Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

32. Wish me luck

Isinilid ko nalang sa maleta ko lahat ng nakapicture frame naming litrato. Kung ano ang dala ko noong unang araw ko dito ay siya ring dala ko ngayong aalis ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid, at hinayaang magflashback sa akin ang lahat ng mga ala-ala namin dito.

Nakarinig ako ng mga katok, pag bukas ko ay sila Jairus lang pala.

"Ang dami mo namang dala" bungad nya ng makita nya ang mga maleta ko "Parang walang balak bumalik" dagdag pa niya.

"Lilipat ako ng bahay" paliwanag ko, napatingin silang lahat sakin na para bang may mali akong nasabi.

"Condo to ni Zero hindi akin, paano pala pag hindi ako yung pipiliin niya? Ayaw ko namang mapalayas ako kaya ako nalang ang lalayas" biro ko habang hinihila ang pangalawa kong maleta. Ang bigat! Dinala ko na yata yung buong bahay.

"Ako na" aniya sabay kuha sa isa kong maleta, kinuha rin nila Dark ang mga naiwan pang gamit.

"Salamat. Bakit nyo sila iniwan?" Tanong ko

"Nakakairita kaya, "babe I want this and that" lahat na! Parang walang kamay" ani Arki kaya natawa ako, ginaya nya kasi ang boses ni Star.

"You should get along with her guys, malay nyo sila ni Zero sa huli" I faked a smile, napailing silang lahat.

"Kung hindi ikaw, kahit tumandang binata nalang yung kaibigan namin" biro ni Ethan kaya nagtawanan kaming lahat.

"Sigurado ka bang magiging safe ka dito? Padalhan kaya kita ng guard" sabi ni Jairus, nandito na kami sa bahay at gusto niya akong padalhan ng guards dahil daw baka looban ako ng mga magnanakaw.

"Wag na, I can handle my self naman. Masyado mo akong binebaby like my brother" inirapan nya lang ako "Eh paano magisa ka dito. Tss, tatawag ako sa agency at papadalhan kita ng yaya at driver para may kasama ka" pagpipilit nya.

"Libre mo sweldo?" Biro ko "Oo ba! Basta may kasama ka. Tss, akala mo kasi nagbibiro eh" seryoso nyang sabi saka umirap.

"Biro lang iyon, ano ka ba? Oh sige na po Tatay Jairus, can you please hire me a driver and a maid? Para na kitang tatay sa pagiging over protective mo sa akin eh" sabi ko.

"Pag dating mo dito meron na sila, I will look for the best driver and maid. Pasalubong ko ha? Size 10" aniya saka humalakhak

"Kami rin, lahat kami size 10"biro rin ni Dark

"Okay I will tell Kuya" sabi ko saka humalakhak. Hay nako these guys.

Hinatid nila ako sa airport well si Kuya dapat pero nagdahilan nalang sila na ayaw raw nilang magiyakan, sounds so gay pero nakakatawa nalang.

"Ingat ka doon ha? Sulat ka" ani Arki, inirapan ko lang.

"Hindi ba pwedeng message nalang? Baka kasi saka nyo lang makuha yung sulat ko kapag nasa Pinas na ako eh " sabay tawa ko. "Bahala na kung anong makuha kong shoes nyo ha? Utang yan singkwenta bawat araw, pumalag panget" saka ako humalakhak ng malakas.

Napakamot silang lahat sa kanilang mga batok, mga kuripot talaga!

"Ingat ka doon, kami na bahala sa ulyanin naming kaibigan" ani Dark

"Alam ko namang hindi nyo sya pababayaan" sambit ko

"Enjoy your vacation. We'll miss you" ani Jairus, they all hugged me halos hindi na ako makahinga pero masaya. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao, at mukhang napansin na kami ni Kuya.

"What are you guys doing here?" Ani Kuya na naguguluhan, nagpalipat lipat ang tingin nya sa amin.

"Hindi ba ako pwedeng sumama sa bakasyon nyo? Tanong ko sakaniya, his face lighted up saka siya ngumiti ng malawak. Maya mya ay niyakap niya ako at binuhat.

"Kuya!! Kuya naman eh!" I shrieked. "Nahihilo na ako baba mo na ako!!!" Sigaw ko sakaniya kaya ibinaba nya ako at hinalikan sa noo nagtawanan ang buong barkada.

Niyakap ako ni Mommy at hinalikan ako ni Daddy pagkakita sa akin. Dala ni Kuya ang bagahe ko, niyakap naman ako ni Ashton.

