he can predict all of my thoughts and my moves easily. He's still my unsolved mystery.

"You changed your hair color and had a hair cut, you looked ethereal. God knows how much I wanted kiss you the moment I saw you with your new look."

"Tangina, sakin ka eh, pero parang hindi. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo, ang tarantado ng mga desisyon ko sa relasyon na to. Now I understand why Dark doesn't want you to compromise with me. Hindi mo deserve makihati, hindi mo deserve lahat ng to. Kaya nga gumagawa ako ng paraan para masira kami ni..."

"Don't" pagputol ko, hindi tama, ayoko.

"Bakit?"

"Mahal ka ni Star. Ayokong maging dahilan kung bakit kayo masisira, ayokong ganun, hindi nya rin deserve yun. Ayokong buoin mo tayo habang may sinisira kang iba. Ayokong may masaktan tayong dalawa"

"May masasaktan at masasaktan, kung hindi tayo, sila. Handa akong manakit Penelope, kahit si Jairus pa yan kahit si Star pa. I'm willing to chase you, handa akong saktan ang sino mang papagitna"

Mag aalas onse na nang napagpasyahan naming umahon, hinatid nya ako sa kwarto at hinalikan pa sa labi bago umalis.

"Enjoyed the water?" Nakangiting tanong sa akin ni Jairus ng pumasok ito sa kwarto, nanunuod ako ng tv pero wala naman akong maintindihan, tumango lamang ako kay Jairus hindi ko alam kung tama bang tumango ako dahil hindi ko rin naintindihan ang tanong nya.

My mind is with Zero, his kisses and his words are driving me nuts. I am still madly in love with him, and I know that I love Jairus too. Ahh, Jairus Arden!

He went to the bathroom to change his wet clothes, pagkatapos ay lumapit ito sa akin nilagyan ng unan ang hita ko at humiga doon.

"Hi miss, lalim ng iniisip mo ah. Ako ba yan?" Nakangiti nyang tanong habang hinahaplos ang mukha ko.

"Hmm.. Pwede" alanganin kong sagot, siya at si Zero ang laman ng utak ko ngayon. Sino ang pipiliin ko? Sabi nga sa kanta Mahal ko o Mahal ako? Dahil parehas na tamang sagot ang dalawa mahirap pumili, mahirap magdesisyon.

Maaaring hindi ka mahal ng mahal mo ngayon pero darating ang araw na mamahalin ka rin nya, pwede, may posibilidad. Ganon din pag pinili mo yung mahal ka, madali namang matutunang magmahal ng iba. Parang si Jairus, sobrang dali ko siyang minahal, alam ko naman noon pa na mahal ko sya at mas lumalim lang ngayon.

"Pwede ba akong manligaw miss? Papasa ba ako sayo?" Biro nya sakin, tumango lang ako.

"Pano yung isang laman ng puso mo, paano yung totoong mahal mo?" Napawi ang ngiti nya pari ang mata nya ay nawalan ng kislap. Wala akong nagawa kung hindi ang haplusin ang mukha nya, nataranta ito ng makitang may namumuong luha sa mata ko.

"Sshh. Nagtatanong lang ako baby" pinalis nya ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko, ayoko syang masaktan pero ano bang ginagawa ko? Wala syang takas sa sakit na maidudulot ko.

"Mahal mo pa sya, mahal ka rin nya hindi nya nga lang alam kung sinong pipiliin nya sainyong dalawa noon. Pero nakikita ko ngayon na ikaw ang gusto nyang puntahan, ikaw yung gusto nyang piliin."

"Ako mahal mo ba ako?" Hinigpitan nya ang hawak nya sa aking kamay, mabilis akong tumango. Oo mahal ko na nga sya, mas sigurado na ako ngayon.

"I want to hear it"

"I love you Jairus Arden"

"I love you way more Penelope" he pulled me for a kiss.

