Chapter Six: Love is not self-seeking

PAULIT-ULIT kaming lumalabas ni Cadmus para maipakita sa Senyor Arcajante na maganda talaga ang relasyon namin. Pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako kinakausap. Maliban na lang syempre kung kailangan naming magpanggap.

Ngayon ay nasa company building siya. Kasalukuyan akong nasa labas at naghihintay sa kanya. Kasama ko si Mang Elmo na nagdrive ng sasakyan dahil sabi ko sa kanyang susunduin namin si Cadmus ngayon sa trabaho.

Balak ko sanang dalhin siya sa favorite kong kainan ng turon. Mura lang kasi ‘yon. Napag-usapan kasi namin ni Manang Aida ang tungkol sa mga pagkain kahapon at nabanggit niya sa akin na hindi pa nakakatikim ng turon ang pamilya Arcajante dahil nasanay sa mararangyang pagkain. Kaya ngayon ay balak ko ‘yong ipatikim sa kanya. Doon, hindi na niya ako pwedeng ilibre dahil mura lang naman.

Nasa loob ako ng kotse kalahating oras na. Panay ang tingin ko sa relo ko dahil 15 minutes late na ay hindi pa rin lumalabas ang ‘nobyo’ ko. Nasaan na kaya ito? Baka naman may problema sa loob?

“Minsan po ba nale-late talaga ng uwi si Cadmus?” Tanong ko kay Mang Elmo na kumakain ng donut na binili ko sa kanya kanina.

Sinubo muna niya ang huling kagat bago siya sumagot. “Opo ma’am…” Ngumiti siya sa akin. “Salamat po pala sa donut ma’am… At sa laruan na binili niyo para sa mga anak ko.”

“Naku Mang Elmo! Mura lang ‘yan, syempre sa Divisoria tayo namili kaya mukhang mamahalin!” Tumawa ako. Pero hindi ko talaga mapigilang mapatingin sa relo ko. Ang tagal kasi.

Nakasuot ako ng white tube floral dress na ibinigay sa akin ni Cadmus ilang araw lang ang nakalipas at binagayan ko ito ng naka wedged sandals. Ang buhok ko’y naka waterfall hairstyle na may nakausling buhok sa harapan.

Naghintay muna ako ng trenta minutos bago ako magdesisyong lumabas ng sasakyan. Sumunod naman sa akin si Mang Elmo.

“Pwede po ba pumasok sa loob?” Tanong ko kay Mang Elmo habang nakatingin sa building.

“Opo ma’am. Hindi niyo na rin po kailangan magpagawa ng appointment dahil sa pagkakaalam ko, kayo ang priority ni sir…” Nasilayan ko ang ngiti nito. “Pasok na po kayo ma’am… Iyong mga mukhang bata po ang kausapin niyo pag gusto niyo pong magtanong kung saan ang opisina ni sir. Ipapakita po nila sa inyo kung saan pupunta.” Sabi niya pa.

“Ganoon po ba…” Tumango ito kaya ngumiti ako at nagsimulang pumasok na sa loob. Ang malamig na aircon ang nagpahawak sa akin sa sarili kong mga braso. Humahapit ito sa aking balat.

Tahimik ang mga taong naka business attire at mukhang seryoso sa mga trabaho nila. Natanaw ko pa mula sa ilang cubicle ang mga kababaihang nasa 20s pa. Iyon ba ang tinutukoy ni Mang Elmo?

Nang mapunta sa akin ang mata ng isa ay sunod na napunta sa akin ang mata ng lahat. Parang nakakabother ang presensya ko.

“Pasensya na po sa istorbo… Pwede po bang magtanong kung nasaan ang opisina ni Cadmus Arcajante Jr.?”

“Opis daw ni Chief uy…” Siniko nung babaeng nakaboycut ang buhok yung babaeng brown ang buhok na naka-bun hairstyle.

Tumayo ang babaeng naka-bun at lumapit sa akin. “My name is Rachel Peralta. May I know your name ma’am?” Pagpapakilala niya sa sarili. Nag-extend din siya ng kamay sa akin para makipag shake hands na tinanggap ko naman.

“Hello po, Ate Rachel… My name is Erin Hecate Crisostomo.”

Nanlaki ang mga mata niya sabay tingin doon sa babaeng nakaboycut na nanlalaki rin ang mga mata.

“W-Wait lang po ma’am ah…” Lumapit siya roon sa nakaboycut. “Gago… Ito ba ‘yung girlfriend ni sir? Papapasukin ba natin sa loob? Nandoon ‘yung… ‘yung si ano!”

“Oo gago ka!

Kahit nagbubulungan sila ay rinig ko pa rin ang pinag-uusapan nila. Pero wala naman akong maintindihan. Sino ba ang nandoon sa opis?

