Chapter 48: Nightmare
Vanessa
“Who says you can marry other guy than me? Vanessa, you are promised to get wedded to me. You must die!”
Napahawak ako sa aking leeg nang liikin niya ako at unti-unti na akong tumataas mula sa sahig. Bakit kami lamang ang naririto? Nasaan si Haines?
Kahit nahihirapan ay ipinalibot ko ang paningin ko sa kung nasaan kami. Nakita ko ang dagat. Nasa yate kami at umaandar ito. We are in the middle of the sea.
How… how come we get in here?
“You kidnapped me? Alejandro, can you please let me go and live in peace? I just want to live normally!” umiiyak kong paki-usap.
Bigla niya akong binitiwan kaya bumagsak ako sa sahig. Habol-habol ko pa ang aking hininga at saka napahawak sa aking leeg.
Mas lalo akong nangilabot at kinabahan nang may hinugot siyang baril mula sa suit niya at itinutok sa akin.
“No!” Unti-unti akong umurong at halos himatayin na nang mapsanndal sa matigas na bagay.
“You cannot run from me anymore. Before I kill you, I am going to taste and enjoy your body. Prepararse, pera.”
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang magsisigaw ng no nang napakalakas hanggang sa mamaos ako.
Nang makuha ko na ang balance ko at makatayo, saka ako tumakbo papalayo pero agad niyang nahaklit ang buhok na nakapagpabalik sa akin.
Ang sakit! Fuck! Haines, where are you now?
“Of course, before I kill you, I have killed your fucking husband first. No one should marry you. You know that, Vanessa. If only you became a good girl.”
Tila nabingi ako sa aking narinig, napipi at nanigas ang katawan. No! Hindi pwede. Hindi maari!
“Hayop ka! Hayop ka, Alejandro!” Sinipa ko ang kaniyang pagkalalaki at saka nagtatakbo palayo. Parang baliw at wala na ako sa aking sarili nang makita ang napakalawak na karagatan at ang malalakas na alon.
“Where are you going, bitch?!”
Wala akong matatakbuhan! Fuck! Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Bakit nangyayari ito sa akin?!
Mas lalo siyang lumalapit sa akin, ang kaniyang mabibigat na hininga at ang mga malulutong niyang mura sa lengwaheng Espanyol ay rinig na rinig ko na.
Nakahawak ako sa railing ng yate at isa na lamang ang tumatakbo sa aking isipan. Kailangan kong makatakas dito. Ayaw ko pang mamatay pero nang maisip na pinatay niya ang asawa ko, parang gusto ko na rin lang mamatay.
“Where are you going? You cannot run away from me.”
Isang patak ng luha bago ko binuhat ang aking sarili at saka tumalon sa yate.
The last thing I heard was the gun shot.
Bigla akong napabangon, hinahabol ang aking hininga. Inilibot ko agad ang paningin ko sa aming kwarto at nang makita ang oras na alas-tres pa lamang ng madaling araw ay medyo nahimasmasan ako. Patuloy sa pagtulo ang aking mga luha.
Mas lalo akong naiyak nang makita ang likuran ng asawa ko, mahimbing ang pagkakatulog sa tabi ko.
Bwisit na panaginip. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at saka bumangon. Hanggang ngayon ay napakabilis pa rin ng tibok ng puso ko. Why did I have that kind of dream?
May ibig sabihin ba iyon?
Nang bumalik sa kama ay nagpupunas ng mga mata ang asawa ko bago ako pinahiga sa kaniyang braso.
“Why is my wife awake at this hour? Gusto mo pa bang um-isa?”
Hindi ko magawang tumawa sa biro niya at niyakap siya nang mahigpit. Pinigilan ko ang sarili ko na maiyak. Hindi ko kayang mawala si Haines sa tabi ko.
I hate deaths so much!
“Oh! Something is wrong with my honey. What is it?” he asked, getting so concerned with made me level my face to his.
Nagtatanong ang mga mata niya at pilit na kinakausap ang aking kaluluwa.
“I just dreamed of Alejandro,” matapat kong sagot at saka yumakap muli.
Kanina, nang makarating kami sa bahay ay nasa likuran lang pala namin ang doctor na titingin sa kaniya at laking pasasalamat ko na nakalma niya agad ang sarili niya.
Nalaman ko na, isang araw, nang lumabas sina Haines kasama ang mga magulang niya para pumunta sa Mall, mga edad 24 na siya, nang dumugin sila ng mga fans ng kanilang kumpaniya. Naipit siya noon, pinaghihihila ng mga tao at nagkaroon pa nang maraming galos. Simula raw noon, kapag pumupunta siya sa mall at marami ang tao, nanginginig siya kaagad at natatakot. Kaya hindi na niya tinangka pang pumasok muli sa mga pampublikong lugar.
Hanggang ngayon, hindi pa rin niya nababanggit sa akin ang tungkol kay Alejandro. Paano ba naman kasi, sobrang busy niya sa katawan ko na hindi na maalala na may kailangan pa siyang ipaliwanag sa akin.
