Chapter 38: Cellphone

Vanessa

Hindi ko na alam kung paano ako nakabalik sa loob ng aming bahay, basta nagising na lamang ako na maliwanag na at nakatali na rin ang kurtina sa aking kwarto.

Hindi ko na halos maimulat ang aking mga mata dahil sa hindi ko na rin alam kung anong oras ako natigil sa pag-iyak.

Wala na kami…

I just broke up with my Fafa Haines.

Pakiramdam ko ay wala ng saysay ang buhay ko pero kailangan pa ring magpatuloy.

It must be manang who entered here. It is past eleven. Wala akong lakas na bumangon. Nakatihaya lamang ako sa higaan, nakikipagtitigan sa kisame.

Kinapa ko ang puso ko dahil pakiramdam ko ay wala ng tumitibok doon.

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil nagsimula na namang kumirot-kirot ang puso ko at umabot na agad sa mata ko.

No… I won’t be crying again.

Ako ang namili na saktan siya. This is the consequence of what I did. Kailangan ko na siyang kalimutan pero makakalimutan ko nga ba siya?

Nagpadala na lamang ako ng pagkain sa aking kwarto at dito nagmukmok. I don’t want to go out and pretend that I am fine. I am not fine! I will never be!

LOTHAIRE

Nandito kami ngayon sa unit ng mokong at hindi ko alam kung kakaawaan ko ba siya.

Juan called us a while ago, telling us that Haines needs us. When we got inside his unit, we witnessed how devastated he was.

Nakaupo lamang siya sa kaniyang sofa, nakatulala sa pader, nasa kaniyang mga tuhod ang magkabila niyang kamay na punong-puno pa ng dugo.

We’ve been asking him but he just kept mum.

I have never seen him like this. Kapag tinitingnan ko siya ay may kumukurot sa puso ko. Tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha niya habang nakatulala sa pader.

Gusto ko siyang lapitan at alam kong maging sila rin pero wala ni-isa ang nakagalaw sa amin. Lahat kami ay nandito at naisama ko ang fiancé ko dahil nagdi-date kami nang tumawag si Juan. Hindi pa nga kami tapos pero dahil sabi ni Juan ay importante kaya agad kaming umalis. Lisa understands it.

Maging si Miggy at Dalton ay hindi maka-imik dahil alam namin na may pinagdadaanan nga si Haines.

What the hell has happened to them? I know, I am not in the position to judge especially that I don’t know what happened but one thing I am sure of, he and Vanessa are not in good terms. Fvck! Huwag naman sanang hiwalay!

I have seen how madly deeply inlove Haines is to Vanessa and vice versa.

“Haines… napa-away ka ba? Ituro mo at bubugbugin ko.”

Halos mapamura ako nang isatinig iyon ni Miggy. Sinapak siya ni Dalton na malapit sa gungong. Siraulo ang putcha!

“Bro, do you have beers here or wine? I think I want to get drunk right now. You up for that?” tanong ko at saka umakbay sa kaniya, paupo.

Sinensyasan ko si Lisa na kunin ang kit sa kusina niya. She knows that already.

“Ako rin! Nauuhaw na ako. Teka lang, titingnan ko!” Killian said and went to the kitchen.

Napalunok ako nang wala siyang tinitingnan ni isa sa amin habang ang mga luha ay patuloy na pumapatak sa mata niya. Tangina, hindi ko matagalan!

Ang sakit niyang panuorin.

Naghiwalay nga yata sila, tangina.

Bumalik si Killian na may dalang mga beers. Bumalik siyang muli kasama si Juan at may mga bitbit ng mga chips pagbalik kasabay ni Lisa.

Hindi pa rin gumagalaw si Haines kaya pinaupo ko si Lisa sa sahig at tinabihan ko para magamot ang kamay ni Haines. Tangina, halos mangilabot ako dahil sa biyak nito. What the hell did he do?

“He needs to go to the hospital, Love,” bulong sa akin ni Lisa. Tumingala ako sa mga ulupong at nakita rin nila ang sugat niya.

Hindi ba siya nasasaktan?

"Bro..." Pagtawag ni Dalton sa kaniya. "Haines Gian Medallon..."

Dalton is now serious. Kapag ganito ay lumalabas ang pagka-kuya niya sa aming lahat.

"Ipapagamot natin iyang sugat mo."

Umiling-iling si Haines pero hinayaan naman si Lisa na linisin ang sugat niya. Ni hindi nga uma-aray!

Kami ang nasasaktan kapag lalagyan ng alcohol ang sugat kapag nililinis.

Lahat kami ay naghihintay lamang sa kaniyang mga galaw at sasabihin. Nagpapakiramdaman kami kung ano ang gagawin.

"I am Haines Gian..."

"Walang nagtatanong dahil alam naman namin ang panga-"

Dinibdiban ni Dalton muli si Miggy na balak pa yatang pilosopohin si Haines na patuloy na pumapatak ang mga luha sa kaniyang mata.

"I never met someone named Vanessa De La Vega. I never met her. I don't even know her."

That's it. Now, alam na namin ang dahilan. Imposibleng maghiwalay sila! I know and I am sure that Vanessa has real feelings over our friend.

May mali rito.

