Chapter 39: Punch

Lisa

Nagkaroon kami nang masinsinang pag-uusap ni Lothaire kagabi. Hindi kasi ako matahimik dahil biglaan ang lahat ng mga nangyayari sa pagitan ni Vanessa at Haines na siya namang ipinagtataka hindi lang ako maging ng iba pa naming kaibigan. Even Bryar and Isabelle are worried but I just told them na mas maiging si Vanessa ang tumawag sa amin kaysa kami, dahil posibleng may dahilan ang pahirapan sa pag-contact sa kaniya at ang paggamit niya ng ibang numero.

Sinabi ko sa kaniya na kailangan naming magusap-usap dahil tingin ko at sigurado ako na kailangan ni Vanessa ng tulong namin, hindi lamang siya nagsasabi.

Nang makausap ko kasi si Vanessa, naramdaman ko kaagad na may pinagdadaanan siya. Iba kasi ang sigla kapag si Vanessa ang pinaguusapan. Unang bigkas pa lang niya ng salita, alam mo na agad. She used to be bold and wild. Right now, she sounds so helpless and sad which is very unusual.

Nakaupo ako sa sofa ng bahay namin ni Lothaire nang may magdoorbell. My fiancé is still having a meeting on his office here in our house. Patapos na rin iyon kaya tama lang at nagdadatingan na sila.

Miggy and Bryar came, then Juan and Isabelle, Dalton and Killian followed.

And Haines… we did not invite him of course. We will be talking about Vanessa. May amnesia nga raw siya. Hindi niya yata matandaan si Vanessa.

“So?” Lothaire asked when he finished the meeting. Kapapasok niya lang sa sala at nakaupo na kami lahat.

“Uh- I saw something from the internet. I have a supplier from Spain and she had asked me if I know someone named Vanessa.” Huminga nang malalim si Isabelle at saka tinanguan ni Juan na titig na titig dito.

Until now, his eyes spark with admiration with his wife. Nakakainlove sila.

Lahat kami ay interesado sa kaniyang sinasabi. “She told me that a Filipina will again be wedded by one of the most powerful business tycoons there. I did not believe that it was Vanessa she was talking about…”

Nilipat niya ang tingin kay Juan na ngayon ay umayos ng upo. “Nang sabihin niya sa akin ay sinearch ko agad ang pangalan ng lalaki and I saw a video footage. It was true. He is about to marry Vanessa.”

Sabay-sabay pa kaming napa-what sa kanilang mag-asawa at pinatunayan nila iyon nang makita ang video.

“And of course, I decided to dig deeper. Nalaman ko na ipinagkasundo pala sila dati katulad ng nangyari sa kapatid ni Vanessa. It runs in their father’s culture.”

Napatango-tango ako. Tahimik lamang ang mga lalaki habang kaming mga babae ay nagulantang sa narinig.

“Kung ganon, may magagawa pa ba tayo?”

“Tangina mo, bakit sa akin ka nakatingin?” saad ni Miggy kay Dalton na sa kaniya pala nakatingin.

Sinapak kaagad nito si Miggy at saka ipinagkrus ang kamay at sumandal sa sofa.

“Haines needs to know it first. Iyon ang importante ngayon,” seryosong saad ni Killian na nagpatango sa aming lahat.

Nagusap-usap lang kami ng mga bagay-bagay at iba pang kailangan naming malaman tungkol sa Alejandro na iyon.

Naaawa ako para sa mga kaibigan namin. They don’t deserve to experience this kind of hardships in life.

Ngayon, alam kong hindi lang si Haines ang nahihirapan. Mas mahirap ito para kay Vanessa lalo na at ginawa niya lang iyon dahil sa huli, si Haines pa rin ang iniisip niya.

May nagdoorbell at halos lahat kami ay napatayo. Si Lothaire na ang nagbukas ng pinto at agad tumambad sa amin ang masungit na mukha ni Haines.

“Oh? Anong mayroon at bakit nandito kayong lahat?”

“Nandito na pala ang may amnesia! Hi, bro!” malokong saad ni Miggy at kahit pigilan namin ang aming pagtawa ay hindi namin nagawa. He raised his middle finger at him and entered the house.

“You need to know something.”

Agad na nagbago ang mukha niya at lahat kami ay mukhang napansin na nawalan siya ng ganang marinig kung anuman iyon.

There is something in my heart that aches. No one would wish to see their friends hurting.

“If that’s about that gi-”

Napatili ako nang agad na tumayo si Dalton at kinuwelyuhan si Haines. “Will you listen first and stop being a pussy?”

“You can’t tell me what I should do. Can’t you see what that girl has done to me? Hindi ni’yo ba nakikita na nasasaktan ako pero pilit ni’yo siyang sinisingit?! I still have a heart, guys. Kung pwedeng mamat-”

At hindi na namin nasundan ang sunod na nangyari at bastang napatayo na kaming lahat nang biglang sapukin ni Dalton sa mukha si Haines. Yes, he really punched him hard on his left cheek!

