Chapter 39 Abort
I fell asleep in his arms that night. Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napakunot ang noo ko at dahan dahang bumangon. I'm in our unit's room. How did I---
I shook my head before getting out of the bed. Humihikab pa ako habang papasok ng banyo.
Wala akong halos maalala kung anong nangyari kagabi. Basta, nakatulog na ako pagkatapos ng kalandian ko. Ha! I rolled my eyes. I don't even know why I let him do the things that he's doing right now. I mean, malinaw na di ba? I've moved on. Or did I, really?
I rolled my eyes.
Mas kilala ko ang sarili ko at alam kong tapos na ako sa kaniya. It's just that... I'm feeling so attached to him. And I'm even loving the way he touch me. I love his warmth. His scent. I even thought I'm addicted to it. Naalala ko pa kung paano ko siya singhotin kagabi. I even heard how he laughed at me while I was doing that.
I sighed.
Ipinagsawalang bahala ko nalang ang mga bumabagaba sa isip ko bago tuluyang lumabas ng kwarto matapos makaligo at makapagbihis.
Indira, Raf and Miya were in the living room. They too engrossed with their talk na mukhang hindi pa nila napansin ang pagdating ko, maging si Indira ay nakangusong nakikinig sa dalawa na pinapagitnaan siya.
I faked a cough dahilan para mapalingon sa akin ang tatlo. Indira's eyes widened before she smiled at me. Umalis siya mula sa pagkakaupo at kaagad na nagpakarga sa akin.
I kissed her cheeks. "I missed you today, Mommy..." she pouted. Napatitig ako sa abo niyang mga mata. I sighed. It feels like I am staring at Claus' soul.
Hinaplos ko ang buhok ng aking anak bago paulit-ulit na hinalikan ang noo nito. "I missed you too, baby..."
"Hindi ka na alis, My? Me, Uncle Raf and Tita Miya were planning for my birthday party. I'm so excited, Mommy! When are we going back to the island?!" I just chuckled. Napatingin ako kina Miya at Raf who are both silently watching us with the smile on their face.
"How about we go there next next day?" I asked. Tinaasan ko ng kilay ang dalawa kung okay lang ba sa kanila.
Sabay namang napairap ang mga ito. "Actually, ikaw lang talaga ang hinihintay namin."
Oh. Then, that's great.
***
We spent the whole day planning for Indira's upcoming birthday. When lunch came ay nagpa-deliver nalang kami dahil pareho kaming pagod mentally.
Ang hirap palang magplano ng birthday lalo na't sobrang high maintenance nitong magbi-birthday. She's not requesting for something grandiose, but she really knows how to look for expensive things. This little girl. Pakiramdam ko ay mas lalong sasakit ang ulo ko paglaki nito e.
We rest for a bit before we continue. Natutulog si Indira sa hita ko nang bilang tumunog ang cellphone ko. My eyebrows furrowed because it was an unregistered number, but the I still ended up answering it. Bukod sa ayaw kong magising si Indira dahil sa tunog ay kuryoso din ako sa kung sino ang tumatawag.
"Hello?"
"Beautrin. We need to talk. I'm in the rest area of the building. Come down." Kilalang kilala ko na kaagad kung kaninong boses ito. I sighed. Instead of declining at umusal ako ng mahinahong oo bago ibinaba ang tawag.
The two state at me curiously.
I just shrugged before carrying Indira in my arms.
"Ilalagay ko lang sa kama tas bababa na ako dahil may kakausapin lang ako sandali," I said. Tumango lang din sila at magkasabay na humilata sa sofa at pumikit.
After I tucked Indira to our bed at kaagad na akong nagbihis. Nang makalabas ng kwarto ay nakanganga na ang dalawa habang nakahiga. My forehead creased. They look... exhausted. For real. Hindi ko alam kung anong nangyari, but this too seems too quite today. I'm confused dahil usually sobrang ingay nitong dalawa kapag magkasama. Kung hindi nagbabangayan ay nagrarambulan naman.
Pero ngayong araw, they're... too quite. Kinakausap lang nila ang isa't isa kapag nagtatanong ako. It makes me wonder tuloy kung anong nangyari kagabi. Or did I missed something?
I shrugged.
Whatever it is, I hope they fix that now. It's awkward na ako na ngayon ang nagmumukhang maingay sa aming tatlo.
Pagkalabas ko ng unit ay kaagad na akong sumakay ng elevator at dumiretso sa resting area. She was alone while comfortably sitting on the couch.
I bit my lower lip before calling her. "Beatriz."
Kaagad itong lumingon sa gawi ko. Napakurap ako ng ilang beses at bahagyang napaatras nang makita ang namamaga niyang mga mata. Her eyebags is so visible. Mukha siyang ilang araw ng hindi natutulog. Pero ang mas kapansin pansin ay ang galit sa mukha at mga mata niya habang nakatingin sa akin.
This is not... Beatriz.
"A-anong... anong nangyari... sayo?" dahan dahan kong lumapit sa gawi niya. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa habang nakatitig sa kakambal ko.
"Seriously, Beautrin? Nagawa mo pa talaga akong tanungin niyan?! Ha?! After you slept with Claus?! Tatanongin mo talaga ako kung anong nangyari?! Well fuck! You happened!" matigas at mariin nitong sigaw sa akin. Napatayo ito at buong galit na dinuro ako. Tears welled on the side of her eyes. She looks defeated, angry... and betrayed.
"S-sana hindi ka na bumalik e!" she shouted. Wala akong ibang nagawa kundi ang titigan siya habang galit na nagsasalita sa harap ko. I... actualky don't know what to do.
"I-If you didn't slept with Claus back then! Edi sana natuloy pa rin ang kasal namin! Kung hindi ka nagpabuntis sa kaniya, edi sana hindi niya tinigil ang kasal!" I gasped when she kneeled in front of me habang umiiyak.
"I was walking on the aisle, Beautrin! Naglalakad na ako papunta sa kaniya pero tinigil niya at umalis siya! Iniwan niya ako sa gitna na umiiyak!"
Sumakit ang dibdib ko. I exactly don't know what happened to them, pero masakit. Nasasaktan ako para sa kakambal ko.
I crouched and tried to reach her pero kaagad niyang tinabig ang kamay ko.
"Buong akala ko ay okay na kami! He confessed na may nangyari sa inyo e! Sabi niya di niya sinasadya kasi ako lang ang mahal niya! He was honest to me!" She looked at me with tears in her eyes. "I asked him, paano kung nagbunga? And you know what he told me?" suminghot siya at dahan dahang tumayo. She wiped her tears like nothing happened. I blinked multiple times. What... was that?
She let out a triumphant smirk. "He told me na wala siyang tatanggaping anak mula sayo because he loathe you. He told me na ipapa-abort niya ang bata. He will kill his own child if it's with you. Do you understand me, Beautrin? Wala siyang tatanggaping anak kung mula sayo. What he is doing now, is just for revenge because you killed his child too noon, hindi ba? Pina-abort mo ang anak niyo para lang sa career mo? He is seeking for revenge, Beautrin. Hindi ka niya mahal at alam kong ako pa rin. Ako pa rin ang mahal niya and once that he's done avenging his child that you killed, maiiwan kang lugmok sa lupa because he'll choose me again. He'll choose me, just like what happened years ago."