Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

39. Sila

Dumating na ang orders namin at masaya kaming kumain, hinimay ni Jairus ang karne ng manok ko at inalis ang stick na nakatusok dito. Halos maubos rin namin ang nakalagay na condiments sa mesa kaya tawa kami ng tawa. Paminsan minsan ay tinitignan ko si Zero and he's laughing with us.

"Zero, hindi mo ba susundan si Star?" Tanong ni Arki na naglalagay ng sili sa kanyang sawsawan.

"Let her be, naghanap lang ng makakain iyon. Hindi sya kumakain sa mga ganitong kainan" aniya saka sumubo ng kanyang pagkain.

"Eh bakit pag si Penelope nag walk out hahabulin mo agad" ani Dark saka ako tinignan, nanahimik lang ako habang kinakain ang pagkain ko. Marahang sinipa ni Jairus ang paa ko, nilingon ko sya at nginitian.

"Kasi mahal ko si Penelope" maikli nyang sagot at ramdam kong nakatingin sya sa akin. Kinagat ko ang dila ko habang ngumunguya para siguro ay kalmahin ang sarili ko.

"So si Star hindi mo mahal?" Tanong ni Nathan.  Humalukipkip ito at umayos ng upo na para bang pinagiisipan ang dapat isagot.

"Mahal. Pero kaya nya na magisa yun" sagot nya saka kinuha ang cellphone na tumutunog.

"Gusto ko pa ng extra rice" sambit ko, tinawag ni Jairus ang staff na nagbibigay ng soup at extra rice para mag serve sa aming table. Gusto ko lang i-wala ang usapan,

Nilapit ko ang upuan ko kay Jairus at hinawakan ang kamay nya na nasa ilalim ng mesa, pinagsaklop nya ang mga daliri namin at hinalikan ang likod ng aking kamay. It is more than enough to calm me down.

Natapos na kaming lahat at wala pa ring Star na bumabalik, iyon pala ay nasa harap lang ng stall at may kausap sa cellphone. Nang makita kami ay ibinaba nya ang tawag at niyakap si Zero na lukot ang mukha at batid mong galit.

"Don't be mad, bumili lang ako ng food dyan oh" sabay turo nya sa katabing italian food stall.

Jairus opened the door for me and put my seatbelt's on. He even kissed my cheek bago sinara ang pintuan ng kotse at umikot sa driver's seat. He doesn't really care if Zero sees us, mukhang gusto pa nitong mang asar.

Thank God, wala ng naging traffic pagkatapos naming kumain, dumaan narin kami ng starbucks dahil nirequest ni Star. Alas singko na ng makarating kami sa Santiago, Ilocos Sur. Sumandal sa akin ni Jairus pagkababa nya ng kotse, he reached around my back and put his hand on my waist.

"Im so tired baby" bulong nya sa akin habang nakasandal sa balikat.

"Sabi po kasi ni Arki, magdrive rin sya" I encircled my arm to his neck, pagod ito halata sa kanyang mata. Ilang oras ba naman itong nagdrive.

"Ayokong umupo sa likod gusto ko katabi kita." Yumakap ito sa akin, burying his head on my neck, sniffling my scent. Iyon ang paborito niyang gawin, ang amuyin ang leeg ko.

"Tara na, para makakuha na tayo ng room at makapagpahinga ka na" hinila ko sya papasok habang hawak ang aking maleta. Hawak niya rin ang kanya. Three nights kaming mags-stay dito para sulit na rin.

"Ilang rooms tayo?" Tanong ko.

"Kami one bedroom lang, you know sexy time" ani Star na malawak pa ang ngiti, tila walang pakealam sa kung anong maiisip namin tungkol sa kanila. Tumikhim lamang si Zero at tumingin sa malayo.

"One bedroom nalang rin ako ikaw na rin para okay tulog mo" bulong ko kay Jairus na napapapikit na.

"I want to lay down next to you" nakapikit nyang sabi sa akin "So two bed rooms tayo?" Tanong ko at tumango ito.

"Don't worry, I won't  do anything. Gusto lang kitang bantayan sa gabi" aniya.

