Chapter 45 Earn

"Shush, baby, it's fine Missus. You're safe. I'm here. I'm here." Ang malambing na boses ni Claus ang huli kong narinig bago tuluyang nagdilim ang buong paligid.

Hindi ko alam kung ilang oras akong tulog, basta pagkagising ko ay sobrang sakit ng buong katawan ko na para bang binugbog ako ng paulit-ulit.

I groaned.

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata at kaagad na bumungad sa akin ang puting kisame. Sa amoy pa lamang ay alam kong nasa hospital na ako.

"W-water..." I whispered huskily.

I tried to move my fingers but it was too numb. Nangangalay ako at parang sobrang bigat pa ng katawan ko.

"C-Claus..." I whispered again. Nang may gumalaw sa gilid ko ay doon ako napatingin. Saka ko lang napagtanto na nandoon pala si Claus. Nakaupo sa isang upuan at nakapahinga ang ulo nito sa gilid ng kamang hinihigaan ko. He's also holding my hand tightly. Kaya siguro hindi ko halos maigalaw 'yon.

"C-Claus... Claus... Monteserio...!" bahagya ng tumaas ang boses ko dahilan para maalimpungatan ang bruho. Kaagad na dumako ang tingin niya sa gawi ko. And when he saw me awake, the brute immediately hugged me. Napapikit nalang ako nang maamoy ang pamilyar niyang pabango.

I used to... love his perfume. Pero bakit ngayon... pakiramdam ko ay bumabaho siya?

Bahagya ko siyang naitulak. Hindi naman ito nagreklamo at tinitigan nalang ang mukha. Nanatili pa ring tulala na mukha hindi makapaniwalang gising na ako. Seriously?

Mukhang napansin yata nito ang pandidiri sa mukha ko kaya kaagad itong nagtanong.

"Bakit, baby? Don't you... like my smell? Or are you hungry, hmm? Tell me." saad nito at hinaplos pa ang aking pisngi pero umiling lang ako at umismid rito.

"I don't like the way you smell, Claus. Ang baho baho mo. Naligo ka ba?" pinigilan ko ang sariling singhalan ang lalaki.

I thought he would be angry or get offended of what I said pero umiling lang ito at ngumiti sa akin. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng irita rito.

"I took a bath, baby. And, what's wrong w in th my small? You used to love my perfume. Ikaw pa nga ang nag-suggest na gamitin ko 'to e." ani nito at napanguso. "Kagigising mo lang pero sinusungitan mo kaagad ako."

Hindi na ako sumagot at bahagyang na-guilty. I didn't mean to feel that way. Epekto lang siguro ng pagbubuntis ko. Pero kasi, hindi naman ako ganito dati noong buntis ako kay Indie? Kaya nakakapanibago pa rin.

Buntis.

Buntis ako.

"How are you feeling, hmm? Do you want me to call the doctor---?"

"Where's my child?! Is... is my child still here?" naiiyak kong tanong rito nang maalala ko ang lahat ng nangyari. Muntik ko ng makalimutan kung ano ang dahilan kung bakit ako nandito.

I was kidnapped... Beatriz kidnapped me! Pinahirapan niya ako----and....

"Our baby is safe, Missus. Don't worry, hmm? Are you hungry? Do you want to eat?" nakahinga ng maluwag sa unang sinabi nito. Hinawakan ko ang aking tiyan na hindi pa naman halata ang umbok. I caressed it and unconsciously smiled.

"Should I call the doctor, baby?"

"I'm fine..." mahinang sagot ko habang patuloy sa paghaplos sa aking tiyan. Narinig ko ang buntong hininga niya bago siya tumabi sa akin at inakbayan ako.

Kaagad akong napasimangot nang maamoy ang pabango nito pero hindi nalang ako nagsalita. Saka na siguro kapag diring diri na talaga ako.

"Si... baby ko?" tanong ko at napakunot pa ang noo.

Nilingon ako nito at bahagyang nginisihan. "Nasa tabi mo na ako, Missus."

Sinamaan ko ito ng tingin. "Ang kapal ng mukha mo. Iyong anak ko? Si Indira? Is she safe? Is she alright?"

"She's fine too. Sumama lang siya kay Miya at Raf na umuwi na muna. Our daughter doesn't want to sleep because she was worried of you but I forced her to go home and rest. Mamaya pa 'yon pupunta dito."

Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag may masamang mangyayari sa Indira ko.

Saglit akong natigilan. Nag-angat ako ng tingin dito. He was already looking at ke kaya nasalubong ko ang kaniyang mga mata na matiim ang pagkakatitig sa akin. Right there and then, alam kong alam na niya kung ano ang itatanong ko rito.

"She's... still in the hospital, baby. I shoot her and it was kinda bad so... But don't worry, hmm? No one will harm you again. No one will harm my family ever again, baby. I've put my men inside her room and outside too, so there's no possibilities for her to escape."

I sighed.

Nakaramdam ako ng lungkot doon. I am really disappointed at my twin. Akala ko ay... I know that there's something fishy about her pero hindi ko inaakalang... magagawa niya sa akin 'yon. All this time? Siya ang may pakana ng lahat.

"She loves you so much. She's obsessed." I muttered. Hindi ito sumagot, bagkus ay yumakap lang sa aking gilid. He buried his face on the crook of my neck. I shivered when I felt his warm breath there.

"Kaya niya nagawa... ang lahat ng 'to."

"No. She's sick in the head, baby. She's not in love and you're right, she's obsessed."

Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik. Somehow, I feel warm, calm and safe around him, around his embrace. Hindi naman yata nagbago 'yon. Kahit na sinaktan niya ako ay feeling ko safe pa rin ako sa piling niya. Isa yata 'yon sa hindi nagbago sa akin.

Mahal ko pa talaga ang bruho. Pero... ang hirap ng talagang magtiwala.

"Napatawad... mo na ba ako?" mahina kong tanong rito. He stiffened for a bit but then relaxed after some time.

"No." saad nito na nagpanguso sa akin. Bahagya akong nairita. "Because from the start, there's nothing to be apologized of. Hindi mo kasalanan 'yon, Love. That's not your fault. It's Beatriz's fault, hmm?" humiwalay ito mula sa pagkakayakap sa akin bago nito ikinulong ang aking pisngi sa kaniyang kamay. He caressed it gently. I can almost see the adoration and love he has for me. But is it... for real this time?

Napanguso ako. "Sinisisi mo nga ako nun e. Masakit dito oh." Itinuro ko ang aking dibdib. "Kaya hindi mo ako masisisi kung... wala na akong tiwala sayo ngayon, Claus. And if you really want to be with me, if you really love me, you'll work hard to earn back my trust."

"Of course. Of course, my love." ani nito bago ako niyakap. Napapikit ako at napangiti.

Masalimuot ang mga pinagdaanan namin. But still, here we are, finding each other's arms back. Mahigpit pa rin kaming magkayakap sa huli.

May mga mali man kaming naging desisyon, ang pinaka-importante nun ay may natutunan kami.

We sailed in the middle of a stormy weather. And now, we'll be ending it with a rainbow up above.

END THE END THE END THE END