Chapter 13: Love always perseveres
“I will end him, Erin. I will end Cadmus.”
Pumihit ako paharap sa kanya. “Anong sabi mo?”
“Make a deal with me, Erin. Let’s make a deal.”
I scoffed. Dali-dali akong bumalik sa aking inuupuan dala ang kaba sa aking dibdib. Ano na naman ba ang pinagsasabi niya? Tinatakot niya na naman ako kasi ayaw kong balikan? Ganyan na ba talaga siya kadesperadong mabalikan ko?
“Deal? What the hell are you talking about?”
“You know I can end him easily… I already told you about it. I will stop my father’s plan on ending him in two conditions.”
“Tinatakot mo na ako?” Tumawa ako at hinampas ang mesa. “Hinding-hindi ako matatakot sa pera mo, Jarmin,” seryoso kong sabi rito.
Tumingin lang siya sa akin. “Did you notice that Cadmus is struggling more in his work these past few days?”
Huh? Tama siya! Talagang mas nagiging busy sa trabaho niya ngayon si Cadmus. Paano niya nalaman? Siya ba ang may pakana non?
“That’s just the beginning, it’ll get worse and worse everytime you decline me until he finally falls. You love him right? Do you want to see him suffer?” Mukhang ine-enjoy pa nito ang pang-iinis sa akin.
“I’m not like you!” Kinuyom ko ang aking kamao. Sobrang diin ng pagkakatusok ng kuko ko sa aking palad na para bang magsusugat na ito anumang oras. “Tell me the conditions.”
Kahit tapak-tapak na ang pride ko, gagawin ko ‘to. Lagi na lang si Cadmus ang nagpapasaya sa ‘kin. Tinutulungan niya ako ng walang kapalit, binibigyan ng oras kahit pagod na siya, nagbibigay ng walang kapalit at marami pa. Siya na lang palagi. It’s my turn to return the favor.
I’m sorry, it’ll hurt temporarily… You’ll forget about me someday. You’ll find a girl prettier than me, smarter than me, taller than me, more kind than me, richer than me and… A girl who’ll stay true ans faithful to you unlike me.
“What will you name your company when you created one?”
“Hyacinth…” Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya. Nag-aayos ako ng gamit. Ito na ang huli naming pagkikita.
“That’s a beautiful name… What’s the reason why you chose it?” Napahinto ito saglit, marahil napansin na marami akong kinukuhang damit. “A-Are you going out with your friends?” Sa tono nitong kahit medyo nanginginig ay masaya pa rin, aakalain mong siya pa’y mas excited kesa sa akin.
“No,” simpleng sagot ko.
“Then where are you going, baby?”
Napahinto ako sa tono nito. Mukhang wala siyang kaide-ideya sa gagawin ko. Todo pagpipigil ako ng luha kong halos hindi na matigil ilang linggo na. Ayokong maranasan niya rin ‘to.
“C-Cadmus,” I tried to stay calm but I can’t. I ended up shaking my own voice. “I’m leaving…”
“Where are you going? Can I go with you?”
Nag-iwas ako ng tingin dahil may kumawalang luha sa aking mga mata. Bakit ba ang lambot lambot ko pagdating sa kanya? Parang gustong manginig ng tuhod ko sa sobrang sakit ng nararamdaman.
“Cadmus let’s break up…” Marahas kong pinunasan ang aking luha bago ako tumingin sa kanya.
Natulala ito sa akin. Ilang minuto siyang natahimik at nakatigil lang ang pares ng mata niya sa mga mata ko. “I-I’m pretty sure I heard it wrong…” Nagpilit ito ng tawa. “You’re going on a break?”
“Nakikipaghiwalay na ako sa ‘yo, Cadmus…” Pag-uulit ko sa kanya.
Natahimik muli kami. Hanggang sa makita ko na ang luhang nagbabadya sa kanyang mata. Hindi ko na napigilan ang luha kong kanina ko pa sinusubukang pigilan.
“Why… It’s been only a month since we had a relationship… Why? What’s the reason? Did I do something wrong? Why…” Napaupo ito sa sahig habang nakatingin sa akin. “Right… It’s my fault. Sorry I’m not giving you more time than I deserve. Manang Aida’s right, these days I’m prioritizing work over you… I’ll do better. Let’s have a date again? Can we do that? Let’s go eat turon---”
“Ayoko na Cadmus,” nakatingin pa rin ako sa kanya.
“Or go back to the beach and ride a yacht again like we did---”
“Cadmus please,”
“Or visit mommy again and go to park after that---”
“Cadmus…” Sunod-sunod ang pagbagsak ng luha ko ng sinabi niya ang tungkol sa mama niya. Naging mahalagang pangyayari pa naman ito para sa akin. Bukal lahat sa looban ko.
