Chapter Five: love doesn’t dishonor others
“Grabe… Ibang klase talaga ang kagandahan ng fezlak mo, sis… Nakabingwit ka ba naman ng bilyonaryo. Kaloka, para kang female lead sa isang nobela. Sana all talaga, ‘akla!” Hinawakan pa ni Laurel ang pisngi ko.
Hindi ako matigil katatawa dahil sa mga komento ng mga kaibigan ko sa mansion nila Cadmus. Inimbitahan sila rito ng pekeng nobyo ko. Sa una ay todo tanggi pa ako dahil nakakahiya na pero nagpumilit sila at gusto rin naman ni Cadmus kaya dinala sila rito ng driver ng mga Arcajante.
“May klase ba kayo?”
“Makakapunta po ba kami rito kung meron… hehe.” Magalang ngunit sarkastikong tugon ni Laurel kay Cadmus.
Tumango si Cadmus. “Let’s go somewhere then.”
“Saan naman?” Tanong ko habang nakapasan ako kay Nirca. “Okay lang naman kahit dito na lang…” Sabi ko dahil nahihiya na talaga ako sa kanya.
“I’m your boyfriend. You own what I own. No need to be shy, guilty or anything negative about it.” Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Pagkatapos noon ay tumingin siya sa mga kaibigan ko. “Let’s go?”
Nagtilian naman ang mga loka-loka. “G na g!” Sabay sabay nilang sigaw tsaka nagtalon talon. Bumaba naman ako mula sa pagkakapasan ko kay Nirca para sundan si Cadmus.
“Saan naman tayo pupunta ngayon?”
“It’s a secret. Trust me this time.” Kumindat ito sa akin.
Nang sumakay kami sa kotse ay tuwang tuwa ang mga loka loka. Dumaan kami sa isang malaking building na may rooftop. Tumingin kami sa taas nang makarinig kami ng malakas na tunog mula roon. Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng Helicopter doon! Hindi nagtagal ang paglaki ng aking mga mata dahil napakahangin at baka mapuwing pa ako.
“What in the hell bro…” Natulala si Renice habang tinitingnan din ‘yon. “Anong gagawin natin dito, Kuya Cadmus?”
“We’re riding that..” tinuro ni Cadmus ang helicopter sa taas. “I’m the pilot.” Tinuro niya ang sarili.
Nalaglag ang panga naming apat sa sinabi niya. Siya na nga ang may sariling helicopter, dinala niya pa ang mga kaibigan ko rito at ngayon naman, siya pa ang magd-drive? Mababaliw talaga ako kaka-overthink sa mga pasabog na ginagawa niya e!
“Seryoso ka ba? Weh?” Hindi mapigilan ni Nirca ang kanyang bibig. “Sana all na lang po talaga sa inyong dalawa. Kaya pala noong nagpasabog ng talent si Lord walang natira sa akin kasi sinimot niyo.”
“Sana all muna kasi may boyfriend,” umiling si Laurel. “Sorry ito lang ako, Cadmus, Erin, pabigat lang ako.” Pagd-drama pa nito.
“Puro kayo kalokohan.” Tumawa ako tsaka humarap kay Cadmus. “Anong oras tayo aakyat doon sa taas?”
“We’re going there now.” Sagot niya.
Habang paakyat kami sa taas ay hindi ko na mapigilan ang mapangiti. Oo na aaminin ko na! Excited na rin ako tulad ng mga kaibigan ko. Ngayon ko lang kasi ito naranasan eh. Bakit ba?! Nang makaakyat na kami sa taas ay rinig na agad namin ang maingay na helicopter. Umiikot na kasi ito.
Unang pumasok si Cadmus sa loob dahil siya nga ang piloto ng helicopter. May pinasuot pa silang headset sa kanya. May inayos siya roon saglit. Mukhang seryosong seryoso pa nga ang mukha niya habang nakatingin doon. Nagsasalita rin siya at parang may kausap sa headset.
Ilang minuto ang nakalipas bago nagtama ang paningin naming dalawa. Ngumiti siya agad sa akin kaya ngumiti ako pabalik. Sinenyasan niya akong pumunta na kami roon. May lumapit naman sa aming dalawang lalaki at inalalayan kami papasok sa loob ng helicopter. Pinagsuot din kami ng headset. Narinig kong tinawag nila itong, “noise canceling headphones” para makapag-usap kami nang maayos sa loob ng helicopter. Maingay kasi.
Hindi tumitingin sa amin si Cadmus, seryosong seryoso siya sa kanyang ginagawa. Nakatingin lang ako sa kanya roon sa rear view mirror. He glanced there kaya nagtama ang tingin namin. May ibinulong siya roon sa lalaking umalalay sa amin sa helicopter kanina at tumango naman ito bago lumapit sa akin.
