Chapter 37: Had Enough
Vanessa
“I am so excited to be your husband. You should come here as soon as possible before we got married.”
I almost have goosebumps on the way Alejandro pronounced those words. He is a hunk and most of the girls would love to be his girl but Alejandro, being a business tycoon, only focused on his business thinking that he was destined to marry me.
Even if he is the most handsome man on Earth, my heart would never beat for him.
Kami na lamang ang magkausap dito sa loob ng kwarto ko gamit ang aking laptop. Dad said that he will confiscate my phone tomorrow. Gusto kong magalit dahil tinatrato nila ako na parang bata. Hello, may isip na po ako. Kaya ko ng magdesisyon sa sarili ko, lalo na sa ganitong aspeto. Pero paano nga ba ako makaka-hindi kung ganito ka-makapangyarihan ang kausap ko ngayon.
I still appreciated that Dad has given me a heads up. Kailangan kong magpaalam kay Haines.
“We need to have our honeymoon first before we take our vows, Vanessa.”
Pilit akong ngumiti sa kaniya. Nagkunwari ako na magba-banyo kaya agad akong nagpaalam sa kaniya kahit na ang sinabi niya ay maghihintay siya. Why now, Alejandro? Pakiramdam ko ay hindi lang kasal ang habol niya pero alam kong hindi ako makakahindi lalo na at kung mag-asawa na kami.
Okay lang sana kung ako lang ang mahihirapan at masasaktan… pero si Haines…
Habang kausap namin si Alejandro at ang kaniyang pamilya kanina, pakiramdam ko at sigurado ako na wala na kaming magagawa para mapigilan ang kanilang pinaplano. I am thinking of what we can do pero wala akong mahanap na butas. They are all preparing our wedding in Spain.
This one will be grand. Nangarap naman ako na maging bongga ang kasal ko pero hindi kay Alejandro.
Naghilamos na rin ako bago lumabas at nahiga sa aking kama.
I feel so incomplete. I miss Haines and his place. Miss ko na ang matulog sa kaniyang unit kahit na madalas ay hindi naman pagtulog ang ginagawa namin.
Magiging masaya kaya ako? Of course I won’t. Araw-araw, pagsisisihan ko ang lahat.
Have I done something so bad in my past life that I need to experience this?
Naging mabuti naman po akong anak. Naging mabuti naman akong tao. Naging mabuti naman akong kaibigan at girlfriend pero bakit ganito ang kailangan kong sapitin?
If I don’t want to hurt Haines, I need to end this right now.
Agad na nagsipatakan ang mga luha sa mata ko. Kailangan ko itong gawin para kamuhian niya ako at hindi na umasa pa.
Pilit ko mang pigilan ang sariling umiyak, ay hindi ko magawa. Parang may sarili silang isip.
Bumangon ako at inabot ang cellphone sa drawer. Itinago ko iyon doon dahil hindi pa ako handang makausap si Haines.
I now understand my father. Kung bakit pinipilit niya akong magpakasal kahit na nangako na siya sa akin.
Hindi lang ako ang gusto niyang iligtas, maging ang aming pamilya at ang aming negosyo. Even Kuya Shawn can’t do anything. Kung mayaman sila ay mas mayaman at mas makapangyarihan sina Alejandro.
He is already thirty-five and never heard of having girlfriends or flings. They value their image so much kaya ang simpleng pagkakamali niya na i-anunsyo sa publiko ang pagpapakasal namin ay napakahalaga at hindi dapat mabali dahil ikakasira nila ito. They value their fame and their wealth.
And they will do everything just so they would get what they want even if it means they have to end a person’s life. Business is business for them. Money is money and agreement is an agreement.
If only I can ran away but I know, it would just be a waste of effort and time for they would still find it out.
Ano pa ba ang pwede kong gawin? Hindi ko ito pwedeng sabihin kay Haines. Natatakot ako na madamay siya.
Agad na nagsibagsakang muli ang aking mga luha nang masilayang muli ang masasaya naming ngiti habang nakayakap siya sa likuran ko at magkatitigan kami. It was taken at the beach.
