Chapter 47: Trauma
Vanessa
“Mom! Just visit us after a week.”
“No! Of course not, Mom. It’s just that, I still want to spend more time with my wife.”
Anong oras na ba? At parang ang ingay-ingay ng asawa ko kahit na pabulong lang ang kaniyang salita, dahil sa lapit ay rinig na rinig ko. “You what? Isasama mo si- Honey. Good morning.”
Nakahiga ako sa kaniyang braso kaya nang mumulat ako at gumalaw ay agad siyang napaharap sa akin.
Agad akong napangiti nang patakan niya ako ng halik sa labi at saka sinabi sa mommy niya na mamaya na lamang.
“Pwede mo naman siyang kausapin-”
“Sshh. Nangungulit lang iyon dahil uuwi sila ngayon. Napahaba ang bakasyon sa Spain,” natatawa niyang saad at saka sinuklay ang aking buhok gamit ang mga daliri niya.
“Sino ang isasama niya?”
Umiwas siya ng tingin at saka bumangon na sa kama. “I have ordered food for us. Paparating na iyon. Sorry, hindi na tayo nakakain kagabi at hindi na rin ako nakapagluto ngayon dahil mas gusto na lamang kitang yakapin at titigan.”
Napangisi naman ako at saka pinisil ang nipples niya. Wala siyang suot na damit. Masama niya akong tiningnan, bahagyang napalayo dahil siguro nasaktan din pero wala akong pakialam at tinawanan lamang siya.
“I can now see my future with you.” Medyo pinalungkot ko ang aking tono, pinapakita na dismayado ako sa kaniya.
“Is that a good future, honey?”
Dumagan ako sa kaniya at saka pinisil ang magkabila niyang pisngi. “Nakikita ko nang palagi akong malilipasan ng gutom dahil hindi mo ako pinapakain sa tamang oras.”
Napasimangot siya at saka napakunot ang noo. “Honey…”
“What?” natatawa kong tanong at saka dinilaan ang baba niya..
“Hindi kita gugutumin.”
“Hindi nga, pero dahil sa walang saw among pag-angkin sa akin, hindi na tayo makakain dahil nakakatulog na pagkatapos.”
“Busog naman kasi tayo po sa byahe kaya may laman pa rin naman ang mag tiyan natin.”
Napairap ako sa kaniyang katwiran. “Halika na nga. Ang dami mong alam.”
Hindi ako nagrereklamo at niloloko ko lamang siya. Ako pa ba? Papakipot at kunwaring ayaw sa aming ginagawa? Ang sarap-sarap nga eh. Daig ko pa ang palaging nasa alapaap.
Bumangon na kami at saka naligo nang sabay. Siyempre, dahil nahawa na ang asawa ko sa kahiligan ko, nabinyagan na rin namin ang bath tub, lavatory at ang shower area. Para kaming mga hayok lagi at hindi na mapigil ang aming mga pagnanasa sa isa’t isa.
Matapos ay tatawa-tawa kaming bumaba dahil saktong tapos namin ay saktong doorbell ng delivery.
“Should we shop later?”
Nginuya ko muna ang isinubo niyang pagkain sa akin at saka sumagot, “Ano bang bibilhin natin?”
Pinunasan niya ang gilid ng labi ko at saka sinipsip niya nag daliring ginamit. “Baka may gusto kang idagdag at ipamili sa mga gamit.”
Napaisip ako. “I’ll see. Pahinga muan tayo ngayong araw, please. No sex for today.”
Nakita ko ang pagkagulat at pagkalungkot sa mukha niya pero agad siyang ngumiti at tumango sa akin. “I would be sad but, okay. If that’s what my honey wants, we’ll do that. I know how to take good care of my wife.”
Sumama ang timpla ng muka ko at saka uminom ng float. Parang iba ang naiisip ko sa ibig niyang sabihin.
Basta kapag si Haines, hindi na wholesome ang mga lumalabas sa bibig. Kadalasan ay may ibang ibig sabihin at puro kalokohan na.
