Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

41. Without a fight

"Vodka" alas singko na ng hapon, nakatulog ako ng tatlong oras sa sobrang galit at pagkadismaya. He lied to me, ngayon pa na gusto ko ng suklian yung pagmamahal nya sa akin. Damn it, sigurado na ako sa gusto kong mangyari.

"Maam juice lang daw po ang ibigay ko sainyo" sabay lapag ng grape juice sa table, napataas ang kilay ko.

"Sinong may sabi?" Masungit kong tanong.

"Mr. O'brien po" saka nya tinuro kung nasaan si Zero. Papalapit ito sa akin at kay hawak na baso na may lamang alak.

"Iinom. May problema?" Umirap ako, ikaw at ang kaibigan mo ang problema. Parehas kayong nang iiwan sa ere. Siniko ko sya ng hawakan nya ako sa bewang.

"Calm down, woman. Relax" ngumisi ito at umupo sa tabi ko.

"Tss, let me have my vodka. It is my order anyways, I will pay for it" sabi ko sa bartender at tumango naman ito.

"Tigas ng ulo. Hindi ka naman umiinom, sasakit ulo mo nyan babyahe pa tayo bukas"

"Don't meddle with my business, ako ang iinom, sasakit ang ulo at mag sa-suffer. Hindi ikaw, so shut up" umismid ako at tinungga ang alak na nasa baso ko. Napangiwi ako sa nalasahan, parang nararamdaman ko, bitter.

"You are my business" maawtoridad nyang sabi, saka kinuha ang baso ko.

"Akin yan, ano ka ba? Ako magbabayad nyan! Akin na nga!" Tinaas nya ang kamay nya habang ako pinipilit abutin ang baso na nakataas sa ere.

"Only if you will tell me what's your problem" umupo nalang ako at umismid.

"Ikaw, ikaw ang problema ko! Bwisit ka, saka si Jairus Arden! Mga bwisit kayo, lalo ka na! Ano masaya ka ba sa sagot ko? Akin na nga yan!" Hinablot ko ng marahas ang baso mula sakanya. Mababa lang ang tolerance ko sa alak at batid kong natamaan na ako. Hindi ko na tuloy nakontrol ang mga salitang binibitawan ko.

Iinom na sana ako ulit ng kunin nya ang baso at nilagok ang laman non. Damn it, so annoying.

"Dyan ka na nga, nakakainis!" Padabog akong nagmartsa papaalis, pero pagkatapos nyang maglapag ng bayad ay dali dali rin itong sumunod sakin.

"Ano ba, leave me alone!" Pinilit kong kumawala sa mahigpit nyang pagkakahawak sa braso ko. Wala ako sa mood sa lahat ng bagay, ni hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

"Kung hinahanap mo si Jairus, nasa may private pool lang kayongbmga babae pag galit ang hilig mag walk out" matabang nyang sabi agad ko syang nilingon at pinitik.

"Sinong may sabi sayo na hinahanap ko sya? Wag kang magulo, pipitikin kita"

Hinawakan nya ang ulo ko at umarteng parang napaso.

"Init masyado ng ulo, tara palamig" inakbayan nya ako at hinila papunta sa dagat, ano mang gawin kong palag ay mas dinidikit nya ang sarili nya sa akin. My God!

"Alam mo pag yung girlfriend mo nakita tayo, patay ka!" Masungit kong sabi.

"Magagalit ka?" Nakangisi nyang sabi.

"Ha?"

"Ikaw ang girlfriend ko diba, and I guess magagalit ka nga kasi ang init init ng ulo ng baby boo ko ngayon" he nuzzled his nose to my neck and kissed my cheek, damn my heart! Ang bastos lang.

Mahina ko syang sinampal at pinilit makawala sa pagkakahawak nya sa akin.

"Ano ba? Let me go! Babalik na ako sa villa!"

"Tapos? Magmumukmok ka don? Penelope, wag nga. Don't me! Lika na" nakangisi nyang sabi saka ako hinila papunta sa dagat. Hay Life, anong plano mo sakin? Do you plan to torture me today?

"San ba tayo pupunta?" Iritado kong tanong. Halos sigawan ko na sya sa tenga.

"Woman, are you PMS-ing? Wala pa akong ginagawa iritado ka na"

"Nakakairita ka kasi, yang mukha mo, ikaw nakakairita ka!"