Hinila niya ako papalapit sa kaniya, halos nakapatong na ako at saka hinalik-halikan ang tuktok ng aking ulo.
“I’ll tell it to you, later, honey. For now, let us sleep first. Masyado pang maaga at inaantok pa ako. Kailangan mo rin pong magpahinga dahil anong oras na tayo nakatulog.”
Mukhang wala nga siyang balak na sabihin sa akin o talagang antok lang siya? Nang tingalain ko siya ay nakita ko ang pamumungay ng kaniyang mga mata. He is really sleepy.
Yumakap ako sa kaniya at saka huminga nang malalim.
Nagising ako na wala na si Haines sa tabi ko. Ang pwesto ko ay gano’n pa rin, ang pinagkaiba lamang ay sa unan ako nakahiga at hindi sa katawan ng asawa ko.
Naginat ako at saka sinipa ang comforter para maalis ang pagkakatabon sa katawan ko. It’s nine in the morning.
Sobrang liwanag na rin sa labas kaya inayos ko ang aking sarili at saka lumabas ng aming kwarto. I am still wearing Haines big shirt and a panty.
Nagtataka ako nang marinig ang nagtatalo sa aming kusina. Napabilsi tuloy ang lakad ko para lamang makita kung sino ang mga iyon at nagulat ako na ang mga magulang pala ni Haines ang naroon at busy sa pag-aayos ng lamesa at ma pagkain na may mga tabon pang plastic, mukhang in-order.
Napakunot ang noo ko nang biglang lumabas sina Mommy at Daddy na may hawak na mga wines mula sa division ng dining area kaya hindi ko sila agad nakita.
What are they doing here?
Don’t tell me I am dreaming again? Nang kurutin ko ang balat ng aking hita at muntikan pang mapasigaw ay totoo pala at hindi ako nananaginip.
Close na sila? Siguro ay magkasama ang mga ito at mga gumala roon kaya mukhang magkaka-vibes na. Hindi ko pa kasi sila nakakausap dahil san a-busy rin ako sa asawa ko at hindi naman sila tumatawag sa akin. Grabe talaga ang pamilya ko. Hindi man lang ako pinapahalagahan.
Kung maririnig ito ni mommy ay tiyak na magtatampo iyon dahil sa aking naiiisp na hindi nila ako pinahahalagahan.
Bigla na lamang may malakas na pagputok ng baril na nagpatigil sa akin sa aking kinatatayuan. Tila naging rebulto ako na hindi makagalaw. Nabitawan nina Mommy ang mga hawak nilang bote samantalang nagkalaglagan ang ibang pagkain sa sahig. Yakap-yakap ni Dad si Mom at ganoon din ang mga magulang ni Haines.
Nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Alejandro na may hawak na dalawang baril sa kaniyang kamay at sa likuran ay ang mga nakaitim niyang tauhan, ay mas lalo akong hindi makagalaw sa aking kinatatayuan.
Gusto kong sumigaw pero walang tinig na lumalabas sa bibig ko at hindi rin ako nakikita nina Haines dito sa gilid. Fuck!
Magkakatotoo yata ang bangungot ko kanina pero hindi! Hindi maari!
Nagtama agad ang mga mata namin ni Alejandro na mabagsik ang tingin sa akin.
“You bitch! Come with me or I’ll kill your family!”
Takot na takot ako. Nanginginig na ang aking katawan at halos tumalon na ang aking puso sa sobrang kaba.
Umiling-iling ako para mapigilan siya sa pagtutok sa pamilya ko na takot na takot na ngayon.
Gusto kong sumigaw! Gusto kong tumakbo sa asawa at pamilya ko! Pero bakit ganito?!
Sunod-sunod ang putok ng baril sa kinatatayuan ng mga magulang at asawa ko.
No!
“Hon! Hon! Hon!”
Hinihingal akong napabangon at ang mga luha ay patuloy sa pagbagsak sa mga mata ko. “No!” sigaw ko habang humahagulgol at naramdaman ko na rin ang pawis ko na tumatagaktak sa aking leeg.
“Hon!”
Parang hinihika na ako at binabawian ng buhay sa pagkuha ng hangin. Fuck! Niyakap ako nang mahigpit ni Haines at saka bahagyang iginalaw ang aming katawan, tila hinehele ako.
“It’s okay… it’s okay. It’s just a nightmare, hon. I am here…”
Hindi iyon nakatulong sa pagtigil ng aking pag-iyak at mas lalo pang lumala. Ang panginginig ng katawan ko ay hindi pa rin matigil.
“You are safe in my arms, honey. Calm down… Ssshh. Calm down.”
I can't imagine my family dying infront of me. Hindi ko kaya. Bakit ganon ang aking panaginip?
"I have to tell you something, honey," he said and caresses my face.
"Pupunta sina Mommy rito ngayon at ang mga magulang mo."
Biglang bumundol na naman ang kaba sa puso ko at mas lalong napahigpit ang yakap sa kaniya.
"Alejandro is coming too with his family... for closure."
Is this some kind of a deja vu?! I can't help but to get nervous.