Chapter 44 Kidnapped

We celebrated Indira's birthday in the island, indeed. We spent our days there, happily. Happy. Yes. I can say that I'm finally happy now. Well, I'm happy with those years with Indira. But seeing her 'this' happy being with his father is what makes me happy too. It makes me... fully happy.

"I'll go first, baby, hm? I really have to do something." Hindi ko ito pinansin at nanatiling nakasimangot. I don't know why though. Babalik lang naman siyang manila, to fix something, pero heto ako, sobra sobra ang pag-iinarte.

"Huwag ka ng bumalik kung ganun." ani ko pa at tinalikuran siya. Narinig ko naman ang marahas niyang pagbuntong-hininga. Hindi ko naman sinasadyang... ganito e. Hindi ko alam kung bakit sobra ang pabago bago ng mood ko ngayon and it's frustrating me! Minsan ay sweet ako sa kaniya, pero kadalasan ay nag-iinarte at nagsusungit.

"No, baby. Ipapasundo ko kayo dito. You'll ride a chopper, baby para mas mabilis. Mauuna lang ako don pero susunod naman kayo."

Hindi. Ayaw ko pa rin. Bakit kasi hindi nalang kami magsabay don. Would that make any difference?! Uuwi rin naman so bakit pa pinapatagal?

Umalis pa rin si Claus kahit na hindi ako pumayag. Masamang masama tuloy ang loob ko habang naglalakad ng mag-isa sa gilid ng beach. Maaga pa lamang at 'yon pa talaga ang ibubungad niya sa akin. Tulog na tulog pa nga ang anak niya e pero ginising niya pa rin ako para magpaalam. Parang tanga. Edi umalis siya!

Napanguso ako habang hawak ang kwentas na ibinigay niya sa akin kahapon. We were both under the sheets, naked. Of course, after we made love, he suddenly gave this to me. He made me wore this and he said that I should keep this dahil special daw ito. Tch.

Iritado pa rin ako sa kaniya kaya tatanggalin ko 'to sa leeg ko.

Pagkatapos kong matanggal ay kaagad ko itong tinitigan. What's special about this? Kung titingnan ay sobrang mahal talaga nito, but what else makes it more special? Kasi siya ang nagbigay? Corny.

Ibinulsa ko kaagad ito at nagsimula ulit na maglakad pero kaagad ring napahinto nang may humawak sa braso ko. Marahas at mahigpit iyon kaya napalingon ako, only to be greeted by a strong punch from someone I didn't know.

My world turned black as I collapsed on the white sand of the beach.

Claus...

---

Nagising ako nang maramdaman ang pagpasok ng tubig sa aking ilong. The impact of the water thrown to me almost made me fall. Good thing, my feet immediately reacted.

I coughed so hard bago dahan dahang minulat ang aking mga mata. I looked at my surroundings and I panicked when it was pure black. I can't see anything!

Parang bumalik ako sa lugar kung saan ako...

No! No! No!

I can't forget this place! Ito ang lugar kung saan ako sapilitang pinainom ng gamot na pampatanggal ng bata! Kahit madilim ang buong paligid ay ramdam na ramdam ko! Ramdam ko kung nasaan ako and I am back to the same place where I... I almost lost my mind!

Gagawin na naman nila sa akin 'yon! Pipilitin nila akong painomin non! They'll kill my baby! My baby! No!

Napaiyak ako.

My head started to throb painfully. Siya... siya na naman ang gumawa nito sa akin?

"Well, well, well..."

I gasped when I heard that familiar voice. I gritted my teeth angrily.

"Turn on the light. Mukhang gising na ang bisita..."

Napapikit ako nang tumama sa akin ang nakakasilaw na sinag mula sa ilaw. I adjusted my eyes t on the light and there... I saw her. Sitting on the chair while smirking at me.

"Hello there... twin."

"H-hayop ka Beatriz!" I shouted. Nagpumiglas ako mula sa pagkakagapos sa akin pero masyado 'yong mahigpit para makawala ako.

Siya... isa siya sa mga pinagkatiwalaan ko dahil buong akala ko ay mabait siya. Pero hindi! Demonyo siyang nagtatago sa katawan ng isang tao! And so can't believe that she's my twin! Putangina! Kinasusuklaman kong may kapatid akong kagaya niya!

"Oh... huwag mo ng subukang kumawala diyan dahil hindi mo rin 'yan magagawa. Mamamatay kang walang kalaban-laban, Beautrin. And then after that... Ako na ang papalit sayo! Ako na ang mamahalin ni Claus!" She shouted at me. Marahas itong tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo at lumapit sa akin. I throw her my deadliest glare.

"Ilusyunada! Hinding hindi mo makukuha si Claus!"

"Oh, I will my twin. I will. Nagawa ko na nga 'yon noong una di ba? But this time, I'll make sure na magtatagumpay na ako. Magtatagumpay ako dahil tuluyan na kitang aalisin sa mundong ito!" she shouted before letting out a victorious laugh. I gritted my teeth. Galit ako sa kaniya. Pero sa kabila nun ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng awa. She... lost her mind. She's too obsessed with Claus kaya nagagawa niya ito.

"B-bakit mo nagawa sa akin 'to? Kambal tayo, Beatriz..." umiiyak kong saad. I want her to understand, that despite if what she did ay... kapatid pa rin ang turing ko sa kaniya. We had a strong bond. We're twins. Nagdadamayan dapat at hindi nagpapatayan!

"Oh. That's because you're a fucking bitch! I don't have any reason why I'm doing this. I just simply hate you, for being you!"

I grunted in pain when she held my hair tightly.

"Triz!" I called desperately, umiiyak.

Claus... Please come and save us. I'm pregnant for God's sake!

"T-tama na, Triz, please!"

"No fucking way! I hate you!"

Wala akong ibang nagawa kundi ang tiisin ang pananakit niya. Iniiwasan ko lang na tumama ang mga kamay niya sa tiyan ko dahil baka kung anong mangyari sa anak ko.

I don't want to lose my baby, again. No. Not again.

"Give me the fucking gun at pasasabugin ko ang utak ng babaeng 'to!"

Napasinghap ako at mas lalong napaiyak sa isinigaw ng kakambal. I... Don't want to die yet! Gusto ko pang makitang lumalaki ang Indira ko. Gusto ko pang iluwal ang pangalawa naming anak ni Claus!

Pero wala na akong magagawa pa kung hanggang dito nalang talaga ako. W-wala na akong magagawa kung hindi papayagan ng Diyos na makapiling ko pa ang pamilya ko.

Isang nakabibinging putok ng baril ang umalingawngaw sa aking tainga. Kasabay nun ay ang pagka-tumba ko sa sahig.

My... stomach hurts and my heart as well.