Chapter 36: Powerful

Vanessa

Haines is calling. Alam niyang hindi ako makaka-uwi sa unit ko kaya sigurado akong manga-ngamusta siya.

Ang dating sigla at pagkasabik ko kapag tumatawag siya ay napalitan ng pagkalungkot. Bakit ba kasi kailangan pa itong mangyari?

Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko nang kuhain ko ang cellphone ko at tumambad sa akin ang mukha naming dalawa. Siya ang nagrequest na ilagay ko iyon bilang contact profile niya.

Napaka-gaganda ng aming mga ngiti rito. Hinayaan ko lamang ang mga luha kong walang patid sa pagtulo habang hinihintay na matapos ang tawag niya. I would just lie to him that I am downstairs and I left my phone here at my room. I know, he would buy that because I never lied to him.

But now, I will. Lying is so awful. Ayaw na ayaw kong pinagsisinungalingan pero ngayon, ako pa ang gagawa noon sa taong mahal ko.

Paano na kami? Sinasabi ko na babaliwin ko si Haines para hindi ako makakayanang iwan, pero ako yata itong mababaliw na hindi ko siya makakasama.

Walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha at wala akong ginawa para tumigil iyon. Napakabigat ng dibdib ko at alam kong tanging ito lamang ang makakatulong. Ang pag-iyak.

Matapos akong iwan ng mga magulang ko ay nagtungo ako rito sa aking kwarto.

Lock me here?

Then, I’ll just lock myself here at my room until I starve to death. I don’t care about anyone here in our house!

Matanda na ako para pagsabihan pa nila ng dapat kong gawin. If I don’t want to marry Alejandro, no one can stop me even if that would mean I would disappoint my parents and put me in danger. Patayin na lang niya ako nang sa gayon ay hindi ko na lang pagsisisihan na iniwan ko si Haines.

I promised him. Nangako ako na hindi ko siya iiwan. Sa aming dalawa, ako ang vocal. Ako ang mahilig na mangako. Ako ang palaging nagsasabi ng mag pangarap namin. Pangarap kung ilan ang gusto kong anak, kung saan ko gustong magpakasal, kung saan kami magha-honeymoon at napakarami pang iba.

Ako lagi ang nagbubukas ng mga ganitong topic pero ngayon…

Mangyayari pa kaya ang mga pangarap na iyon? O katulad ng dati, hanggang pangarap na lang?

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at parang ahas na umalikon doon. Tumunog muli ang aking cellphone dahil sa kaniyang pagtawag. Hinawakan kong muli ang aking cellphone at pinakatitigan ko ang aming larawan.

I love you so much, Haines Gian Medallon.

Naistorbo ang pagbabalik-tanaw ko sa lahat ng ala-ala naming magkasama nang may sunod-sunod na kumatok sa aking pintuan.

“You should not make me see you sulking and crying, Vanessa. You won’t like what I will do. So you better fix yourself and go out. Alejandro requested for a video call at nine. Kakain na tayo ng dinner bago makipag-usap sa kanila, kaya mag-ayos ka na.”

Mas lalo lang akong nanghina sa kama at parang tanga ang aking mga luha dahil hindi na sila natigil sa pag-agos.

I have met Alejandro before when Ate and Kuya Shawn got married. Nagka-usap sina daddy at ang pamilya nila at doon, naisipan nilang kami ang ipagkasundo. I thought it would be void. Kinalimutan ko iyon dahil ang Daddy ko an mismo ang nagsabi na si matapos kay ate ay hindi na niya ipapasok ang sunod niyang anak sa ganong kasunduan.

At ngayon na kakauwi lang nila, ganito agad ang ibubungad sa akin?

Nakakagalit. Gusto kong sigawan si Daddy. Gusto ko siyang sumbatan pero hindi ko magawa. It might upset him or mom and that is the last thing that I want to happen. I may get angry but I won’t wish for them to be hospitalized or worse, die just because I did not obey them.

Culture... Fvcking culture!

Mula sa pagkaka-alikon sa kama ay tumihaya ako at tumitig na lamang sa salamin.

Ano kayang mangyayari kay Haines kapag iniwan ko siya? Magagalit kaya siya sa akin? Kamumuhian ba niya ako?

Napahikbi na ako at maya-maya ay napahagulgol na dahil sa imahinasyon kong nahihirapan si Haines.

Ang hirap. Hindi ko kaya…

Si Haines na palaging gusto ng halik. Si Haines na gustong laging nakadikit sa akin. Si Haines na kailanman ay hindi ko pinangarap na makuha para sa huli ay aking saktan at iwan.