"Glad you decided to come with us anak" ani Mama

"I need time to be with my family too Ma" nakangiti kong sabi.

"I missed you pa" sabi ko kay papa ngumiti ito "I missed my unica hija too. You'll love Germany anak." Aniya

"Hoy ako sa bintana!" Bulyaw ko kay kuya

"Sinong unang umupo?" Aniya saka siya nag make face

"Okay di na ako sasama" sabi ko sabay talikod at umarteng kukunin ang bagahe ko sakaniya

"Tss, eto na eto na. Lamunin mo yang bintana" aniya at umirap.

"Thank you" sabi ko ng nangaasar.

Ang bunso kong kapatid, nagbinata na kaya hindi na nangungulit. Tahimik lang ito habang naglalaro sa cellphone niyang connected sa ipega.

Tumunog ang cellphone ko at rumehistro ang pangalan ni Zero.

Zero:

Where the fuck are you? I'm at our condo

Binasa ko na rin yung mga text niya kanina.

Zero:

Baby... I came home for you

Zero:

Nagseselos ako sa inyo ni Jairus. Fuck! Be sensitive, Penelope!

Zero:

You should be here, since you left earlier. Why are you not here?

I received 34 calls from him too, sinilent ko kasi ang phone ko para hindi ko siya maisip habang naglilipat bahay. Ngayon naguguilty na ako, parang gusto kong bumalik pero ito ang tama sa ngayon.

Be sensitive? Ako pa talaga. Ako lang ba dapat ang maging sensitive? Halos mag halikan na sila sa harap ko.

Flinight mode ko ang cellphone ko at nakinig nalang sa spotify.

"Good Morning Germany" sambit ko pagkagising, kagabi kasi nang dumating kami naligo lang ako at natulog agad. Nasa mansion kami ng mga Yu, ang laki pala ng bahay ni Daddy dito. Mga maid lang nakatira, good thing may makakausap ako na Pinay.

"Good morning ma, dad, kuya" bati ko sakanila pag baba ko mula sa kwarto. "Where's Ashton?" Tanong ko

"Nasa entertainment room, nag e-xbox" sagot ni Kuya.

"Kain na anak, tapos na kami" sabi ni mommy saka niya nilagyan ng pagkain ang aking pinggan. Ghad, I woke up late!

"Ma, saan po tayo papasyal ngayon?" I asked

"Sa Berlin wall, bukas Frankfurt daw tayo sabi ng daddy nyo"

Naparami ang kain ko dahil sobrang sarap ng pagkakaluto. Si Kuya daw nagluto, naks pwede na magasawa ang kuya ko ah. Hehe

"Kuya, wala ka bang girlfriend?" Tanong ko sakaniya, subsob kasi siya sa kanyang cellphone. Tinignan nya ako at napakunot sya ng noo.

"Wala. Bakit mo natanong?" He asked saka nya binalik ang tingin sa kanyang cellphone

"Wala sarap kasi ng luto mo mukhang inspired ka" ginulo niya lang ang buhok ko.

"Seryoso kasi kuya, wala?" Pangungulit ko sakaniya

"Wala akong matipuhan, end of the story Penelope" aniya saka bumelat

"Tatanda kang binata niyan kuya wag ka na kasing choosy, I heard you're dating this girl named Athena bakit hindi kayo?" Tanong ko sakaniya bago ako uminom ng tubig.

"She has a boyfriend." Aniya saka bumulong ng mura. Ohh.

"Eh di iba nalang kuya, sa gwapo mong yan. Libre mo ako mamaya ha?" Biro ko sakaniya

"Mahirap kasi yung paiba iba lalo na pag may gusto ka talaga." Aniya saka tumayo. Ehh so serious.

Nakatanggap ako ng tawag mula sa secretary ko na kagabi pa raw tawag ng tawag si Zero sakaniya, buti nalang hindi niya sinabi na umalis ako ng bansa.

"Nako maam galit na galit po eh, hindi ko na nga sinagot pa yung ibang tawag niya maam" sabi ng secretary ko.

"I-block mo nalang yung number. Pag tumawag sa opisina sabihin mo on leave. Yung mga documents na pinapasend ko pakisend nalang" sabi ko sabay patay ng tawag.

Ini-on ko ang laptop ko at nag log in sa aking skype. Ngayon yata tatawag si Frank about sa ipapakita nitong designs ng pinapatayong hotel nila tito.

Jairus calling...

