Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

33. Give Up

I dialed Dark's number, I'm pacing back and forth, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Shit. Dark, answer!" I called him again but he's not answering the call. I dialed Nathan's number.

"Thank God, you answered! Si Jairus at Zero, puntahan niyo sa labas!" I said almost hysterically. "Shit, bakit?" Tanong nito "Guys, may gulo yata sa labas" rinig ko ang mura nilang lahat.

"Zero, tama na yan bra!" I held up my breath and tried to listen to their noise as I pace back and forth "Awatin nyo please!" I pleaded

"Penelope, anong nangyayari?" Kuya asked the moment he entered my room, he looked at me confusingly.

"Kuya, si Jairus saka si Zero!" Sigaw ko, napaupo ako at iniabot sakaniya ang cellphone.

"What's happening Nate?" Rinig kong sabi niya.

Hindi ko na alam ang nangyari, napaupo nalang ako at humikbi. Hindi ko matignan ang kapatid ko, lagi nalang akong rason kung bakit nagkakagulo ang grupo  nila. Noon kay Trey, ngayon kay Jairus. Ilang minuto ring tumahimik si Trey na nakikinig sa kabilang linya.

"Send Jairus home.. Okay. Thank you Nate" umupo ito sa tabi ko at bumuntong hininga.

"Don't worry, hindi napuruhan si Jairus. Magaling umilag iyon. Ano bang nangyari?" Tanong ni Trey, tumabi ito sa akin at inakbayan ako.

"Kuya. Kuya bakit ganon? Bakit lagi nalang ako yung pinagmumulan ng gulo sa samahan ninyo?"

"Sinabi lang ni Jairus, wala siyang balak manggulo katulad ng ginawa ko"

"Alam mo?" Nilingon ko siya at tinanong. Totoo? Gusto ako ni Jairus? Am I just too dense para di ko mapansin iyon? Napayuko ako at naihilamos ang kamay ko sa mukha ko. Shit.

"Matagal na. That's why he's always protective with you, he's there at the lowest times of your life. Kahit hindi siya yung hanap mo, siya yung nandiyan. You're not dense, you just don't want to assume"

"Until one day I asked him, he said yes. Okay lang sakaniya, Penelope. Okay lang na hindi mo masuklian iyon. His love for you is self-sacrificing. He care less about his self, he cares so much about you"

Napayakap ako kay Trey habang umiiyak, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Kelangan ko siyang kausapin, iyon muna sa ngayon.

"You called, again. Why?" Bungad sa akin ni Jairus, may cut siya sa lower lip at may dugo pa iyon. "Hindi ako napuruhan, Penelope." Aniya saka nilagyan ng ice bag ang kanyang labi, tumawag ako sakaniya nang itext sakin ni Nathan na naihatid na nila si Jairus.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pinapanuod ko lang siya na dinadampian ng ice bag ang kanyang labi.

"Yung sinabi ko kanina, totoo iyon. Hindi joke" he said suddenly and he looked away, napalunok ako. Wala na naman akong masabi.

"Hindi ko ipagpipilitan sarili ko Penelope, I know my place. No fuss. Don't worry. Sinabi ko lang, cause I feel like you should know. Lahat ng kilos ko, lahat ng pinapakita ko sayo may bahid iyon. Gusto kita kaya ko binibigay sayo lahat, pero wala akong hinihinging kapalit."

"Gusto ko ligtas ka, masaya. Kahit hindi ako yung gusto mong magpasaya sayo. Ginagawa ko lahat kasi gusto ko iexpress sayo yung sarili ko, kahit hindi ako yung gusto mong gumawa ng mga iyon"

"Alam ko naman kung saan ka nakatingin, Penelope. Alam ko kung kanino, alam kong wala akong lugar. Gaya nga ng sabi ko, hindi ko ipipilit. Hayaan mo lang ako, kung masusuklian mo salamat kung hindi salamat parin. You don't have to love me back just because I love you. No pressure. Nothing to worry. I'm fine."

Tinititigan ko lamang siya habang nagsasalita. Im completely out of words. Wala akong nasabi. Hindi ko alam kung anong mga salita ang dapat kong bitawan. Wala akong marinig kung di mabilis at malakas na pintig ng puso ko. Shit.

"Matulog ka na, okay lang ako. Wag mo akong alalahanin" aniya saka ngumiti. "Pwede ba kitang panuoring matulog?" Tanong niya. Tumango ako at inayos ang iPad.

Hindi ako mapakali, batid kong pinapanuod niya ang bawat kilos ko. Naiilang ako, siguro dahil ayaw kong pinapanuod akong natutulog. Nakaupo siya sa isang swivel chair at pinaglalaruan ang kanyang daliri.