“You are supposed to be there in the front, ma’am, so that you and Sir Cadmus can be next to each other.” Sabi nito sa akin.
“Oh!” Ninenerbyos akong tumawa dahil malakas ang tibok ng puso ko sa kaba.
Nakakaramdam na kasi ako ng kung anong pagbabago sa tiyan ko, karaniwan ko ‘tong nararamdaman pag nasa mga matataas na lugar ako.
Tumingin ako sa mga kaibigan kong kinakabitan pa ng isang lalaki ng headsets. Nag okay sign naman sila sa akin para sabihing okay lang kung lilipat ako. Tumango ako. Hinawakan noong lalaki ang kamay ko para makababa ako nang maayos sa helicopter wala kasing maluwag na harang sa pagitan ng pilot’s seat at passenger seat.
“Hey…” Bati ni Cadmus nang hindi tumitingin sa akin. “Are you okay? You look pale.” Dagdag pa niya.
“How can you tell? You’re not even looking at me.”
“Uh-huh? I am looking at you.” Ngumisi ito.
“Sana naman hindi mo kami patayin dito,” biro ko sabay halakhak. Natawa rin ito. “Ang dami pa lang kemerut sa helicopter, paano mo natutunan ‘to lahat? Ang daming pipindutin at iba pang ka-ek-ekan.” Komento ko nang makita ang napakaraming buttons sa harapan namin.
Tumingin ako sa harapan nakikita kong pataas na kami. Nakita ko ang ilang lalaki na sumesenyas kay Cadmus, marahil gumagawa ng senyales kung aatras ba kami o aabante. Aba ewan ko! Wala naman akong alam sa ganito.
Nagsimulang manginig ang aking mga kamay nang makataas na kami. Ang ingay pero higit na mas maingay kung wala kaming headset na suot. Kinakabahan ako, hindi ko alam, basta kinakabahan ako. Ang taas kasi.
Napatingin ako nang may maramdaman akong mainit na kamay na humawak sa kamay ko. Si Cadmus iyon na nakatingin pa rin sa harapan. “Don’t be nervous, I’ll do my best, I promise.”
Saglit siyang tumingin sa akin.
“S-Saan tayo pupunta?”
“Let’s eat in my family’s restaurant.”
Pagkatapos non ay pinakawalan niya ang kamay ko dahil kailangan niya nang magfocus sa pagpapaandar ng sasakyan. Ako naman ay nagpapakalma ng sarili habang nakatingin sa harapan. Naririnig ko rin ang tawa ng mga kaibigan ko sa likod habang nasa taas kami.
“Gago sis lumilipad na ‘ko!” Sigaw ni Nirca.
“Bobo ka girl hindi ka lumilipad, imagination mo lang ‘yan!” Humalakhak si Laurel.
Tahimik si Renice. Nabalitaan ko rin na nagbreak sila ng boyfriend niya. Ayaw niya pa magkwento, baka talagang hindi pa kumportable. Pero maayos at kahit papano gumagaan ang mga loob niya sa mga ganitong bagay.
“Pakasalan mo na ‘yang si Cadmus, ante! Siya na ang forever mo kasi sinakay niya kami sa helicopter!” Biro ni Nirca.
Tumawa ako. Nawala tuloy ang kaba ko. Hindi naman ako makahinga katatawa.
“Loka talaga kayo!” Sigaw ko na lang pabalik.
Nang makababa na kami ay mga ala-una na ng hapon. Pumunta kami sa isang lugar na napapaligiran ng batong pader at mga ilaw na lampara. Napakaganda rito, para kang nasa ibang bansa.
“Ang ganda naman…” Napangiti si Renice. Kita ko ang nagbabadyang luha sa mga mata niya. Ano kayang nangyari sa relasyon nila? Hays.
Lumapit ako sa kanya para yakapin siya. Ganoon din si Nirca at Laurel.
Dinala kami ni Cadmus sa isang malaking restaurant. Two storey restaurant iyon na sumisigaw ng eleganteng tema. Mukhang mamahalin talaga dahil puro pa makikinang na ginto ang nasa labas.
“Let’s eat lunch first, I bet you guys are hungry..” hinawakan ni Cadmus ang kamay ko. Ang pamilyar na elektrisadad ay dumaloy sa katawan ko. Nagtaasan ang akin balahibo at nakaramdam ako ng pamilyar na kiliti sa aking maselang parte ng katawan.
“Baka ikaw ang gutom, Boss Cadmus! Ikaw ba naman ang nagmaneho? O nagpiloto kung iyon ang tamang tawag doon? Nako!” Sa wakas ay tumaas din ang boses ni Renice. “Pero tama ka riyan lods, gutom na talaga ako hehe. Kaso mukhang mamahalin. Konti lang dala kong pera…”
“Sus Renice, style mo bulok!” Sigaw ni Nirca.