Nagugulat ako sa mga ginagawa niya!

“Tangina! Kaya nga kami nandito kasi alam namin na parehas kayong nasasaktan. Bro, kung nasasaktan ka, kahit hindi mo sabihin, mas masakit sa amin na nakikita kang ganiyan. So fvcking wake up and listen to us!”

Lothaire immediately went to Haines who is wiping the blood on the side of his lips.

“I won’t and I’m going.”

Maging ang hawak ni Lothaire at Killian ay hindi naging sapat para mapigilan si Haines. He is about to open the door when Dalton spoke again. “Kapag lumabas ka, hindi lang si Vanessa ang mawawala sa iyo.”

Napahawak na sa kamay ko si Bryar at Isabelle habang ang mga lalaki ay nakangangang napatingin kay Dalton. I know they want to say something, but decided to just stay silent, waiting for what will happen.

Grabe na rin ang kabog ng dibdib ko at medyo hirap na sa paghinga. Grabe, kinakabahan ako sa kanila! Dalton is so serious! At si Haines, mukhang galit na hindi ko maintindihan.

Hindi tumuloy si Haines sa paglabas at nakahawak lamang sa door knob.

Pinalo niya ang pinto at humarap sa amin.

“Fine then, what is it?”

Napahinga ako nang maluwag nang umupo siya at maging ang mga kasama namin ay napahinga nang maluwag at agad na sumunod kay Haines sa pag-upo.

Pahirapan pa kami sa pagkumbinsi sa kaniya na huwag siyang magagalit agad. At tahimik lamang kaming lahat at tanging ang mabibigat lamang naming hininga ang namayani sa buong bahay namin.

“Tangina mo, kabibili ko lamang ng cellphone ko.” Agad na inagaw ni Juan ang cellphone kay Haines at saka bumalik sa tabi ni Miggy. Napansin kasi namin na mahigpit na ang hawak ni Haines sa cellphone at mukhang ibabato na nang tumayo si Juan.

Gusto kong matawa at napabuntong hininga na lamang si Isabelle sa tabi ko. Nasa pagitan ako ni Bryar at Isabelle habang nasa isang long couch nagsisiksikan ang mga lalaki na akala mo ay wala ng ibang upuan.

“Did you let me watch it just so my heart would break more? Is that it?”

Agad naman siyang inakbayan ng fiancé ko at ni Killian.

Haines is really hurting. Bawat bitiw niya ng mga salita at bawat tingin niya sa amin ay ramdam na ramdam ko ang sakit.

Si Vanessa kaya, kamusta? I can’t imagine how she is mourning on her own. Baka mabaliw na ako kapag ganon.

Niyakap ko na lamang ang dalawa kong katabi at maging sila ay malulungkot ang mga mukha.

“Hindi mo ba ma-gets na kailangan ka niya?”

“Kailangan? Ikakasal na nga siya sa iba tapos ako pa ang kailangan niya. Ang sabihin ni’yo, niloko niya lang talaga ako.”

“Haines Gian! Didn’t you trust Vanessa’s love for you? You really think she fooled you?! Kasi kami, ang alam namin, kailanman ay hindi ka niya niloko at minahal ka niya nang totoo.”

Natahimik si Haines habang nakaantabay lamang kami sa mga susunod na mangayayari.

Napahigpit ang hawak ko sa dalawa. Nagkatitigan kami ni Lothaire na ngumiti sa akin nang maliit sabay tingin muli sa kaniyang kaibigan.

Nakikita ko ang awa at pag-aalala nila sa kanilang kaibigan at isa iyon sa napakagandang makita. They value their friendship so much.

Ni pag-pikat ng mata ko ay hindi ko magawa dahil gusto kong mabantayan ang bawat kilos niya.

Biglang inihilamos ni Haines ang mga palad niya sa mukha niya. We are all silent as we wait for what he will do.

My heart breaks when his shoulder started moving.

Agad na nagmura ang mga magkakaibigan at hindi na alam kung paano patatahanin ang si Haines.

“Mahal na mahal ko si Vanessa. Mahal na mahal at ang matanggap mula sa kaniya na hindi niya ako mahal ay… ay… halos magiba ang mundo ko. Ibig sabihin ba ng sinabi niya na niloko niya lang ako at gumanti sa ginawa ko dati ay hindi totoo? Is that what you are trying to point out? Then she should have told me and not like this!”

I don't know their past but knowing Vanessa, she is not the type who would do those ganti-ganti things.

“We don’t know Vanessa’s side kaya nga kailangan natin siyang makausap at malaman ang lahat para kung ano man iyon ay may magawa tayo. Nakukuha mo na ba ang pinupunto ko?”

Mukhang natauhan na si Haines sa sinasabi ni Dalton makalipas ang ilang minuto, bago humarap sa akin at nagsalita, “Call her now…”