"Oh napatawag ka? Andito na ako sa Germany Jai!" Bungad ko sakaniya. "Oh bakit ka may pasa?" Napansin ko kasing may pasa sya bandang lower lip niya.

"Actually Penelope lahat kami. Squad goals" ani Dark na pinakita ang pasa nito sa pisngi.

"Hindi ko pa siya nakitang ganon kagalit. Halos baliktarin niya na ang buong condo Penelope. Galit na galit sya" kwento ni Arki "tinawag namin si Star... Kumalma naman. Hindi alam ni Star yung dahilan bakit sya nagwala"

"Eh di dapat pala lagi niyong kasama si Star para makalimutan niyang nawawala ako diba? Put some ice on your cut Jai" sabi ko kay Jairus kasi hawak hawak nito ang kanyang labi.

Napapakalma ni Star si Zero, parang ako noon. Napangiti ako ng mapait.

"Pupunta kaming Berlin Wall mamaya" pag iiba ko ng topic, sumikip kasi yung dibdib ko eh.

"Maganda dun, I've been there kaso lakad ng lakad. Ingat, dadating kasi si Zero ngayon nagyaya ng basketball" tumango lang ako at nagpaalam na rin dahil baka ako nalang ang hinahanap nila sa baba.

True enough, sobrang nakakapagod lakarin ang Berlin wall. Paano kasi ay sinusundan namin ang mga graffiti na nakapinta sa dingding. It is said that Berlin wall years ago acts as a barrier.

Kuha lang ako ng kuha ng litrato ng wall arts, siguro ay masaya ang magpinta ano? Pero batid ko rin na mahirap, lalo na kung hindi ka naman marunong gumuhit.

"Gutom na ako" sabi ko kay Kuya, nakakapagod kaya maglakad!

"BBI tayo mamaya" aniya

"Ha? Anong BBI?" Tanong ko naman, sorry at bago lamang ako dito sa Germany at wala akong nalalaman kung ano yang mga yan.

"Berlin Burger International" sagot niya naman "Will burger be enough for your hungry stomach?" Tanong nya sakin na parang nangaasar.

"Grill royal nalang?" suhestiyon ko, nasearch ko kasi iyon maganda raw.

"Wow" sambit ko pagpasok, totoong maganda ang restaurant na iyon.

It is so elegant, and it's overlooking a river. Pwede na nga akong magsalamin sa sahig at sa mga mesa.

Inabutan ako ni Kuya ng menu, everything is very appealing. Orderin ko kaya lahat? Kaya ko naman ubusin to since pagod na pagod ako kakalakad sa Berlin wall. Pero joke lang yun. Hehe

"I want the grilled lobster and mousse of Guanaja chocolate" I ordered while looking at the menu, lahat talaga appealing at mukhang masarap.

"This is your mom's favorite restaurant" dad suddenly blurted out "talaga dad?" I asked saka ako sumimsim ng champagne sa aking baso.

Marami pa talaga akong hindi alam sa mga magulang ko, and I feel sorry for them na wala man lang akong inilalaan na oras para mas makilala ko sila. But anyways I have two weeks to get to know them more.

"Ate, kelan ka matutulog sa bahay sa Manila?" Ashton suddenly asked, akala ko ay di kikibo ang bata dahil tutok sa kanyang cellphone.

"Uhm, kelan mo ba gustong matulog si Ate don? Do you want me to read bedtime stories?" I asked

"Ate naman.. Wala, nagsawa na kasi ako kay Kuya" saka ito tumawa, Trey pinched his cheek "Ate, si kuya oh!" Sinipa ko yung paa ni kuya sa ilalim ng mesa.

"Oo nga naman hija, doon ka naman matulog sa bahay." Mommy said habang naghihiwa ng kanyang steak.

"I just moved mom" I said, kumunot ang noo ni Kuya.

"Lumipat ka ng bahay?" He asked, he looked at me intenly habang nasa baba niya ang kanyang kamay.

"Yup. Nasabi ko naman sa inyo na bumili ako ng bahay out of my salary, well before I went to the airport I moved all my things there, with the help of the boys."

"Did Zero permitted you to move?" Kuya asked, I shaked my head "No. Hindi nya alam. Hindi niya rin alam na andito ako" I answered.

"Good. Serves him right." Aniya saka sumubo ng kanyang pagkain.

"Are you still with him hija?" Tanong ni Daddy, limitado lang ang alam ni daddy tungkol sa amin ni Zero.

