Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

38. Change

Hindi ko na nakuha pang matulog kahit na ano pang gawin ko, tirik ang araw, ano kayang pwedeng gawin? I need to pamper my self.

"Maam andyan na po kotse nyo" sabi ni Patrick, I thanked him and told him na I can drive for myself. I need a "me" time.

Andito ako sa mall, napagpasyahan kong bumili muna ng mga bagong damit at mga kung ano-ano. Rompers, skorts, dresses, highwaist pants, off shoulders at marami pang variations ng damit.

Nagsisi tuloy ako na hindi ko sinama si Kuya Patrick, wala akong tagabitbit. Bumalik ako sa car park para ilagay sa compartment ang mga gamit na pinamili ko at bumalik ulit sa loob ng mall.

Napunta naman ako sa make up department, well I don really need make up that much. Wala naman akong dapat i-cover. Lipstick! Tama, inaliw ko ang sarili ko sa paghahanap ng mga magagandang shade ng lipstick.

Lahat ata ng stall ng make up napuntahan ko, nakabili yata ako ng mahigit thirty lipsticks. Nude, mauve, pink, red, crimson red at iba pang kulay. Bumili rin ako ng mascara and contour palette, feel ko lang para if ever I will attend corporate meetings.

Bumili na rin ako ng curling wand na may limang barrels, mahilig kasi ako minsan na i-curl ang ends ng aking buhok. Nawala sa isip ko ang lahat dahil nag eenjoy akong magshopping.

Bumili na rin ako ng fask mask, naintriga ako sa bubble clay mask, sabi ni ate maganda daw iyon at nag babubbles. At may isa pa syang inendorse sa akin, yung magnetic mask. Napabili tuloy ako, well gusto ko rin talaga yang mga ganyan. Buti nalang I have Jeska sa bahay, may makakasama ako magpapamper.

Nag decide na akong pumasok sa David's Salon, I sudden want my hair colored. Nag decide ako na mag light brown lang muna. Nagtalo pa ang isip ko if I wanted to cut it short.

"Maam, your color of your choice is L'Oréal Majorel 6. 35 with Golden Highlights po" the stylist stated, tumango ako.

"Uhm, I have decided to cut it short. Yung lagpas ng collar bone" sabi ko, ngumiti lang ito sa akin.

I closed my eyes the whole process para hindi ko makita, Nag soundtrip lamang ako at nag isip ng kung ano pang pwedeng bilhin.

"Maam, done na po" nakaramdam ako ng mahihinang tap sa aking balikat, I slowly opened my eyes. I smiled widely the moment that I saw my reflection.

"Ang ganda nyo po maam, mas bumata po kayo. Mukha po kayong eighteen" sabi ng Stylist, I thanked her and gave her a tip.

Nagpa back massage rin ako and facial, ang sarap pala mabuhay ng walang iniisip na problema.

Sinipat ko ang relo ko at nakitang alas sais na ng gabi, naenjoy ko talaga.

"Bagong gupit kayo maam? Nag momove on?" Tanong nung therapist.

"Bakit mo nasabi ate?"

"Iyon kasi ang sabi ng mama ko maam pag bagong gupit, minsan trip lang, minsan in despair" humagikgik ito, napahagikgik rin tuloy ako.

"Trip ko lang ate" sagot ko.

"Minsan kasi maam kayong mga magaganda ang lapitin ng mga manloloko" tumango lamang ako.

"Naloko ka na ba ate?" Tanong ko mukha kasing may pinanghuhugutan si Ate.

"Maraming beses na maam, pero masarap magmahal at mahalin" humagikgik muli ito.

"Napaasa na rin po ako maam, pero yung mas masakit kapag masaya kayo tapos may dadarating na bago hanggang sa napapalitan ka na pala sa puso nya" rinig ko ang pait sa boses ni ate, my heart constricted a bit, natahimik na lang ako. Atleast hindi pala ako nagiisa sa nararanasan ko.

"Ipinaglaban ko maam, pero siya yung bumitaw eh. Buti nalang may dumating na kaya akong ipaglaban. Kaya eto masaya ang puso ko" tumawa itong mula na para bang masayang masaya nga ito. "Maam, pricking na po tayo" aniya, siya kasi ang mag fefacial sa akin.

