Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

31. Till then..

Para akong paminta, buo naman talaga pero dinudurog ng sakit dahil sa sitwasyon naming dalawa.

Wala ni isa ang umiimik habang kumakain kaming apat, maliban kay Arki na kanina pa tumitikhim. Minsan ay masarap batukan itong kaibigan naming ito, pero wag na lang.

"Alis na kami, sunod nalang kayo mamaya? Sa bahay nyo Zac?" Rinig kong pamamaalam ni Dark, tumango ako at tumalikod narinig ko nalang ang pagsara ng pinto.

Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili. Tama sya, we need to compromise, we all need to adjust. Iniisip ko tuloy kung tama ba.. Tama bang sumama nalang ako kila kuya sa Germany pansamantala?

"We need to compromise, Penelope, we have to consider.. "To consider the truth that you have me then you have Star?" Putol ko sakaniya habang naghuhugas ng pinggan. I need to chill.

"Akin ka ba ng Monday, Wednesday at Friday? O tuwing Tuesday, Thursday at Saturday?" I faked a smile, nasa likod ko siya at hindi niya iyon nakita. I know I sounded so salty and bitter.

Pinunasan ko ang kamay kong basa at dumiretso sa sala, sumunod siya sa akin na nasa batok ang kanyang kamay at parang malalim ang iniisip.

"Ganon nga Penelope" aniya, parang may punyal na sumaksak sa puso ko ng ilang beses. I faked a laugh, yung tawang histerikal na punong puno ng pait at sakit. My eyes began to water as I burst into laughter. Fuck it. Just fuck it.

"Paano mo sasabihin sakaniya? Do you think she'll agree?" Matabang kong sabi. Tinapunan nya ako ng tingin at nakikita ko ang paghihirap doon. Nahihirapan ka, mas nahihirapan ako at dagdag sa paghihirap ko ang makitang nahihirapan ka. Damn it!

"Itatago natin sa ngayon" napayuko sya sa sinabi.

"Bullshit. Plain bullshit. Itatago mo sakaniya para hindi siya masaktan, samantalang ako lantaran mong ihahain sakin yung sakit Zero. Bakit? Dahil ako lang naman nagpupumilit na ipaalala sayo? Okay ako masaktan wag lang sya ganon ba? Sabagay, samin dalawa ako yung kabit siya yung legal"

Sinubukan kong hindi umiyak, pagod na ang mga mata ko. Okay lang masaktan ako, wag lang si Star. Okay. Check.

"Its settled then. Maligo ka na, maliligo na rin ako."

Tumalikod ako sakaniya at pabagsak na sinara ang pinto. It's settled, I'm leaving this condo and I'm leaving the country.

Maayos ko siyang hinarap ng pagbuksan ko siya ng pinto. I'm glad hindi ko inayos ang mga gamit kong inimpake ko noong isang gabi. I called my secretary to book me flight tonight, ang alis kasi nila kuya ay mamayang alas nueve ng gabi. Gusto ko silang surpresahin, isa pa ay kasabay naming babyahe si Daddy.

"You drive?" I asked, nginitian nya ako at kinuha nya ang susi sa palad ko.

Tahimik lamang kami sa byahe, mabuti na lamang at wala pa si Star ng dumating kami sa bahay nila. Nginitian ko ang kapatid ko at sila Jairus. Natahimik kami ng dumating si Star.

"Where have you been?! Hindi mo alam kung gaano ako kaworried! God! Zero! Wala kang naaalala sa lugar na ito!" Bungad niya agad saka pinaliguan ng halik ang mukha ni Zero, pinanuod ko iyon. Tanga eh. Kinilig ako sakanila, sa sobrang kilig parang yung buong zoo na dinala ni Zero sa sistema ko nagsialisan na.

Napasulyap ito sa akin at tumango lang ako, yes I will let you hurt me my love. This is my reality. This is happening in real life. I have to face this.