"Ikaw, hindi ka pa ba matutulog?" I asked. Pakiramdam ko tao ako dahil sa wakas ay may nasabi rin ako.

"Not until you are sleeping soundly" humalukipkip ito at sumandal sa kanyang inuupuan.

"Sabay nalang tayo" I suddenly blurted out, ngumiti ito at umiling.

"May tatapusin pa akong report. Sige na matulog ka na"

"Hmm, actually I can't sleep." Umupo ako naglagay ng unan sa lap ko para may pag patungan ang aking iPad.

"But you need to sleep" aniya saka napahawak sakaniyang batok.

"And you too need to sleep. So patigasan tayo?" I joked. He chuckled. Ghad, why is it affecting me? Damn it!

"Sorry. Sorry kung naging manhid ako."

"No, sorry kasi hindi ko sinabi agad. Sa totoo lang nagdalawang isip rin ako kung sasabihin ko ba sayo. Pero sinabi ko nalang, kelangan mo rin naman malaman. Saka gusto kong malaman mo"

"Nakakatawa" sabi ko. Tumaas ang kilay nito.

"Bago mo sabihin na gusto mo ako, naisip ko na dapat ikaw nalang yung mahal ko, na dapat after five years di ako naghintay tapos minahal kita. Naisip ko na siguro hindi pa ako bukas na magmahal ng iba."

"Siguro kasi hindi pa ako tapos magmahal ng iba?" I asked

"Siguro dahil hindi ka matatapos na mahalin sya" he stated. I can see immense pain in his eyes.

"Umaasa pa ako eh, na baka maayos. Pero syempre hinahanda ko rin yung sarili ko sa posibilidad na baka wala naman akong mapapala sa pinaglalaban ko. Kasi may pinaglalaban rin siyang iba"

"Parang ako.. Sayo" he mumbled.

Napasandal nalang ako sa headboard ng kama.

"Kailangan kong buksan yung puso ko sa iba" I stated

"You don't have to love me back, Penelope"

"Paano kung pwede? Paano kung mahulog ako?" I asked while looking at him. Umayos ito ng upo at linapit ang mukha sa camera.

"Nasa baba lang ako, sasaluhin kita"

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko at napadilat ako ng makarinig ng mahinang groan, napatingin ako sa kaliwa at nakita si Jairus na nakatulog. Hindi namatay ang skype call.

Papatayin ko na sana nang bigla siyang dumilat.

"Uhh, good morning" sabi ko, he smiled, damn.

"Good morning" his bed room voice sent shivers down to my spine. Damn it, this feeling is familiar.

"Nagising ba kita? Hindi pala namatay ang tawag. Natulugan ba kita?" Tanong ko saka yumakap sa akin unan. Pumikit akong muli, I need more sleep. Anong oras na ba kami nakatulog? I think alas cuatro na sakanila noon.

"Hindi. Narinig ko lang ringtone mo, I'm just checking on you. Matutulog ka pa ba?" He asked. Hindi na ako nakasagot kasi nakatulog na ako.

Nagising nalang ako sa tunog ng tawanan. Hindi parin pinatay ni Jairus ang tawag.

Magkakasama sila, I guess. Nakikita ko ang kwarto niya, nakaayos na. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pumasok si Jairus.

"Good morning. Nandito sila Dark." Aniya ng nakangiti. Tinakpan ko ng kumot ang aking mukha, he chuckled. "Still sleepy, Princess?" Napabalikwas ako sa narinig, natawa siyang lalo.

"Matutulog ka pa?" Nakangiti niyang tanong, umiling ako at sinubukang umupo. Oops, I miss my bed. Nahiga ako ulit. Tumawa siyang muli.

"Pinagtatawanan mo ba ako?" Masungit kong tanong.

"Whoah there lady, ang sungit naman. Ang cute mo kasi. Matutulog ka pa ba?" He  asked

"May work ka ba? Pasok ka?" I asked.

"Hmm. Meron. But I just want to watch you sleep. So hindi na muna ako papasok" napaupo ako at mabilis na umiling.

"Are you crazy?" Pumasok ka nga Jai!" Siya naman ang umiling.

"And yes I'm crazy. Crazy for you." And he winked at me.

"Stop" natatawa kong sabi, ang corny nya pala. He chuckled.

"Bumangon ka na at kumain, wag mo patayin yung tawag" aniya

Bumaba ako para kumuha ng makakain, napalingon sa akin si Kuya. Si Ashton naman nasa sala at nanunuod.