Si Jairus... Handa nya akong ipaglaban. Kung siya nalang ba tuluyan na akong magiging masaya?

"Bakit ka nag let go ate?" I asked, trying to find answers from her.

"Ano naman ang laban ko sa katulad nyong mayayaman maam? Eto lang naman ako, wala akong ibang maio-offer sakaniya na kayang i-offer ni Maam sakaniya. Saka maam sabi nga nila hindi worth it, pero kung deserving naman maam ipaglalaban ko talaga"

"Hindi ka ba nya mahal?" I asked again "Paano kung mahal ka pa pala nya? Tapos bumitaw ka lang"

"Eh di sana maam hinabol nya ako, kasi naghintay rin naman ako bago ko sinagot yung mahal ko ngayon. Pero hindi maam, katunayan maam minsan kelangan natin bumitaw kasi hindi talaga para satin yung hinahawaka natin"

"Minsan kelangan natin pakawalan sila kasi hindi sila para sa atin, dumaan lang sila sa buhay natin para pasayahin tayo sandali, tapos pag wala na sila dadating na talaga yung para sa atin"

"Eh paano pala ate kung para sa atin talaga sila, tapos pinakawalan natin?"

"Pagtatagpuin kayo ulit, kung kelan tama na ang lahat, kung kelan tapos na ang tadhana na paglaruan kayo" I looked up to her and saw her smiling, she is indeed happy. And I hope I am too.

"Ang dami mong hugot ate" natatawa kong sabi

I feel so happy today, minus the elevator encounter. I feel brandnew.

Maraming sasakyan ang nakaparada sa gilid ng aking bahay. Isang mazda, chevy, pulang at itim na honda at fortuner. Andito siguro ang barkada. Hinagilap ko ang kotse ng kuya ko pero naalala kong baka nasa Germany pa sila.

Bumusina ako at agad naman akong pinagbuksan ni Patrick ng gate. Sumaludo pa ito sakin habang pinapasok ko ang kotse.

"Kuya, paki kuha naman yung pinamili ko sa compartment" literal na napanganga ito pagkakita sakin. Siguro ay nanibago sa gupit ko.

"Im home" masigla kong sabi.

As if on cue napanganga silang lahat. It must be my haircut. Well. I like my hair now.

"Ganda!" Rinig kong sabi ni Arki, bumeso ako sakanila.

I find it weird ng lahat sila ay hinaplos ang buhok ko. I kissed Jairus and they teased us.

"Ganda ng baby ko" he whispered to me, he cupped my face and planted a kiss on my forehead which made me giggle.

"Kayo naman, nagpa-hair cut lang ako. Bagay ba?" I asked saka umupo sa bean bag.

"You looked younger" ani Dark, kumakain sila ng cake na batid ko ay binili nila bago pumunta rito.

"Thanks. I changed my hair color too, and did a lot of shopping. Para kasing wala na akong damit na masuot" tumango lamang sila.

"Anyways bakit kayo andito?" I asked, umupo sa tabi ko si Jairus at inakbayan ako. Nathan and Dark smirked.

"Pinapasyal ka lang namin, saka yung pasalubong sana namin" parinig sakin ni Dark.

"Ay! Oo!" Natatawa kong sabi "Wait lang" sabi ko, nagbayad pa ako ng extra fee sa mga pasalubong ko sakanila!

"Tulungan na kita" Jairus offered, ngumiti lang ako. Abot abot na kantyaw ang inabot naming dalawa.

"Jai, ito yung para sayo. Sa Germany ko binili, nung nakita ko kasi yan ikaw agad naalala ko" inabot ko sakanya ang box ng sapatos, ngumiti sya at niyakap ako.

"Thank you ganda" he said while pinching my cheeks.

Isa iyong limited edition ng Lebron xiii, favorite player nya kasi si Lebron.

"Oh eto na!" Sabi ko sakanila nag hiyawan sila.

Janoski ang gusto ni Ethan kaya ibinili ko sya ng kulay blue ng ganon, si Dark naman ay D Rose 5 boost, stan smith na magkaiba ang kulay kay Arki at Nathan.

"Hep, di libre yan. Syempre may bayad" mwinestra ko ang aking palad na para bang batang nanghihingi ng pera. Nagreklamo sila which made me laugh.

"Joke lang, tong mga to naman hindi na mabiro" sabi ko, they all thanked and hugged me in return.