"Two bedrooms kami ni Jai" sabi ko kay Dark tumango naman ito. Two bed rooms rin sakanila nila Arki, tatlong two bed rooms at isang one bed room.

Pabagsak akong humiga sa kama nang makakuha na kami ng rooms. Maespasyo ang kwarto, well stocked mini bar at refrigerator. Dalawang queen sized bed, bathroom, fourty inches flatscreen tv at veranda na ang sea side ang view. May access rin kami sa infinity pool. May dining area at kitchen na rin.

"Baby, tulog ka na rin muna. Tinext ko na sila, eight na tayo dinner" nagtanggal sya ng sapatos at humiga sa sarili niyang kama. "I love you Penelope" bulong nya, sapat na ang lakas non para marinig ko. Unti unti syang pumikit hanggang sa batid kong nakatulog na sya.

Dumiretso ako ng higa at tumitig sa kisame, thinking of all things bright and beautiful tula nga pala iyon na minemorize ko nung grade two pa lamang ako. Hehe.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at nag browse sa gallery, marami na rin kaming picture ni Jairus sa cellphone ko pero mas marami sa cellphone nya. Natigil ako sa pagbabrowse ng mapunta ako sa pictures namin ni Zero sa Balesin. We looked so happy and in love sa mga litratong iyon. Ang daming "sana" na pumasok sa isip ko, walang katapusang sana.

Nang antukin ay pinatong ko na lamang ang cellphone ko sa kama, tumayo ako at lumapit sa kama ni Jairus para doon humiga. Noong mga panahong wala si Zero, panahong lungkot na lungkot ako at sobrang nasasaktan, Jairus' arms was there to comfort me hanggang sa makakatulog nalang ako sa bisig nya.

And yes, those were the times na in denial pa ako na may gusto ako kay Jairus, kasi I am too in love with Zero and I'm too in love with the idea of him coming back for me.

Nang maramdaman nya ang paglapat ng katawan ko sa tabi nya ay yumakap ito agad sa akin. My nose touching the crook of his neck, filling my nostrils with his manly scent. He wrapped me into a hug and kissed my forehead. I closed my eyes and let my self fall into a deep sleep.

Nagising ako sa mahihinang katok sa pintuan, nang tignan ko ang orasan ay seven thirty na ng gabi. Mahigpit parin ang yakap sa akin ni Jairus habang tulog na tulog. Maganda ang kanyang pilikmata, and his lips are sexy. Gumalaw ito ng subukan kong kumawala sa yakap nya, dahan dahan nyang binuksan ang kanyang mata at nang makita ako at mas hinigpitan nya ang yakap.

"Kumakatok na sila Dark" he groaned . Kung hindi pa lumakas ang katok mula sa labas ay hindi pa ito tatayo, sinundan ko siya ng tingin nakasimangot ito but he looks cute with his disheveled hair tho.

"Sarap pa ng tulog ko eh" rinig kong reklamo nya pagkabukas ng pinto. "Susunod kami. Magpapalit lang kami ng damit. Sige, bra"

Tumayo na ako at naghagilap ng masusuot, balak ko lang mag white or black shirt at shorts. Nakabihis na si Jairus ng shorts at white shirt paglabas ko, tinignan nya ako pataas pababa saka umiling.

"No, you're not wearing shorts. Palit" aniya saka ako marahang tinulak papunta sa maleta ko. Umiling iling lang ako.

"Mag pajama ka" umupo ito sa kama at pinagpatuloy ang panunuod ng cartoons. Nang mahanap ang isang pajama ko ay dali dali na rin akong nagbihis. Patay na ang tv ng lumabas ako ng banyo at nakahiga sya habang naglalaro sa kanyang cellphone. Bumangon ito ng makita akong papalabas ng banyo.

"Okay ba tulog mo?" I asked him habang sinasara nya ang pinto ng aming villa, his hand landed on my waist pulling me closer to him.

"Never been that good." Malawak ang ngiti nya habang naglalakad kami, kulang nalang ay i-sway nya ako habang naglalakad kami.

"Anong inorder nyong food?" Pinaghila nya ako ng upuan bago sya umupo sa tabi ko.

"Rum ribs, Salmon gravlax, pizza and kilawin" sabi ni Nate.

