Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

34. Korea

"Jai. You don't have to impress Zero to have me. Sana alam mo yan. We should not give a fig to whatever his decision is. Kapag hindi niya nagustuhan ang ipapakita mo hindi niya ako bibitawan? At pag nagustuhan niya he'll give me up? Hindi niya tayo hawak. If he wants to give me up, then go tell him to give me up. Cause I don't give a fuck now, go and give me up. Im done with the bullshit"

"What is your most embarrassing moment?" Tanong ko kay Jairus, we're getting to know more each other, funny that after five years ngayon lang namin to naisip gawin.

"Wala naman. Matino naman akong bata. Pero siguro if there is one moment that I consider as an embarrassing moment that would be when we're in highschool. Crush na crush ko tong senior na to, hinahabol ko siya tapos bigla akong nauntog sa flag pole, bumaba tulog yung flag. Sa takot ko inakyat ko yung pole para ikabit yon. Mukha akong unggoy"

Pinanuod ko siyang tumatawa habang nagkukwento, I should give this guy a chance. And I should tell him that he doesn't have to impress Zero. Bakit pa? He's willing to give me up diba?

Habang busy si Jairus sa kanyang report naging busy rin ako ako sa mga business papers ko na sinesend ng aking sekretarya. I need to distract my self. Hindi ko kelangan ng sakit sa buhay ko, I had a fair share of it for five years.

Hindi naman siguro ako mahihirapang mag move on basta gugustuhin ko.

"Tapos na ako. Ikaw?" He asked habang nag i-stretching siya.

"Mm, di pa. Binabasa ko palang yung pangatlo. Mahirap kasi yung sign lang ng sign" sagot ko sakanya ng hindi tumitingin.

"Ilayo mo naman yung mukha mo sa screen, dapat magsuot ka na rin ng anti-radiotion glasses. Masisira yang mata mo sa sobrang tutok mo sa screen" sita nito sa akin.

"Meron ako, nakalimutan ko lang sa bahay"

"Speaking of the house, pinaayos ko na mga gamit mo. Andun na rin yung sinasabi kong maid at driver" sinilip ko siya "Seryoso ka talaga diyan Jai? Pero thankyou" Pasasalamat ko sakaniya.

"Kahit ano, basta ikaw" saka siya kumindat sa akin.

Napaayos ako ng upo ng may kumatok at pumasok si Daddy.

"Hija, are you busy?" Tanong nito, isinantabi ko muna ang laptop ko at tiningala ang daddy ko.

"Hindi naman dad, just reading some reports and talking to Jairus" sagot ko at ipinakita ko ang iPad ko, Jairus waved at my dad.

"Good Afternoon tito" bati niya kay Daddy. "Good afternoon too, Jairus. Can I just borrow my daughter for a while?"

"Surely tito, take your time po" sabi ni Jairus at tumango sa akin.

"Ano iyon dad?" Tanong ko when we exited my room.

"Wala naman hija, quality time with you I guess. We need a lot of catching up to do" aniya, naguilty tuloy ako. Dapat nga pala ay nandito ako para makasama ko sila pero pangalawang adaw palang namin ay nakakulong na ako sa kwarto.

"Hmm, do you know how to play xbox dad?" I asked.

"Try me" I saw a smirked formed into my dad's face. Oh my God! We are going to play for real?

"Daddy! Ang daya naman" reklamo ko, pano kung hindi ako nagkamali ng isa panalo ako sa nilalaro naming guitar hero. Natalo niya ako sa Sweet Child of Mine! Jesus!

"Hey, I didn't do anything against the law of the game" aniya ng malawak ang ngiti. Damn alam ko na kung kanino ako nagmana!

He hugged me and ruffled my hair.

"That's just how our life rolls anak, sometimes  we win but sometimes we lose the game. This is about how we handle each game, each obstacles, everything."

"I know you're going through something anak, and you should handle this with your heart and mind  not with your mind or heart alone." Tumango ako at sumandal sa braso ni Daddy.

"If you'll follow your heart alone, the decision will be from based your emotions. You won't think of what is right and what is wrong.  Pag galit ka anak, hindi mo maiisip ang mga bagay o mga posibilidad na pwede mong i-consider."

