Chapter 12: Love always hopes
Nagising ako dahil sa mga halik sa akin ni Cadmus sa aking leeg. Napangiti ako nang magtama ang aming tingin. Nang tumingin ako sa katawan ko ay wala akong saplot, ganoon din siya. Nakatakip kaming dalawa ng comforter. Nakatukod ang kanyang braso habang nakatingin siya sa akin.
“Thank you for doing it with me,” ngumiti siya sa akin bago ako halikan sa noo. “I’m sorry if I failed to pleasure you, that was my first time.” Nagkamot siya ng ilong.
“First time? Weh?” Gulat kong tanong. “You never failed to pleasure me, Cadmus… That was the best love making I’ve ever had…” Ngumiti ako sa kanya.
“’The best’? Why, isn’t that your first time?” Tanong niya bigla.
Humalakhak ako. “Of course that’s my first time!”
“Then ‘the best’ is not yet sure… But I’ll do better next time instead so that’ll be the best next.” Ngumisi ito bago hinawi ang buhok ko sa mukha.
Tumawa ako.
Nakarinig kaming dalawa ng tawag mula sa cellphone ko. Kumunot ang noo ko. Sino naman kaya ‘to?
“X? Who’s X, Erin?” Tanong ni Cadmus sa akin habang nakatingin sa screen ng cellphone ko.
Agad kong inagaw ang cellphone sa kanya.
Akala ko’y matatahimik ako ngayong araw. That’s Jarmin who called me.
“It’s my classmate,” ngumiti ako sa kanya. “Let’s go for a walk.”
“When are you going to start?”
Kinuyom ko ang aking kamao bago ko hinarap si Jarmin. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang ako naman ay matalim ang tingin sa kanya. Nasa coffee shop ulit kami, sa parehong pwesto kung saan kami nag-usap ilang araw na ang nakakaraan.
“Just wait.” Matigas kong sabi.
This damn guy. I want to rip his head so bad.
Ngumisi ito. “I just hope you’ll do well… We’ll be good. You’ll be good. We’ll live a happy life and you’ll go back to your new life but without worrying financially that much, Erin,” sinubukan pa nitong hawakan ang buhok ko pero malakas kong tinampal ang kanyang kamay.
“Don’t fucking touch me,” galit kong sabi.
“Marry me, Erin, that’s included in our deal.”
“Fuck you, Jarmin,”
Ilang beses ko na siyang pinatay sa isip ko. My younger self would be so disappointed that I loved someone like him. I’m so glad He helped me to get out of that relationship and found Cadmus.
“A deal is a deal, Erin and you have to do it. If not, just tell me. I can end him easily. But you don’t want that to happen, of course. You love him.”
“I’m in college, to chase my dreams! If you loved me, you should’ve thought about my dreams for myself! You are so selfish!” Sigaw ko sa kanya habang unti-unting tumutulo ang aking luha. “I wish I never met you, Jarmin! I fucking wish we never met! You’re the worst!”
His gaze softened. “If only you agreed for us to get back together… I wouldn’t go this far.”
“Fuck that! He’s your friend, right? What did you do? Why are you doing this?” Galit kong tanong. “You only want me, right? Why do you want me to do such thing? Why me, huh? Why ruin my happiness?” Sunod-sunod kong tanong.
“Erin…”
“After that, I wish to never see you again.”
Tumingin siya sa akin nang may kasamang sakit. “Fine, let’s do that.” He scoffed. “You will really do anything just for that guy, huh? You love him that much that you would even sacrifice yourself and your happiness?”
“You will never understand love, Jarmin. Because you never loved me.”
“If that’s what you felt I don’t want to argue with that anymore. Think I never loved you, fine! Okay! I just want you to finish the deal now if you still want to save that guy. Then I just have to plan what to do with dad.”
“Is everything okay, Cadmus?” Nag-aalala akong lumapit sa kanya tsaka minasahe ang kanyang balikat.
Magkasama kami ngayon sa iisang kwarto. Nakatukod ang kanyang braso sa desk niya habang hinihilot niya ang kanyang sintido. Nakatingin siya sa isang papel.
“There’s a problem in the company. The assets are not performing really well.”
Narinig ko ang pamilyar na salita na ‘yon mula sa aming lesson sa school. Isa ‘yon sa mahirap na hamon sa isang bank company---o sa isang kabuuang kumpanya.
“What can I do?”
“You don’t have to do anything, I can handle this.”
“I will find a way to handle it, Cadmus. I’m studying Business, remember?” Pinigilan ko ang panginginig ng aking boses.
“What do you want to do, then?”
Ngumiti lang ako. Alam ko na ang gagawin ko.
Tama nga ang hinala ko noon pa lang, masasaktan lang kaming dalawa sa huli.
“Hi Ate Erin! I was told by someone that you and Kuya are in a serious relationship now? Is that true? You’re dating now for real?” Excited na excited si Cadesia sa kanyang tanong sa akin nang makapunta siya muli sa mansyon.
Ngumiti ako. “Yes, that’s true. We are dating for real now.” Sagot ko dahilan para mapapalakpak siya.
Titig na titig ako kay Cadesia. Ano kayang iisipin nito pagkatapos kong gawin ang deal namin ni Jarmin sa kuya niya? Paniguradong maging siya ay kasusuklama’t isusumpa ako. Sinira na nga ni Amber ang tiwala nila, sisirain ko pa ulit.
