Chapter 11: Love always trusts
“Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo, hindi na nga kita gusto!” Sigaw ko rito.
“Erin, listen,” bumuntong hininga si Jarmin. “You know that I really love you. I know you can feel it. Ni hindi ka manlang ba nagtaka kasi isang araw tumawag na lang ako, sinasabing niloko kita? Sa tingin mo ba magagawa ko ‘yon?”
Sarkastiko akong tumawa. “Paano ko malalaman? Nasa sarili mo na ‘yan!” Sigaw ko at pilit na tinanggal ang katawan niyang kinukulong ako sa pader. “Kapag nakita ka rito ni Cadmus, he won’t hesitate to end you!” Sigaw ko pa sa kanya.
“End me?” Natigilan ito saglit pero agad ding natawa. “End me huh, Erin? He can’t end me. But I do can end him.”
“Ano bang gusto mong patunayan ha? Ano bang gusto mo?” Unti-unti nang naglalandas ang luha kong kanina ko pa pinipigilang bumagsak. “Iniwan mo na ‘ko tapos ngayon magpapakita ka ulit? Hindi na kita mahal, Jarmin. Hindi na.”
“Sinasabi mo lang ’yan kasi nandyan si Cadmus. Kasi pinakita niya sa ‘yong mahal ka niya. Nandito na ulit ako, Erin. Mas higit pa sa pera’t pagmamahal niya ang kaya kong ibigay sa ‘yo. Don’t act like I never loved you the way he did! I love you! We love each other, that’s the truth!” Sigaw pa nito sa akin pero nang makita niya ang mga mata ko ay lumambot ang tingin niya sa akin. “I-I’m sorry, Erin…”
He's right. There are similarities of him and Cadmus on how they made me feel loved. Jarim also took me out like Cadmus did, kissed me like Cadmus did, hugs me like Cadmus did, makes me laugh like Cadmus did but… Did he took me to a special person’s grave? Bought me cotton candy and balloons to heal my inner child? Kiss me in the forehead like Cadmus did? Say sorry like he did? Gives me assurance like Cadmus did? No.
“You’re not Cadmus, Jarmin. And you will never be. We are done long time ago.”
Cadmus finally left Amber infront of me and I will do the same to Jarmin.
“But I love you, Erin!” Nagsimulang maglandas ang luha sa kanyang mga mata.
“You love me? Then why did you left me hanging? I was struggling, Jarmin! You left me all alone! If you loved me, you will never call me one day and just say you cheated on me like it’s nothing! You left me!” Tumulo ang luha ko.
I genuinely loved him and I know he genuinely loved me too. But that does not change the fact that he cheated and left me. And now he wants to come back to me like nothing happened?
“Can you please let me explain, Erin? I just want you to spare some time to listen to me. Please Erin… I love you so much.”
“We are done, Jarmin…”
Napahilamos siya ng mukha. “Okay… Okay. Let’s just say that. We’re done. But please listen to me, just a few minutes, Erin… Please.”
Tiningnan ko siya, puno ng sama ng loob.
Pero wala eh, gusto kong makinig. Gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyari. Pero wala nang magbabago sa desisyon ko. Si Cadmus at si Cadmus lang ang pipiliin ko.
“Fine,” nag-iwas ako ng tingin.
Dinala niya ako sa isang coffee shop. Nakatingin lang siya sa akin samantalang ako ay nakatingin lang sa labas dahil ayaw ko siyang harapin. Gawa rin kasi sa salamin ang nagtatakip sa shop na ito ito.
“I never cheated on you, Erin…” panimula niya. Muntikan na nga akong masuka eh pero mas pinili kong tumawa ng sarkastiko. Ang galing naman ng panimula niya, kasinungalingan agad! “I-I’m not lying… I swear, I promise I’ll tell you the truth about everything.”
Hindi pa rin ako nagsasalita kaya bumuntong hininga siya.
“I’m greedy, that’s what people knew. But that’s wrong, it’s my father who’s that bad person. He may seem like the good person in other person’s stories because he fakes everything, but in reality he is not. He’s the one who controlled me. He wants me to handle our company in such a young age. He wants me to be Cadmus’ rival because he knew I’m his weakness because we used to be friends. He wants me to end him. And I cannot take it any longer because if I don’t do it, he will end everything that makes me happy. Even you, Erin. Even you.”
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Hindi ako nagsasalita.
“That’s why I left you, to save us. That’s the only reason I gave you because that’s the only for you to leave me. I know you love me, Erin. And I love you too---”
“Stop that crap,” I hissed.