"Oo na, halika na lang" Inaya nya ako mag jetski, wakeboarding at kung ano ano pa. Wala sa mood akong tumatango lang,

"Forget all of your problems for now, let's enjoy" he winked at me while handling me a life jacket.

"Lapit ka pa ng upo" aniya, umirap ako.

"Pwede naman po kasing tag isa tayo diba?"

Pinaandar nya ang jetski at awtomatiko akong napayakap sa kanya, hindi ko na rin napigilan ang sarili kong mapamura sa gulat.

"Damn you!" he chuckled and continued driving.

"Relax Penelope, enjoy the ride"

"Hindi ko maeenjoy to, ikaw ba naman kasama ko! Leche!"

"My girl is on her period" saka ito tumawa ng malakas.

Itinago ko ang ngiti ko sa pamamagitan ng pagkagat sa dila ko, damn it I enjoyed the water sports with him but I don't want to boost his ego.

"Nag enjoy ka ba?" Nakangiti nyang tanong habang tinatanggal ang kanyang vest. Umirap ako at inabot sakanyang ang vest ko, tumawa lang ito saka umakbay sakin na inalis ko rin.

"Go and change your clothes, thirty minutes nalang bago tayo mag dinner. Iloveyou, see you later" he planted a soft kiss to my cheek which made my heart beats go wild. Hindi na dapat ako apektado ng ganito!

Prenteng nakaupo si Jairus habang nanunuod ng tv ng makita ako, sinundan nya ako ng tingin habang ako naman umiwas. I still can't believe he lied to me at hinayaan nya akong umiyak ng dahil sakanya.

Ngayon pa?

Yes at some point I'm still indecisive on who to choose, pero alam kong tamang piliin ko sya with all of his efforts. Pero ngayong nageeffort rin yung isa, nagulo na. I still love Zero and that is for sure, pero ayokong isang kalabit nya lang ay bibigay ako. I love Jairus too, pero sabi ko nga I want to take this slow, gusto ko buong sarili ko ang maibigay ko sakanya hindi yung ako ngayon na mahal pa rin si Zero.

Applicable talaga sakin yung kantang Mahal ko o Mahal ako, ang gulo, ang hirap, ang sakit sa ulo. Kasing hirap ng paghahanap ng x sa math ang paghahanap ng tamang sagot. Totoo ngang kahit gaano ka katalino nagiging bobo tayo sa pagmamahal.

Hindi naman ako makakapag hintay ng limang taon kung hindi ko parin mahal si Zero diba? Hindi naman ako masasaktan ng ganito kung wala na. Hindi ko naman pwedeng i-deny na hindi na ako umaasa dahil umaasa parin ako ng konti.  Bottomline, mahal ko parin sya and I'm still not completely over him.

Mahal ko rin naman si Jairus and this is not just because he's my friend, I love him because he's special to me. He makes me forget about everything, the pain, the sadness, just everything. He can make me feel special, he made me fall in love with him. Sinong babae ang tatanggi sa lalaking maeffort? Sinong aayaw sa lalaking ibibigay ang lahat sayo mapasaya ka lang? Kahit ang magpapasaya sayo ay isuko ka nya at palayain para mahalin yung talagang mahal mo? Nakakatakot syang mahalin, dahil sa mahirap pantayan yung pagmamahal na kaya nyang ibigay.

Kung hindi lang kumalam ang sikmura ko sa gutom ay hindi ako lalabas ng banyo, nag jogger pants nalang ako saka black v-neck shirt, nakasandal si Jairus sa pader ng lumabas ako.

"Can we talk?" Seryoso ang boses nya pati ang mata, hinapit ny ako sa bewang at dinala sa kwarto.

"Pumayag ba ako?" Masungit kong tanong, pero hindi naman ako pumalag dahil kung pumalag ako wala kami dito.

Out of the blue he nuzzled his nose to mine, and kissed the tip of my nose.

"Sorry, na-pressure ako eh, na-pressure rin yata kita" sabi nya.

"Ano bang sinasabi mo? Anong problema?" Naguguluhan kong tanong

"He wants you back, Penelope. He's ditching Star kasi iyon ang gusto mo, ang piliin ka nya . And I'm not sure if I'm willing to let you go now, not now" he buried his face to the crook of my neck and hugged me tightly.