“Ate Erin? Are you listening?” Tanong nito sa akin. “Are you tired? Yeah right! From the vacation! I’m sorry for pestering you. I was just so excited to ask it.”
“Naku pasensya ka na, Cadesia. Malalim lang talaga ang iniisip ko ngayon eh. May sinasabi ka ba?” Inakbayan ko ito at sabay kaming pumasok sa loob ng mansion.
Ilan lang sa mamimiss ko rito; ay ang mga kasambahay, si Manang Aida, si Mang Elmo, si Cadesia at ang Senyor Arcajante, ang mansion at ang pagtrato sa akin ng mga tao rito at higit sa lahat, si Cadmus.
Simula ng araw na nagdeal kami ni Jarmin ay lagi akong binabangungot. Noong isang gabi ay napanaginipan kong umiiyak si Cadmus sa harapan ko nang masaksak ko siya sa likod. Parang sinisimbolo nito ang pagt-traydor ko sa kanya.
Napabangon pa nga siya sa kanyang higaan nang magising ko siya dahil sa sigaw ko. Umiiyak pa ako kaya panay ang halik niya a talukap ng mata ko dahil ayaw matigil sa pagpatak ng luha ko. Wala manlang siyang kaalam-alam kung bakit patuloy akong umiiyak. Dahil masasaktan ko siya.
“Sweetheart… Is anything wrong?” Nag-aalalang tanong nito. “Is it a nightmare, tell me…” inilagay niya ang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga. Napahagulgol na lang ako at napayakap sa kanya. “Shh…” Patuloy niya akong pinapatahan pero hindi ako matigil sa kakaiyak.
Nang dumating na ang araw na bumagsak na ang assets nito, alam kong doon na gustong iparating sa akin ni Jarmin na dapat ko nang simulan ang plano.
Napansin kong mas lalong pinapagod ni Cadmus ang sarili niya sa trabaho niya at nagigising na lang ako sa madaling araw na at nakikita ko siyang nagtatanggal ng kurbata.
Naaawa ako sa kanya dahil mukhang disappointed siya sa sarili niya, kahit wala naman siyang kasalanan dito. Hula ko’y sinisisi niya ako dahil ako ang naghandle non pero hindi siya umiimik. Hinahalikan niya pa ako sa noo pagdumadating siya at kalmado pa rin siyang magsalita sa akin.
Nakonsensya ako sa lahat ng ginagawa ko sa kanya kaya walang tigil ang iyak ko gabi-gabi. Paulit-ulit kong sinisisi ang sarili at si Jarmin. Pero wala akong magagawa kundi ituloy ang deal dahil kung wala ito, patuloy na babagsak sa lupa si Cadmus at ayaw kong makita ‘yon.
Pinaghirapan niya lahat ng nakamtan niya ngayon kaya alam kong masakit para sa kanya lahat ng nangyayari.
“Good night---morning,” sabi nito ulit nang makita na nakabukas ang mata ko kahit madaling araw na. Nakangiti siya sa akin habang nagtatanggal siya ng kurbata. “Why are you still awake?”
“I was waiting for you,” pinilit kong ngumiti. “How’s work? It should be better by now…”
Lies. Liar. Wala akong pinagkaiba kay Jarmin at Amber, sinungaling din ako. User.
“It’s better now…” He lied.
I know it’s not better.
Nagbadya ang luha sa aking mga mata. Paano niya ‘to nasasabi nang diretso? Na parang hindi niya iniinda ang stress at sakit.
“It will be better, Cadmus. I promise you that.” Mas nilapran ko ang ngiti ko para sa kanya.
Ngumiti siya pabalik pero nawala agad ‘yon nang makita niya ang mga mata ko. Nang mahawakan ko ‘yon ay halos mapamura ako. Tangina, namamaga na!
“Did you cry? Why?” Lumapit ito sa akin. Tumabi siya sa kama para tingnan ako. “Is there any problem, sweetheart? Tell me… What is it? I noticed that you’re always pale and lethargic these days. What’s happening?” Alalang tanong niya sa akin.
Nagsimulang tumulo muli ang aking luha kaya napasugod na lang ako sa kanya para yumakap.
Para siyang charger ko at ako ‘yung low battery na cellphone kasi parang siya ‘yung nagbibigay ng lakas sa akin. Kasi kapag niyayakap niya ako parang pakiramdam ko magiging maayos ang lahat. Masasabi ko na lang na ‘too good to be true’ siya pero totoo lahat ng ginagawa niya eh. Para siyang perfect na tao. Nasa kanya na ang lahat.
Nasa kanya na ang lahat pero sinaktan ko pa rin.
Ngayon ay alam ko na ang sagot sa tanong ko dati sa sarili. ‘Bakit ako naloloko kahit maganda naman ako?’ dahil kahit siyang perpekto ay naloko.
Hindi niya deserve ‘tong lahat. Hindi niya deserve ang babaeng kagaya ko na nanakit lang sa kanya. Hindi niya deserve masaktan at panooring masira lahat ng pinaghirapan niya.
Gusto kong ayusin lahat. Aayusin ko ‘to lahat. Gagawa ako ng paraan.