Chapter 49: Uncle

Vanessa

The doorbell rang and my heart beats abnormally again. Naalala ko na naman ang aking panaginip. Agad kong iniling-iling ang aking ulo at saka kinalimutan ang mga tagpong iyon.

“I think they’re here, honey.”

Inilahad niya ang kamay niya sa akin at kahit kinakabahan ay agad kong inabot ang kaniyang kamay.

“It’s fine baby. No one will harm you. I won’t let bad things happen to you, Hon.” He kissed my head and held my waist as we walk towards the main door.

Ang sinabi niya kanina, matapos niya akong mapakalma at dalhin sa kusina upang makainom ng tubig at mahimasmasan, sinabi niya sa akin na pupunta ngayon ang mga magulang namin. Magtatampo pa nga sana ako na siya ang kausap ng magagaling kong mga magulang imbes na ako pero nang banggitin niya na kasama ang pamilya ni Alejandro dahil gusto akong makausap nang masinsinan, kinabahan ako.

Hindi sa wala akong tiwala kay Alejandro pero sa panaginip ko kasi…

Napahinga ako nang maluwag nang makita sina Mommy na nag-uusap nang masaya sa harap ng bahay. Agad niyang binitiwan ang daddy at saka lumapit sa akin para yumakap. Agad nanubig ang aking mga mata dahil na-miss ko sila. Matapos kasi ng aming kasal ay hindi ko pa sila nakakausap muli.

Agad na sumunod si daddy at saka ako hinalikan sa tuktok ng ulo. Nakipag-beso ako sa mga magulang ni Haines at mangiyak-ngiyak na yumakap pa sa akin ang mommy niya. Samantalang nakipag-beso rin si Haines sa mommy ko at yumakap naman kay dad sabay tapik ng daddy sa balikat ng asawa ko.

Lumingon ako sa asawa ko na malawak ang ngiti, umaabot sa kaniyang mga mata. “Nasaan na po pala sina Alejandro?”

“Oh! Sabi malapit na raw sila eh. May dinaanan pa kasi,” saad ng mommy ni Alejandro.

They sounds so casual and comfortable talking about Alejandro. Paano nga ba talaga nila napapayag ang isang iyon at ang pamilya na hindi na ako pakasalan?

“Hihintayin pa ba natin o mauuna na tayo sa loob.”

“Let’s get inside now. May mga dala pa tayo riyan sa likod,” Dad said and opened the trunk. Agad naman nanlaki ang mata ko ng may cake siyang i-abot kay Haines.

Napasilip ako at nakitang maraming pagkain ang naroon. Piyesta ba? Sinong may birthday?

“Dy, parang ang dami naman ng foods.”

Napatawa naman sila sa tanong ko at saka ako inakbayan ng asawa ko. “Kung nanghihinayang ka, kailangan mong maubos lahat ng tira.”

Sinamaan ko siya ng tingin dahil nagsisimula na naman silang asarin at pagtawanan ako. “Biro lang, honey. Ipamimigay nina Mom ang tira sa mga nakatira sa kalye.”

Napatango ako at saka napangiti. Ang babait nila, ako lang ang hindi. Niluwagan ko ang pagkakabukas sa gate at saka sunod-sunod na silang nagpasukan na may bitbit na mga bilarong malilit. May dala pang wine sina Dadddy at ako ang nagdala ng dalawang bote na iyon. Ako na rin ang nagsara ng trunk at saka sinipa na lamang ang gate at hindi na ini-lock.

Anytime, darating na sina Alejandro. I wonder how the talk would go. Parang kinakabahan ako na natatakot pero dahil kay Haines at sa mga magulang namin, naging kampante na ako.

Ibababa ko pa lamang ang wine sa lamesa nang tumunog muli ang doorbell. Agad na kumabog muli ang puso ko. Naka-program na yata ang kaba ko kapag may nakakarinig ng doorbell.

“Sila na iyan!” Lalo pa akong kinabahan sa excited na pagsigaw ng mommy ni Haines. Lumapit sa akin si Haines at saka naglakad na ulit kaming lahat palabas para salubungin sila.

Nasa likuran kami nina Mommy. Agad akong nanlamig nang makita ang mga magulang ni Alejandro na napakagaganda ng mga tindig sa labas ng gate namin. Sa unang tingin pa lamang ay makikita mo na agad ang nagsusumigaw nilang kayamanan at kapangyarihan. Kahit gaano pa sila kayaman, hindi ko pangangaraping makasal kay Alejandro.