Sabagay, kanino pa ba niya makukuha ito kung hindi sa akin. Ano kayang sasabihin ng mga kaibigan niya na sa kanila, siya ang tingin ko na tahimik pero wild at gigil sa kama. Si Miguel kasi, matic na ma-libog ang isang iyon at pinangangalandakan pa. Si Juan, sweet iyon at gentleman. Si Dalton, naku, iyon ang malala, bulgar na bulgar ang pagiging malibog at babaero ng isang iyon pero ngayon na nakahanap na siya ng katapat niya, hindi na. Sa asawa na lang niya ina-aaply ang mga katangian niyang iyon. While Lothaire and Killian, I think they are both serious in life but based from their girls, they are also wild but from all the boys, Haines Gian is the most innocent outside. Siyempre, siya ang bunso pero siya pa yata ang pinaka-malakas kumayod sa kama at may malaking títí. But, Dalton is still the most handsome of them all.
Natawa ako sa aking naiisip. Pati iyon, naiisip ko na. Hindi ko na alam ang takbo ng aking isip talaga. Kung saan-saan na ang naaabot.
We are now in our car. Haines is the one driving. Papunta kami ngayon sa mall at magtitingin ng mga gamit dahil hindi ako makapag-decide ng kung ano ang gusto ko at doon na lamang mamimili kapag may magustuhan ako.
Nang makapasok kami sa mall ay nagtitinginan sa amin ang mga tao.
“Have you heard. Kinasal na raw ang CEO ng ME at ang kilalang portrayer nila sa totoong buhay?”
“Girl! The living Wanda! Magpa-picture tayo.”
“Tangina, bro! Si Vanessa De La Vega!”
Nagulat ako dahil sa mga naririnig naming bulungan.
I know, ME is famous especially their online and mobile games. Hindi ako masyadong nagagawi sa mga pampublikong lugar pero sa mga napupuntahan ko, marami ang nagpapa-picture sa akin. But that popularity, I never bragged about it. I just want to stay like a normal individual receiving the normal attention from other people.
Humigpit ang hawak ni Haines sa baywang ko at saka inilapit ang labi sa aking tainga.
“Should we just go home and shop online? I hate crowds.”
Napangiti naman ako at saka iniyakap ang aking kamay sa baywang niya rin. Bakit parang kinakabahan siya?
“Pagbigyan na natin. Ngayon lang naman po. Pasasalamat na rin sa suporta nila sa atin at sa company.”
“But honey-”
“Na-uh, Haines Gian.” Umiling-iling pa ako sa kaniya at saka inilibot ang paningin sa paligid.
Na-overwhelm ako sa mga tingin nilang umaasa, sa mga ngiti nilang tuwang-tuwa sa pagkakakita sa amin at ang mga kislap sa kanilang mga mata. Mga nakalabas na ang kanilang mga cellphones at may ibang kumukuha na ng litrato sa amin. Feeling celebrity ako. Shemay! Ang hirap maging dyosa! Kidding. I laughed in my head and relxed. Kinakabahan din ako sa kanila dahil first time ko na maka-encounter nang napakaraming tao na kilala kami.
Karamihan ay mga kabataan. Well, sila ang attached ngayon sa gadgets kaya hindi impossible na kilalang-kilala nga nila ang ME. Pero mayroon din na kasing edaran namin at may matatanda na rin.
“I hate crow-” Mag-a-alburoto pa sana ang asawa ko nang may isang batang lalaking lumapit sa amin at nagpa-picture.
Napipilitan man ang asawa ko ay pinagbigyan na rin niya. Sumunod na rin ang iba, pero nawala ang ngiti ko nang nag-aagawan na at nagtutulakan na sila.
Nagulat ako nang may mga naka-unipormeng lalaki, anim sila at hindi ko alam kung may iba pa silang kasama, na pumigil sa mga lumalapit sa amin at saka tinabunan kami para hindi dagsain ng mga tao.
“Honey?” tanong ko sa asawa ko na nakakunot ang noo, tila nahihirapang huminga at saka siya tumango sa akin. Sigurado na ako na mga tauhan nila ito. Bakit kaya hindi ko napansin na may mga nagbabantay pala sa amin? Secret body guards ganon? May ganon ba?
“I have a trauma from aggressive crowds, honey. Le-let’s go now, please?”