"Pero if I follow my mind dad, I will know what is right from what is wrong and the things that I should consider right?" Tanong ko.

"But you'll lack emotions, ginawa mo lang iyon dahil iyon ang tama hindi dahil you feel and think that it's the right thing to do. Always remember that your heart and your mind should never contradict. They should be in good terms. Magkasundo. Kasi kapag hindi, it will be a disaster"

"Thank you dad" I hugged him so tight and thanked him for his advices.

"Huwag kang padalos dalos anak, lalo na ngayon at galit ka at nasasaktan. It will never do you any good in return. I don't want you to regret your decisions anak"

"Yes dad. Thank you dad"

Nakaabang si Jairus sa screen nang pumasok ako muli sa kwarto, naguilty ako pinaghintay  ko pa.

"Sorry, naglaro kasi kami ni Daddy eh" paghingi ko ng dispensa sakaniya.

"I asked  him to talk to you" seryoso niyang sabi, umupo ako at inilagay sa lap ko ang iPad.

"Uhh, bakit?" I asked.

"Kasi I want to take this slow Penelope, padalos dalos ka. Kung ihaharap ko si Zero sayo ngayon at maglambing iyun sigurado lalambot ka. Ayokong magdesisyon ka out of anger, I want you to be rational, gusto ko may tamang guidance ka. Ganon kita kamahal"

"Bakit hindi ba ako rational ngayon na gusto kitang mahalin?" I asked and pouted.

"Hindi. Hindi ka rational kasi you're thinking of falling in love with me to escape the pain. But Im willing tho, willing akong maging panakip butas mo. Kahit ano, basta ikaw"

"Eh di parehas tayong hindi rational. We should take our mind and heart with us, sabi mo nga we should take this slow" sabi ko naman. He really is a guy for keeps, bihira ang lalaking katulad niya. And now I'm guilty, gusto kong makatakas sa sakit kaya ko siya gustong mahalin. Rebound. Panakip butas. That's so wrong!

"Sama ka sakin sa Korea?" Kumunot ang noo niya sa offer ko pero tumango siya.

"Book a flight maybe two weeks from now, doon nalang tayo magkita?" I asked with a sweet smile plastered on my face. He smiled back, damn it such a gorgeous smile. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko kaya ilang beses ko pang inulit.

"Are you sure?" Nakangiti nyang tanong. Tumango lamang ako " See you in two weeks then, my princess"

"Hangug e osingeos-eul hwan-yeonghabnida" sabi nung mukhang staff ng airport saka nag bow.

"Ano daw?" Tanong sa akin ni Jairus, yes magkasama na kami.

"Ewan ko rin. Pakicheck ilong ko dumudugo yata" biro ko sakaniya, ginulo niya lang ang buhok ko at inakbayan ako habang hawak sa kabilang kamay ang maleta.

Sa Lotte Hotel Seoul kami mag stay, sabi kasi its one of the best hotel here in seoul. Napagdesisyunan naming one week lang dito kasi mamumulubi raw kami, and Jairus reminded me na kelangan palang magayos sa bahay. I need to buy more furnitures.

We got the Junior suite, tag isa kami ng room. Kitang kita ang downtown Seoul mula dito sa kwarto. Maganda nga ang hotel, mukhang mamahalin dahil mamahalin naman talaga. Umiiyak na nga yung bulsa ko first day palang. Joke.

Nakarinig ako ng mahinang katok, pinagbuksan ko si Jairus at pinapasok. Umupo siya sa couch at humalukipkip.

"Jet lag? You should sleep you know. Bukas na tayo libot" sabi ko naman sakaniya, umupo ako sa upuan malapit sakaniya.

Minamasahe nya ang sentido nya habang nakapikit. Ako rin ay natamaan ng jet lag, ten  hours mahigit ang byahe. Kulang ang tulog ko bago umalis sa Berlin dahil nagkayayaan pa kami ni Kuya  mag xbox hanggang ala una ng umaga.

"Okay lang ako. Ikaw? Okay ka?" Tanong niya sakin, tumango ako kahit naramdaman ko ang pagkahilo.

"Okay ako pag okay ka" he said, he held my hand and squeezed it. My heart fluttered.