"So bakit nga kayo nandito?" I asked again, and sat to the same bean bag again.

"We are just checking on you. Sabi ni Jairus, may lagnat ka raw" Dark answered

"Hmm, lagnat lang yun. Okay naman na ako, see nakapag shopping nga ako eh" sabi ko, I combed my hair with my fingers. Ang cute cute ng hair ko.

"Okay ka na nga, mas gumanda ka pa ngayon sa gupit mo eh" kantyaw ni Arki.

"Thanks, napag tripan ko lang na magpagupit. Ang init init kasi ng panahon. Idagdag mo pa tong mahaba kong buhok. "

"Bagay mo naman eh. Ang ganda" sabi ni Ethan, sinipat ko ang relo ko at alas otso na ng gabi

"Kumain na ba kayo? Tara labas?" Aya ko, tumango naman sila sabay kuha sa mga kanya kanyang susi.

"Sakin ka na sakay" Jairus offered I nodded, I grabbed my sling bag and he held my hand.

"Saan tayo eat?" I asked, isa lang ang kamay na nakahawak sa manibela dahil ang isang kamay nya ay hawak ang kamay ko. "You decide baby, since ikaw nagaya and nakasunod sila satin" he answered, the "baby" word made me blush.

"Gusto ko ng unli rice, mang inasal?" I suggested, I miss their soup, saka unli rice!!

Umokay naman sya habang nakatingin sa kalsada, pinaglalaruan nya ang kamay ko pag may pagkakataon. Mukhang kagagaling lang niya sa office, pero naka polo shirt lamang sya at black pants. Ngayon ko lang napagtantong gwapo pala sya kapag ganitong porma.

"Why are you staring at my young lady?" He asked with a playful smile, I looked away and cleared my throat.

"You need a haircut. Pinasadahan nya ng kamay ang kanyang buhok.

"You think? Okay, I'll have my hair cut tomorrow" aniya at hinagilap ulit ng kamay nya ang kamay ko.

Tumigil kami sa harap ng Mang Inasal, uunti na ang tao at hindi na kami nahirapang kumuha ng mauupuan. Magkaharap ako at si Jairus, Si Ethan at Nathan naman, Dark at Arki.

Naglalaro ako sa cellphone ng abutin ni Jairus ang kamay ko.

"Bakit?" Malumanay kong tanong habang nakatingin pa screen, I love this game it is called Languinis. Where you matches the blocks then the tiles with letter will appear.

"Anong ginagawa mo?" He asked habang hinihimas ang aking kamay, maya maya ay pinagsalikop nya ang aming mga daliri. Pinakita ko sakanya ang ginagawa ko at tumango lang sya.

Wala namang nasabi sila Dark dahil busy rin sila sa kakalaro ng coc, inaya pa nga ako sa clan nila sabi ko naman wala ako ng larong iyon. Kung busy kami lahat sa kanya kanya naming cellphone, si Jairus naman busy sa aking kamay.

Maya maya bigla biglang nagtawanan itong sila Dark at nag nagngisian, I almost had a mini heart attack dahil out of the blue bigla silang tumawa ng sabay sabay. Sinamaan ko sila ng tingin at magtatanong sana kung ano yon pero dumating ang order namin.

"Let's eat, may gustong magsolo eh" pang aasar ni Dark. Kinurot ko nalang tutal ay magkatabi lang kami, ngumisi lang si Jairus. Pinagitna ni Jairus ang upuan niya para mapalapit sa kinauupuan ko.

"Naks, akala mo long distance relationship" biro ni Arki na sinamaan ko lamang ng tingin.

"Bakuran mo na, baka mamaya susunggab yung isa" ani Ethan na prente ang pagkakaupo.

"No pressure. She can pick whoever she wants, as long as she's happy" he took me in again with his words, idagdag mo pa ang malambing na tingin nya sa akin.

"Don't englishing us, my bleeding is nose!" Saka sila nagtawanan, kinurot kong muli si Dark "But bra, that's deep. Wow" aniya saka pumalakpak pa.

"Stop na nga guys, andito ako oh, ako subject nyo" pang aasar ko sakanila, tinignan ko si Jairus na busy sa paghihimay ng manok ko, I didn't asked him to do that for me tho.