“Paano pag napagalitan ako? Sinasabi ko sa ‘yo, Kennedy! Totortahin ko mata mo mamayang gabi!” Bulong pa nito ulit bago lumapit sa akin ng may ngiti sa labi. “Sure ma’am… I’ll take you there.”

Marami kaming nadadaanang pasilyo. Ang daming rooms kaya nakakalito. Minsan ay nakakarinig ako ng tawag sa telepono mula sa kung sino. Umakyat pa kami ng isang floor bago kami makarating sa pamilyar na room tabi kung saan kami nagmeeting dati.

“Dito po ma’am…” Sabi sa akin ni Rachel. “Just go right and straight tapos may makikita na po kayo roon na pintong may nakalagay na sign na ‘Chief Executive Office’ tapos katok lang po kayo ma’am.”

“Thank you po!” Ngumiti ako at kumaway na sa kanya. Mukha kasing nagmamadali rin siyang bumalik sa trabaho niya kanina.

“You’re welcome ma’am,” ngumiti ito pabalik.

Nang maiwan ako ay kinagat ko ang aking labi. Paano ko ngayon sisimulan ang pag-uusap namin? Baka kung ano ang masabi ko eh… Ako pa naman, kung ano ang gusto kong sabihin, hindi ko pinipigilang lumabas sa bibig ko. Kahit hindi ko pa ‘yon isipin nang isa o ilan pang beses!

Bubuksan ko pa lang ang pinto nang magbukas ito ng kusa. Napaatras tuloy ako sa gulat.

“Erin?” Bungad na tanong sa akin ni Cadmus sabay sarado ng pinto ng opisina niya. “What are you doing here?”

“Uh… Nandito ako para sunduin ka.” Sagot ko sa kanya. “May gagawin ka pa ba ngayong araw?” Tanong ko.

Taka niya akong tiningnan. “Wala naman…”

“Then you’ll go with me today,” Nilunok ko ang pride ko at kinuha ko ang kamay niya para pagsiklupin iyon sa kamay ko.

Ngumiti agad siya. Namumula ang mukha niya! “Go where? You could’ve called me instead… Dapat tumawag ka na lang, hinintay mo pa ako.” Sabi nito tsaka hinalikan ang noo ko. “Did you go here all alone?”

“Basta sasama ka sa akin ngayong araw,” sagot ko agad. “Hindi ako mag-isa, kasama ko naman si Mang Elmo at hinatid ako rito ni Rachel Peralta. Ang bait niya nga sa akin eh.”

“I’ll raise her salary if so…” Tumawa siya.

Hinampas ko siya sa balikat. “Grabe ka na talaga, bigatin! Gusto ko na rin tuloy maging CEO. Pagkatapos ng 3 months mag-aaral na rin ako pero sa ibang bansa naman!”

Nagsimula kaming maglakad nang magkasiklop pa rin ang kamay. “Sa ibang bansa? Bakit doon?”

“Gusto ko lang maranasan… Kung hindi rin naman dahil sa ‘yo hindi magiging posible ‘yon para sa akin, eh…” Ngumiti ako.

“So does that mean you will stop studying for now?” Tanong niya sa akin.

“Hindi, I’ll take online class instead…” Sagot ko naman. Pinag-isipan ko na ito noong isang araw pa.

Nang makalabas kami ay sinalubong kami ni Mang Elmo. Napasipol pa ito nang makita ang kamay naming dalawa ni Cadmus. “Iba ka talaga sir!” Tumawa silang dalawa ng katabi ko. “Saan po tayo ma’am?” Tanong niya sa akin bago siya pumasok sa loob ng kotse.

“Doon lang po sa maliit na stall na dinaanan natin kanina. Iyong may mga street foods po.” Sagot ko sa kanya.

Nagsalubong ang kilay nito. “Saan po roon ma’am? Doon po ba sa Aling Maricar’s?”

Tumango ako. Grabe! Naalala pa ni Mang Elmo ‘yun? Eh hindi nga niya tiningnan ‘yon kanina eh. “Opo, Mang Elmo… Doon po tayo.”

Bubuksan ko sana ang pinto nang mauna na si Cadmus doon. Pinagbuksan niya ako ng pinto. “Don’t do that… I should be the one who opens the door.”

“Corny!” Komento ko pero namumula na ang pisngi. 

Pumasok ako sa loob. Tumakbo naman siya papunta roon sa kabila para doon sumakay. Magkatabi kasi kami sa passenger seat.

Hinawakan niya ulit ang kamay ko pagkapasok niya sa loob. Tumingin pa siya sa akin at ngumiti saglit nago tumingin sa bintana.

Napatitig ako sa kanya… Ang gwapo niya talaga. Marami siyang ginagawa sa akin na hindi ko maitatanggi na nakakakilig talaga. Talagang mapapangiti ka kahit anong pigil mo. Paano nga pag nagkagusto talaga ako sa kanya? Anong gagawin ko? Paano kung hindi niya ako gusto?