"Huy, saan ka galing? Akala ko ba may usapan kayo nila Dark? Hinanap kita sakanila wala ka naman daw" I pouted, pagkatapos ng nangyare kanina nagpaalam ito na lalabas daw muna kasama sila Dark.

"Dyan lang, inayos ko lang yung sasakyan" he smiled at me, but I know that it is a fake one. Walang kinang ang kanyang mata.

"May problema ka ba?" Tanong ko ulit, he smiled at me again and it bothers me.

"Stop faking your smile, ano ba. May problema ka ba?" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ko ng boses, lumaki ang hakbang nya na parang may hinahabol, may iniiwasan papunta na kami sa dagat.

"Iniiwasan mo ba ako? Halata ka na eh. Huy, Jairus Arden" tinapik ko na sya nyan, lumingon lang sya saka hinawakan ang kamay ko.

"Bakit naman kita iiwasan? Give me a valid reason?" Hila hila nya parin ako, ewan ko ba kung saan nya ako balak dalhin.

"Ewan ko sayo, malay ko! Saka bakit sinabi mong may usapan kayo nila Dark, e sabi nya wala naman raw!" May bahid ng pagkadismaya ang boses ko, nagsinungaling sya sa akin, kahit maliit na bagay lang iyon nagsinungaling pa rin sya.

"Namali lang siguro ako ng dinig, sabi kasi kanina may pupuntahan."

"Teka san ba tayo pupunta? Kanina mo pa ako hinihila at kanina pa tayo naglalakad. Ang init init!" Malapit na akong sumabog sa inis, hindi nya ako tinatapunan ng pansin. He is treating me coldly and I dont know why.

"Balik na tayo sa room" aniya sa matabang na boses. Bumitaw ako sa hawak nya at nagmamadaling bumalik sa villa.

Pabagsak akong humiga sa kama at nagtalukbong, sobrang bilis at lakas ng pintig ng puso ko ngayon hindi ko alam kung dahil ba to sa hinihingal ako, galit ako o both.

Naramdaman kong gumalaw ang kama na para bang may umupo, narinig ko rin ang malakas nyang buntong hinga.

"Penelope, you're just being so paranoid" tila pagod nyang sabi.

"I am not a paranoid! Hindi ba pwedeng iyon kasi yung pinapakita mo?" Sumbat ko sakanya under the thick sheet of the comforter

"Huwag mo kasing lagyan ng ibang meaning yung kinikilos ko, kaya tayo nasasaktan yung mga bagay na wala naman talagang  gustong ipahiwatig nilalagyan natin ng malisya" Napabangon ako sa sinabi nya, oo sinabi nyang may mga bagay na wag bigyan ng ibang kahulugan pero bakit parang may iba.

"Deretsahin mo nga kasi ako. May nagawa ba ako o nasabing mali?" Mabilis syang umiling saka pinasadahan ng daliri ang kanyang kamay.

"Huling beses ko na tong tatanungin, may problema ba tayo?" Halos pasigaw ko ng tanong, nagiinit na rin ang sulok ng aking mata at nagbabadya ng mangilid ang aking luha.

"Wala, Penelope. Okay?" Malamig nyang sagot.

"Liar! Kung wala kanina mo pa sana ako tinawag na baby, kanina mo pa sana ako niyakap o nilambing. Saka isa pa hindi ka sana nagsinungaling sakin, I gave you almost five chances to tell me the problem pero puro ka wala. Kilala kita Jairus, kung paano kumislap ang mata mo pag nakangiti ka. Kung gaano kalambing ang boses mo sakin. You would never lie to me. Or so I thought. Kung kelan sinabi kong mahal kita saka mo ako itatratong ganyan?" Pinalis ko ang tumulong luha sa aking mga mata, ni hindi nya ako matitigan, ni hindi nya man lang pinunasan ang mga mata ko. He would tell me to stop crying but he didn't.

"Leave me alone." Matamlay kong sabi saka ko tinabunan ang sarili ko ng makapal na comforter.

Chương trướcChương sau