Chapter 40: Hungry
Vanessa
Hindi ako mapakali habang pabalik-balik ako sa loob ng aking kwarto.
Kahapon, nakausap ko sina Lisa at ang sabi ay tutulungan nila ako sa aking problema. Hindi ko alam kung paano nila nalaman basta nagulat na lamang ako nang tumawag sila at sasabihin na huwag akong mag-aalala at palaging iwanang bukas ang aking cellphone.
It’s now six in the evening and my family are not here, attending a business partner’s party. Hindi rin naman nila ako pinilit dahil kung isasama nila ako ay baka mapahiya pa sila. Wala rin dito sina ate at ang pamilya niya dahil napagpasyahan nilang magbakasyon sa isang kilalang resort.
So basically, mag-isa lamang ako rito maliban sa mga kasambahay namin. Hindi pa rin kinukuha sa akin ni Manang ang cellphone niya. I am really thankful to her for initiating it.
Sinabi nina Lisa na may pupunta rito ngayon sa akin, bibisita ngunit hindi sinabi kung sino. I haven’t heard Haines yesterday from them. Siguro ay wala roon at kahit gustuhin ko mang maka-usap ay hindi na pwede.
Ano kayang tulong ang gagawin nila? Sinabihan ko na sila na huwag na at baka pati sila ay madamay pero sadyang makukulit sila kaya hindi ko na sila mapigilan pa.
Don’t lock your door.
A text message from Lisa’s number. Where is she kaya? Pupuntahan ba nila ako rito? But I am not allowed to entertain visitors as of the moment.
Mabilis kong ini-unlock ang aking pintuan at saka naupo sa dulo ng aking kama.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa mangyayari ngayong gabi pero mayroon sa loob ko na nagagalak. Nagagalak na baka may surpresa sila para sa akin.
I was about to call her when the knob suddenly moved. Agad akong napalingon doon at nang makita kung sino ang biglaang pumasok ay halos mawalan ako ng malay.
“Ha-Haines!” I almost shouted but later, lowered down my voice.
Agad namuo ang mga luha sa aking mga mata at ilang segundo lamang at nagsibagsakan na sila. Nasa likod siya ng pinto, titig na titig sa akin.
Haines is here inside my room. Ang napaka-gwapo niyang mukha… Bumagsak agad ang mata ko sa kaniyang kamay na kapansin-pansin ang gumagaling na tahi. Mas lalong kumirot ang puso ko. I am the one who did that to him.
Unti-unti niyang tinanggal ang itim na mask na suot niya nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. Napatabon ako sa aking bibig nang tuloy-tuloy na nagsibagsakan ang mga luha ko lalo na nang inilang hakbang niya ang pagitan namin at ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig.
Wala siyang binigkas na salita at tanging ang mabibigat niyang hininga at ang paghigpit pa lalo ng kaniyang mag yakap ang nagbigay buhay sa aking puso.
“I so fvcking miss you, Hon. I’m so sorry for being a jerk.”
Mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya dahil baka nananaginip lang ako.
He is just kissing my hair as he caresses my hair. I cried on his chest as I hugged him more.
Matapos ko siyang saktan, heto siya at aking kayakap muli. Paano ko siya nagawang saktan?
Bahagya ko siyang tinulak at saka inayos ang sarili. Nakatungo lamang ako habang pinupunasan ang mga luha, kasabay ng pagkuha ko ng lakas ng loob na harapin siya.
“You don’t have to say sorry…”
Hindi kasi ako makapagsalita at purong paghikbi na lamang. Sira na ang poise ko sa kaniya. I can’t help it. How can he come here like I did not break his heart?
Umiling-iling ako at huminga nang malalim. “Sor-”
I was cut off by his lips. Nakatigil lamang ang kaniyang labi sa labi ko, pinapakiramdaman ako. Ang kamay niyang nasa likuran ko ay lumipat sa leeg ko.
Kasabay nang paghigpit ng hawak niya roon ay ang paglalim ng kaniyang mga halik.
Naurong ang aking luha at ang aking paghikbi at napalitan ng mabibigat na hininga.
Ang tunog ng paglalaban ng aming mga labi ang namayani sa buong kwarto na lalong nagpa-init ng paligid.
From my neck, his hands travelled on my waist down to my butt. Paulit-ulit niya iyong pinisil nang may panggigigil at alam kong doon, sobra na siyang nadadarang at ganoon din ako. I tried to stop kissing him back. Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong mangyari.
“Instead of saying sorry, why don’t you make me forget all the hurtful words that you said?” hinihingal niyang saad nang maghiwalay an gaming mga labi. Both of our lips are slightly open, trying to catch our breaths.