Panandaliang saya lang pala ang para sa amin.
I was about to call him when our door bell rang.
Agad na tumibok ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Kipkip ko ang cellphone bago tumayo at nagtungo sa baba.
Hindi ko alam pero may nagsasabi sa akin na bumaba at tingnan kung sino iyon. I am so nervous for no reason.
Sarado pa ang pinto nang bumaba ako. Mukhang mga tulog na sila. Alas dose na rin kasi. I wonder if my parents are still awake.
Nasilip ko agad sa gate namin ang sasakyan ni Haines. Parang natulos ako sa aking kinatatayuan at hindi alam ang gagawin.
“Ha-hai-” Ni wala na akong lakas na banggitin ang pangalan niya.
Nagtama ang paningin naming dalawa. Mula sa pagkakaseryoso ay napangiti siya nang malawak at saka lumapit sa may gate. Ang pagkasabik at saya sa mukha niya…
My tears fell. I miss him. I so fvcking miss him. I’m going to madly miss him.
Nanghihina ang tuhod ko at hindi ko na yata kakayaning lumapit sa kaniya.
Dahil sa may ilaw sa magkabilang dulo ng gate ay kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya at ang pagkakunot ng kaniyang noo. His lip is in a thin line.
I need to end this with him. Kailangan kong makalapit sa kaniya.
Tila napakabigat ng paa ko habang humahakbang papalapit sa kaniya.
Don’t cry, please…
“What the hell is wrong with you, Hon? Why the fvck are you crying?! My calls! I thought something bad happened to you!”
Napatungo ako at pilit na pinigilan ang sarili kahit na sumasabay ang sipon ko sa pagtulo. Agad kong pinunasan ng aking kamay at pilit na pinagseryoso ang sarili.
I miss his voice. Mami-miss ko ang pagtawag niya sa akin. Ang kaniyang paglalambing. Lahat-lahat sa kaniya ay hindi ko kailanman makakalimutan at araw-araw kong ipagpapasalamat.
“H-Haines…” Unang salita pero pumiyok agad ako. Paano pa kaya kapag sasabihin ko na…
“Open this fvcking gate first. Seriously, Vanessa. Hindi na ako natutuwa. What is wrong with you?!”
Umiling-iling ako pero ang mga luha ko ay tina-traydor ako. Patuloy lang silang umaagos sa pisngi ko.
“Haines…”
“Quit that! Let’s now go home. Doon na tayo sa condo ko kung hindi mo rin lang sasagutin ang mag tawag ko at makikita kitang parang tangang umiiyak dito!”
Napapikit ako hindi dahil sa sigaw niya kung hindi ay sa sakit at pagaalala sa mga binitawan niyang salita.
Si Haines na walang ginawa kung hindi ang mahalin at pasayahin ako.
Hanggang ngayon na balak ko nang iwan siya, heto siya at naga-alala sa akin.
Hawak na niya ang gate at nagmamaka-awang tumingin sa akin.
“Hon please, uwi na tayo. Ano bang problema mo? Come here and let me hug you…”
Ramdam na ramdam ko ang kagustuhan niyang makapasok ng gate. Umiling-iling ako, patuloy sa paghagulgol na parang bata. Gusto kong magsumbong, gusto kong sumama na lang sa kaniya pero ayaw kong pati siya ay madamay at mapahamak sa aming problemang pinasok.
"I-I a-" Nahigit ko ang aking hininga nang hampasin niya ang gate at inuga-uga.
Napaigtad pa ako sa lakas noon, gustong magalala sa lagay ng kamay niya pero hindi magawa dahil sa galit na nakalarawan sa mukha niya.
"If this is some kind of a prank, hindi na ako natutuwa. Open this goddamn gate and talk to me properly hindi 'yong iiyak-iyak ka diyan na hindi ko malaman kung ano ba ang problema mo!"
Umingay na naman ang gate ng bitiwan niya ito at napahilamos sa kaniyang mukha. Napatalikod pa siya sa akin pero mabilis lang at humarap na.