For two weeks walang araw na hindi kami magkausap nito sa skype or magka chat. We're really taking it slow. Inaalam pa namin ang mga ayaw at gusto ng isa't isa. And I must admit that it is better that way, para mas makilala ko siya.

Narealize ko sa halos six years ko siyang kilala limitado ang alam ko sakaniya tapos siya halos alam lahat ng mga ayaw ko, gusto ko, expressions ko, cravings ko... lahat.

Lumapit siya sa kinauupuan ko at inakbayan ako, he smelled my hair and then kissed my head.

And now I'm confused of whether to feel good or bad pero hindi nawala ang kilig.

"Namiss kita" he whispered. Muntik na akong mapatalon, is it just me or his low tone voice sounded like Zero. Buti nalang ay nakapikit ito at hindi nakita ang gulat na rumihistro sa mukha ko.

Shit, what am I thinking?!

"Balik na ako sa kwarto, magpahinga ka na rin" sabi niya, tumayo siya at hinalikan ang noo ko. And now I'm feeling guilty.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog ng gabing iyon. The thought of Zero and his voice bugged me for hours. Siguro ay nakatulog ako ng tatlong oras lamang, shit, hindi ko na dapat siya iniisip pero bakit? I feel like I'm doing something wrong.

Napabalikwas ako ng bangon ng kumatok si Jairus sa kwarto ko, nakaligo na ito at mukhang puyat parin.

"Good morning" nabigla ako ng yakapin nya ako, but I love the comfortable feeling that its giving me.

"Morning, ligo lang ako ah? Ang aga mo eh" I teased.

"Sure. Should I cook you breakfast or sa labas tayo kakain?" Napaisip ako sa tanong nya. Sabi ng mga empleyado ng O'brien masarap daw ang street foods sa myeongdong.

"I want street foods" sabi ko.

"Okay sige, hintayin nalang kita dito" aniya ng nakangiti.

Mahigit kalahating oras rin ako sa banyo at kalahating oras din sa pagbibihis. Kumuha ako ng coat at ng gloves kasi sobrang lamig sa labas dahil may snow.

"Tara na..." Napatigil ako dahil nakatulog na si Jairus sa sofa. Dala na rin siguro ng puyat at pagod sa byahe. Anong oras ba to natulog kagabi?

Binuksan ko ang tv para manuod na muna ng koreanovela o kahit anong meron sila dito sa mga channels ng tv nila. Umupo ako sa maliit na espasyo malapit sa tyan ni Jairus.

Mga ilang minuto na ang nakaraan I got bored watching koreanovelas.

"Maganda kaso walang subtitle hustisya naman sa di marunong makaintindi ng Korean" nakasimangot kong bulong.

Siguro dahil sa boredom at antok napahiga ako sa braso ni Jairus at nakatulog.

Naalimpungatan ako sa marahang haplos sa buhok ko, nakakantok, para akong hinehele. Tinatamad pa akong dumilat kaya ninamnam ko muna ang sandali at ang paghaplos sa buhok ko. Hayy, ang sarap mag rest.

"Penelope"

"Hmm. Sshh"

"Gising na, gusto mo ng mandu ng myeongdong diba?"

"Hmm, Jai... Sssh"

"Masarap rin yung tteokbokki.."

Kumalam yung tyan ko sa narinig pero I still want to lay down and sleep.

"Baby boo"

"Oh shit!... Aray naman bat moko binitawan?" Pagalit kong tanong sakaniya.

"Hindi kita binitawan siguro naalala mo na tawag sayo eh baby boo kaya ka nagulat" aniya saka ngumiti ng mapait.

"Okay, nagulat ako iyon lang iyon. Sorry na"

Syempre gaya ng sabi ko kanina yung low tone voice nya kaboses ni Zero, rinig na rinig ng tenga ko. It sent shiver down to my spine. Nablangko ako.

"Okay lang iyon. Gusto ko lang makita yung reaksyon mo. Hanggang sa masanay ka na tapos hindi ka na magugulat kasi nakamove on ka na.."

"Lika na nga nagutom ako gusto ko ng tteokbokki" sabay hila ko sakaniya patayo pero hinila nya ako pababa kaya ang ending napayakap ako sakanya.

The sound of my heart beat is deafening. Sobrang lakas. Sobrang bilis.