"Sorry if I kind of failed you today" he whispered before planting a soft kiss to my neck.

"Sorry if I ask you to say you love me too. I just want to be selfish right now."

"Sabi ko sa sarili ko dapat maging handa ako anytime, but I want to be selfish kahit ngayon lang. Huwag muna ngayon, baby. Wala akong laban pero let me try my luck, I want to win this fight, I want to win you"

"Kung talo, talo. Atleast I tried my best right? Sorry if I suck today" he kissed my cheek then nose down to my lips and smiled at me, I can see how his eyes twinkled but I can see an immense amount of pain in his eyes that he failed to hide.

"Tara na, dinner time!" Masigla nyang sabi habang nakaakbay sa akin.

Hindi nya ako hinayaang magsalita, siguro ay nasense nyang wala rin naman akong masabi. Nagpatianod nalang ako sa panghihila nya sa akin.

Crispy pork belly, bagnet pizza, and sea foods ang inorder namin for tonight. Plano naming mag hang out sa private pool mamaya, bukas ay babyahe kami pa Laoag at Vigan.

"Si Zero saka si Star?" Tanong ni Nathan ng mapagtantong wala pa yung dalawa.

"We're here! Nag sexy time lang saglit" masayahing sabi ni Star, again not filtering her words. Namula ang pisngi ko at nag wala ang sistema, my heart constricted a bit and I hate it.

Zero met my gaze and throwed an apologetic look, mamula mula ang labi nito at may hickey pa sa may collar bone. Bakit ba ako umaasa sa taong to? He failed me multiple times in a row yet I'm still hoping that I would end up with him.

Dapat kapag nasaktan ka na ng isang tao ng sobra sobra hindi mo na siya mahal eh, pero bakit minsan mas lumalalim pa? Bakit mas umaasa pa tayo? Kahit alam nating tama na dapat yung mga chances na binibigay natin sakanila kasi hindi naman worth it yung balik sa atin? Siguro minsan worth it, pero mas madalas na hindi.

Oo nga pala, I asked him not to hurt anyone just to win me back. Oo nga pala I'm trying to be nice, kahit ako yung masasaktan. I'm trying to fix all of these shits habang ako, ako yung nauubos. Sarap ring ipag sigawan na "hello, fix me I'm broken too"

Hanggang saan ba tong pagpapakatanga ko? Hanggang saan ba tong kaaasa ko sa kanya? Hanggang kelan ko paghihintayin yung taong pwedeng magmahal sakin na mahal ko rin naman?

"Okay! Truth or dare!" Dark clinked his glass filled with beer. We formed a circle and started the game.

"Okay here's the catch, ang aayaw sa dare sasagot ng multiple truths parang hot seat at pag ayaw sagutin yung truth automatic dare. Ang aayaw sa multiple truth has to pay five hundred."

Magkakaubusan na ng pera, maha-hot seat ka pa. But let's face the challenge.

"Since you suggested the game, why not start it bra?" Ani Ethan.

"Okay, so I'll go for truth" sagot naman ni Dark.

"Sa circle na to, sinong pinaka hate mo" tanong ni Ethan, humagalpak silang pareho ni Dark sa di ko malamang dahilan.

"That would be Star. No offense, miss. But you should filter your words, sorry Zac" nakangising sagot ni Dark.

"I don't like you either" saka umismid si Star. Dark laughed and just smirked. He spinned the bottle and it is pointed to Arki.

"Truth or Dare?" Dark asked.

"Truth" nagaalinlangang sagot ni Arki.

"Matagal ko ng gustong tanungin to bra, matagal na rin kasi naming napapansin. Bakla ka ba?" Seryosong tanong ni Dark bago sumimsim ng alak mula sa kanyang baso.

"Bra don't worry, solid diba? We won't judge you anyway" ani Nathan. Tumikhim si Arki at huminga ng malalim.

"Ang totoo nyan, bisexual ako. Siguro dahil sobrang nasaktan ako ng ex ko, nagkakagusto ako sa babae at sa lalaki rin. Pero mas nangingibabaw yung pagiging lalaki ko, kaya lang minsan lumalabas pagiging bi ko. Sorry bra's kung tinago ko, hindi ko rin kasi matanggap na nagkaganito ako" nilagok nito ang laman ng kanyang baso saka napayuko. Matagal ko na ring pansin iyon, pero okay lang naman.