"Sounds yummy. Bye, abs" sabay kurot ko sa abs kuno ni Jairus na kinatawa nya.

"Basta talaga pag kayo kasama ko guys, nanganganib abs ko" sabi naman ni Dark sabay taas nya ng kanyang shirt, Jairus immediately tried to cover my eyes pero may naunang magtakip ng mata ko gamit ang kanyang kamay. My heart beats started to go wild, and I know it is his that is hands covering my eyes. Nakarinig ako ng tikhim at nagpasalamat ako dahil binaba nya naman ang kanyang kamay na parang nagising siya sa isang panaginip. I am sandwiched between Jairus and Dark and I don't have an idea on how did he managed to cover my eyes that quick. Damn those reflexes.

Humigpit ang hawak ni Jairus sa kamay ko na nasa ilalim ng aming mesa, Star even gave me a death glare. What now? Did I asked him to cover my eyes? Damn it, I am still dumbfounded.

Tumikhim si Dark na nasa tabi ko at pumalakpak pa ito ng makita ang mga magseserve ng pagkain namin, nawala ang tensyon sa paligid at tahimik akong umusal ng pasasalamat dahil don.

Tahimik lang kami habang kumakain but Dark being himself cracks joke that had us laughing real hard. But Star being her usual self, umiirap lang particularly sa akin, anong kasalanan ko? Sinabi ko ba kay Zero na tawirin nya ang distansya papunta sa akin para takpan ang mata ko?

Tahimik si Jairus hanggang sa natapos kaming kumain, inubos nya naman ang pagkain nya pero naba-bother parin ako sa pagiging tahimik nya. Hindi na ako nakatiis at hinila ko sya papuntang pool area.

"He's too fast, akalain mo iyon katabi kita pero nauna sya. Damn it, it was a swift move" his face remained impassive, and I can't help but feel guilty. I touched his cheek and he touched mine, I can see my reflection to his eyes, his eyes are just as expressive as Zero's. His emotions are right there in his eyes.

Nalunod ako sa emosyong ipinapakita ng kanyang mata, I took a step back and it was a wrong move, nahulog kami sa pool pareho, natawa kami sa nangyari pero muli ay namayani ang katahimikan.

He pinned me to the wall, encircled my arms to his neck, my heart began to pound as he put his hands on my waist, the cold water didn't bother us pero aminado akong nanginginig ang tuhod ko hindi sa lamig kung hindi sa panghihina gawa ng nararamdaman ko ngayon. Tumingkayad ako at yumuko sya, slowly closing the distance between our lips, he gently cupped my face with his free hand and pressed his lips on my lips.

Mabuti na lamang ay hindi ko na dinala ang cellphone ko, dahil paniguradong nabasa iyon kapag naidala ko. Umahon na kami at nanunuot sa buto ang lamig. Tumawag si Jairus ng staff para hatidan kami ng tuwalya. Nginitian ako ni Jairus kaya napangiti rin ako, banayad na ang pintig na puso ko na kanina ay naghuhurumentado. His thumb traced my lips, wala sa sarili akong napakagat sa aking labi, siya rin ay napakagat na rin.

Hahalikan nya sana akong muli ng tumikhim ang staff na may dalang tuwalya, ginulo ni Jairus ang kanyang buhok at nagpasalamat sa staff.

"Damn, addictive" rinig kong bulong nya habang naglalakad kami papunta sa bar kung saan andon sila Dark hindi na rin nawala ang ngiti nya.

"Oh bakit basa kayo?" Tanong ni Nathan bago sumimsim ng alak sa kanyang baso. Jairus shook his head at kumuha ng baso saka naglagay ng yelo.

"May sirena tayong kasama na mahilig sa tubig. Basa ang wallet at cellphone ko" nakangiti nyang sabi na parang okay lang na nabasa ang gamit nya. "Pero masaya magswimming" saka sya humalakhak, sinamaan ko sya ng tingin pero hinawakan nya lang ako sa braso at hinila palapit sa kanya.

"Gusto mo ng juice?" Tanong nya sakin tumango ako at umorder sya ng orange juice para sa akin.