Pero bakit niya ito ginagawa kung hindi niya naman talaga ako gusto? Ano? Chivalry? Kakaunti na lang kasi ang mga lalaking gumagawa non ngayon kaya baka nila-love bomb niya lang ako. Iyong pagkatapos kong mahulog sa kanya lolokohin din niya ako.

Katulad ng ginawa sa akin ni Jarmin.

Napaisip tuloy ako sa nakita kong picture nila sa mansion. Magkaibigan ba talaga sila hanggang ngayon? Gusto ko sana siyang tanungin kaso sa loob loob ko ay pakiramdam ko dapat hindi ko na ‘yon itanong pa sa kanya kasi para saan pa, ‘di bam

Baka kasi… nahulog na ako agad. Ilang linggo pa lang naman ang nakalipas. Siguro kung umabot pa ng buwan, aamin na ako sa kanya kahit na hindi niya pa ako gusto. Tapos na rin naman ang pagpapanggap naming dalawa e.

Pero sana… Hindi na ako mahulog kasi masasaktan lang ako sa huli. Masasaktan ko lang siya sa huli.

Hindi naman malayong manloko siya kasi mayaman siya, gwapo, gentleman naman siya at marami pa.

“Ang ganda ganda mo, sobra,” nag-angat ako ng tingin mula sa pagkakayuko ko. Biglang nagsalita si Cadmus habang nakatingin siya sa akin ngayon. “Anong pumasok sa isip mo at sinundo mo ako rito?” Tanong niya.

“I miss you…” Pag-amin ko. “Gusto sana kitang dalhin sa favorite naming kainan ng mga kaibigan ko. Sabi nila kahapon sa akin dalhin kita rito at kahapon din nabanggit sa akin ni Manang Aida na hindi ka pa nakakatikim ng turon so…”

“Turon? What’s that?” Nalilitong tanong nito.

“Sabi na eh,” bumuntong hininga ako. “Dapat i-try mo ‘yon ngayon kasama ng fishball, kwek kwek, kikiam, banana cue at marami pa! Kung hindi, hindi ka pa pwedeng mamatay dahil wala ka pa palang natitikmang ganoon.”

“Nakatikim na ako ng kwek kwek once! The one with the orange coat, right?”

“Oo!” Tumawa ako. “Masarap ‘yon, favorite ko nga ‘yun eh. Nung highschool ako doon lagi nauubos ang baon ko.”

Nang makarating na kami sa tapat ng stall ay bumaba agad kaming tatlo. Nanlaki ang mga mata ni Aling Maricar nang makita niya ako. “Dios mio, Erin! Saan ka nang galing? Nabalitaan ko’y pinaalis ka ng tiyahin mo?”

“Hindi ko po siya tiyahin, Aling Maricar,” tanggi ko agad. Hindi ko ituturing na tiyahin ang mga ganoong klase ng tao. “May kasama po pala ako. Ito po ang nobyo ko, si Cadmus. Nasa likuran naman po namin si Mang Elmo, ang nagdrive po papunta rito.”

“Naku hija! Kaya naman pala glowing ka ha…”

Nag-init ang pisngi ko. “Hala! Bakit ganyan ka po mag-isip? Wala po kaming ginagawang milagro ni Cadmus!” Depensa ko agad.

Humalakhak ito. “Ano ba? Ang sinasabi ko’y glowing ka dahil masaya ka. Ikaw ha!” Mas lalong lumakas ang tawa nito dahilan para matawa ang nobyo ko at si Mang Elmo. “Ano bang gusto mo riyan? Pili ka lang.”

“Hmmm…” Nag-iisip pa lamang ako nang magsalita ulit ito.

“Teka, magkasama na ba kayo ineng?”

“Po?” Tumingin ako kay Cadmus. “P-Parang ganoon na nga po… Pero nag-aaral pa po ako. Wala po kasi akong matirhan kaya naninirahan po ako ngayon sa bahay nila Cadmus.”

“Ganoon ba…” Tumango tango ito.

“What do you want?” Tanong ni Cadmus at hinapit ang bewang ko.

“Libre ko na ‘to, Cadmus,”

“No,” sagot niya agad.

“Cadmus.” Matigas kong banta.

“Okay…” Parang asong tuta itong pinapagalitan ng amo. Humina pa ang boses niya.

“Tig-50 pesos nga po ng fishball at kikiam tapos anim na turon tsaka… Magkano po ang kwek kwek?” Tanong ko pa.

“Apat na piso ang isa…”

“Wala bang discount?” Biro ko sabay tawa.

“Naku! Anong discount? Mukhang mayaman nga ang nobyo mo eh! Ang gwapo pa!” Humagikhik ito.