"Omg, so gay" again, she didn't filtered her words again, tinapunan ko sya ng masamang tingin, umismid lang sya at humalukipkip.

"Zero, san mo napulot yan? Pumapatol ako sa babaeng mukhang bakla" sambit ni Arki habang nakangisi na tila ba nagpipigil ng inis.

"How dare you?!"

"Star, don't ruin the night" kalmadong sabi ni Zero pero may diin ang bawat salita. Arki sticked his tongue out, annoyed Star just rolled her eyes.

"Sila pinagtatanggol mo ako..

"Tama na yan daming arte" Dark cut Star's line. He again spinned the bottle and the tip of it pointed at Jairus.

"Truth" he said.

"Kelan mo narealize na mahal mo si Penelope" tanong ni Arki na hindi ko inaasahan, hindi ko inaasahan in the sense na sa harap mismo ni Zero nya tatanungin iyon. Siguro ay hindi lang ako sanay na pinaguusapan yung kung ano mang meron kami ni Jairus kapag meron si Zero.

Uminom muna si Jairus at lumabi na tila ba nagiisip ng eksaktong petsa kung kelan nya ako minahal.

"Matagal na, actually. Nung nawala si Zero, siguro dahil ako yung lagi nyang nilalapitan and I was the one to comfort her, to lessen her pain. She's so fragile and so precious na naisip ko na kailangan ko syang alagaan, hindi dahil responsibilidad ko kundi dahil gusto ko"

"Alam nyo naman siguro yun mga bra, until I realized that I'm already in to her. Kahit madaling araw pa yan mag text pupuntahan ko yan sa condo, kahit milya pa ang layo ko. Siguro don nyo napansin na gusto ko sya, hindi ko naman dineny sainyo pati sa kay Trey. It pains me whenever she feels like a shit option, yung pinapangarap ko binabasura lang ng iba. Kaya siguro I offered her my love, even if she can't reciprocate it. Kahit yung ganito magkasama lang kami ang kapalit, okay na ako."

Hinapit nya ako sa bewang at hinalikan sa sentido, bigla nalang namasa ang gilid ng mga mata ko. He once again blew me with his sweet words, he made my heart flutter. And I care less now if Zero's staring at us, hella mad.

"Zero, sorry. Mahal ko girlfriend mo at kung gagawin mo lang rin syang option, you'll lose her to me. She doesn't deserve to be treated that way, she deserves the world and If you can't give it to her then I'm more than willing give her my world" Zero throwed us a dagger look. He is indeed enraged, and I wonder is he in pain right now? O did Jairus stepped on his ego?

"Okay let's spin this bottle" ani Jairus saka pinaikot ang bote na itinuro ang walang ekspresyon na si Zero.

"Truth" he said in a serious tone.

"I will give you one last chance Zero. Penelope or Star?" I was caught off-guard with Jairus' question I didn't saw it coming.

Zero stared at me as if he wants to devour me.

"Why would you let him choose when it is too obvious that he'll pick me?" Star exclaimed, but no one cared about her egoistic statement.

My system began to panic as if it's anticipating a good answer from Zero. Calm down, self. Don't put your hopes too high. Expectation is the root cause of all heart breaks. I slightly pat my back, to calm me up.

"Kung pipiliin ko si Penelope ngayon, ibibigay mo ba sya sakin?"

"What the hell Zero?!"

Nabingi ako sa sagot niya, hindi ko sigurado kung tama ba ang narinig ko. May parte sa puso na natuwa sa sagot nyang iyon, may parteng parang takot. Heto na naman sya at nagbibigay ng motibo para mas umasa ako.

"Sorry, I'm not willing to give her up without a fight." Nakangising sabi ni Jairus, nang tignan ko ang kanyang mata ay makikita ko ang determinasyon doon, kay Zero halo halong emosyon.

"Okay then, fight me. But this time, let's not make this petty fight ruin this friendship"

"Damn, I'm so done with this drama!" nagwalk out si Star habang nagfistbump si Zero at si Jairus. Gumaan ang pakiramdam ko ng sabihin ni Zero na ayaw nyang maging hudyat ito para masira ang pagkakaibigan nila.

At some point, marami na namang pumasok sa utak ko, ano na naman ba tong pinasok ko?

Chương trướcChương sau