He doesn’t deserve that.

Edi sana, hindi na lang ako naglumapit pa sa kaniya.

Kusang bumukas ang pinto at wala na akong pakialam kung sino man siya at makita ang aking ayos.

For sure, it is not Dad. He should be yelling by now.

“Sis…” She has a spare key of my room.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa panginginig pero ang mga luha ko ay mas lalong nag-uunahan sa pagtulo. Mas lalong sumikip ang dibdib ko at nahihirapan na akong huminga.

“I am sorry.”

Kumunot ang noo ko pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. I don’t want to make an eye to eye contact to anyone while I am crying. I won’t and I can’t.

“Remember the time that I went to your room, crying so much because Dad wanted me to marry a gut which I don’t know who…” Her voice broke.

Lumubog ang kama at naramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko. “I felt like it is the end of the world. I even wished to just die so that my life won’t turn to hell. Alam mo iyan dahil halos tapusin ko na ang sarili ko pero anong ginawa mo sa akin,” saad niya, umiiyak na rin.

“You hugged me and told me that it is fine. That you are there for me and you would never leave my side.”

Ate Vhon is an introvert person. Bahay, school, bahay lang siya. She doesn’t have a friend other that me. Kaya nang malaman niya na ipakakasal siya sa tanong hindi niya pa nakaksalamuha at nakikita, halos mawalan na siya ng pag-asa. Hindi siya kumain nang ilang araw at hindi rin siya lumalabas ng kaniyang kwarto.

“Now, as your ate, I can’t accept the fact that you will marry a guy you don’t love. Mahirap. Nakakatakot. Walang kasiguraduhan ang buhay mo. Ako kasi, wala akong boyfriend kaya hindi masakit sa puso nang sobra pero ikaw, I have seen how much your eyes sparks everytime you see Gian. And it hurts me. It hurts me knowing that it will soon fade. Gustong-gusto kitang ipagtanggol kay Daddy, pero, hindi ko magawa hindi dahil takot ako kung hindi ay dahil…”

Pumiyok na siya sa kakaiyak. Kumabog ang puso ko at mas lalong nanikip.

Ang mga hagulgol ko ay mas lalong lumakas dahil nakikita ko na kung saan ito patutungo.

“Alejandro slipped in a press conference at UK and he said, he is about to marry you. He will marry Vanessa De La Vega infront of a big crowd. And there, nagsimula na siyang kontakin ang Daddy hanggang sa tinakot na siya na papatayin na lang ikaw kung hindi ka magpapakasal sa kaniya. He can't just make mistakes. You know the media. Napakabilis kumalat ng balita at hindi ito mapigilan ng mga Salazar. It would be a shame for them if it won't happen."

Hindi pa rin nito mapatigil ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko na iyon kasalanan. Sila ang nagpa-uso, bakit ako idadamay. Bakit pa kais nakipagkasundo. Bwisit talaga!

Hinawakan ni ate ang kamay ko at saka niyakap. “You know how powerful Salazar are.”

Alam ko. Kayang-kaya nila akong ipapatay kahit ngayon na mismo. Natigil ang pagtulo ng luha ko dahil sa nalaman. He is the one to blame.

Sinuklay-suklay niya ang buhok ko habang nakayakap ako sa kaniya. "I don't want to marry Alejandro, Ate."

"If only we can do something about it. Our businesses might get affected. Sina mom and Dad. Alam mo bang nakipagsigawan pa si Daddy last time para ipagtanggol ka? Unfortunately, he failed."

Hindi na namin naituloy ang paguusap dahil sa tawag ng katulong. Ginawa ba talaga iyon ni Daddy?

“End up your relationship with him. Listen to me, Vanessa."

Para akong plastik na lumulutang sa ere habang kumakain. Lampasan sa tainga maging ang naririnig ko sa paligid.

Hindi ako kumibo sa buong hapunan namin at maging si ate ay tahimik lamang. I am so thankful with her.

Pasalamat nga at nagkamabutihan sila ng asawa niya kahit na ipinagkasundo lang sila.

Agad nagyaya sa dining area si dad at si ate agad ang tumabi sa akin.

Tumambad ang mukha ni Alejandro na gwapong-gwapo sa suot na hoodie. Kulot ang buhok niya at may kaputian. Mabagsik ang mukha, suplado kumbaga.

Magkaganon man, walang makatatalo sa boyfriend ko.

My parents are smiling widely at the camera.

I just want to walk out and lock myself again on my room.