"Kumain na kayo kuya? May pupuntahan ba tayo ngayon?" I asked

"You seem you had  a good sleep. Ang laki ng ngiti mo ah" puna niya sa akin

Hindi ko na namalayang nakangiti na pala ako ng malaki.

"Masama bang ngumiti kuya?" Saka ako nag make face

"Well, who ever is the reason behind that smile is one hell of a lucky bastard" he smirked and winked at me.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko kay Jairus na kaharap ang kanyang laptop, gumagawa ata ito ng business report.

"Breakfast lang" aniya at tumingin sakin.

I am currently eating my brunch, alas dose na kasi dito. Napasarap yata ang tulog ko dahil sa pagod mula sa paglalakad kagabi. Hindi ko na sana maaalala na may nangyari sa pagitan nila Jairus at Zero kung hindi ko lang nakita ng cut sa lower lip nito.

"Kain ka na, sabay tayo?" I offered, inilagay ko muna sa table ang aking plato.

"Mamaya na, I have to get this thing done" aniya. Ngumuso ako.

"Sorry ah, dinaldal kasi kita kagabi iyan tuloy hindi mo natapos yan" He chuckled and he faced my direction.

"Okay lang. Kahit ano, basta ikaw" aniya nang nakangiti.

"Ganyan ka naman lagi. Pero hindi ako kakain hangga't di ka kakain" I said

"Tss, kakain na. Wait me up, I'll get some food"

Alam ko sa sarili ko kung ano itong pinapasok ko. Siguro nga may nararamdaman na ako sakaniya noon pa man, but I'm stucked loving Zero kaya hindi iyon lumago.

Alam ko rin na mas nangingibabaw parin ang pagmamahal ko kay Zero, pero may espesyal akong nararamdaman kay Jairus at lumalago iyon ngayon. He can make me smile with his funny anecdote, make me feel kilig and annoyed at the same time with his corny pick up lines.

Siguro nga kailangan kong magbukas ng pinto para sa posibilidad na pwede akong magmahal ng iba.

Komplikado na nga, ginagawa ko pang komplikado. Hay, life. Walang katapusang 'siguro'.

Hindi naman ako hinahawakang mabuti ni Zero, bahala ng mahulog... Sa iba.

"So, let's eat" nakangiti nyang sabi, kinuha ko ang plato ko at nagsimulang kumain.

"Uunti naman yang kinakain mo, diet ka ng diet mamaya isang ubo ka nalang" saka niya ako inirapan, aba!

"Feeling mo naman ang macho mo ano? Tatlong ubo ka na nga lang" I teased

"Not until you see my abs, Penelope"

"Abs, abs, abs. Bakit sukatan ng kapogian ang abs?" Masungit kong sabi.

"Well, it depends upon your preference. Pasok ba ako sa preference mo?"

"Ha?" Na-slow ako doon.

I saw his lopsided grin, and he chuckled afterwards.

"Anong preferences mo sa lalaki?" Aniya habang pinaglalaruan ang kanyang mga kubyertos.

"Basta, makakasundo ko, ng pamilya ko. Saka lahat ng qualities ng pagiging gentleman. Iyon yung preference ko talaga noon." Sabi ko bago sumubo ng pagkain.

"Si Zero ba yun?" Napaubo ako sa tanong niya, nataranta ako at kumuha agad ng tubig.

"Ang lakas talaga ng epekto niya sayo, walang makakatalo" aniya at tumawa, but I can see pain in his eyes.

"Nagulat lang ako, wag ka nga" suway ko sakaniya, bumelat ito at inilapag ang kanyang plato sa kanyang table.

"Penelope, I like this. You, me, I like this. Pero sabi ko kagabi, ayoko ipilit. Ayoko umasa. Pero kung nahuhulog ka, sasaluhin kita. Ang nakikita ko ngayon, nakakapit ka parin. Don't fret, this set up is fine with me. Atleast, napapasaya kita" and he smiled sweetly at me. My God, Jairus!

Kung hindi pa nalowbat ang iPad ko ay hindi pa mamamatay ang tawag. It lasted for sixteen hours! Sinasaksak ko ang charger ng iPad ko ng biglang pumasok si Trey sa kwarto.

"Hmm, bakit daw namatay yung tawag?" Napataas ang kilay ko at pinaharap niya sa akin ang cellphone nya, I saw Jairus on the screen. He's topless.. Damn.

"J-jai. Uhm namatay yung iPad eh. Charge ko lang" tumango ito "okay, take care" and he winked.

I saw how a lopsided grin formed into my brother's face, he ruffled my hair before exiting my room. I opened my laptop and opened my skype account. Shit, I just found myself having skype call with Jairus again.