"What hap-" Balak na namang magsalita ng gagong Miggy kung hindi lang nasupalpal nang sabay ni Juan at Dalton.

"Okay. Now, uminom muna tayo."

VANESSA

Ilang araw na akong hindi naglalalabas ng aking kwarto. They keep on asking me to eat with them but I really can't.

Isang buwan na lamang at kailangan na naming bumalik sa Spain.

"Mam, heto na po ang pagkain ninyo."

Tumango na lamang ako sa kaniya nang hindi na nagbalak tapunan pa ng tingin. Alam naman na niya kung saan ilalagay dahil ginagawa ma niya iyon sa ilang araw ko paglalagi rito. Siya ang nakakausap ko rito kapag magdadala ng pagkain at maglilinis ng kwarto. I haven't seen my family. Hindi rin naman sila nagtangka na pumasok dito.

I am thankful that dad is giving me time.

"Okay lang po ba kayo, Mam?"

Nakuha niya ang atensyon ko kaya umayos ako ng upo sa kama. Malungkot lang akong ngumiti sa kaniya.

"Salamat po."

I don't have laptops, computer or phone here.

I already told dad that it would be a waste of time if he will get it for I don't anyone to contact with aside from ME. May kontrata ako sa kanila at shoots pero dahil hindi ako pwedeng lumabas, Dad did something to terminate my contract.

Ano kayang iniisip ngayon nina Tito at Tita? I want to say sorry to them.

"Mam, alam ni'yo po bang naaawa kami sa inyo. Sana po ang maayos na po kung anuman ang problema ninyo."

Napangiti ako nang mapait. Wala ng mas hihit pa sa kaniya.

"Thank you for your concern."

"Mam." Napakunot ang noo ko nang hindi pa siya umaalis habang habang hawak ang bulsa niya.

"What?" seryoso kong tanong. Umayos ako ng upo sa tapat ng study table kung saan doon ako kumakain.

Mula sa mga mata ko ay inilipat niya ang tingin sa kisame, sa kaniyang paa, kamay at matapos ay sa akin ulit.

"Do you need something?"

Umiling-iling siya matapos ay mabilis na naglakad patungo sa akin. Mas lalo akong nagulat nang ibagsak niya ang isang bagay sa lamesa ko at mas lalo akong nagulat ng isa itong cellphone.

"Mana-" She closed the door and left me.

Wala sa sarili kong hinawakan ang cellphone na may kalumaan pero touch screen naman. Ito iyong ineregalo pa namin dati sa kanila ah.

Ilang taon na rin, buhay pa? Sabagay, original ito at high class kaya gumagana pa rin at siguro sa alaga na rin.

Why did she gave me her phone?

Shit!

Phone... for communication!

Tumambol ang kaba sa dibdib ko at nakalimutan na ang pagkain habang nakatitig sa aking hawak.

Manang risked her job for me!

Ibabalik ko ba? Ano naman ang silbi nito kung hiwalay na rin kami?

Would he still talk to me after hurting him?

I opened my drawer and chose the one of top of all the business cards.

"Hello?"

Nabuhayan ako ng loob nang marinig ang boses niya.

"Li!"

"Girl! What happened?! How are you? I miss you!"

Halos mabingi ako sa sigaw niya pero parang may biglang kumurot sa dibdib ko dahil sa mga tanong niya.

"Have you heard of Ha..." Tila nasamiran pa ako at hirap na mabanggit ang pangalan niya.

"Si Haines ba?"

I couughed and nodded like she can see me.

"Is he okay?" Kusang pumatak ang luha sa magkabilang mata ko.

"Girl kasi... I've been calling you but your line is unattended. Haines... Haines is so-"

"Who's that?"

May narinig akong ingay at ilang mga salita ng mga lalaki.

Ang mga magkakaibigan!

Si Haines kaya?

"Why are you whispering, love? Sino bang kausap mo?"

"Haines! Tangina anong nangyari sa buhok mo?"

Buhok? Tila naging interesado ako at gustong-gustong makita ang nangyayari sa kanila.

"I went to the salon and this is what they did."

His voice! I miss his voice. Tuloy-tuloy na ngayon kung magsipatakan ang mga luha ko. This is his effect on me. If only I can do something about the wedding but I can't.

"Tangina, tinalo mo pa ang kulay ng buhok ni Dalton ah."

I heard laughters and cusses. Napayakap ako sa aking tuhod at saka kinontengo ang sarili sa pakikinig. Salamat kay Lisa at hindi niya binababa ang tawag.

Did he dyed his hair? Haircut? I want to see him...

"So sino iyan, love?" Tingin ko ay may kalayuan ang pwesto niya sa kanila dahil may pagsigaw nangyayari.

"S-si Vanessa..."

Hindi ko alam kung sa signal pero sobrang tahimik sa kabilang linya.

Katahimikan na lalong nagpapahirap sa paghinga ko.

"Oh, okay. Send my regards to her."

Ganoon din ang sinabi ng iba pero sa kaniya lamang ang hinihintay ko.

Natapos na silang lahat pero ang sa kaniya ay wala pa rin. Haines Gian...

I am about to end the call when I heard him talked.

"I'm puzzled. Do I know her? I can't recall meeting with someone named Vanessa."

And that made my world crashed more.

Wasak na nga, mas lalo pang nawasak...