At nang magyakap ang mommy ni Alejandro at ang mommy ni Haines na tila close na close, napaisip na ako sa kanilang mga kilos. What might be the meaning of this?

Mas lalo akong nagulat nang hilahin ako ni Haines para lalong mapalapit sa kanila. Nasa gilid si Alejandro ng daddy niya kaya hindi namin agad nakita.

Hindi katulad ng nakikita ko dati at kanina na napaka-lakas ng aura niya, na halos manginig ang tuhod ng mga taong hindi nakakakilala sa kaniya, ngayon, para siyang maamong tupa na nakatingin sa asawa ko na nakangiti naman sa kaniya.

Eh?

Nakikita ko sa mga mata ng pamilya ni Alejandro ang paggalang sa pamilya ng asawa ko. Ano bang meron?

Hinawakan ako sa likod ni Haines at saka iginiya sa harap ni Alejandro.

“Meet my wife, Vanessa.”

Ngumiti si Alejandro. Nagulat pa ako dahil totoo ang kaniyang ngiti maging ang pinapakita ng kaniyang mga mata. Ano bang mayroon sa kanila? Mababaliw na ang magandang dyosang si ako.

“Hi, Vanessa. I hope you are doing fine today and my uncle here is taking good care of you.”

Uncle?!

Wala namang kapatid si Haines eh. I saw Haines smirked that only I, can see on his side. Uncle?

“Honey…” Pagkuha ni Haines sa atensyon ko.

Napalunok ako at saka lumapit lalo kay Alejandro na sobrang tinong tingnan ngayon. Last time I checked, he’s been looking at me with those hungry, disrespectful eyes. So takot siya na uncle niya?

Magka-ano-ano kaya sila? Pero for sure, relatives sila. Malamang, Vanessa, tatawagin bang uncle kung trip lang niya talaga.

At iba talaga ang nararamdaman ko ngayon dahil pakiramdam ko ay mas makapangyarihan sina Haines sa pamilya nila pero paano iyon mangyayari na pati silang dalawa, konektado pala?

“So, honey, Alejandro here is my cousin’s son from my mother’s side. Tita Shane and Mom are sisters. I haven’t told you about this before, I’m sorry.”

Pinigilan kong manlaki ang aking mga mata pero ang pagkabog ng puso ko ay hindi pa rin mawala-wala. Ibig sabihin, parang pamangkin na niya itong si Alejandro kahit na mas matanda ito sa kaniya. At sabagay, may edad na rin ang magulang niya.

I remembered how their social class has a very high respect to their family. Is it coincidence or destiny done this? Parang ang imposible kasing mangyari na sa tagal kong nakatakda kay Alejandro, heto at may koneksyon pala siya sa asawa ko. At imbes na siya ang mapakasalan, heto at kasama ko na sa iisang bubong ang asawa ko.

God has better plan for us talaga. Talagang sinusubok niya lang tayo kung hanggang saan ang kaya natin at ang paniniwala natin sa Kaniya.

“And? What happened to the wedding? I thought it will be him…” saad ko sabay nguso muli kay Alejnadro. Maganda naman ang labi ko kahit na ngumuso pa ako nang napakahaba.

“Honey, I will tell you. We will tell you later when we got inside.”

Tumango na lamang ako. Nauna na kaming pumasok sa loob at napansin ko na naka-yuko pa sina Alejandro at ang mga magulang niya na akala mo ay mga sunud-sunuran sa pamilya nina Haines.

Kating-kati na akong malaman ang koneksyon nila dahil alam kong maliban sa pagiging magkamag-anak ay may iba pa. Hindi sila aakto nang ganiyan kung hindi nila nire-respeto nang lubos ang asawa ko.

Alam kong makapangyarihan ang pamilya nina Haines pero kailanman ay hindi niya ipinaranas sa akin ang karangyaan nila dahil sa pamumuhay nila nang simple maging ng kaniyang mga magulang na sobrang humble at down to earth.

Naupo si Haies sa kabilang dulo ng upuan at sa katapatan niya ay ang ama niya. Sa kanan niya ako umupo, kahanay nina Mommy at sa kanang bahagi naman ni Tito si Tita na kahanay naman ang pamilya nina Alejandro.