We ate in silence... Just kidding, we were laughing too loud that some of the crew told hs to lower down our voices. The boys have so much knock knock jokes and kacheesyhan in store. Parang hindi sila nauubusan kaya tuloy tawa kami ng tawa, I missed them and all the hang outs.

"We should hang out again, tara sa ilocos?" Sabi ko, I am still on leave for two weeks so why not enjoy it?

"Ayun! Labas na labas na ako eh, puro nalang trabaho" Nathan said.

"Ang tanong, should we invite them?" Ethan asked.

"Sure, why not? Barkada naman diba? And I will just stick with you guys, saka ano ba I'm okay with it" tumango tango sila.

Okay naman ako sakanila, kahit masakit na makita sila atleast meron naman sila Jairus, alam kong hindi nila ako papabayaang masaktan. And yes, Ilocos here we come.

Santiago, Ilocos Sur.. It is where the known Vitalis Villas is, or what they called Little Santorini. Iyon ang aming destinasyon. Meeting place namin ay sa bahay nila Denmark. Andito kami sa lanai ngayon at nagkakape.

"Ang usapan, seven anong oras na?" Aburidong tanong ni Arki. Lahat kami ay narito na maliban sa dalawa.

Jairus is sitting next to me, and playing with my knuckles. He care Less about his friends' rants. Nainip na rin ako, six thirty ay nandito na kami, sinundo ako ni Jairus sa bahay ng maaga.

"Sorry, we're late! Natagalan ako mag pack ng things eh, alam nyo na girls thing lahat ng damit gustong dalhin pero hindi pwede" bungad ni Star na nilalagay ang kanyang sunglasses sa kanyang ulo. Naka jogger pants ito at crop top na kitang kita ang pusod.

Nang tignan ko si Zero ay nakatingin ito sa magkahawak naming kamay ni Jairus, he looked away the moment he realized that I am looking at him.

"So saan kami sasakay? As much as possible ayoko sana ng masikip, yung sana free kami to move ni baby" dagdag ni Star na ngayon ay naglalagay ng press powder sa kanyang mukha na para bang hindi alintana ang pagmamadali namin.

"Jairus, sino ba sakay mo?" Tanong ni Dark

"Si Ethan, Nate and Penelope" Sagot ni Jairus na pinaglalaruan parin ang knuckles ko, maya maya ay nilapit nya ang ulo nya sa balikat ko at inamoy ang buhok ko.

"Okay so si Arki, Zero at si Star sa akin. Tara na habang maaga pa" sambit ni Dark, kinuha nya ang leather jacket niya at sinuot iyon. Tumayo na ang lahat, nasa sasakyan na lahat ng gamit namin maliban sa bagong dating.

"Excited?" Tanong sa akin ni Jairus, umakbay ito sa akin at dinampian ng halik ang buhok ko.

"Yup! Sana pala nag greece nalang tayo ano? Dumugo lang ilong natin sa Korea" natatawa kong sabi, Korea was nice tho sana nga lang ay nakapunta kami ng Jeju Island.

"Naenjoy mo naman ang street foods sa Korea" he chuckled, yes I enjoyed the street foods there bago kami umalis ay bumalik kami ng myeongdong para bumili ng makakain.

"You look extra pretty today" I blushed after he complimented me, pinisil nya pa ang pisngi ko at hinalikan ako sa sentido. Sinaway ko na lamang sya dahil ramdam ko at alam kong may nakamasid sa amin.

After all this time, I can still feel him and sense him. Parang ang titig nya ay nanunuot sa aking balat hindi ko alam kung bakit ganon, siguro ay familiar ako sa pakiramdam ng pagtitig nya.

Nakasakay na kaming lahat ng bumaba sa kotse nya si Dark at kumatok sa sasakyan namin.

"Dyan nalang daw sila Zero, okay lang? Aburido don, sabi gusto dito. Penelope, gusto ka yata kasama" nakangisi nyang sabi, tinignan ako ni Jairus na para bang nagtatanong kung papayag ako o hindi.

"Sige na, sobrang delay na ng lakad na to dahil sa kanila" sabi ko nalang and he nodded. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya at pinagsaklop ang mga daliri namin, I don't want to make him feel bad about this. Sadyang nakakainis na ang delay.

Nakasimangot si Star ng sumakay siya sa kotse. Zero's gaze landed to my hand holding someone else's hand. I did feel something but I brushed it off.