Nang kumalas ito sa yakap hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas. Buti nalang nahawakan ko yung bag ko baka kasi mamaya wala akong dalang pera.

"This is a very bad idea" rinig kong sabi ni Jairus

"Huh?" Reaksyon ko.

"May naiintindihan ka ba sa sinasabi nila? Alam mo ba pano tayo oorder diyan?" Natawa ako sa itsura niya, akala mo sobrang hopeless case ng sitwasyon namin.

"Well I know how to say Annyeong Haseyo and Kamsahamnida" sabi ko sakaniya, napakamot siya sa batok at inakbayan ako.

"Halika na nga lang. Bahala na" aniya, hindi ko na napigilan ang tawa ko.

"Annyeong haseyo. How much for a tteokbokki?" I asked the owner of the store perhaps, Jairus is just standing at my back while I talk to these Koreans.

"One thousand won"  the lady smiled at me

"Okay, I'll get two." Kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko ng narinig kong magpasalamat ang matanda.

"Keep the change po" rinig kong sabi ni Jairus, nag bow ang matanda bilang pasasalamat. Tiningala ko siya at siniko.

"Ako ang lalaki" aniya, at nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin. Pero kahit na hindi ko ugali ang magpalibre, kung tutuusin mas gusto ko pang ako nakang magbayad kesa siya.

Nang ibigay na ng matanda ang order namin, inakay ko si Jairus sa isa pang stall. May nakita kasi akong Tornado Potato. Kumakain kami habang naglalakad.

"Ang sarap! Pero maanghang" sabi ko sakaniya, he chuckled saka kumagat sa stick niya.

"Dahan dahan lang Penelope. Slow down" aniya kasi hila hila ko siya, ang laki laki kaya ng biyas nya pero ang bagal maglakad. "Kumakain ka pa oh" dagdag niya.

"Annyeong haseyo, I would like to buy two tornado potatoes please" sabi ko kay kuya, Kuya bowed and smiled. I should bow first?

"Two thousand won per piece" the guy told me, and the moment na magaabot ako ng bayad nagabot na naman si Jairus.

"Keep the change sir" sabi niya ng nakangiti. Siniko ko siya ulit.

"May pera ako" sabi ko sakaniya.

"May pera ako, lalaki ako. Ako ang magbabayad" aniya saka niya pinisil ang pisngi ko. Inirapan ko lang.

"Gusto mo ba nito?" Tanong sakin ni Jairus habang nakaturo sa strawberry na nasa cup.

"Uhm excuse me miss, can I have two of these" sabi niya sa babae, ewan ko pero nairita ako sa pag ngiti ng babae kay Jairus kahit nakatingin ito sa mga strawberries.

Pagkakuha ko ng tornado potatoes ay lumapit ako kay Jairus at humawak sa braso niya.

"Ano yan?" Kunwari kong tanong.

"Strawberry in a chocolate daw" sagot niya habang nakatingin sa proseso ng paggawa sa inorder niya.

"Thank you" sabi ko sa babae pag kaabot niya nung strawberries, saka ko hinawakan yung kamay ni Jairus na walang malay sa pag papacute ni Ate. Tss.

"Ang tamis nung chocolate masyado. Mas gusto ko tong tornado potatoes" sabi ko sakaniya

"Eh ilang kagat mo lang yang patatas na yan eh, nag french fries ka nalang sana" saka siya sumubo ng strawberry. Tss.

"Eh spiral eh."

Masarap naman talaga itong strawberry, naaalala ko lang si Ate na grabe makatingin kay Jairus. Naiinis tuloy ako.

"Stop pouting. It's cute, hella cute. But it's tempting" and he looked away, wait is he blushing?

"Uy, nagba-blush." I teased him saka ko tinusok ang kanyang tagiliran.

He wrapped his arms around my waist saka inamoy ang aking buhok. Shit, this gesture reminds me of someone.

"Ano pang gusto mong kainin? Marami pang street foods oh" tanong niya sa akin na nagpabalik sa akin sa huwisyo

"Mm, bili nalang tayo ng samyang noodles tapos uwi na tayo. Hindi ko na kaya yung lamig" tumango naman siya. Nakaakbay siya sa akin hanggang makarating kami sa bilihan ng mga korean noodles dito sa myeongdong.

Chương trướcChương sau