“So I said that and left you because I don’t want you to be hurt. I already know you’re having a hard time and it’s my fault that I became another reason why it’s harder than the last time but it’s the only way to save our relationship. Sorry for being selfish but I really want to save us…”
“”Save us?’” sarkastikong tanong ko. “You never saved me, Jarmin.”
“Believe me, Erin… It’s the truth. When the time the company is passed to my name, my father can no longer control me so I called you but you never answered. I decided to go to the place where you used to live but Aling Pranswa said you no longer live there and you’re with your new ‘mukhang mayaman’ boyfriend. I don’t know who that guy is until I saw pictures of you and Cadmus in the mansion. It was taken by Dale. Do you remember him?”
Napaisip ako saglit hanggang sa bigla na lang pumasok sa utak ko ang pag-uusap namin ng kaibigan ni Cadmus.
“Hi, my name is Dale. I think I’ve seen you before… You’re kind of familiar.”
I remember him.
Hindi ako tumango, tumingin lang ako sa kanya para ikumpirmang kilala ko ito. Baka sabihin niyang interesado pa ako sa kanya. Ayokong pakainin ang delusyonal niyang isip.
“So I immediately came here. Then I saw Amber there saying you guys really have a relationship. That way, I confirmed it. You are that young Arcajante’s girlfriend now… How?”
“I don’t have time for this. I gotta go.” Tumayo na agad ako. “Hinahanap na ako ni Cadmus.”
Nagsimula akong maglakad.
“Erin, I love you,”
Napahinto ako sa sinabi niya pero nagsimula ulit akong maglakad. Hindi pa man ako nakaka-apat na hakbang ay nagsalita siyang muli.
“I will end him, Erin. I will end Cadmus.”
Pumihit ako paharap sa kanya. “Anong sabi mo?”
“Make a deal with me, Erin. Let’s make a deal.”
“Let’s go for a vacation,”
Nginitian ko si Cadmus, “Saan tayo pupunta? Tatawagan ko si Cadesia,” kinuha ko ang phone ko sa bulsa pero hinawakan niya ang kamay ko.
“A vacation for the two of us, only.” Sabi niya habang malalim ang tingin sa akin.
“Saan naman?”
“An island… beach? Just tell me. I’ll take care of it.” Niyakap niya ako kaya napahagikhik ako sa kilig. Hindi ko na ‘yon itatago sa kanya.
“Sige! Beach tayo!” Excited kong sabi tsaka niyakap siya pabalik.
Ilang araw lamang matapos ang pag-uusap na ‘yon ay dinala niya ako sa pribadong isla.
Naka-light blue two piece triangle swimsuit ako syempre. Nakababa ang aking buhok na nakalugay, pinatungan ko ito ng beach hat.
Nakaupo ako sa beach chair habang naglalagay ng sunblock sa aking katawan. Masarap pakinggan ang tunog ng alon na humahampas sa putting buhangin.
Ngayon lang ako nakapagbakasyon na ganito. Kapag kasi gusto naming gumala nina Nirca noong highschool ay pumupunta lang kami sa Mall para mag-window shopping. O kaya naman sa bahay lang nila kami para manood ng movie mula sa illegal sites na nakuha pa namin sa mga kaklase ko noon.
“Ang sarap pakinggan… Hindi pa ako nakakaalis dito ay gusto ko nang bumalik ulit. Sana mayroon pang pagkakataon…” Huminga ako nang malalim bago pumikit para damhin ang tahimik na tunog ng alon at ang malamig na hangin.
Nang maalala ko ang deal namin ni Jarmin ay napadilat ako bigla. Tila nawalan ako ng gana.
Tumingin na lamang ako sa mga ibong lumilipad. Hindi gaanong katirik ang araw kaya hindi nakakapaso sa balat. Kung hindi siguro pumasok sa utak ko ang deal na ‘yon ay mas na-enjoy ko pa ang paigid.
Deal… Doon din kami nagkakilala ni Cadmus.
“Hey,”
Tumingin ako sa likod ko nang marinig ko ang isang baritonong boses nito. Nalaglag ang panga ko nang makita ko siyang topless at naka-beach shorts. Ang buhok niya’y hindi nakaayos pero mas lalo niya itong kina-gwapo. Humahangin din iyon, parehas ng buhok ko.
That scene felt unreal. Para akong nasa drama na biglang nagslowmo ang paligid habang nakatingin siya sa akin at nakangiti. Samantalang ako naman ay hinahangin ang buhok habang nakatingin sa kanya.
“Can you apply the sunblock for me?” Ngumiti ito sa akin bago lumapit. Nang makalapit na siya sa akin ay tumalikod siya.