“Or I’ll sing you to sleep---”
“Cadmus tama na!”
“Erin…” He broke down in front of me. He started sobbing. “Why did you give up so easily. One month… We’re only one month in a serious relationship but why so sudden… I-I thought we would try? Can you, Erin? Try?” Hirap na hirap siya sa pagsasalita dahil nauunahan ito ng hagulgol.
“Tama na, Cadmus… Ayoko na…”
“Bakit nga?” Halos pabulong na tanong nito sa akin tsaka napasabunot sa sarili. “Bakit parang ang dali lang sa ‘yo?”
“Jarmin and I got back together…” Iyon ang nakuha kong rason para rito.
“What?” Humarap ito sa akin. “I-Is that the reason why you’re c-crying every night? Kasi nakokonsensya k-ka sa ginagawa mo sa ‘kin?”
“Nagsimula lang naman tayo dahil sa deal, ‘di ba? Bakit nag expect ka? Hindi mo inisip na ginamit lang kita dahil sa pera’t pamilya mo?” Napataas ang tono ng boses ko.
“Call me an assuming person but I never ever saw you’re faking it whenever I look into your eyes!” Tumayo siya habang patuloy ang pagbagsak ng luha niya. “We are not going to break up. We’re going to fix this.”
“Hindi mo ba narinig? Jarmin and I got back together! That’s cheating!”
“Then cheat!”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Wala na ba siyang respeto sa sarili niya? Ganyan niya ako kamahal? Mukhang masyado kong minaliit ang pagmamahal niya sa akin dahil nagulat pa ako sa sinabi niya.
“C-Cadmus…” Napahagulgol na lang ako.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Nandoon si Cadesia na umiiyak. Nang magtama ang mga mata namin ay masama ang tingin nito sa akin.
“You are like Amber, Erin…” Matigas nitong sabi. “You are all a pathetic user bitch.” Niyakap nito ang kuya niya. “Leave!” Sigaw nito sa akin.
Natulala na lang ako. Parang wala na akong maiiyak dahil sa daming bumagsak na luha sa akin nitong mga nakaraang linggo.
Nagmadali akong kunin ang aking maleta ko. Ayokong makita ang mga mukha nila dahil mas lalo akong nasasaktan. Para akong sinasaksak nang ilang beses sa puso. Sobrang sakit sa pakiramdam.
Tumawag ako sa mga kaibigan ko para sabihin ang nangyari. Pinatuloy muna ako sa bahay ni Nirca.
“Erin!” Niyakap niya agad ako. Nandoon din pala’t naghihintay sina Renice at Laurel. Namumula rin ang mga mata nila kakaiyak. Marahil sa pagkwento ko ng buong dahilan kanina.
“Ano pang nangyari? Huh? Sinasaktan ka ba nung Jarmin?”
Hindi ako nakapagsalita. Humagulgol na lang ako nang humagulgol.
“Huwag niyong… Huwag niyong sasabihin sa iba ang lahat ng sinabi ko sa inyo… Lalo na sa mga Arcajante.” Patuloy pa rin ako sa pagsinghot. Halos hindi ko na mabuka ang aking mga mata dahil sa pagkamaga nito.
Ilang araw akong umiiyak hanggang sa dumating na ang araw na lilipad ako papuntang Chicago. Doon na ako mag-aaral. Isa ‘yon sa kapalit ng ginawa kong pananakit at pagdurog kay Cadmus.
In-offer-an pa ako ng walanghiyang Jarmin ng tulong pero hindi ko ito tinanggap. Pagkalapag ng aking mga paa sa ibang bansa ay pinangako ko sa aking sarili na babawi ako sa sarili ko, sa kanila at higit sa lahat… Sa mga Arcajante.
Minahal nila ako nang buong buo tapoa ganito lang ang ibibigay ko sa kanila? Hindi ko ‘yon hahayaan.
Isinusumpa ko sa kanilang lahat, pagkabalik ko sa Pilipinas, ganap na akong CEO. Hindi na nila ako matatapakan ulit. Hinding-hindi na ako hihingi ng pera kahit kanino. Bubuhayin ko ang sarili ko.
Pahirapan sa paghahanap ng trabaho rito sa Illinois dahil isa ito sa pinaka-populated na lugar sa United States. Marami rin kasing mas magagaling sa akin dito at may experience pa. Hindi tulad kong nag-aaral pa lang.
Ang balak ko’y pagsabayin ang pag-aaral ko’t pagt-trabaho para matustusan ko ang aking sarili. Kahit minsan ay tatlo hanggang apat na araw na akong walang tulog, nagpapatuloy pa rin ako para sa pangarap ko.
