Chapter 38 Sober

The next days we were busy. Nagkaroon ng kaunting problema sa boutique kaya kinailangan naming bumiyahe papunta doon ni Raf kasama si Miya at Indira of course.

Hindi na kami ulit nagkausap ni Claus after what... happened to us. Realizations hit me so hard after all the things that happened. I am angry at Claus but I am more angry to myself for giving in that easily. I became a slave to my libido.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na umikot ang mata ko habang inaalala ang mga nangyari. He kept on calling me, he even texted pero wala akong binasa ni isa man don.

I want to explain to him that what happened between us, is just nothing but a thing we call sex. It's normal. We're both of age. We're adults kaya natural lang 'yan. I'm not even making it a big deal, but I think he is.

After two days at bumalik din ulit kami sa Pilipinas. And this time, Rafael was already planning for our short vacation in Isla Azulah Verde. Indira was so excited. Gustong gusto niya talaga sa islang 'yon at hindi ko naman masisisi ang anak ko. It's beautiful there.

"Punta daw tayo sa BlackLabel mamaya. Tamia wanted to have some fun with us dahil matagal na rin naman noong huli tayong pumunta sa bar na 'yon."

BlackLabel. It is where we usually hangout. Kaming tatlo ni Miya at Tammy noon. Kahit naman noong college pa kami ay suki na kami sa bar na 'yan. Kilala na nga kami ng may-ari e.

"Hm... Nakauwi na pala sila dito? I thought that they'll be staying in the island muna dahil doon niya gustong manganak?" I asked Miya but she just shrugged.

"Sabi niya lang may dadamayan daw ang kabigan ng asawa niya. Brokenhearted daw e. Parang ginawa yatang fubu."

Napakunot ang noo ko ng ngumiti ito sa akin ng nakakaloko. "What?"

"Wala." humalakhak ito at napailing. "Baka lang naman ikaw ang salarin. Ginawa mong fubu si Monteserio di ba? Damn, what a big blow for his ego. Isang Saint Claus Monteserio ginawa lang parausan ng Oleya Beautrin namin?"

Napakurap ako. My lips parted. P-parausan?! Hell no!

Napangiwi ako. S-slight lang siguro.

***

When night came ay nagpaalam ako kay Indira na aalis muna ako at maiiwan na naman siya sa Uncle Raf niya. Wala naman siyang naging reklamo. She just let me and she even said that I should enjoy the night and that, pwede daw'ng huwag nalang akong umuwi. The heck?

Buong akala ko pa ay nagtatampo ang anak ko pero nagpahabol pa ito ng salita. Galingan ko daw sa pag-giling para may baby brother na siya?

That was embarrassing. But I know that Rafael is the culprit again.

Nostalgia hit me when Miya and I were finally outside the BlackLabel. Sa entrada pa lamang ng bar ay kitang kita ko na ang nakangising si Silvano, the bar owner. May hawak itong isang bote ng inumin sa kaniyang kaliwang kamay habang humihithit ng sigarilyo.

"Damn! The Boss Queen is here!" he shouted enthusiastically. Mas lumawak ang ngiti ko at kaagad na hinalikan ang kaniyang pisngi. Nagkamayan naman sila ni Miya na ngayon ay nakangisi na rin.

"Akala ko hindi na pumupunta sa pipitsuging bar ang isang Oleya Beautrin e." He chuckled. Papasok na kami ngayon ng bar habang pinapagitnaan namin siya ni Miya.

Pipitsugin? I huffed. Malayong malayo sa pipitsugin itong bar niya. Pumapangalawa ito sa Catastrophe, an elite club for everyone who can afford.

Umiling nalang ako.

Napapatingin sa amin ang ibang mga tao sa bar at maya maya ay bubulong sa mga kasamahan. Napailing nalang ako.

Pumasok kami sa isang VIP Room na nasa second floor. I thanked Tammy for reserving us a VIP room lalo na't ayaw kong makihalubilo ngayon sa ibang tao.

Nang makapasok kami ay kaagad akong napanguso nang makita si Tammy at nasa gilid nito si Euler. Akala ko ba kami lang?

"Babies ko!" napailing ako at napahalakhak nang tumayo ito at kaagad kaming niyakap ni Miya.

"Shit, Silvano! Tagal na nating di nagkita ah! How's life, mah men?!"

"Fine, mah men!" Napairap ako at napatingin kay Euler na nanatiling nakaupo ngunit matalim ang tingin nito kay... Silvano? Tch. I laughed mentally. Nagseselos siya? E bakla naman 'tong si Silvano.

Nang umupo kami sa paikot na sofa ay kaagad ng nagsimulang lumaklak si Silvano. Natawa nalang kami. He's on my left side habang sa right side ko naman si Miya. Sa harapan namin ay ang mag-asawa.

"What are y'all waiting for? Order na! My treat for tonight since matagal ko ng hindi nakikita itong tatlong mga paborito kong customer!" Silvano said. My eyes twinkled at that.

"I'm pretty, Sil, kaya exempted muna ako ngayom sa libre mong alak," natatawang saad ni Tammy.

"I know right. Nandito naman si Boss Queen at Miya. Kayang kaya nila akong sabayan ngayon!" napangiwi ako ng sabay sabay silang tumawa. Wala namang nakakatawa at saka, ayaw kong uminom ngayon e. Except sa parang nababahuan ako sa amoy ay umiiwas din ako na baka... may kung ano na namang mangyari kapag lunod ako sa alak.

"I'll pass for tonight. Buntis din ako." halakhak ko pa. It was supposed to be a joke pero mukhang sineryoso nila 'yon.

Nalaglag ang panga nila, even Euler was caught off guard at what I said. Seryosong silang napatitig sa akin. Naramdaman ko pa ang pagsiko ni Miya sa aking gilid.

I coughed before laughing. "That's just a joke! Hindi ako buntis! A-ang seryoso niyo naman masyado e." natatawa ko pa ring ani. Maya maya ay natawa na rin si Sil bago ako akbayan. Si Tammy naman ay napatitig sa akin ng mariin bago ngumisi at napailing. Euler was... Oh well, busy as phone niya. Mukhang sumama lang ito ngayon para mabantayan ang asawa.

After that awkward moment, at umorder nalang si Sil at Miya ng maiinom. I only drink an orange juice. I don't even want to taste a bit of alcohol today. Wala akong gana.

We were enjoying ourselves from talking when I suddenly felt an arm dropped on my shoulders. Nilingon ko si Silvano sa buong pag-aakala na siya ang umakbay pero hindi naman.

"Euler, thanks for inviting me, man." That baritone voice made me sit still. Napalingon din si Silvano at kaagad na nanlaki ang mga mata. I heard Miya and Tammy's fake cough

The bastard signalled Silvano to move away and I was still frozen in my seat. What? Napatingin ako kay Euler na nakangisi na ngayon at naiiling.

Claus' familiar scent embraced my nostrils when he sat on my left side. His arms downed go my waist. Halos hindi ako makahinga nang bahagya ako nitong buhatin at iniupo sa kaniyang hita.

And everyone saw that! Nakita ni Miya, ni Tammy, ni Euler at mas lalo na si Silvano!

Narinig ko ang halos magkasabay na pag-ubo ng apat habang ako naman ay napanguso.

I don't know what's happening but I just found myself burying my face into his chest. I suddenly love his warmth and scent and it's frigging not okay!

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking likuran at ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo.

Damn. What's happening again? I'm not drunk, right? I'm perfectly fine! I'm sober!