Napalunok ako at biglang kinabahan nang namumutla na siya.
May dalawa pang tao na umakay sa amin at inilayo kami sa mga tao. Tinulungan na rin ng mga security guards at saka kami tuluyang nakasakay sa aming sasakyan.
“Ha-Haines… I’m sorry,” naiiyak kong saad at saka hinawakan ang pisngi niya. Inabot ko ang tumbler at pinainom siya. Sumandal siya sa upuan ng sasakyan at saka huminga nang malalim. Narito kami sa likod dahil nasa harapan naman ang dalawang body guard na umalalay sa amin palabas.
Umandar na ang sasakyan dahil may sumusunod pa rin sa amin at kumukuha ng litrato.
Nakapikit siya at nakasandal ang ulo sa upuan. Tahimik pa rin ang dalawa naming kasama sa harapan. Nanginginig ang kamay kong inabot ang kamay niyang nasa hita niya at saka iyon pinisil. “Sorry na po. Hindi ko alam.”
Agad na tumulo ang luha ko nang hindi pa rin niya ako sinasagot at saka nakapikit lamang. Ang lamig-lamig ng kamay niya. Kinuha ko ang isa pa niyang kamay at hinawakan.
“Sir, dalhin na po kaya natin sa doctor ang asawa ko?”
Hindi ko mapigilang mapahikbi dahil hindi niya ako pinapansin o hinahawakan pabalik ang aking kamay.
Galit ba siya? Hindi ko naman alam eh! At saka, kung alam ko, hindi ko naman siya ipapahamak.
“Nakatawag na po ang chief namin sa kaniyang personal doctor, Mam. Papunta na po iyon sa bahay ninyo. Huwag po kayong mag-alala sa kaniya. Magiging maayos din po si Sir.”
Pinunasan ko ang mga luha kong tuloy-tuloy sa pagtulo habang nakatitig sa asawa ko. Bumabalik na ang kulay niya sa kaniyang mukha. Hindi pa rin ako maka-move on kahit na nakalayo na kami.
Ang takot sa mukha niya ay nakaukit na sa utak ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganon.
Kasalanan ko kasi ito, eh. Ayaw niya talaga pero namilit ako at sabi ko na gusto kong makapasok sa mall muli. It's been so long since I went there. Dahil mahal niya ako, pumayag siya not telling me na hindi pala siya pwede sa ganon.
Marami pa pala akong kailangang malaman sa asawa ko.
This incident just taught me na, bilang may asawa, hindi palaging ako na lamang ang masusunod without considering his feelings or his condition. I need to be selfless. I still need to know my husband more and discover all the things I did not know. Kailangan ko ring makinig at hindi iyong ako lamang ang may salita at palaging masusunod. Hindi ganon. Kailangan kong makiramdam na hindi lahat ng gusto ko, pwedeng gawin.
Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko. Agad akong napalingon sa kaniya, nanlalaki ang mga mata.
"Hey..." mahina niyang saad, binigyan ako nang maliit na ngiti.
Bigla ko siyang niyakap at humagulgol. "I'm sorry, honey! I didn't know. Kung alam ko lang sana, edi sana... edi sana..."
Hindi ko ma-imagine na mawawalan siya ng malay dahil sa kagagahan ko. Mapapa-sama pa siya dahil sa akin.
"I shouldn't have let them took pictures with us. Hindi ko alam!" saad ko, humihikbi habang nakayakap sa dibdib niya.
"Bumawi ka na lang sa akin," bulong niya at niyakap ako pabalik. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya at ang malalalim niyang hininga.
Hinarap ko siya at maayos na ang kaniyang mukha at nakangisi na sa akin. Napahinga ako nang maluwag.
"Paano ako babawi? Sorry, Honey..." Pinatakan ko nang mabilis na halik ang kaniyang labi.
He licked his lips and bites it. "Alam mo na kung ano ang gusto ko..."
Nandyan na naman siya sa mapupungay niyang mga mata.
Yumakap na lamang akong muli sa kaniya dahil hindi pa rin ako tuluyang makamove-on at ang kaba ay nasa dibdib ko pa rin hanggang ngayon.