I excused my self para pumunta muna sa lanai, hinila ni Jairus ang kamay ko at nakita ko sa mga mata nya ang pag aalala at awa.

"I'm fine ano ka ba, wag mo akong kaawaan" bulong ko saka ako nagmartsa paalis. Katulad ng dati ay huminga lang ako ng huminga dito. Pinipigilan ang sariling lumuha, natuwa ako ng bahagya at wala ni isang luhang pumatak, pagod na siguro.  Pinalitan ko ang lockscreen at wallpaper ko, I need to adjust. I need to face the reality that I may or may not have my Zero back.

"Okay ka na?" Rinig kong sabi ni Jairus . Tatlumpong minuto na ako dito sa labas at inaaliw ang sarili ko sa pagiisip ng mga happy thoughts, wala nga pala akong gaanong happy thoughts.

"Okay lang nga ako" sabi ko sakaniya ng nakangiti at umirap pa ako sakaniya.

"Kayong mga babae, hindi ko kayo maintindihan. Kapag hindi kayo okay, kinukumbinsi nyo lahat na okay kayo. Pwede nyo namang aminin na hindi nyo na kaya, na tama na. Penelope, pwede naman, pwede mo naman ipakitang mahina ka"

Umiling ako "Walang masama kung ipapakita kong malakas ako, na kaya ko pa. Kasi kaya ko pa Jairus, kahit si Zero pa ang kalaban ko sa larong to kaya ko at kakayanin ko pa"

Rinig namin mula sa labas ng kwarto ang tunog ng videoke sa loob. Ito siguro ang trip nila. Ang magkantahan. Tahimik kaming pumasok, napalingon silang lahat samin ni Jairus at pagod akong ngumiti.

Umusog si Kuya para bigyan kami ng espasyo sa inuupuan nila. Tinaasan ako ng kilay ni Star, ngumiti lamang ako.

"You two looked so tired, you did it ano?" Aniya at tumawa, nagpanting ang temga ko sa narinig.

"Star! Shut the fuck up!" Pagalit na sigaw ni Zero, I flinched at his tone. Sa sobrang lakas niyon ay umeecho pa iyon sa aking tenga.

"I'm sorry" labas sa ilong na paghingi ng paumanhin ni Star. Marami na akong nakilalang tao, ilang beses na akong nakarinig ng sorry at alam ko ang totoo, sa peke.

Nanggagalaiti ako sa tinuran niya pero huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Gusto ko siyang sampalin pero baka masugatan ang kamay ko sa kagaspangan ng mukha nito.

"Shut up or you're dead!" Ani Jairus, he's fuming and I've never seen him that mad. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.

"Pagsabihan mo yan bra, gaguhin mo na kaming lahat dito wag si Penelope." Aniya, my heart fluttered. Ito ang benefit ng May bestfriend kang lalaki.

Nabalot ng tensyon ang kwartong iyon. Maging si Trey ay naririnig ko na rin na napapamura.

"Kung gusto mong maging welcome dito, rumespeto ka sa bawat miyembro ng grupo katulad ng pagrespeto namin sayo bilang girlfriend ng kaibigan namin" narinig kong sabi ni Ethan habang pinaglalaruan nito ang kanyang daliri.

"Si Penelope, siya ang nagiisang babae sa grupo namin. Lahat ng gagago dito, pasensyahan nalang. Kahit kaibigan ka pa namin" dagdag ni Dark na ngayon ay nakatingin kay Zero, nagkatinginan silang dalawa at naramdaman ko ang tensyon doon.

"Guys okay lang. It's a joke" tumawa ako ng bahagya para kumbinsihin silang okay lang sa akin.

"If its a joke, we should be laughing to death right now. " seryosong sabi ng kapatid ko.

"Hehe ako natawa eh" I faked my laugh again, pwede na tong National Fake Laugh day.

Tahimik akong nagpasalamat ng may pumasok na kasambahay at nagdala ng meryenda para sa amin. Thank God! Isa po siyang blessing, mamaya ay kakausapin ko si Ate Zoe para bigyan sya ng increase sa sweldo.