“Luh si Aling Maricar oh… Akin ‘yan!” Tumawa ako. “Tatlong tig-40 pesos po na kwek kwek.”

Pumalakpak ang matandang babae. “Ang dami ha… Mauubos niyo ba ‘yan?”

“Oo naman po! Ako pa ba?” Pabiro kong itinaas ang muscles ko sa braso pero wala namang lumalabas doon kundi mala-patpat na laman. “Ako lang ‘to, Aling Maricar. Ang kinababahala ko lang, itong kasama ko na ‘to! Mukhang hindi sanay sa maramihang kainan eh!” Tinuro ko si Cadmus na nagtataka.

“What?”

“Naku ser… Sumunod kayo riyan kay Erin. Parang matandang babae kung kumilos iyan eh pero kadalasan parang bata. Pero palagi ‘yang tama.” Sabi ng tindera sa nobyo ko. “Kasi ang babae..?”

“Palaging tama!” Magkaantabay na sabi namin ni Mang Elmo at Aling Maricar. Si Cadmus naman ay nakakunot ang nuo at walang alam sa nangyayari.

Umupo kami sa monoblock chair at doon naghintay kung kailan maluluto ang order namin. Nakatabi ko naman si Cadmus at si Mang Elmo ay nasa kabilang table. Nakatukod pa ang kanyang siko sa lamesa para lang makatingin sa akin. Naiilang tuloy ako!

“Balik tayo rito ha…” bulong niya.

“Hindi mo pa nga natitikman ang pagkain, eh.”

“Memorable kasi syempre kasama kita tapos ikaw ‘yung nag-aya sa ‘kin… You also held my hand first today…” Ngumiti siya. Kumikinang ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. “Wala nang mas gaganda pa sa mata mo.”

Wow… Diretso na siyang mag-Tagalog ngayon ha?

“Laos na ‘yang mga ganyang salitan uy…”

“Ganoon ba?” He licked his lips. “You have the most pure, beautiful and unique heart. That’s all you, Erin,”

Napatitig ako sa kanya. Winawari kung nagsasabi siya ng totoo sa akin. Hindi niya inaalis ang tinginan namin hanggang sa magtubig na ang mata ko dahil walang gustong umiwas ng tingin.

“Luto na!”

Nilapag ni Aling Maricar ang mga niluto niya. Hindi katulad ng iba niyang customer, plato ang binigay niya sa amin. Hindi plastic na baso o ano.

“Taray naman po! Lume-level up!”

Kinindatan ako nito. “Syempre!”

“Magkano po ‘to lahat?” Nilabas ko ang wallet ko.

“Ako na,” that’s Cadmus again. Mariin akong napapikit. “I insist,”

“Cadmus?” May halong pagbabanta ang tono ko habang plastik na nakangiti sa kanya.

“Fine.” Mukhang labag pa sa loob niya ‘yon. Nagcross arms na lamang siya at tumusok ng fishball.

“Makikinig naman pala eh,” tumawa si Aling Maricar. “280 lang ‘yan, neng,”

“Ah sige po.” Bumunot ako ng tatlong daan sa bulsa ko. “Sa inyo na po ‘yung benteng sukli hehe… Hindi po kasi plastic ang ibinigay niyo sa amin ngayon.” Natatawa kong sabi.

Nang makita ko ang mukha ni Cadmus na nakatulala lang doon ay siniko ko siya. Hindi niya ba ito kakainin?

“Hoy?”

“What?” Lumunok siya.

“Ang dami niyan, hindi ka kakain?” Tanong ko sa kanya tsaka ko tiningnan si Mang Elmo na nahihiya pang kumuha. “Ikaw rin po, bakit hindi ka po kumakain?”

Nagkamot ng batok si Mang Elmo bago nilapit sa pwesto namin ang kanyang monoblock chair para makitusok. “Salamat po ma’am.”

Tinaasa ko ng kilay si Cadmus ng tumingin siya sa akin. “Ayaw mong kumain?”

“I-I will eat…”

“Hala ka! Lagot ka kay Aling Maricar, hindi mo kinakain ang luto niya!” Pangongonsensya ko sa kanya. Natigilan ito at napatingin sa matandang babaeng umakto pa na parang nasasaktan pero tumawa noong nag-iwas na ng tingin si Cadmus. “Bawal na raw bumalik dito pag hindi kinakain ang binibili!”

Mukhang nakonsensya nga ang kawawang CEO na pinakain ko lang sa tabing kalsada kaya kinain niya agad ang kikiam at fishball sa harapan nang sunod sunod. Sa una nga’y nahirapan pa siyang lumunok pero nang malasahan niya nama’y nagsimula na siyang kumain nang maayos.

Tumusok ulit ako habang nangingiti siyang tinitingnan.

“Babawi ako,” seryoso ang tingin nito sa akin habang nagpipigil kami ng tawa ni Mang Elmo.