"Hoy, Jairus bukas pumasok ka ah?" Sita ko sakaniya, nakakatatlong oras na kami ulit na naguusap simula ng tumawag ako. Hindi ko na nga alam kung hihiga o uupo ako eh.

"Yes ma'am" he said while typing to his laptop.

"Ano ba yan? Para saan yan? Financial?" Tanong ko.

"Proposal" maikli niyang sagot.

He's managing the Alcantara Resort business. Siguro proposal para sa bagong pinapatayo nilang resort somewhere in BGC.

"Designs?" Pangungulit ko sakaniya, nakita ko ang pagtango niya.

Naka shirt na siya ngayon dahil hindi ako pumayag na haharap siya sa akin ng walang pang itaas. Tinawanan niya lang ako at biniro sa abs niya. Sabi ko naman, hindi ako interesado sa abs. Abs can't pay our family's future bills.

"Gusto kong magtatalon" bigla kong sabi, wala lang.

"Weird young lady" he teased.

Biglaang tumunog ang cellphone niya at he mouthed "Dark" before answering it.

"Nasa bahay lang ako gumagawa ng reports... Sigurado kang kasama ako? I'll be fine here sa bahay bra, ayoko muna ng gulo." Aniya at napatingin sakin, that moment I knew lalabas sila with Zero at hindi siya payag dito.

"Okay then.. I'll be there in a bit" aniya at binaba ang tawag.

"Zero wants to talk to me. Okay lang ba kung papatayin ko muna ang call?" He asked "Mas okay kung naguusap lang tayo, pero mukhang importante" dagdag pa niya.

"Okay. Call me when you get home" bigla kong nasabi he smirked.

"Girlfriend na girlfriend. Yes boss." I dropped the call the moment he exited his room.

And now hindi ako mapakali. Baka kasi magaway yung dalawa. Baka may mangyaring hindi maganda. Or, baka mag give way si Zero dahil si Star yung pinipili niya. Sa sobrang gulo ng utak ko napagpasyahan kong maglaro ng xbox.

Nadatnan ko sa entertainment room si Ashton na kumakain ng caramelized popcorn.

"Laro tayo ate" aya niya. Kinuha ko ang controller habang siya naman ang nagaayos ng lalaruin namin. Mario Kart ang gusto nitong laro.

"Ate, kuya Jairus asked me if he can court you if ever. I said yes" biglang sabi ni Ashton sa kalagitnaan ng paglalaro naming dalawa.

"When Kuya Zero is nowhere to be found, Kuya Jairus did everything to make you happy. In fact, I can see him as your happy pill. He can make your face light up during your dark days"

"Maybe you're thinking that Kuya and I are against Kuya Zero, but we are not. It's just that we can't stand seeing you in despair. And if ever Kuya Jairus can give you the happiness that you deserve to have, then we're rooting for him" hindi ko na alam kung anong pinipindot ko sa aking controller.

"Basta ate, the decision is yours. I know you're still into Kuya Zero, but it's not appropriate that he's dating Ate Star too. He should give up one and choose one. Who's gonna be who?" Tinignan niya ako pagkatapos ng laro.

My brother, at his age is very mature. Mag sasampung taon na itong kapatid kong ito pero malawak ang pagiisip.

"Pag uwi natin sa bahay ako matutulog para makapaglaro tayo." I smiled at him and ruffled his hair.

"So, anong pinagusapan nyo?" After several hours tumawag rin si Jairus saakin, I don't know why I almost jumped the moment I saw a disclaimer that he's calling.

"Do you really want to know?" Naningkit ang mata niya, kumabog ang dibdib ko.

"Hmm, if you want me to know..." Kinakabahan kong sabi.

"Okay, I swear that I will tell you the truth because that is what you deserve" aniya at itinaas pa ang kanan niyang kamay.

"He told me that he's willing to give you up if I'll prove him that I'm deserving of your love"

Nabingi yata ako sa narinig. Ano? Pwede bang itagalog? Parang hindi maproseso ng utak ko iyon. Basta ang alam ko lang kumirot ang puso ko.

"Ahh. Gets" iyon lang ang salitang lumabas sa bibig ko.

Kunwari na-gets ko nalang. Pero hindi. He's willing to give me up? Ganon lang? He's willing to give me up without a fight? While here I am still not giving this damn fight just to have him back? Ganon yun kadali? Kasi he found a replacement for me?

"Penelope why are you fucking smiling? You're creeping me out" ani Jairus.

"Natawa lang ako. I'm willing to fight for him but he's willing to give me up. That sucks. But that's love is. Then fine. I give up"

Chương trướcChương sau