"You should sing, ang sakit na ng tenga ko sa boses niya" bulong sa akin ni Jairus, tinampal ko ng mahina ang braso niya. He's being mean to her.

Inabot niya sa akin ang song book at pinagpili ng kanta. I refused but they insist. Tumingin ako kay Star, it's like I need her validation for everything, inirapan niya lang ako. Hehe siguro tinitignan nya kung intact pa utak nya kaya sya nag roroll ng eyes? Joke.

Pinalagay ko kay Jairus ang napili kong kanta. Kanta ng Up Dharma Down, OO ang title.

Pumaibabaw ang instrumental ng kanta, this is what I'm feeling right now. Ito paraan ko para iparating kung anong nararamdaman ko.

'Di mo lang alam, naiisip kita

Baka sakali lang maisip mo ako

'Di mo lang alam, hanggang sa gabi

Inaasam makita ka muli

Nagtapos ang lahat sa 'di inaasahang

Panahon at ngayon ako'y iyong iniwang

Luhaan, sugatan, 'di mapakinabangan

Sana nagtanong ka lang kung 'di mo lang alam

Sana'y nagtanong ka lang kung 'di mo lang alam

Ako'y iyong nasakatan

Baka sakali lang maisip mo naman

Hindi mo lang alam kay tagal na panahon

Ako'y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa 'yo

Lumipas mga araw na ubod nang saya

'Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta

Kung ako'y nagkasala, patawad na sana

Ang puso kong pagal ngayon lang nagmahal

Oh, 'di mo lang alam ako'y iyong nasaktan

O baka sakali lang maisip mo naman

Puro siya na lang, sana'y ako naman

'Di mo lang alam, ika'y minamasdan

Sana'y iyong mamalayan

Hindi mo lang pala alam, 'di mo lang alam

Alam mo na nasasaktan ako, pero okay lang sayo basta wag siya hindi ba? Sobrang insulto sakin yun. Sana makita mo naman na hindi ako payag kasi ako yung dehado. Akin ka dapat pero bakit ako yung parang nangaagaw?

Kahit tayo'y magkaibigan lang

Bumabalik lahat sa t'wing nagkukulitan

Baka sakali lang maisip mo naman

Ako'y nandito lang, hindi mo lang alam

Matalino ka naman

Kung ikaw at ako ay tunay na bigo

Sa laro na ito ay dapat bang sumuko?

Sana 'di ka na lang pala aking nakilala

Kung alam ko lang ako'y iyong masasaktan

Nang ganito, sana'y nakinig na lang ako sa nanay ko

'Di mo lang alam ako'y iyong nasaktan

O baka sakali lang maisip mo naman

Puro siya na lang, sana'y ako naman

'Di mo lang alam, ika'y minamasdan

Sana'y iyong mamalayan

Hindi mo lang pala alam, oh

Malas mo

Ikaw ang natipuhan ko

'Di mo lang alam ako'y iyong nasaktan

"Bakit andito ka sa labas?" Tanong sa akin ni Dark, tapos na ang videoke session at napagpasyahan ko ng lumabas. Gusto ko maging matapang, pero may limitasyon rin naman ang pagkukunwari ko.

"Wala lang." Sabi ko saka huminga ng malalim. "Dark, mamaya alis sila kuya diba?" Tanong ko, tumango lang sya.

"Okay lang kung sasabihin mo kila Jairus, sasama ako kila kuya pansamantala. Hindi pa kasi ako handa sa set up na to. Alam mo na" sambit ko.

"Sasabihin ko sakanila pero kay Zero hindi. Gusto kong makita kung paano ka niya hahanapin, gusto kong mabaliw rin sya kakahanap sayo katulad mo nung wala siya. You suffered, and I want him to suffer that way" aniya habang tinatanaw ang mga ulap na tumatakip sa sinag ng araw.