Kapag magtatama ang mga mata namin ay agad akong napapatungo. Hindi ko kayang tagalan.
Nasa harapan ko ang lalaking pinakamamahal ko. Ang nagparamdam sa akin na sobrang special ko. Na hindi dapat ako masaktan.
Ngayon, ako ang mangiiwan at mananakit sa kaniya.
I just wished the time to stop so that he won't get hurt. Haines doesn't deserve that.
Huminga ako nang malalim at saka nilakasan ang loob na bitiwan ang mga salitang kailangan kong sabihin sa kaniya.
"I've had enough of us."
Kitang-kita ko kung paano kumunot lalo ang noo niya, sumeryoso. My heart beats so fast as I put all my strength on the phone I am holding.
"You what?" mahina pero madiin niyang tanong sa akin. "Had enough of me?"
Pumatak muli ang mga luha ko bago ako tumango. How can I convince him if I am like this?!
Tumawa siya nang nakakaloko. Sobrang sakit na ng puso ko. Bawat kirot, hindi ko na alam kung bakit nakakahinga pa rin ako hanggang ngayon na sobrang bigat ng dibdib ko.
"Vanessa, magkasama pa tayo kanina. Bakit biglang-"
"Ayaw ko na nga kasi. Sawa na ako. Nakakasawa rin pala!"
Hindi ko napigilan ang sarili na tumaas ang boses dahil ayaw ko ng tumagal ang paguusap namin. Baka magbago pa ang isip ko at sumama na lamang sa kaniya.
"Sawa ka na?"
Hindi ako sumagot at tumungo na lamang.
"Sawa ka na saan? Sa akin? Ano bang pinagsasasabi mo? You are being unreasonable. We are fine just a while ago. Hon naman!"
"Ayaw ko na nga! Ayaw ko na sa relasyon natin. Tapusin na natin ito."
Hindi ko akalain na rito kami magtatapos.
"Open this gate then."
"Ayaw ko!"
He tried pushing the gate. Nang hindi pa ako gumalaw ay kaniya na itong sinipa-sipa.
Umiling-iling pa rin ako.
He then started punching our metal gate. "Who says you can break up with me? You can't do that to me!"
"Open this fvcking gate!"
Nakita kong dumudugo na ang kamay niya kaya agad kong binuksan ang gate. "Haines naman... Please. Let's end this here. Parang awa mo na."
"Tangina naman, Vanessa. Ikaw pa ang nagmamakaawa ngayon? Nakikipaghiwalay ka! Wala man lang matinong dahilan! Okay pa tayo kanina diba? No! I won't break up with you!"
Nagbalak siyang lumapit sa akin pero agad akong umatras. Pain crossed his eyes.
Ang sakit na makitang sinasaktan ko siya. "I'm sorry. I am so sorry, Haines. You will find someone wo-"
"Don't! Don't you dare fvcking say that!"
"Ipipilit mo pa rin ba? I just realized that I am so tired of us. Hindi pala kita mahal! I just took my challenge to myself na akitin ka at iwan kapalit ng ginawa mo sa akin dati! I'm sorry. Pero hindi talaga kita minahal."
One last punch on the gate before his emotion changes.
From pain to nothing. No emotions flashed on his face now.
Wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak nang umiyak.
He then smiled at me.
Mas lalo akong naiyak sa kamay niyang patuloy na nagdurugo. Gusto kong kunin iyon at haplusin, gamutin. Alam kong masakit iyon at nasasaktan siya pero hindi man lang niya iyon iniinda.
I made him do this. Anong klaseng tao ako para saktan ang tulad niya?
"Well then, congratulations!"
Mabilis siyang sumakay sa kotse niya at wala pang ilang segundo na nawala ang sasakyan niya sa paningin ko.
Dali-dali kong tinawagan si Juan at sinabing puntahan ang kaibigan niya. Humingi na rin ako ng sorry bago pinatay ang cellphone ko.
Napaupo na lang ako sa harap ng aming bahay at doon nagpakaiyak-iyak.
Pinili ko ito pero bakit sobrang sakit?
This is the end of my life.