Nakakapanibago! Nararamdaman ko ngayon ang kapangyarihang mayroon ang pamilya ng asawa ko. Samantalang sina mommy ay chill lang. Mga pa-cool talaga ang mga ito kahit kailan.

“So…” Daddy Jeoff as he looks at his son. Tumango naman si Haines at saka tumingin sa akin at hinawakan ang aking kamay.

“Honey… kasi ganito iyan…”

He started telling stories and it just made me speechless.

Haines is the real heir of their ancestors left assets but he never wanted that as well as his mother and just wanted to live a simple life with Daddy Jeoffrey here in the Philippines. So as a condition, he suggested that it should be Alejandro who must handle the biggest company in Spain that Haines, must be the one to take over. Ipinaubaya na niya kay Alejandro ang kumpaniya na iyon sa kondisyon na aalagaan niya ang kumpaniya at walang anumalya na mangyayari na ikakasira ng pinaghirapang negosyo ng mga lolo at lola nila. Kung may magawa siyang ikasisira, he will automatically get back the company.

Alejandro, even if dominant, he applies it outside, most specially about his personal concerns and not within the company. Kaya pala hanggang ngayon, napakaganda nang pagpapatakbo sa kumpaniya, dahil iyon ang kondisyon. Kahit mabagsik si Alejandro, pagdating sa kumpaniya, kailangan ay matino siya. At ang mga kasama niya ngayon, hindi pala niya magulang at mga lolo at lola pala pero kailanman ay hindi sinabi sa amin. I am not interested with his family anyway.

Nabanggit din ni Haines na mabait si Alejandro at close sila noong bata pa siya. They are like brothers. Kahit mas matanda ng ilang taon si Alejandro, mas may paggalang pa rin siya kay Haines dahil sa level sa pamilya, mas mataas si Haines sa kaniya.

“So, we flew to Spain to talk to him and stop his fantasy of marrying the woman I love. Our team in the Philippines are starting to take down all the footages of his reckless announcement that he will marry you…”

Naramdaman ko ang panggigigil ng asawa ko, maging ang kapit niya sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang seryoso magsalita. May kilabot sa tono. Napatungo si Alejandro at ang pamilya niya. “It took them a week to take it all down and another week just to make sure everything is clean. He then announced that it is me whom you must marry and not him. That there is just a misconception on what he has said before. We then published it and it was also in the news, honey. I just told your sister that she must be kin on watching you watch television or browsing in the internet.”

Hinaplos niya ang kamay ko at saka uminom ng tubig. Tahimik lamang kaming lahat na kasama niya, nakikinig. “We then settled things for the wedding for almost two weeks. By the way, Alejandro helped me with the contacts and our friends are the one who took care of the details. If you are wondering why Alejandro wasn’t able to attend a wedding, it is because there is an emergency with the company. Naka-abot siya sa reception kaso naka-uwi na tayo.”

Hala oo nga. Ano palang nangyari sa reception kung wala naman ang groom at bride. Ewan ko ba sa pauso ng asawa ko.

“Don’t worry baby, we will get married again here in the Philippines or wherever you wanted it to be.”

Nanahimik siya at saka uminom muli ng tubig. I heard dad coughed.

“Uh-Vanessa… I just want to say sorry for my behavior last time. I know, I somehow made you scared. If only I knew that he is your lover, I have made way to stop the wedding. I respect my uncle so much that it embarrasses me to face him now," he said, so sincere that it touches my heart.

Hinaplos muli ni Haines ang kamay ko gamit ang hinlalaki niya. Sumunod ay ang mga magulang niya na humingi rin ng paumanhin sa akin.

Umubo ako para matanggal ang nakabara sa lalamunan ko at saka ngumiti sa kaniya. “It’s fine.” Maiksi pero sapat na iyon para maipakita ko na maayos at malinaw na sa akin ang lahat.

Napangiti siya at saka tumango. Biglang gumaan ang paligid at nawala na iyong bigat kanina.

“So now, let’s eat,” Mommy Helen said and claps her hands.

Nang tanggalin namin ang mga tabon ng mga pagkain ay agad na pumasok sa ilong ko ang amoy na iyon.

Biglang umikot ang aking tiyan at saka ako napahawak sa aking bibig at tumakbo sa sink.

“Fuck, honey!” I heard Haines said as I heard the other people in the room yelped at my reaction.

I felt a hand on my back that made me puke more. I heard Haines cussing as I heard shrieks of happiness on the whole room.

Why are they cheering?