"Alam naman naming nasasaktan ka, at ayaw ko yon, ayaw namin. Sa limang taon naming magkakasama you've been a sister that we never had. Sa amin nila Jairus, wala kaming mga kapatid na babae at ikaw yun simula ng dumating ka sa grupo.."

".. And brothers should protect their sister right?" Tumango ako at nagpasalamat, one good thing for being one of the boys is having brothers.

"Don't compromise with him. Kung gusto niya gagawa siya ng paraan, Hindi ka nya itatago kasi wala siyang karapatang gawin yon sa babaeng kayang ipagsigawan na mahal na mahal siya. Wag kang papayag Penelope, nadurog siya ng nawala sya hayaan mo rin syang madurog dahil wala ka"

Pinagisipan ko lahat ng sinabi sa akin ni Dark, gusto kong sundin iyon pero at some point gusto ko ring pagbigyan si Zero. Gusto kong umayaw kasi unfair sa akin iyon, pero gusto kong um-oo dahil baka nga iyon ang solusyon. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kelangan akong itago? Kelangan ako lang yung masasaktan?

This sounds ridiculous pero ang unfair, bakit ako lang? Bakit si Star ayaw nya rin masaktan? Dahil ba mas matimbang sya kesa sakin? Dahil ba mas matagal naging sila?

Bakit ako pwede? Dahil ba papayag ako? Dahil tingin nya desperada na ako?

Wala akong naging sagot kahit isang oras ko ng pinagiisipan iyon, hindi ko na nga napansin na tinapik ako ni Kuya nang magpaalam na siyang umalis. Naalala kong kelangan ko na nga rin palang ipalipat ang mga gamit ko sa lilipatan kong bahay.

Mula sa tatlong taon kong sweldo, nakabili na ako ng two-storey house na malapit lamang sa office.

"Tito, pwede ko po ba kayong makausap?" Bungad ko nang makita ko si Tito na nagbabasa ng libro sa kanyang library, tumango ito at binaba ang libro.

"Diba po, pinagli-leave po muna ako ni Zero? Pwede po bang effective for two months iyon?" Panimula ko

"Kahit online nalang po ako kapag may conference meeting, or may importante pong documents na kelangan ng pirma ko" dagdag ko, mataman nya akong tinignan na para bang sinusuri.

"Para saan ito hija?" Tanong niya

"Pupunta po kasi ang pamilya namin sa Germany for a month, tapos gusto ko rin po sanang magpahinga for another week. Kung makakabalik naman po ako ng maaga ay babalik rin ako agad sa trabaho" sambit ko.

"Should I tell my son about this then?" Tanong niya, umiling lamang ako at tumango naman siya.

"Ang totoo po niyan tito, kelangan ko po muna siyang bigyan ng oras mukha po kasing napepressure ang anak ninyo."

Humalukipkip ito at sinuri ako, tumango ito pagkatapos ng dalawang buntong hinga.

"You can have your leave then, Penelope I will remind you again, ikaw ang gusto ko para sa anak ko." Ngumiti ako at tumango bago umalis.

Nasa sala na silang lahat ng makalabas ako ng library, sumipol si Jairus kaya napatingin ako sakaniya. Mukhang alam na nila. Alam kaya ni Zero?

Nang tignan ko siya ay nakatingin ito kay Star na tila ba gustong gusto nito ang kwinekwento ni Star. Nanikip ang dibdib ko, kaya napaupo muna ako sa tabi ni Jairus.

"Alis ka?" He asked

"Yeah. For two months" sagot ko na pinapaliit ang boses, baka kasi marinig ni Zero.

He ruffled my hair and kiss my cheek "Ang tagal naman mamimiss kita. Be safe, okay?" Ani Jairus kaya tinanguan ko lamang siya.

Tumango lang rin ako sa iba, maliban sa dalawa na batid kong may sariling mundo. Pinasadahan ko ng tingin si Zero bago tumayo at tumalikod paalis. Paalam muna sa ngayon. Till then, O'brien.

Chương trướcChương sau