“Mga style niyo ang bulok talaga! Dadalhin ba tayo niyan ni Boss Cadmus dito kung hindi niya tayo ililibre?” Makapal ang mukhang tanong ni Laurel. “Hindi ba, Boss Cadmus?”
“Ang kapal talaga ng mukha mo Laurel! Ang sarap mong gisahin sa patis eh!” Sigaw ni Renice.
“Kunwari ka pa! Kunwari hindi niya naisip ‘yon noong una pa lang.” Nirca slapped back.
“Magsitigil nga kayo! Nakakahiya na! Hindi ko na kayo kilala!” Sigaw ko sa kanila dahilan para matigil ang mga ito. “Ako ang manlilibre.”
“What? No way.” Bulaslas agad ni Cadmus. “We own this restaurant so you don’t have to pay for anything. Leave it on me.”
“Pero---”
“Sweetheart, leave it on me.” Ulit niya pa tsaka ako inakbayan.
“Hays kainggit, ‘yoko na nga!” Padabog na naglakad si Renice papasok doon sa restaurant. Siya ang naunang pumasok sa loob at kasunod naman niya ang dalawa ko pang kaibigan. Nasa likod kaming dalawa ni Cadmus at nagpa-iwan.
“Masyado mo na a-akong ini-i-spoil…” Sabi ko sa kanya. “Baka pag isang araw sinabi ko sa kanila na nagbreak na tayo hindi sila maniwala. Sa pinapakita mo kasi parang totoong mahal na mahal mo ako eh… Kapani-paniwala na.” Dagdag ko pa.
“Bakit takot na takot kang mahulog sa ‘kin, Erin?” Tanong nito sa akin gamit ang malungkot na mga mata. Inalis niya ang pagkakaakbay sa akin at nauna nang sumunod sa mga kaibigan ko na nasa loob na ngayon.
Why does it hurt?
Hindi ako pinapansin ni Cadmus. Ang mga kaibigan ko naman ay kasalukuyang kumakain ng mga pagkain na nalalasahan ko lang tuwing pasko. Mga hamon de bola at kung anu-ano pa. Napakarami niyang biniling pagkain sa amin.
Tuwang tuwa tuloy ang mga kaibigan ko. Kahit nahihiya ako ay nakakatuwa na napapangiti ko sila sa ganitong mga bagay. Kapag kasi magkakasama kami ay medyo nawawala ang lungkot na nararanasan namin sa kanya-kanyang buhay.
Sabi nga ng iba eh: mentally unstable friend’s who’s more stable when they’re together.
Inabot na kami ng gabi papauwi sa Manila. May pasok na rin sila bukas eh. Syempre may pasok din ako, pero online class lang naman.
“Alam mo… boto ako riyan kay Cadmus. Hindi siya mukhang plastic katulad nung ex mo na sa una pa lang naaamoy ko na ang masamang vibes.” Si Nirca.
“Tama ka riyan sis! Pisces things talaga.” Pag sang-ayon naman ni Renice. “Boto talaga ako sa lalaking ‘yon. Kasi nasa kanya na ang lahat eh tsaka sa tingin niya pa lang sa ‘yo… Wow. Sana all!”
“Parang dati ay kami ang nagsa-sana all kasi ikaw lang ang may boyfriend tapos ngayon, table’s turned na!” Ngumiwi si Laurel kay Renice bago tumingin sa akin nang seryoso. “Pero kapag sinaktan ka niyan ah, nandito kami palagi. Sis before jerks, okay! Kahit hindi kami CEO ng malaking bangko ay dadalhin ka namin sa ibang bansa kahit magkanda kuba kuba kami basta hindi lang kayo sad ni Renice.”
Hinampas siya ni Renice dahil naiiyak na naman ito. Nagyakapan kami sa huling pagkakataon bago sila isakay ni Mang Elmo sa van pauwi sa pinanggalingan nila.
Bumuntong hininga ako. Pagkaharap ko ay nandoon si Cadmus na umakbay sa akin pero hindi nagsasalita. Pumasok kami sa loob ng mansion hanggang sa makita naming dalawa ang picture nila ni Jarmin.
Huminto kaming dalawa roon. Nawala ang pagkakaakbay niya sa akin.
“That’s Jarmin, he used to be my friend.” He said and pointed the guy beside him in the picture. “We’re not close anymore. He’s a very greedy person. He’s also our rival company’s CEO.” Dagdag niya pa at bumuntong hininga.
That’s my ex. I can confirm that he’s really a greedy person.
“You should rest.” Sabi nito tsaka ako inakbayan ulit. Naglakad kami paakyat ng hagdanan dahil nandoon ang kanya-kanyang kwarto namin.
Simula noon ay hindi niya na ako kinausap ulit.