Nahagip ng mata ko si Zero na nakasandal sa poste habang naninigarilyo, hmm, ngayon ko lang sya ulit nakitang nag sigarilyo kaya napangiwi ako. Nagulat ako ng kunin ni Star ang sigarilyong hawak ng nobyo at humithit din doon.

Bumalik si Jairus na may dalang gitara na hindi ko alam kung saan nya kinuha. Nilabi nya ang pangalan ni Arki, oo nga pala gitarista nga pala si Arki.

"Sayang walang saxo, gitara nalang muna" he ruffled my hair before he started to strum his guitar.

Matagal-tagal din nawalan ng gana

Pinagmamasdan ang dumadaan

Lagi na lang matigas ang loob

Sabik na may maramdaman

Di ka man bago sa paningin

Palihim kang nasa yakap ko't lambing

Sa bawat pagtago

Di mapipigilan ang bigkas ng damdamin

Walang sagot sa tanong

Kung bakit ka mahalaga

Walang papantay sa'yo

Walang sagot sa tanong

Kung bakit ka mahalaga

Walang papantay sa'yo

Kung may darating man na umaga

Gusto kita sana muling marinig

Ngiti mo lang ang nakikita ko

Tauhin man ang silid

Walang papantay sa'yo

Maging sino man sila

Ikaw ang araw sa tag-ulan

At sa maulap kong umaga

Walang sagot sa tanong

Kung bakit ka mahalaga

Walang papantay sa'yo

Walang sagot sa tanong

Kung bakit ka mahalaga

Walang papantay sa'yo

Maging sino man sila

Walang sagot sa tanong

Kung bakit ka mahalaga

Walang papantay sa'yo

Maging sino man sila

Walang papantay sa'yo

Maging sino man sila

Walang papantay sa'yo

Maging sino man sila

Walang papantay sa'yo

Maging sino man sila

Walang papantay sa'yo

Maging sino man sila

His song had me breathless, ang lambing ng kanta. Narinig ko na ito sa kung saan, at aaminin kong gusto ko ang pagkanta nya sa kantang iyon. Nakatingin lamang sya sa akin habang kumakanta, malamig dahil basa ang aking damit pero naginit ang aking tyan, pisngi at dibdib. Lahat ng paru-paro sa sistema ko ay nais ng kumawala.

"Sorry, ang corny" binigay nya kay Arki ang gitara at ginulo ang kanyang buhok.

"No, it's sweet" saka ko sinandal ang ulo ko sa dibdib nya.

"Nothing is sweeter than your lips" he whispered softly in my ear loud enough for me to hear it.

"Truth or Dare sana tayo pero I know we are all dead tired, so pahinga nalang muna" sabi ni Dark, isa isa ng nagtayuan.

"Alam mo girl, ang haba haba talaga ng hairlet mo" sabi sakin ni Arki saka haplos sa buhok ko.

"Huy, Arki, wag ka ngang nagge-gay linggo babangasan kita eh, bakla ka ba?" Masungit na tanong ni Dark, bumelat lamang si Arki at umambang susuntok saka umiling at tumawa.

"Good night, guys" sabi ko sakanila sabay beso isa isa. Napatingin ako kay Zero na tila ba naghihintay kung bebeso rin ba ako sakanya.

"Night" sambit ko, he put his hand on my back saka ako hinalikan sa pisngi.

"Good night" he whispered saka tumalikod at pumasok sa kwarto habang ako naiwang tulala doon. Nasa kwarto na si Star at Jairus kanina, nagpaalam lamang ako sa boys kaya ako nahuli. Hindi ko alam na may ganong mangyayare. Dark saw what happened, at umiling lamang ito.

"Patay na patay parin sayo" ngumisi ito bago pumasok sa kwarto. I was left there stunned.

Pumasok na ako sa kwarto at dumiretso sa banyo, my heart constantly skipped a beat, awtomatiko akong napahawak sa parte ng pisngi ko na hinalikan nya. The warmth of his lips are still there, reminding me that he kissed me there.

Nagulo ang mundo ko sa halik na iyon, at kung kanina paru-paru lamang ang gustong kumawala pati na ata ang buong zoo na nakatira sa sistema ko ay gusto ng lumabas. That kiss erased the memory of Jairus' lips on my mind, I am so fucked up.

Chương trướcChương sau