“Hindi pa nga ako umo-oo, tumalikod ka na!” Tumawa ako.
Inilagay ko ang sunblock sa likod niya. Pagkatapos non ay humarap siya sa akin. Ang harapan naman niya ang nilagyan ko ng sunblock. Medyo naiilang ako dahil nakatitig siya sa akin habang ginagawa ko ’yon at ngayon lang ako nakahawak ng ganito.
Hinawakan niya ang kamay ko tsaka hinalikan. “Can we… Can we be lovers for real, Erin?” Humarap siya sa akin, puno ng pag-asa.
Natulala ako sa tanong niya. Bakit ngayon pa?
Binaba ko ang kamay ko tsaka ko hinawakan ang pisngi niya. “Sinabi ko na sa ‘yo noon pa lang, Cadmus… Masasaktan lang tayo pareho.”
Nawala ang ngiti niya dahil doon.
Bumuntong hininga siya. “Erin look, we’ll never know if we try. How can you be so sure with that? I promise you, it’ll be worth risking. If I get hurt, so what? It’s okay to be hurt…” Pagsusumamo nito sa akin. “Erin, let’s try… Give it a try. If I waste a chance you can leave me anytime you want. But I promise you, I won’t waste you and your time. Please Erin…”
Tumingin ako sa kanya. Mukhang pursigido talaga siyang makuha ang puso ko. Pero paano? Masasaktan ko lang siya sa huli. Pero ang sabi niya, kahit masaktan daw ay ayos lang. Ayaw ko naman na mangyari ‘yon. Bakit ko gugustuhin?
“Be my girlfriend, Erin,” he kissed my cheeks. “I date to marry.”
Maluha-luha ko siyang niyakap. Hindi ko alam ang isasagot ko. Pwede naman naming subukan, hindi ba? Kahit masaktan?
Kahit masaktan, babalik at babalik ako sa kanya.
Sunod-sunod ang pagtango ko habang masuyo niyang hinahalikan ang aking pisngi. Mas lalong lumapad ang ngiti sa kanyang labi ng makita niya ‘yon.
“Say it,” hinawakan niya ang pisngi ko, pagkatapos ay hinalikan ang umiiyak kong mga mata. “Is that a yes, Erin? Please say yes to me.”
“Y-Yes, I’m your girlfriend now, C-Cadmus. That’s a yes.” Sabay naming niyakap ang isa’t isa. Ang mainit niyang katawan ay nagbigay sa akin ng komportableng pakiramdam.
Nobyo ko na talaga ang batang Arcajante… Hindi na kami magpapanggap dahil boyfriend ko na talaga siya!
“Thank you Erin, thank you for giving us a chance.” Sabi nito matapos naming maghiwalay sa yakapan. Pinatakan niya ng maraming halik ang aking noo habang nakangiti.
Pagkatapos non ay sumakay kami ng yacht. Tuwang-tuwa ako habang pinapanood ang mga isda. Napakalinaw ng dagat, para akong nasa langit! Ito na ‘ata ang pinakamasayang araw na meron ako sa buhay ko.
Pero ayaw kong maging masyadong masaya kasi ang alam ko, pag masyado kang masaya ay iiyak pa bukas!
Kahit na! Masaya talaga ako kapag kasama ko si Cadmus. Para akong bata na nakatakas sa bahay pag tanghalian para makipaglaro sa paborito niyang kalaro. Ang saya ng puso ko.
“Erin!” Tawag niya sa akin. Tumingin ako sa likuran ko. Nakita ko si Cadmus na may hawak na turon. Umakto siyang nagsu-surprise. Natawa tuloy ako. Lumapit siya sa akin agad. “Eat this. It’s my favorite now.” Tumawa siya.
“Favorite huh?” Kumagat ako rito habang nakatingin sa kanya.
“Yes,” kinagatan niya rin ang area kung saan ako kumagat. “All your favorites are my favorites now too.”
Tumawa ulit ako tsaka siya hinalikan sa labi. This time, ako na ang unang gumawa noon kaya mukhang nabigla siya.
“Damn… That’s a sweet kiss.” He licked his lips. “I want more,” inilagay niya ang kamay niya sa aking pisngi. Ang isang kamay niya ay itinaas ang iilang hibla ng buhok kong nagtatakip sa aking mukha. Iyon ang ginawa niya bago ako halikan.
“You want more?” Tanong ko nang matigil ang aming halik. Pilyo siyang ngumiti bago tumawa. “I’ll give you more,” hinalikan ko siya ulit habang tinatanggal ko ang strap ng aking bra.
I wish this day never ends. I want to be with him forever.