Shemay! Sobra ko siyang na-miss! Sobra pa sa sobra. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na narito siya, kasama ko. I am expecting na hanggang sa maka-alis kami ay hindi ko na siya masisilayan at makakasama pero sadyang mabuti ang Panginoon at ginawan niya ng paraan na magkasama kaming muli. At hindi ko na sisirain ang pagkakataon na ito na kasama ko siya.
Bahala na kung ano ang mangyayari.
“Sabi nina Miggy, nagka-amnesia ka raw?” tanong ko nang hilahin ko siya paupo sa dulo ng aking kama. Hindi yata siya kontento na magkatabi kami kaya kumaang siya at pinaupo ako sa pagitan ng kaniyang mga hita. Natawa ako nang bahagya sa tanong ko pero pinigilan ko lamang.
Ngayong nandito siya, hindi na ako nasasaktan na may amnesia siya kunwari. I find it cute now.
Ang bango niya! Sobrang na-miss ko talaga siya. Hindi ako makapag-salita at tanging pagyakap at pagdikit na lamang sa kaniyang ang nagagawa ko. Ang pagiging madaldal ko ay biglaang naglaho.
Ipinahinga niya ang baba niya sa balikat ko. “I just… I just can’t imagine my life without you. I’m sorry for making you feel worse, honey.”
Ang hangin na lumalabas sa kaniyang bibig ay tumatama sa aking leeg. It sent shivers down my spine. Biglang tumibok ang ting*l ko! Mas lalo na nang maramdaman ko ang unti-unting pagkabuhay ng kaniyang talong.
Shemay! Ang talong ay nabuhay na naman! Patay!
“Wait!” bigla kong naisigaw at saka tumagilid para makaharap siya.
Natatawa naman siya sa biglaan kong pagsigaw. Tinaasan niya lamang ako ng kilay at saka ngumiti.
Ang gwapo talaga, bwisit!
“Paano ka nakapasok dito at paano mo nala-”
“Isabelle and Juan shared the news to us. Maraming videos na nangangalat at naroon ang lalaking pakakasalan mo dapat. Why did Tito let you marry that guy? Mas lamang naman ako ng paligo roon.”
Kahit nakasimangot ay natawa ako. Bakit ngayon na nanggagaling sa kaniya ay hindi ako nalulungkot?
“And?”
Sumimangot siya at hinalikan muna ako sa labi bago nagsalita, “We dig deeper. You have underestimated your boyfriend, Vanessa. I can do something about it especially that we have a very high influence in Spain especially when it comes to technology.”
Technology? Ano naman kaya ang gagawin niya?
“What will you-”
Hinalikan na naman niya ako sa labi at ngayon, bahagya pa niyang kinagat ang labi ko at hinila. Halatang gutom ang loko!
“Don’t worry about it. The boys and I will handle it. I have briefed my team and my parents about that matter. Kaya ang dapat mo lang talagang gawin ay pasayahin ang nasaktan kong puso.”
Kahit ganoon ay hindi ko mapigilang mag-alala.
“Walang mangyayari sa aking masama, okay? Kaya ka ba nakipaghiwalay kasi akala mo, katapusan na talaga ng relasyon natin? Hindi po ganon, Hon. You should have told me. This is not just your fight. Sa ating dalawa ito.”
Nakonsensya ako bigla pero nang halikan niya muli ang labi ko ay napangiti na lamang ako.
“Gusto ko pa ring mag-sorry sa lahat ng nasabi ko.”
“Then, you are forgiven. So stop saying sorry, okay?”
I bit my lip and just gave him a nod.
“Paano ka pala nakapasok and you are using Lisa’s phone…”
Imbes na sagutin ay humalakhak lamang siya. He wiggled his eyebrows again, his favorite expression.
Ang gwapo talaga, kainis!
Inirapan ko siya nang mukhang wala siyang balak na sagutin ang tanong ko.
“My team has shut down your CCTV. And actually, I am with the boys. Sinuhulan nila ang mga kasambahay ni’yo rito kaya nakapasok ako. Alam na nila, Hon at lahat sila ay handang tumulong. I am telling you, you are not alone in this fight, you are just afraid to face it.”
Wala na akong ibang masabi at niyakap na lamang siya.
Bakit nga ba hindi ko iyon naisip? Maybe I was just really drowned on the fact that there is no exit to our arranged marriage.
“Now, can we kiss? I really missed you, Hon.”
Napalunok ako nang makatitigan ang mapupungay niyang mga mata.
I have my period! Paano ko sasabihin sa kaniya lalo na kung gusto ko rin na... shemay!
Bahala na nga.
I then straddled him and let him taste how hungry my kisses are.