Bago kami umandar ay lumapit si Jairus sa akin at nilagyan ako ng seatbelt saka kumindat sa akin, it made my heart swell in happiness and kilig. Kapag may pagkakataon ay hinahawakan niya ang kamay ko habang nagmamaneho. Sumulyap ako sa likod at nakitang naglalaro si Arki habang nakasandal at nakapulupot ang kamay ni Star sa braso ni Zero.

"Dapat kasi nag plane na tayo para hindi tayo na traffic, goodness nakaka stress!" Rinig kong reklamo ni Star. Dalawang oras na ang byahe namin at ngayon ay stucked kami sa traffic.

"Penelope, ten o'clock na, fresh ka pa ba?" Natatawang tanong ni Arki, nilingon ko sya at ngumiti.

"Oo naman!" Nakangiti kong sabi, nag fist bump kami and I saw Star rolled her eyes, I avoided Zero's gaze of course. Pinisil ni Jairus ang pisngi ko habang nakangiti saka bumaba ang kamay niya sa kamay kong nakapatong sa aking hita.

"May banggan pala eh. Pero motor lang, matatanggal na rin" aniya "Do you want some coffee? Gutom ka na ba baby?" He asked and I nodded. "Tss, I told you to eat your breakfast" sermon niya sa akin.

"Nagmamadali nga po tayo." Simple kong sagot habang pinaglalaruan ko ang thumb niya.

"Ginising kita ng maaga para makakain ka, ikaw kasi pinauwi pauwi mo pa ako" nagtatampong sabi nya, pinauwi ko sya kagabi dahil pinalaba ko ang beddings ng guest room, kelangan ko pa palang bumili ng extra beddings.

"Eh kasi po, ang dumi na ng guest room, ang gugulo niyo kasi nila Arki. Natapunan nyo tuloy yung bed sheets"

"Si Arki kasi" natatawa nyang sabi.

"Anong ako? Si Dark kaya ang sisihin nyo, kung hindi nya ako tinulak hindi matatapunan yung bed sheet ng milo, ang sarap sarap pa naman ng timpla ko ng milo" nakasimangot nitong sabi ng silipin ko sa salamin.

Nag timpla kasi ito ng milo at ayaw nyang mag share, nagkagulo sila ayun natapos sa bed sheet so I have to send Jairus home. He insisted to sleep in the couch but I refused, pagod sya sa trabaho at hindi ko matitiis na makita syang matulog doon.

Namayani ang katahimikan ng makausap na kami sa traffic. May kinuha sa bulsa si Jairus at ang cellphone nya iyon, he gave me the password nung nasa Korea kami at puro pictures ko ang nasa gallery.

"Baby, call Dark, kain muna tayo" aniya saka inabot sa akin ang kanyang cellphone. I dialled Dark's number at sinabi na mag s-stop over muna kami para kumain.

"Uhm, pwede ba tayo mag starbucks? Gusto ko kasi ng frappe" sabi ni Star sa likod tumango naman si Jairus.

"And pwede fine dining tayo? Saan nyo ba balak kumain?"

"Sa mang inasal lang" sagot ko, yun kasi sabi nila Dark kanina sa tawag.

"What? My God, hahanap nalang kami ni Zero ng ibang kakaininan. Diba babe?"

"Hindi na, mamaya maiwan pa nila tayo" maikling sagot ni Zero, humalukipkip tuloy si Star at sumimangot.

Nag park kami sa harap ng isang Mang Inasal store, tiniklop ko ang sunglasses ko at sinukbit iyon sa aking shirt. Naka muscle tee ako at flannel saka pedal pants.

Inakbayan ako ni Jairus nang papasok na kami sa store.

"The usual, kayo na Dark" aniya humanap kami ng upuan at dahil hindi kami kasya ay pinagdikit nalang namin ang dalawang tables.

"Ayaw ni Star dito, ayun iniwan si Zero at naghanap ng makakainan dyan sa tabi" ani Ethan nang umupo sa tabi ko. "Ang arte, siguro hindi pa nakakain ng street foods yan" dagdag ni Nathan.

"Hayaan nalang natin, ang importante unli rice" sabi ko na ikinatawa nila. Natahimik lang kami ng umupo si Zero sa tabi ni Nathan.

Chương trướcChương sau