"Technically, yes, dad. " sabi ko saka ngumuya ng akong pagkain. This chocolate mousse is heavenly, ang sarap!

"I respect your decision to stay with him, but when you think it's enough, break up with him. You have done your part anak, at least you tried." Sabi ni mommy habang hawak niya ang kamay ko, tumango lang ako.

"I know mom, pero ngayon I'm still trying to do my part. Pero as I promised my self, pag hindi nagwork tama na yun."

"You should start moving on then" ani Kuya Trey

"There is still something that is keeping me from moving on Kuya, I'm still hoping, I didn't wait for five years for nothing. And if moving on is easy, sana noon ko pa nagawa"

"Penelope, bakit ka tumawag? Nandito kami kila Zero" bulong ni Jairus nang sagutin niya ang tawag ko.

"Oh, my bad. Sorry. Akala ko kasi sila Dark lang kasama mo" Sabi ko habang nagtatanggal ng sapatos.

"Anong ginagawa nyo diyan?" Tanong ko, inayos ko ang ipad at nagtali ng buhok.

"Inuman session lang, nag aya si Zero eh" aniya nakita kong naghila siya ng upuan.

"Balik ka na don, sorry naistorbo kita" sabi ko saka naghikab, "nakakapagod. Parang lahat ng kinain ko naipawis ko sa kakalakad namin."

"Mabuti naman at nageenjoy ka, hindi mo ako naistorbo. Walang oras na naistorbo mo ako" aniya napangiti ako.

Naisip ko, bakit kay Jairus, hindi ko sya magawang mahalin? Siguro dahil hindi pa ako tapos mahalin si Zero? O dahil hindi ko binubuksan yung sarili ko para magmahal ng iba? Naisip ko lang, imposible namang gusto ako ni Jairus no. We're like brothers and sisters.

Pero paano pala kung oo? Kasi ako, parang may nararamdaman ako sakanya. Hindi ganun kalalim pero alam kong gusto ko siya. Siguro dahil masyado kaming naging malapit nung wala si Zero, sobrang dependent ako sakanya.

"Kung kakamustahin mo siya, okay lang siya. He's doing real good." Tumango lang ako.

The world is really unfair, he's okay while I'm trying to be okay. Muntik ko ng nasapak ang sarili ko, ito ang reyalidad. Naging masaya siya sa limang taon na wala ako, nasanay na yun, sigurado ako. Tapos heto ako tinatanong sarili ko kung bakit.

Hindi naman ako tanga pero bakit dito hindi ko yun agad naisip.

"Are you sleepy?" He suddenly asked.

"Hindi naman. May naisip lang ako. Ang tanga ko pala talaga ano? Nagawa niyang maging masaya at okay sa limang taon na wala ako, tapos heto ako tinatanong yung sarili ko kung bakit nakakaya nya ngayong wala ako" I smiled bitterly, I felt a lump forming in my throat.

"Hindi ka tanga. Nagmahal ka lang. Pag nag mahal, given na yung umasa. Its inevitable. Lahat naman tayo umaasa, sa mga bagay na pwede o hindi pwedeng mangyari" aniya, saka humithit sa kaniyang sigarilyo, napangiwi ako.

"May problema ka ba? Ngayon lang kita nakitang gumamit niyan" sambit ko sakaniya

Itinapon niya ang sigarilyo sa kung saan at tumingin sakin gamit ang kanyang malamlam na mga mata. Is he sleepy? Sinipat ko ang orasan ko alas dose na doon.

"Pag stressed lang. Sorry... prinsesa" napalunok ako ng marinig iyon.

"T-then stop using it. Find another alternative" sambit ko, hindi ko alam bakit ako nauutal.

"Okay if that's what you want" aniya. "Sunod kaya ako diyan? I miss you" he suddenly added. Bigla na lamang akong nanlamig. Hindi ko alam ang sasabihin. Parang may namuong kung ano sa tyan ko.

"I feel like, you are thinking that I like you" sabi niya saka kinagat ang pang ibabang labi.

"Mali ka Penelope.." Huminga ito ng malalim and he looked away. Damn. My heart is beating too fast. And I don't even know why I'm tensed!

"Mahal kita. Hindi bilang kaibigan. Gusto kita. Mahal kita. I love you" he confessed. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko at mabilis iyon.

"What the fuck?!" My heart pulsated, hindi ko siya nakita pero nakita ko kung paano nilingon ni Jairus si Zero.

"I have to go, Penelope. Wish me luck" Jairus winked at me and he ended the call. Shit.

Chương trướcChương sau