Kapag naiisipan kong sumuko ay ipinapaalala ko sa aking sarili ang mga Arcajante at ang ginawa nitong pagtanggap sa akin kahit na mahirap lang ako. Gusto kong maging kagaya nila.
Narinig ko ang notification galing sa phone ko ng makita ko ang screen ay puro missed calls ni Jarmin ang bumungad sa akin. Marahil ipinipilit ibigay sa akin ang pera pero hindi ko tinatanggap. Ako na rin ang nagbayad sa ticket ko papunta rito.
Akala ko sa pagtatrabaho lang ako mahihirapan pero mas nahirapan ako sa pagpasok sa kolehiyo. Bukod sa mamahalin ang mga iskwelahan ay andami pang kakailanganin. Nakakailang iyak na ako pero wala akong magawa kundi magpatuloy para sa pangako ko sa aking sarili.
Nang makapasok ako sa isang unibersidad ay nagsimula akong magkaroon ng bagong mga kaibigan. Mayayaman sila at malalaki ang koneksyon sa iba. Kahit piso ay wala akong hiningi sa kanila, sila ang tumulong sa akin para makapaghanap ako ng trabaho.
Ang unang trabaho na pinasok ko ay ang modelling. Ang kaibigan kong si Grace na Black American ang nagdala sa akin sa industriyang iyon tutal pasok daw ako sa standards nito.
Doon ako nagsimulang magkaroon ng pera. Hanggang sa nakapag-ipon ako para sa aking sarili. Inabot ako ng dalawang taon bago ako tuluyang magkaroon ng budget para gumawa ng kumpanya. Saktong naka-graduate na ako at swerte, hindi ako umulit.
“You’re going back to the Philippines?”
Napangiti ako sa tanong ni Grace. “Not yet, Gracey. I’m planning to start the company here before I go back to there.”
“You’re really motivated for your dream huh! You got the energy, I love it!” She chuckled. “Tell me when you go back to the Philippines because I’d love to go back with you!”
Go back… Paano ako makakabalik doon kung puno ng kalungkutan ang iniwan ko sa mga tao roon na mahahalaga sa akin?
Dugo’t pawis ang inilaan ko sa paggawa ng kumpanya. Ang dami kong risks na minsan ay sumasablay pa. Kailangan kong magpatuloy even this is Hell. I heard someone say, “If you’re going through Hell, keep going. Why would you stop in Hell?”
I won’t stop.
And then my time came. The company’s successful. Dahil na rin sa koneksyon ko ay mas dumali ang dating nasa isip ko’y mahirap. Ang mga pangarap ko, unti-unting natupad.
Nang mag-open ang applications para sa secretary ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Amber. Mas nagulat siya nang makita ako!
“Y-You are the CEO?” gulat nitong tanong.
“Yeah?”
Now this is fun. It’s my turn to return what she gave to me. But I’m not a bitch like her so I’ll kill her with kindness. I accepted her as my secretary even it disgusts me everytime I remember what she did to me and Cadmus. I just hope she had a character development, at least. So I wouldn’t have a problem.
Sa loob ng isang buwan naming pagsasama ni Amber ay napansin kong nagbago nga siya. May respeto rin siya sa akin at tinatawag pa ako ng may “po” at “opo” nalaman ko rin na sa iisang unibersidad kami nag-aral pero magkaiba kami ng kurso.
“Ma’am Crisostomo, you have a meeting in five minutes with Mr. Tamizen of Tamizen Air group.”
Tumango ako rito at naghanda na.
Cosmetic company. That’s Hyacinth. I built it.
Kapag nalulungkot ako ay nagluluto ako ng turon sa bahay o kahit anong street foods. Pini-picture-an ko ang aking sarili for remembrance at sine-send ko ‘yon kay Jarmin para malaking sampal sa kanilang dalawa ni Amber ang ginawa nila sa akin. Kung hindi dahil sa kawalanghiyaan na ginawa nila sa akin ay hindi ako makakarating kung nasaan ako ngayon. Nagsinungaling din ako sa pagsasabi na kami na ulit ni Cadmus.
Ngayon nga’y nasa isip ko, baka kasal na ‘yon… I’m turning twenty five now. He’s twenty eight so there’s a high possibility that he’s married now. I wonder how his wife looks like. Maybe he already have a child by now?
Maraming nangyari sa loob ng isang taon hanggang sa dumating ang oras na kailangan ko nang bumalik sa Pilipinas para sa isang meeting. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang company name non.
“What the fuck…” I covered my mouth.
It’s the Arcajante’s company.